Share

CHAPTER 3

last update Huling Na-update: 2023-02-24 13:26:35

Hindi maitago ang pagkagulat ni Fiona nang masilayan ang mukha ng lalaking pumasok sa opisinang kinaroroonan niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa kung saan siya nakapwesto habang ang mga mata ay mataman na nakatunghay sa kanya.

Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nakabungguan niya kagabi sa may entrada ng bar. Ito ang lalaking nakarinig sa usapan nila ni Marvin. At ito rin ang lalaking nanghusga sa kanya na ginamit niya lamang si Marvin para magkaroon pa ng maraming proyekto bilang isang modelo at endorser.

Napatayo siya nang tuwid. "You were the man last night," she said. It was more of a statement than a question.

Kaya ito naroon sa bar ay upang bantayan siya. Hindi ba at iyon ang sabi ng kanyang Kuya Lucas? Na nakasunod ito sa kanya upang masiguro ang kaligtasan niya? Kaya hindi na kataka-taka kung bakit nasa malapit lang ito nang nag-uusap sila ni Marvin. And that was the reason why he heard everything that they were talking about.

Hindi sumagot sa kanya ang binata. Nakatayo lamang ito sa harap ng kanyang mesa, blangko ang mukha at ni hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan.

"Ikaw din ang lalaking nakamotorsiklong nakabuntot sa kotse ko kagabi, hindi ba?" usisa niya pa dito kahit alam na rin naman niya ang sagot.

"Ako nga," tipid nitong saad sa kanya. "Randall. Randall Mondejar. Sa Triple Security---"

"I know," putol niya sa mga sinasabi nito. "Nabanggit na sa akin ni Kuya Lucas."

Nagkibit lamang ito ng mga balikat at hindi nagbigay ng ano mang komento. Dahil sa pananahimik nito ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"I will talk this out with Kuya Lucas. I just---"

"Kung ang pakikipag-usap mo sa kapatid mo ay para hingin na huwag nang magkaroon ng bodyguard ay magsasayang ka lang ng oras, Miss Olvidares," matatag nitong wika sa kanya. "Bayad na ang serbisyo ko sa iyo sa loob ng ilang buwan hanggang sa bumalik ng bansa ang pamilya mo."

She lost for words for a moment. That was exactly what she was thinking a while ago.

Nang makausap niya si Lucas kanina at nabanggit nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng bodyguard ay balak na lamang niyang umayon sa nais nito. Alam naman niya na ang ginawa ng kanyang kapatid ay para din sa sarili niyang kapakanan.

Ngunit nagbago ang isipan niya nang makilala niya kung sino ang bodyguard na kinuha nito. This was the man who insulted her last night. Nagbigay na ito ng konklusyon sa narinig na usapan nila ni Marvin kahit hindi naman nito alam kung ano ang totoo. Ni hindi pa siya nito kilala nang lubusan para sabihin na ginamit lamang niya si Marvin para sa pansariling interes.

At kung papayag man siyang magkaroon ng bodyguard ay hihilingin niya sa kanyang Kuya Lucas na hindi ang lalaking ito. She hates a judgemental person.

Pero bago pa man niya matapos ang nais sabihin dito ay nahulaan na agad ng binata ang nasa isipan niya. Ganoon ba siya ka-transparent para mabasa nito ang tumatakbo sa isipan niya?

"You know what, Mr. Mondejar," saad niya dito. "Hindi ko talaga gusto ng may bodyguard. I hate the idea that there would be someone who would follow me anywhere I go. Wala lang ako nagawa dahil gusto ng pamilya ko. And---"

"The perks of being a billionaire's daughter," singit nito dahilan para matigilan siya sa pagsasalita. Halos maulanigan niya pa ang pang-aasar sa tinig nito. "Karaniwan naman ay ganoon. Hindi ho ba, Miss Olvidares? If you are rich, you are required to have a bodyguard."

"Bagay na hindi ko gusto," susog niya dito. "At ikaw na rin ang nagsabi, I am a billionaire's daughter," sarkastiko niya pang saad. Hindi niya maiwasang mainis sa sinabi nito kanina. "Kung nabayaran ka na ng kapatid, then keep the money. I can pay you more just stop following me."

Ang seryosong ekspresyon nito ay mas dumilim pa dahil sa mga sinabi niya. May kung ilang saglit na nakatitig lamang ito sa kanyang mukha bago tumikwas ang isang sulok ng labi para sa isang nang-uuyam na ngiti.

"Kapatid mo ang kumuha ng serbisyo ko sa Triple Security Agency, Miss Olvidares. So technically, siya ang boss ko at hindi ikaw. Ang utos niya lang ang susundin ko at hindi ikaw. And your brother paid me to follow you anywhere you go. I am just doing my job."

"S-So, what now? You will really follow me anywhere I go?" inis niyang wika dito. Hindi niya pa alam kung alin talaga ang kinainisan niya--- ang malaman na ito ang bodyguard niya o ang uri ng pakikipag-usap nito sa kanya? Why, the man was so rude while talking to her!

"Well, that is part of my job," anito sa kanya. "Ang gusto ni Mr. Olvidares ay siguraduhin na ligtas ka saan man magpunta," dagdag pa nito na ang tinutukoy ay ang kanyang kapatid.

Saglit na natahimik si Fiona. Isipin pa lang na makakasama niya ito saan man siya magpunta ay sumasalungat na ang isipan niya. There was something on him that made her disapprove by that idea.

She does not like him. Siguro dahil sa unang pagkakataon pa lang na nagkatagpo sila ay hindi na maganda ang paghaharap nila ni Randall. And to think na kilala na siya nito kagabi pa lang, na siya ang binabantayan nito, pero pinagsalitaan pa rin siya nito nang ganoon sa bar. Hindi ba dapat ay magalang ito makipag-usap sa kanya sapagkat siya ang kliyente nito? Kapatid niya ang kumuha ng serbisyo nito!

Akmang ibubuka niya pa ang kanyang bibig para sana ay magsalita pa nang makarinig na siya ng ilang mahihinang katok mula sa labas. Agad na nabaling doon ang kanyang mga mata kasabay ng pagbigay niya ng hudyat na pumasok ang sino mang kumakatok.

It was Irene. Magalang nitong ipinaalala sa kanya ang meeting niya sa catering services na kinuha nila ni Aleya para sa pagdiriwang ng kanilang foundation. Nagpaabiso ang empleyado na naroon na ang taong kakausapin niya.

Hindi na rin iba ang may-ari ng catering services sa kanya. It was owned by Samuel, her friend since their college days. Kagabi bago siya umuwi ay napag-usapan na nila ang tungkol sa paghaharap nila ngayon. Dapat ay kasama nila si Aleya dahil sa katulong niya ito sa pag-aasikaso ng foundation ngunit nagpauna nang magsabi si Aleya sa kanya na hindi ito makakapunta dahil sa may mas mahalagang gagawin.

Nang makaalis na si Irene ay agad na rin pumihit patalikod si Randall. "I am just around, Miss Olvidares. Good morning."

Naniningkit ang mga matang tinitigan niya ang likuran nito. Drat the man!

Pilit niyang iwinaksi ang ibang bagay sa kanyang isipan. Ilang minuto lang pagkalabas ni Randall ay siya namang pagpasok ni Samuel. Magkadikit pa ang mga kilay nito nang humarap sa kanya.

"Who was that man?" nagtataka nitong sabi sa kanya.

Nanghihinang napaupo na lamang siyang muli sa kanyang swivel chair bago ito sinagot. "My bodyguard. Kinuha ni Kuya Lucas para bantayan ako."

"Bodyguard? Do you really need one?" anito sa kanya. "Hindi ba't nakakulong na ang mga dumukot sa iyong ama?"

"I can't blame Kuya Lucas. You know how protective he is to me."

Nagkibit na lamang ng mga balikat si Samuel saka iniba na ang kanilang paksa. "Anyway, natanggap ko ang mensahe mo na hindi makararating si Aleya. Tayo lang ba ang mag-uusap?"

Tumango lang siya dito.

"Then, let us go to our restaurant instead. Para naman makita mo na ang mga pagkain na ihahanda namin sa anniversary ninyo. Free taste, friend."

Saglit niyang nakalimutan ang inis na nadarama para kay Randall at napabulalas ng tawa dahil sa mga sinabi nito.

Samuel was a good friend of her. Alam nito na mahilig talaga siyang kumain. Bagay iyon na hindi alam ng karamihan. Kaya nga sa mga bago niyang kakilala ay hindi na nawawala ang pagtataka sa tuwing nalalaman na malakas siyang kumain. Ni hindi man lang raw iyon halata sa kanyang katawan.

Hindi niya rin alam kung bakit. Siguro ay labis lang siyang pinagpala ng magandang metabolism kaya kahit anong kain niya ay hindi nasisira ang kanyang katawan. Though, lagi niya naman sinisiguro na alaga siya sa ehersisyo sa tuwina. Disiplina pa rin naman ang kaakibat niya lagi para hindi masira ang magandang hubog ng kanyang katawan.

In the end, Fiona agreed to Samuel. Tama naman ito na mas maiging nasa harap nila ang mga pagkain habang nag-uusap kumpara sa sasabihin lamang nito ang pangalan ng mga putahe. Sa ganoon ay madali siyang makapipili ng kung ano ang mga ipahahanda sa anniversary party ng foundation.

Kung iisipin pa ay maaari niya na lamang sana iyon iutos sa kanilang empleyado sa foundation. But Fiona wanted to be hands-on for the event. Gusto niyang personal na asikasuhin ang lahat.

Magkapanabay na silang lumabas ni Samuel para magtungo sa restaurant nito. Sa may pasilyo pa lang ay nakita niya na si Randall na abala sa pakikipag-usap sa ilang empleyado nila. Hindi niya pa maiwasan ang pag-angat ng kanyang isang kilay dahil doon.

Their employees looked so fond of him. Nakangiti pa ang dalawang babaeng empleyado habang nakikinig sa kung ano man ang sinasabi ng binata. If she was not mistaken, there was an admiration on their employees' eyes.

Siguro dahil sa magandang lalaki si Randall. Hindi naman siya bulag para hindi makita iyon. Idagdag pa roon ang matikas nitong pangangatawan na sadyang kapansin-pansin dito. Ngunit alam ba ng mga empleyado nila kung gaano ito kabastos makipag-usap? The man was vibrating with rudeness, for goodness' sake!

Nang mapansin siya ni Randall ay agad itong nagpaalam sa kanilang mga empleyado. Hindi niya pa maiwasang sitahin ito nang makalapit sa kanya.

"It is office hours, Mr. Mondejar. Hindi mo dapat iniistorbo ang mga empleyado sa mga trabaho nila."

Hindi ito tumugon. Nagkibit lamang ito ng mga balikat na wari ba ay balewala lamang ang pagtataray niya.

"Aalis kayo?" tanong nito sa halip.

"Ako si Samuel Vergara," saad naman ni Samuel sabay abot ng kamay nito sa binata. Tinanggap naman ni Randall ang pakikipagkamay nito. "Pag-aari ko ang restaurant na kinuha nina Fiona para sa catering. Papunta kami roon para makapili siya ng mga pagkain na ihahada sa anibersaryo ng kanilang foundation."

"Let's go," saad niya na kay Samuel. Hindi niya alam kung bakit pa nito kailangan na magpaliwanag sa kanyang bodyguard.

Nagpatiuna na siya sa paglalakad kasunod si Samuel. Ramdam niya rin ang maagap na paghabol ni Randall sa kanila. Pagkarating sa may parking lot ay agad na nagsalita ang kanyang bodyguard.

"Mr. Vergara," tawag nito kay Samuel. "Sa akin sasabay si Miss Olvidares."

Marahas siyang napalingon dito. Ni hindi man lang ito nagtanong. What he said was a firm statement, not even asking for their opinions.

Bago pa man niya ito mapagsabihan ay nagsalita na si Samuel. "Of course. Naiintindihan ko naman," saad ng kaibigan niya. "Kita na lang tayo sa restaurant, Fiona."

Humakbang na si Samuel patungo sa kinapaparadahan ng sasakyan nito bago niya pa matawag. Ang totoo ay hindi naman talaga siya sasabay sa kotse nito. She would bring her own car, of course. Iyon ang plano niya upang hindi na kailanganin pa ni Samuel na ihatid siya pabalik sa OMC pagkatapos ng kanilang meeting.

Ngunit ang impertinente niyang bodyguard ay agad nang nakialam sa kanya!

"You don't have to do that," wika niya dito. "Talagang hindi naman ako sasabay kay Samuel. I will use my own car."

"No, Miss Olvidares. Sa akin ka na sasabay," mariin nitong sabi.

"Are you out of your mind? Sa motorsiklo mo ako pasasakayin?"

Randall's lips curved in an amused smile. Kung makatingin pa ito sa kanya ay wari siyang isang batang hindi makuha ang gusto.

"Para sa ikapapanatag mo, Miss Olvidares, dala ko ang sasakyan ko. Iyon ang gagamitin natin."

Agad na sumunod ang tingin niya sa hinayon ng mga mata nito. Isang lumang Sedan ang nakita niyang nilapitan nito.

"Sakay na, Miss Olvidares," udyok nito sa kanya.

"I said I will use my car, Mr. Mondejar. I know how to drive and---"

"Hindi ko pinagdududahan ang kakayahan mo sa pagmaneho. Pero ngayong alam mo nang may bodyguard ka ay sa akin ka na sasabay saan ka man pumunta. By that, hindi na ako mahihirapan na sundan ka pa. Now get in, Miss Olvidares."

"You---"

"O gusto mong huwag na matuloy sa pakikipag-usap kay Mr. Vergara?"

"Why, you are so rude!" naiirita niyang sabi sabay lakad na palapit sa sasakyan nito. Hindi niya pa maitago ang pagkayamot sa kanyang mukha.

Humakbang na siya patungo sa Sedan nito at agad nang inabot ang handle ng pinto sa may backseat. Bago niya pa man iyon mabuksan ay agad na siyang natigilan dahil sa muli nitong pagsalita.

"Hindi ka diyan sasakay," saad ni Randall.

"Excuse me?" naiirita niyang sabi dito. Kasasabi lang nito na ang kotse nito ang gagamitin nila, tapos hindi siya roon sasakay?

Hindi ito umimik, sa halip ay itinuro na lamang ang pinto ng passenger's seat.

"What do you mean?" nagtataka niyang sabi dito.

"I am your bodyguard, Miss Olvidares. Hindi driver. Sa harap ka maupo."

"What the--- Inuutusan mo ba ako?!" bulalas niya dito. "How can you be so impertinent?"

"Ang dami nating sinasayang na oras dahil lang sa usapang ito, Fiona Olvidares. Sumakay ka na kung gusto mo pang umalis."

"Damn you!" she hissed inwardly. Kung narinig man nito ang sinabi niya ay wala siyang pakialam.

Padabog na siyang umikot patungo sa may passenger's seat. Inabot niya ang handle ng pinto saka iyon binuksan. Nang makasakay na siya sa loob ay saka lamang din pumasok sa may driver's seat si Randall.

Damn this man, really. Ni hindi nga pinagkaabalahan na pagbuksan man lang siya ng pinto ng sasakyan nito. How rude!

Kaugnay na kabanata

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 4

    Pagkarating sa Vergara Catering Services ay agad na bumaba si Fiona mula sa sasakyan ni Randall. Kakahinto lang ng kotse nito sa may parking lot at ni hindi pa napapatay ang makina niyon nang buksan na niya ang pinto sa may panig niya.Ni hindi na niya hinintay pa na lumabas ito at pagbuksan siya ng pinto, tulad ng madalas gawin ng ibang bodyguard sa mga kliyente nila. For sure, Randall would never do that. Kanina nga pag-alis nila ay hindi na nito iyon ginawa. Alam niyang sa ugaling taglay nito ay hindi na niya ito dapat pang asahan na magpakita ng paggalang sa kanya.Randall was a walking red flag. Napakaantipatiko kausap! Sa bar pa lang ay napatunayan na niya iyon. Maging kanina sa kanilang kompanya ay ganoon din siya nito kausapin. At hindi niya lang maiwasang mairita kapag naiisip niya ang naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa establisimiyentong pag-aari ni Samuel. Maliban sa tumatanggap ng bookings sa iba't ibang okasyon ang Vergara Catering S

    Huling Na-update : 2023-03-02
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 5

    Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Ma

    Huling Na-update : 2023-03-03
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 6

    Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatil

    Huling Na-update : 2023-03-07
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 7

    Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail

    Huling Na-update : 2023-03-10
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 8

    Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na

    Huling Na-update : 2023-03-13
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 9

    Nang sumunod na araw ay maagang gumayak si Fiona. Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa opisina ng kanyang Uncle Ronniel, ang kaibigang matalik ng kanyang ama na si Jake.Hindi nila kadugo si Ronniel ngunit kung titingnan ay higit pa sa magkakamag-anak ang turingan ng pamilya niya at ng pamilya ng mga ito. Iyon ay dahil na rin sa tagal ng taon ng pagiging magkakaibigan ng kanilang mga pamilya.At ngayon ay sinadya niya nga ang kanyang Uncle Ronniel sa opisina mismo nito. Nais niya itong personal na kausapin hinggil sa nais niyang mangyari. Nais niyang makiusap na bigyan siya ng ibang bodyguard. Nais niyang hilingin na palitan nito ang binigay nito sa kanya.Ilang araw na rin nang makilala niya si Randall--- ang bodyguard na ayon sa kanyang Uncle Ronniel ay isa sa pinakamagaling at maaasahan sa mga empleyado nito. Iyon ang mga sinabi ng kanyang Kuya Lucas nang minsang makausap niya pa ito.He was right. Yes, sa maraming pagkakataon ay napatunayan iyon ni Randall. He was good at his

    Huling Na-update : 2023-03-15
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 10

    "Salamat, p're. Kunin ko na lang sa Sabado," wika ni Randall kay Migo bago inabot dito ang susi ng kanyang motorsiklo.Si Migo ang kausap niya kanina sa Triple Security Agency nang bigla na lang ay paharurot na imaneho ni Fiona ang sasakyan nito. Agad siyang nagpaalam kay Migo at dali-daling sinundan ang dalaga.Bigla pa siyang nakadama ng galit nang hindi man lang pansinin ni Fiona ang pagtawag niya kanina. Tuloy-tuloy lang ito sa pagmamaneho na waring sadyang nilalayuan siya.Hanggang sa ang galit na nadarama niya kanina ay mabilis na napalitan ng matinding takot at pag-aalala nang makita niyang isang truck ang munting nang makasalpukan ni Fiona sa daan.Nakarating na sila sa may isang intersection at saktong red light ang nasa linya nila, dahilan para akmang magtutuloy-tuloy sana sa pag-andar ang mga sasakyan mula sa kabilang kalsada.At hinuha niya na hindi nakatitig si Fiona sa unahan at abala ito sa pagbantay kung nakalayo na ba ito sa kanyang motorsiklo. Alam niyang iyon ang ra

    Huling Na-update : 2023-03-18
  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 11

    Agad na napalabas si Randall nang makarinig ng ingay mula sa labas. Kasalukuyan siyang nasa kusina ng mga Olvidares at umiinom ng tubig nang marinig niya ang mga tinig ng wari ay mga nag-uusap.Mula sa kusina ay tinungo niya ang entrada ng bahay. Mula roon ay nakita niya ang security guard na akmang papasok pa lang. Sa maliit na gate ito dumaan at napapakamot pa ng ulo nang bumalik sa pwesto nito.Randall walked towards him. "Anong nangyari?" usisa niya pa dito."Eh, Mr. Mondejar, si Ma'am Fiona ho kasi," alanganin nitong sabi sa kanya."Why?" mariin niyang sabi dito. Agad na naging alerto ang kanyang diwa nang marinig ang pangalan ng dalaga."Lumabas ho. Kasasakay lang ng taxi. Ang sabi ko nga ay hindi maaari kaso---""Bakit hinayaan mo na makalabas?" bigla ay singhal niya dito. "Buksan mo ang gate!"Mabilis niyang nilapitan ang kanyang sasakyan na kasamang nakaparada sa garahe ng mga Olvidares. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang susi niyon. Kasama ang susi ng kanya

    Huling Na-update : 2023-03-20

Pinakabagong kabanata

  • For The Love Of Fiona   EPILOGUE

    One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 52

    Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 51

    Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 50

    Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 49

    Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 48

    "M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 47

    "Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 46

    Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa

  • For The Love Of Fiona   CHAPTER 45

    Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status