Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.
Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Marahil ay namamahay siya.That was why he decided to go out first. Gusto niya munang magpahangin at magpaantok kaya naman lumabas muna siya at nagtungo sa may swimming pool ng naturang bahay.Alam niyang katapat niyon ang silid ni Fiona. Hindi niya inaasahan na gising pa ito at makikita niya sa may teresa. Ang buong akala niya ay kasalukuyan nang tulog ang dalaga.Yes, hindi siya makatulog ngunit may pakiramdam siyang mas hindi siya dadalawin ng antok ngayon. Why, the woman was bewitching a while ago!Gabi at bahagya mang madilim sa kinatatayuan nito kanina ay kitang-kita niya pa rin ito. Her hair looked dishevelled and the night air was playing with them. At sa gitna ng mga siwang-siwang na bakal na siyang harang sa teresa nito ay tanaw niya ang suot ng dalaga.She was just wearing a night dress that emphasized her slim and gorgeous body. Halos nakayakap na ang manipis na telang iyon sa katawan nito. At ang haba ay ni hindi man lang lumampas sa mga tuhod ni Fiona!"Shit!" he hissed on his breath.Unang kita niya pa lang sa dalaga ay pansin na niya ang gandang taglay nito. Hindi na siya magtataka kung marami mang lalaking nanliligaw kay Fiona. Tulad na lamang sa binatang kausap nito sa bar. Halata sa lalaki ang labis na pagkagusto sa bunso ng mga Olvidares.Maging si Mr. Vergara nga ay inakala niyang manliligaw nito. Kung hindi pa sinabi ni Fiona na nanliligaw ang binata sa isa nitong kaibigan ay aakalain niya talagang may gusto rin ito kay Fiona. Iba rin kasi kung makatitig si Mr. Vergara sa dalagang Olvidares.Now, he can't blame the men drooling over Fiona. The woman was oozing with sex appeal. Any man who would see her would think of jumping on bed with her.At siya ba ay ganoon din? He murmured a foul oath again.Paano siyang napunta sa ganitong trabaho? Napakalayo niyon sa mga naunang assignments na naibigay sa kanya.Noon, ilang araw pa lang sa kanya ang kliyente ay nasasabak na siya sa engkwentro. Habang itong trabaho niya ngayon ay ilang araw na sa kanya at wala siyang ibang ginawa kundi ang sundan lamang si Fiona saan man ito magpunta.Would it be a boring job for him? Oh well, he doubted it. Bangayan pa lang nila ni Fiona ay nakabubuhay na ng dugo niya.*****NANG SUMUNOD na araw ay nakagayak na si Fiona para pumasok ulit sa OMC. Alas-siyete pasado pa lang ng umaga ngunit palabas na siya ng kanyang silid. Dahil nga sa magiging abala siya sa mga susunod na araw ay gusto niyang tapusin agad ang ilang mahahalagang trabaho sa kanilang kompanya.May dadaluhan siyang meeting para sa araw na iyon. Ang ibang oras naman niya ay nakalaan para sa pagpirma ng ilang importanteng dokumento.Tuloy-tuloy na siyang bumaba at agad na hinanap ng kanyang mga mata ang bodyguard niya. Hindi nila napag-usapan kagabi kung anong oras ang alis niya sa araw na iyon. At kung hindi pa man ito handa sa pag-alis ay bahala ito. She can drive anyway.Tinapunan niya lang ng tingin ang direksyon ng guestroom na inokupa nito saka nagtuloy na sa may komedor. Alam niyang naroon si Manang Ligaya, ang isa sa mga pinagkakatiwalaan sa bahay nila at siyang nag-asikaso sa kanila ng kanyang Kuya Lucas mula nang bata pa lang sila.Ayon sa kanyang ina ay nasa kinder na raw ang kapatid niya nang mamasukan ito sa kanila at naging tagapagbantay nila. Hindi lang ito basta kasambahay sa kanila. Actually, Ligaya also finished her studies. Graduate ito ng Education ngunit dahil sa laki ng pasahud ng kanyang mga magulang ay mas pinili nitong magtrabaho sa kanila. Hindi lang kasi pagbabantay sa kanila ang gawain nito. She also became their tutor when she and Lucas were younger. At sa paglipas ng mga taon ay ito na ang naging tagapamahala ng mga kasambahay at mga gawain sa bahay nila.At nakaugalian na ni Fiona na laging magpaalam sa kanyang mga magulang kapag aalis siya. Now that they were not around, she would still do it... but to Manang Ligaya.Dire-diretso na siyang naglakad sa may dining area at handa nang hanapin ang kanyang pakay nang bigla na lang ay matigilan siya sa paglalakad.Sa may entrada pa lang ng komedor ay nabungaran niya na si Manang Ligaya kasama ang isa pa nilang kasambahay. Hindi lang ang mga ito ang naroon sapagkat naabutan niya pa ang dalawa na masayang nakikipag-usap sa kanyang bodyguard--- kay Randall!Buong akala pa man din niya ay nasa silid pa nito ang binata at hindi pa handa sa pag-alis. Pero hayun na ito at bihis na bihis na rin tulad niya. Nasa harap ito ng mesa kasama nina Manang Ligaya at waring pinag-uusapan pa ang mga nakahain roon.Sabay-sabay na napabaling sa kanya ang mga ito nang mapansin ang pagdating niya. Hindi pa nakaligtas sa kanyang paningin ang ngiti sa mga labi ng matanda.Manang Ligaya may be their nanny before, pero waring kapamilya na rin naman ang turing nila dito. At ang makita itong nakikipagkwentuhan sa lalaking bagong kakilala pa lang nito ay bago sa kanya. Ni hindi ito ganoon kay Marvin sa ilang beses na rin na pagpunta roon ng binata dahil nga sa nanliligaw sa kanya.Pero kay Randall... para bang matagal na nitong kakilala ang bodyguard niya."Nakabihis ka na pala, hija," saad sa kanya ni Ligaya. Inayos na nito ang isang bandehadong dala-dala nito saka siya inaya nang maupo. "Mag-almusal ka muna bago umalis.""Hindi na, manang. I am going. Sa OMC na lang ho siguro," tugon niya dito sabay sulyap kay Randall. "I can see that you are ready. Let us go.""No, Fiona," mariin nitong saad sa kanya. "Tama si Manang Ligaya. Mag-almusal ka muna bago umalis."Hindi niya maiwasang pagtaasan ito ng kilay. Here he goes again. Lahat na lang ay pautos nitong sinasabi sa kanya. Hindi ba't dapat siya ang masunod sa kanilang dalawa dahil siya ang kliyente nito?"Sa kompanya na lang, Mr. Mondejar. Kailangan ako sa kompanya nang maaga at---""Nakausap ko si Chloe," tukoy nito sa acting secretary ng kanyang Kuya Lucas. Sa ngayon kasi ay wala pang bagong sekretarya ang kanyang kapatid dahil sa biglang pag-resign ni Janel, ang talagang sekretarya nito. "Alas-nueve ang unang meeting na dadaluhan mo ngayon, Fiona. Now, sit and have your breakfast. Sayang ang paghanda nina Manang Ligaya nito kung hindi papansinin."Sa haba ng mga sinabi nito ay hindi niya alam kung alin ang nakapagpatahimik sa kanya. Marahil ay ang kaalaman na inalam nito kay Chloe ang schedule niya. Hindi niya pa akalain na may komunikasyon ito sa sekretarya nila. Kailan pa?Or maybe the tone that he used. Pautos ulit iyon at wari bang hindi ito tatanggap ng hindi bilang sagot. Bagay iyon na muli na namang nakapagpainis sa kanya.O marahil ay ang pagtawag nito sa kanya sa una niyang pangalan. Hindi ba't Miss Olvidares ang tawag nito sa kanya. Paanong Fiona na lang ngayon? Not that she mind at all. Wala namang problema ano man ang itawag nito sa kanya?Hindi niya lang mapigilan ang paggusot ng kanyang noo. Bakit waring iba sa pandinig niya ang pagbigkas nito sa pangalan niya?Agad niyang ipiniling ang kanyang ulo para iwaksi iyon sa kanyang isipan. Tumayo siya nang tuwid at mariin na nagwika."I said I am going now, Mr. Mondejar. Hindi na---""Kung hindi ka mag-aalmusal, pwes ako, oo," matigas nitong sabi sa kanya bago pumuwesto na sa isang silya.Sina Manang Ligaya at ang isa pa nilang kasambahay ay mataktikang umalis na roon at pumasok na sa may kusina. Siya naman ay hindi mapigilan ang pag-ahon ang iritasyon."Okay, eat well, Mr. Mondejar. I am going," pumihit na siya paalis ngunit agad din namang natigilan nang magsalita itong muli."Bodyguard mo ako, Fiona," wika nito. "Paano kita mapoprotektahan kung gutom ako?""That was why I am telling you to eat. Sinabi ko bang hindi? But I am now leaving and---""Upo," utos nito sa seryosong tinig. Mataman na rin itong nakatingin sa kanya habang nagsasalita. "Kalabisan ba para sa iyo ang kumain muna ng almusal? And are you that inconsiderate not to let me eat first before we leave?"She almost rolled her eyes upwardly. Bakit ba ito ang bodyguard na nakuha ng kanyang kapatid sa Triple Security? She was so sure there are a lot who can also do Randall's job right now. Si Rafael na lamang halimbawa, ang panganay na anak ng mismong may-ari ng security agency na pinanggalingan ni Randall. Si Rafael ay anak ng Ninong Ronniel ng kanyang kapatid.Kakilala na nila si Rafael at nasisigurado niya pang hindi kasing-antipatiko ng lalaking nasa harapan niya ngayon.*****DAHIL SA pagpipilit niya kay Fiona na kumain muna ay pasado alas-otso na ng umaga sila nakarating sa Olvidares Manufacturing Corporation. He saw the disapproval in her eyes when he asked her to join him for breakfast.Bagay iyon na pinagtataka niya. Nakakwentuhan niya naman kanina si Manang Ligaya at nabanggit nito sa kanya na magana raw kumain ang dalaga, bagay na hindi alam ng nakararami.She's a model and an endorser. Everyone might expecting for her to always have a healthy diet. Ginagawa naman raw iyon ng dalaga kasabay ng palagiang pag-eehersisyo. Ngunit sa kabila raw niyon ay hindi pinapalampas ni Fiona kapag naghahanda sina Manang Ligaya ng mga paborito nitong pagkain.She loves eating. And maybe, Fiona was one of those blessed with good metabolism that despite that, her body remained slim and gorgeous.At kanina ay inaasahan na nina Manang Ligaya na dudulog ito sa hapag upang mag-almusal, na ginagawa naman daw nito araw-araw. Ngunit hindi iyon ang nangyari kanina and he knew why--- malamang na iniiwasan siya nito at nais na umalis ng bahay nang mag-isa.But she didn't win. Siya ang nasunod kanina at wala itong nagawa kundi ang saluhan siya sa pagkain ng almusal. At alam niyang mas nagpadagdag iyon ng inis nito sa kanya.Pagkarating nila sa kompanya ng mga Olvidares ay sumunod siya hanggang sa palapag kung saan matatagpuan ang opisinang ginagamit ni Fiona. Dire-diretso itong humakbang patungo roon na sadyang sinabayan pa ni Chloe sa paglalakad nang makita nito ang pagdating ng dalaga. Hindi pa nakaligtas sa kanyang pandinig ang naging takbo ng usapan ng dalawa."Good morning, Miss Olvidares. Mrs. Manrique was asking for an appointment with you. Tungkol daw ho sa products na sinu-supply ng OMC sa kanila. I set your meeting with her on Friday morning. Is it okay with you, ma'am?""Okay," tipid na sagot ng dalaga.Hindi pa maiwasang paglakbayin ni Randall ang kanyang mga mata kay Fiona. She looked and moved in such a sophisticated way. Sa gayak pa lang nito ay nagsusumigaw na ito ng karangyaan. She also looked snob. Napatunayan niya na rin, base sa ilang pagkakataon na nakausap na niya ito, na may pagkamataray ang dalaga. Marahil ay dahil na rin sa kinagisnan nitong buhay.But deep inside, Randall could feel some vulnerable side in her. Sa kabila ng pinapakita nitong pagtataray sa kanya, hindi pa rin makaligtas kay Randall ang ganoong awra dito. She looked soft despite her snob personality."And one more thing, ma'am," susog pa ni Chloe bago pa man makapasok sa loob ng opisina si Fiona. "May dumating ho na bouquet ng bulaklak para sa iyo. Nasa mesa niyo na ho.""Kanino galing?" nagtatakang tanong nito sa empleyado."May envelope ho na kasama. Nasa bouquet lang ho."Nakita niya ang pagdikit ng mga kilay ng dalaga bago walang salita nang pumasok sa loob ng opisina. Alam niyang magiging abala na ito sa trabaho kaya naman pinili na lamang niyang maupo sa settee na nasa malapit lamang sa mesa ni Chloe.Hindi nga maikakaila na si Fiona ang uri ng babaeng hindi nawawalan ng manliligaw. Ang bulaklak na natanggap nito ngayon ay malamang na galing sa kung sino mang lalaking may gusto dito.Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo nang bigla ay narinig niya ang pagtawag ni Fiona kay Chloe. Dali-dali namang pumasok sa opisina ang sekretarya nang marinig ang tinig nito.Si Randall ay napatayo na rin at napahakbang palapit sa opisinang kinaroroonan ng dalaga. Nang sumilip siya sa loob ay naabutan niya pa si Fiona na inaabot ang bouquet ng bulaklak kay Chloe."Throw it, Chloe. Hindi ko gustong makita iyan dito sa opisina," nababahalang wika nito.Nagtataka man ay tumango na lamang si Chloe. Pumihit na palabas ang sekretarya na nang makita siya sa may entrada ng opisina ay saglit na natigilan.Napayuko pa siya sa mga bulaklak. His attention was caught by a crumpled paper. Hindi mahirap hulaan na iyon ang note na kasama ng bouquet.He got it and read what was written."...if I can't have you, no one should..."Thank you for reading.
Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatil
Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail
Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na
Nang sumunod na araw ay maagang gumayak si Fiona. Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa opisina ng kanyang Uncle Ronniel, ang kaibigang matalik ng kanyang ama na si Jake.Hindi nila kadugo si Ronniel ngunit kung titingnan ay higit pa sa magkakamag-anak ang turingan ng pamilya niya at ng pamilya ng mga ito. Iyon ay dahil na rin sa tagal ng taon ng pagiging magkakaibigan ng kanilang mga pamilya.At ngayon ay sinadya niya nga ang kanyang Uncle Ronniel sa opisina mismo nito. Nais niya itong personal na kausapin hinggil sa nais niyang mangyari. Nais niyang makiusap na bigyan siya ng ibang bodyguard. Nais niyang hilingin na palitan nito ang binigay nito sa kanya.Ilang araw na rin nang makilala niya si Randall--- ang bodyguard na ayon sa kanyang Uncle Ronniel ay isa sa pinakamagaling at maaasahan sa mga empleyado nito. Iyon ang mga sinabi ng kanyang Kuya Lucas nang minsang makausap niya pa ito.He was right. Yes, sa maraming pagkakataon ay napatunayan iyon ni Randall. He was good at his
"Salamat, p're. Kunin ko na lang sa Sabado," wika ni Randall kay Migo bago inabot dito ang susi ng kanyang motorsiklo.Si Migo ang kausap niya kanina sa Triple Security Agency nang bigla na lang ay paharurot na imaneho ni Fiona ang sasakyan nito. Agad siyang nagpaalam kay Migo at dali-daling sinundan ang dalaga.Bigla pa siyang nakadama ng galit nang hindi man lang pansinin ni Fiona ang pagtawag niya kanina. Tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho na waring sadyang nilalayuan siya.Hanggang sa ang galit na nadarama niya kanina ay mabilis na napalitan ng matinding takot at pag-aalala nang makita niyang isang truck ang munting nang makasalpukan ni Fiona sa daan.Nakarating na sila sa may isang intersection at saktong red light ang nasa linya nila, dahilan para akmang magtutuloy-tuloy sana sa pag-andar ang mga sasakyan mula sa kabilang kalsada.At hinuha niya na hindi nakatitig si Fiona sa unahan at abala ito sa pagbantay kung nakalayo na ba ito sa kanyang motorsiklo. Alam niyang iyon ang ra
Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya
Marahang iginala ni Fiona ang kanyang mga mata sa kabuuan ng lugar. Marami ang tao at halos mag-unahan sa pagbaba ng barko. Sila ni Randall ay naroon pa rin sa upper deck at sadyang pinauna ang mga kasamahang pasahero sa pagbaba.Hindi niya pa maiwasang mapabuga ng isang malalim na buntong-hininga. It was her first time to take a public ferry boat. Sa tuwing pupunta siya sa ibang lugar ay lagi nang eroplano ang pinipili niyang sakyan. Maliban sa mas mabilis ay mas komportable pa iyon para sa kanya.At kanina ay halos hindi niya sang-ayunan ang nais ni Randall. Sakay ng Sedan nito ay agad silang bumiyahe patungong Lucena port upang sumakay ng isang ferry patungong Marinduque. Maging ang sasakyan ng binata ay kasama nila sa pagbiyahe.Nakahabol sila sa last trip patungong Marinduque. Gabi na rin at kung tutuusin ay maaari siyang matulog sa biyahe ngunit hindi niya ginawa.Hindi niya alam kung sinadya ni Randall na huwag paburan ang nais niya na eroplano ang sakyan nila patungo roon. Ang
"Ayos ka lang ba, hija?" narinig niyang sabi ni Tatay Lando nang makita ang pagkasamid niya.May bahagyang natapon pa na kape sa may dibdib niya na agad niyang pinunasan gamit ng kanyang palad."Are you okay?" wika naman sa kanya ni Randall.Hindi ito sinagot ni Fiona bagkus ay mas binalingan ang matandang lalaki. "H-Hindi ho kami---""Magpahinga ka na rin ho, 'tay," singit ni Randall dahilan para hindi niya naituloy ang mga nais sabihin. "Ituturo ko na lang kay Fiona ang gagamitin niyang silid. 'Pag lumiwanag na at gising na si Nanay Luz ay lilipat na ho kami sa kabila."She stared at Randall. Halos panliitan niya ito ng kanyang mga mata. It was so obvious that he stopped her from telling Tatay Lando the truth. At hindi niya alam kung bakit nito iyon ginawa.Iyon ba ang sadyang sinabi nito sa matandang lalaki? Iyon ba ang pakilala nito sa kanya sa abuelo nito? She saw them talking at the kitchen a while ago. Iyon ba ang pinag-usapan ng dalawa?"Kuu, alam mong walang kaso kahit dito pa
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si