Marahang iminamaneho ni Fiona ang kanyang sariling sasakyan sa kahabaan ng kalsada. Alas-siyete na ng gabi at balot na ng dilim ang buong paligid. Iisang lugar ang tiyak niyang tinatahak.
Papunta siya sa isang mamahaling bar sa may Makati City upang katagpuin ang kanyang mga kaibigan. Matagal nang nag-aaya ang mga ito upang magkita-kita sila ngunit ngayon lamang nagpaunlak si Fiona.Their family was facing a problem right now. Ang kanyang ama ay kinailangan dalhin sa ibang bansa ng kanyang ina at nakatatandang kapatid na si Lucas upang doon ay maipagamot. Jake, her father, met an accident six months ago. Everyone thought he was dead. But her family, especially her mother, still believed that Jake was still alive. Hindi kasi natagpuan ang katawan nito sa pinangyarihan ng aksidente.Hindi sila nagkamali. Napag-alamanan nila na sadyang inilayo sa kanila ang kanyang ama at naging madaling gawin iyon ng mga taong nandukot dito dahil sa ang kanyang ama ay nakaranas ng amnesia matapos bumulusok ang sasakyan nito sa hindi kalaliman na bangin.At ngayon na natagpuan na nilang muli ang kanyang ama ay kinailangan itong dalhin ng kanyang inang si Francheska sa ibang bansa upang doon ay masusing matingnan ng mga eksperto.Her elder brother, Lucas, was with their mom. Dapat ay isinasama talaga siya ng mga ito, lalo pa at hindi nais ng kanyang pamilya na mag-isa lamang siya dito sa bansa. But she refused to do so. Maliban kasi sa ilang nakabinbin na proyekto bilang isang modelo at product endorser ay idinahilan niya rin ang kompanya na pag-aari ng kanilang pamilya.Fiona was working as a model. Ilang kompanya na rin ang kumuha sa kanya upang maging endorser ng produkto ng mga ito. She was successful on the craft that she chose to have. Labis na atensyon ang nakukuha niya dahil sa trabahong mayroon siya ngayon, idagdag pa ang pagiging kabilang sa angkan ng mga Olvidares kung saan kilala sila bilang nagmamay-ari ng isa sa mga naglalakihang pharmaceutical companies sa bansa.At dahil nga sa naging abala siya sa kompanya at trabaho niya bilang isang modelo ay lagi niyang tinatanggihan ang alok ng mga kaibigan niya na lumabas sila.Ngayon lang nagpaunlak si Fiona, bagay na nahirapan pa siyang ipagpaalam sa kanyang Kuya Lucas. Nasa ibang bansa nga ito kasama ang kanilang mga magulang ngunit lahat ng pinupuntahan niya ay hiniling nitong ipaalam niya muna.She can't blame him. Natatakot ang kanyang nakatatandang kapatid na may mangyaring masama sa kanya katulad sa sinapit ng kanilang ama.She heaved out a deep sigh. Inapakan na niya ang accelerator ng kanyang sasakyan upang mapabilis ang kanyang pagmamaneho. As she did it, a motorcycle suddenly appeared from her left side. Bahagya niyang binagalan ang pagmamaneho at balak na lamang sana na paunahin ang naturang motorsiklo. Wala siyang plano na makipaggitgitan dito sa kalsada.Ngunit ang hinihintay na pag-over take nito ay hindi nangyari. Bagkus ay mas pinili ng nagmamaneho niyon na manatili sa likuran ng kanyang sasakyan.Nagdikit ang kanyang mga kilay ngunit sa halip na pagtuunan na iyon ng pansin ay mas binalingan na niya ang pagmamaneho. She drove faster. Nang muli niyang binilisan ang pagmamaneho ay waring bumilis din ang motor na nasa likuran niya. Mistula pa ay intensiyon lamang nito na sabayan siya."What is wrong with this man?" aniya sa kanyang sarili habang pilit na inaaninag ang motorsiklo mula sa kanyang side mirror. Hindi niya rin naman makita ang mukha ng lalaki dahil sa suot nitong helmet. Nakasuot din ito ng itim na jacket.Dahil sa nangyari sa kanilang ama, hindi maiwasang lukuban ng pangamba ni Fiona pagkakita sa motorsiklo. She may be paranoid pero hindi niya maiwasang mag-isip nang masama.Mas pinabilis niya pa ang pagmamaneho upang makalagay ng distansiya sa motorsiklo. Ipinagpapasalamat na lamang niya na ilang metro na lamang mula sa bar na pupuntahan niya.Ilang saglit pa ay nakarating din siya sa tagpuan nilang magkakaibigan. Sa loob ay naabutan na niya sina Trisha, Julia at Samuel. Ang tatlo ay labis na malapit sa kanya. Kolehiyo pa lang sila nang makilala niya ang mga ito."You are late," agad na puna sa kanya ni Trisha.Naupo siya sa tabi nito habang sina Julia at Samuel ay magkatabi naman sa kanilang harapan. Hindi niya sinagot agad ang mga sinabi ni Trisha at sa halip ay napayuko na lamang sa mesang nasa kanilang gitna.Naroon na ang ilang bote ng alak na ang iba ay sadyang wala nang laman. May mga pagkain din na hindi na niya pinansin pa."Kanina pa kami narito, Fiona. What took you so long?" wika naman ni Julia sa kanya."Well, traffic," dahilan niya na lang kasabay ng pagkibit ng kanyang mga balikat. Iyon ang mas nakikita niyang katanggap-tanggap na dahilan.But the truth was, she was talking to her brother a while ago. Ipinaalam niya nga dito ang paglabas niyang iyon."Have you eaten?" narinig naman niyang usisa ni Samuel.Nang lumingon siya sa binata ay mataman itong nakatitig sa kanya. Samuel was courting Julia. Iyon ang dahilan kung bakit sa bawat lakad nila ay lagi itong kasama. Hindi niya pa alam kung opisyal na bang magkasintahan ang mga ito. Wala pang sinasabi sa kanila si Julia.She just smiled at him. "Tapos na."Sukat sa mga sinabi niya ay agad siyang inabutan ni Trisha ng isang inumin na agad naman niyang tinanggap. She sipped from her drinks as she also roamed her eyes around.Maraming tao sa loob ng bar. Umuulan ng alak sa bawat mesa ng mga ito. Humahalo din ang kwentuhan ng lahat sa malakas na tugtugin na nagmumula sa mismong bar. May ilan pang tao na umiindak na sa gitna ng bulwagan. Ang iba ay halatang may epekto na ng alak sa katawan.The night went on. Maging silang magkakaibigan ay nabalot na ng masayang kwentuhan. Makailang beses na rin na may naghatid ng alak sa kanilang pwesto at sa panig ni Fiona ay nararamdaman na niya ang epekto ng alak sa kanya.Hanggang sa mayamaya ay natigilan na lamang siya nang mapuna ang pagdating ng isang lalaki--- si Marvin.Marvin Romero is her suitor. Matagal na itong nanliligaw sa kanya ngunit sa kabila ng mga pinapakita nito ay hindi niya magawang tugunin ang damdamin ng binata.He owns the Romero Apparel Company. Minsan na rin siyang naging endorser ng nasabing kompanya na mismong si Marvin pa ang nag-alok ng proyekto sa kanya. In fact, that was her first ever project as an endorser.Nakilala niya ito sa isang pagdiriwang na dinaluhan niya at una pa lang ay kita na niya ang interes nito sa kanya. Inalok siya nitong maging endorser ng brand ng damit ng kompanya nito. She accepted it.Ngunit ang proyektong iyon ay hindi na nasundan pa. After he gave her a project, Fiona became busy with other matters. May ilang produkto pa ang kumuha sa kanya para iendorso. Idagdag pa na iyon din ang panahon na nawala at naaksidente ang kanyang amang si Jake. Iyon din ang rason kung bakit bihira niya nang makita ang binata.Kunot ang noong napatingala siya dito. Nagtataka pa siya kung bakit naroon ito. Alam ba nito na naroon silang magkakaibigan?"I called and invited him, too, Fiona," narinig niyang wika ni Trisha na ngayon ay umusog na upang bigyan ng mauupuan si Marvin. "Nagtanong kasi siya noon sa akin kung kailan tayo makakalabas nang magkakasama. So, I invited him a while ago."He sat beside her. Hindi na rin naman siya nakapagbigay pa ng ano mang komento. Kung tutuusin ay walang kaso sa kanya kung naroon man ang binata. Kung iisipin pa nga ay isa na itong ideal boyfriend--- responsable at nagmamay-ari ng isang kompanya, galing sa maayos na pamilya at kung sa hitsura lang din ay magandang lalaki ito.Ngunit isang bagay ang nagbibigay sa kanya ng rason kung bakit hindi niya ito magawang sagutin. He was so possessive. Dama niya iyon ngayon kahit manliligaw pa lamang niya ito. Paano pa kaya kapag naging kasintahan na niya ang binata?"How are you?" Marvin asked her. Naging abala na rin ang mga kaibigan niya sa pag-uusap. Hawak na rin ni Marvin ang isang kopitang iniabot dito ni Julia."I am fine," tipid niyang tugon dito."Can we talk privately, Fiona?" tanong pa nito sa kanya.Kinailangan pa nitong ilapit ang mukha sa kanya upang marinig niya ang mga sinabi nito. The sound of the music inside the bar was so loud that he needed to speak near her ear so she could hear him. Iyon na rin ang rason kung bakit pumayag siya na saglit na lumabas upang makipag-usap dito. Naiilang siya sa paglapit ng binata.Matapos magpaalam muna sa mga kaibigan niya ay tumayo na siya kasunod si Marvin. Nakita niya pa ang pagsunod ng tingin sa kanila ni Samuel. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang pagdikit ng mga kilay nito.Pagkarating sa labas ay agad siyang hinarap ni Marvin. "Nakausap din kita sa wakas. Alam ko na iniiwasan mo ako. Tama ba ako, Fiona?""I have been busy, Marvin. At alam mo rin ang nangyari kay papa, hindi ba? Kinailangan siyang dalhin sa ibang bansa para masusing mapagamot.""Yeah, I heard about it. But do you really need to decline all my calls? Kung hindi pa sa pag-imbita ng kaibigan mo ngayon ay hindi kita makakausap.""What do we need to talk about?" saad niya dito.Marvin heaved out a deep sigh. "About us, Fiona."Hindi niya rin mapigilang mapabuntong-hininga. Sa tuwinang kasama niya si Marvin ay laging iyon ang sinasabi nito sa kanya. Lagi nitong iginigiit ang panliligaw nito."We talked about it already, Marvin. Hindi ko---""Hindi mo ba talaga makapa sa sarili mo na gustuhin ako, Fiona?" maagap na putol ni Marvin sa mga sasabihin niya pa."You are a great person, Marvin. But I would lie if I'd say that I like you, too."Nakita niya ang pagseryoso ng mukha nito at ang sunod-sunod na paglunok. "I did everything for you, Fiona. Romero Apparel even became your stepping stone in modelling. Alam mo iyan, Fiona."Agad na napatayo nang tuwid si Fiona nang marinig niya ang mga sinabi nito. "So, you were telling me that I used you to be where I am right now? Marvin, you know that I worked hard for it. Besides, I am an---""Olvidares," dugtong nito sa mga sasabihin niya. "I know. Being an Olvidares gave you a lot of privileges.""Isinusumbat mo ba sa akin ang proyektong ibinigay mo, Marvin? I worked hard for that.""Don't get me wrong, Fiona. Gusto ko lang ipunto na handa akong gawin ang lahat para sa iyo kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi mo magawang sagutin ang panliligaw ko.""Nasabi ko na sa iyo, Marvin, ang gusto kong sabihin. If you feel I just used you as a stepping stone in modelling, it is up to you. Alam ko sa sarili ko na hindi," saad niya dito sa seryosong tinig. "Excuse me."Humakbang na siya pabalik sa loob ng bar. Balak na lamang niyang magpaalam sa kanyang mga kaibigan upang umuwi na rin. Dahil sa naging takbo ng pag-uusap nila ng binata ay nawalan na siya ng gana na manatili pa roon. Idagdag pa na malalim na rin ang gabi at hindi na niya nais pang uminom.Hindi na naghabol pa si Marvin. Ramdam niya pa ang pagsunod nito ng tingin hanggang sa mayamaya ay mas pinili na rin nitong umalis. Alam niya na ilang araw pa ay makikipag-usap ulit ito sa kanya.Hindi niya maiwasang mainis dito. Iniisip ba nito na nakilala siya sa mundo ng pagmomodelo dahil sa exposure na nakuha niya nang iendorso niya ang produkto ng mga ito?He was right. She is an Olvidares at kilala ang pamilya nila. Hindi niya gustong magbuhat ng sariling bangko ngunit katunayan, kolehiyo pa lang siya ay nakatatanggap na siya ng alok mula sa iba't ibang kompanya. She declined all of them because she wanted to just focus on her studies.Tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok ng establisimiyento. Dahil sa inis na nadarama niya sanhi ng pag-uusap nila ni Marvin ay hindi na napansin pa ni Fiona ang lalaking nakatayo ilang hakbang lamang mula sa may entrada ng bar. Lumilipad ang isipan niya tungkol kay Marvin kaya't hindi na niya naiwasan pa ang lalaki.Nabunggo niya ito at kung hindi pa ito naging maagap ay baka tuluyan siyang bumagsak.Agad na pumaikot ang isang kamay ng lalaki sa kanyang baywang upang alalayan siyang huwag matumba. Maagap din siyang napahawak sa t-shirt na suot nito upang kumuha ng balanse."Easy, miss," saad ng baritonong tinig.Mabilis na bumitaw si Fiona. Humakbang pa siya paatras dahilan para mabitawan siya ng estranghero.Nang mahamig ang kanyang sarili ay napatingala siya sa lalaki. Mula sa malamlam na ilaw mula sa may entrada ng establisimiyento ay naaninag niya ang mukha nito.The man has a strong jawline that gave him a dangerous look. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay naaninag niya rin ang maiitim nitong mata na mataman na nakatunghay sa kanya. Those eyes were paired with dark eyebrows as well that added to his manly look."Are you done assessing me?" mayamaya ay saad ng lalaki dahilan para maputol ang mga mata niya sa paglakbay sa kabuuan ng mukha nito."Excuse me?" aniya sabay tayo nang tuwid."I pity the man. After giving you an opportunity, you would just drop him like that? You just used him?"Agad na nagpantig ang kanyang mga tainga dahil sa tinuran nito. Ibinuka niya ang kanyang bibig upang sana ay magwika. Ngunit bago pa man may lumabas na salita mula sa kanya ay naunahan na siya ng lalaki."Nakatayo ako kanina roon," turo nito sa bahaging hindi nalalayo sa parte kung saan nag-usap sila ni Marvin. "I heard your conversation---""Don't you know that it was disrespectful to eavesdrop?"Nagkibit-balikat lamang ito at waring balewala ang inis na rumihestro sa kanyang mukha. Hindi ba nito alam na hindi dapat nakikinig sa usapan ng iba?"Hindi tayo magkakilala at wala kang alam sa nangyari kaya wala kang karapatan magsalita sa akin nang ganyan," naiirita niyang sabi dito.The man smirked at her. "I just. . ." Saglit nitong ibinitin ang pagsasalita habang tinitigan nang mataman ang kanyang mukha. "You are just like someone I knew.""What?"Ang huling pangungusap na binitawan nito ay halos pabulong lamang. Halos maulanigan na lamang niya iyon.Instead of answering her, the man stood up straight. Hindi na nawala sa mukha nito ang nang-uuyam na ekspresyon. Kung para sa kanya iyon ay hindi niya alam.Bakit nga ba iniisip niya ang sasabihin nito? Why would she even care? Alam niya sa sarili niya na hindi niya ginamit ang proyektong binigay ni Marvin upang makilala bilang isang modelo. Kolehiyo pa lamang siya ay nakatatanggap na siya ng ilang alok para mag-endorso ng iba't ibang produkto. She was just busy with her studies to accept the offers.Hindi na niya nais magpaapekto sa mga sinabi ni Marvin, maging ng estrangherong nasa harapan niya ngayon.Hindi na ito muli pang nagsalita. Humakbang na ang lalaki patungo sa may parking lot. Kung ano man ang iniisip nito tungkol sa narinig na usapan nila ni Marvin ay wala na siyang pakialam pa. Mas kilala niya ang kanyang sarili. Isa pa, hindi na niya gusto pang isipin ang estranghero. Sigurado naman siya na hindi na sila muli pang magkikita.Mariin na ipinikit ni Fiona ang kanyang mga mata at mas ibinaon pa ang kanyang mukha sa malaking unan. Hindi niya pa nais na magising ngunit ang tunog ng teleponong nasa bedside table niya ay patuloy lang na gumagambala sa mahimbing niyang pagtulog.Hindi niya alam kung anong oras na ngunit kung pagbabasehan ang papasikat pa lang na liwanag mula sa terasa ng kanyang kwarto ay nasisiguro niyang maaga pa.Bandang huli ay naupo na siya sa kama bago inabot ang telepono at sinagot ang tawag."Hello," bungad niya sa halos inaantok pang tinig."Fiona," anito ng baritonong tinig mula sa kabilang linya. Isang salita pa lang ang binibigkas nito ngunit nakilala na agad ni Fiona ang nagmamay-ari niyon."Kuya Lucas," wika niya kasabay ng pag-ayos ng kanyang pagkakaupo. Isinandal niya pa ang kanyang likuran sa headboard ng kanyang kama. "K-Kumusta kayo nina Mama at Papa?""Maayos kami dito, Fiona. Bukas ay naka-schedule si papa na magpatingin ulit sa doktor," sagot nito sa kanya. Kahit papaano ay m
Hindi maitago ang pagkagulat ni Fiona nang masilayan ang mukha ng lalaking pumasok sa opisinang kinaroroonan niya. Dahan-dahan itong lumapit sa mesa kung saan siya nakapwesto habang ang mga mata ay mataman na nakatunghay sa kanya.Hindi siya maaaring magkamali. Ito ang lalaking nakabungguan niya kagabi sa may entrada ng bar. Ito ang lalaking nakarinig sa usapan nila ni Marvin. At ito rin ang lalaking nanghusga sa kanya na ginamit niya lamang si Marvin para magkaroon pa ng maraming proyekto bilang isang modelo at endorser.Napatayo siya nang tuwid. "You were the man last night," she said. It was more of a statement than a question.Kaya ito naroon sa bar ay upang bantayan siya. Hindi ba at iyon ang sabi ng kanyang Kuya Lucas? Na nakasunod ito sa kanya upang masiguro ang kaligtasan niya? Kaya hindi na kataka-taka kung bakit nasa malapit lang ito nang nag-uusap sila ni Marvin. And that was the reason why he heard everything that they were talking about.Hindi sumagot sa kanya ang binata.
Pagkarating sa Vergara Catering Services ay agad na bumaba si Fiona mula sa sasakyan ni Randall. Kakahinto lang ng kotse nito sa may parking lot at ni hindi pa napapatay ang makina niyon nang buksan na niya ang pinto sa may panig niya.Ni hindi na niya hinintay pa na lumabas ito at pagbuksan siya ng pinto, tulad ng madalas gawin ng ibang bodyguard sa mga kliyente nila. For sure, Randall would never do that. Kanina nga pag-alis nila ay hindi na nito iyon ginawa. Alam niyang sa ugaling taglay nito ay hindi na niya ito dapat pang asahan na magpakita ng paggalang sa kanya.Randall was a walking red flag. Napakaantipatiko kausap! Sa bar pa lang ay napatunayan na niya iyon. Maging kanina sa kanilang kompanya ay ganoon din siya nito kausapin. At hindi niya lang maiwasang mairita kapag naiisip niya ang naging takbo ng pag-uusap nilang dalawa.Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa establisimiyentong pag-aari ni Samuel. Maliban sa tumatanggap ng bookings sa iba't ibang okasyon ang Vergara Catering S
Mabilis na tumalikod si Fiona at naglakad na pabalik sa loob ng silid nito. Kahit hindi na niya tanaw ang dalaga ay hindi pa rin maalis ni Randall ang kanyang paningin sa may teresa sa silid nito.Nasa bahay nga siya ng mga Olvidares at mula sa araw na iyon ay doon na muna manunuluyan. Iyon ang naging usapan nila ni Lucas Olvidares. Iyon din ang instruction sa kanya ng boss niya na si Ronniel Certeza, ang may-ari ng security company na kanyang pinagtatrabahuan.Dahil nga sa alam na ni Fiona ang tungkol sa pagkakaroon ng bodyguard nito ay hindi na niya kailangan pang patago itong sundan saan man ito magpunta. Ayon kay Lucas ay maaari siyang tumuloy sa bahay ng mga ito upang mabantayan niya pa rin ang kapatid nito kahit pa gabi na.At ito ang unang gabi niya sa bahay ng mga Olvidares. Hindi siya dalawin ng antok. Malaki ang bahay ng mga ito at maganda ang guest room na ibinigay sa kanya. Anyone would really appreciate the room.Pero sa kung ano man kadahilanan ay hindi siya makatulog. Ma
Randall looked at the paper on his hand. Wala man tuwirang saad ngunit ramdam niya ang pagbabanta sa sulat na nasa papel.Napalingon siya kay Fiona. Nakita niya nang maglakad ang dalaga patungo sa salaming bintana ng opisinang kinaroroonan nila. Doon ay nanungaw ito at nakatalikod sa kanila. Hindi niya man makita ang ekspresyon ng mukha nito ay ramdam niya naman ang pagkabahala nito dahil sa natanggap na mga bulaklak."Ako na ang bahala sa sulat na 'to," wika niya kay Chloe na ang tinutukoy ay ang note na nasa bouquet."Ito pong bulaklak?""Just throw them, as what your boss wanted," tugon niya dito.Nang tumango si Chloe ay binigyan na niya ito ng daan upang makalabas ng opisina ni Fiona. Kinabig niya ang pinto pasara nang tuluyan itong makaalis. Then, slowly, Randall walked towards Fiona. Muli niya pang sinulyapan ang papel na nasa kanyang kamay nang magsalita siya."Do you have any idea who sent this?" usisa niya sa dalaga."I don't know," saad nito sa mahinang tinig habang nanatil
Malalim na napabuntong-hininga si Fiona habang pinakikinggan niya ang mga sinasabi ng kanyang Kuya Lucas mula sa kabilang linya. Hindi niya pa maiwasang mapapikit nang magsunod-sunod ang naging habilin nito sa kanya."I said I am okay, kuya. Hindi ho ako nasaktan," giit niya pa dito."Kahit na, Fiona. Be careful next time. Paano kung sa susunod ay masaktan ka na nga? Paano kung sadya talaga ang paghagip sa iyo ng---""Kuya, baka hindi naman sinasadya. For all we know, baka nawalan lang ng kontrol panandali 'yong motor kaya muntik na akong mahagip," katwiran niya pa dito.Though deep inside, Fiona was also against on what she said. Maluwag ang driveway sa may harapan ng OMC bago pa man makarating sa may kalsada talaga. At kung nawalan man nga ng kontrol ang motorsiklo ay bakit normal naman ang takbo nito paalis matapos siyang mahatak ni Randall?Sa bagay na iyon ay napapaisip din siya.At nang daluhan sila ng guwardiya na nakatalaga sa harap ng kanilang kompanya ay sinabi nitong nakail
Dumating ang araw ng pagsisimula ng paggawa ng commercial ni Fiona para sa isang sikat na energy drink sa bansa. Bago iyon ay siniguro muna ng dalaga na tapos na nito ang ilang mahahalagang trabahong kailangan nitong gawin sa OMC bago maging abala naman sa pagiging endorser.And Randall can't help but to be amazed by the maturity of her. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon pero alam na kung papaano hahatiin ang mga oras sa mga gawain. Ang ibang dalaga na nakapasok na sa mundo ng pagmomodelo ay hindi na nanaisin pang maging abala sa ibang bagay at mas pagtutuunan na lamang ng atensyon ang nakukuhang limelight bilang isang modelo.But Fiona was one of the exceptions. Dahil sa wala ang pamilya nito ay naglaan pa rin ito ng oras para sa kompanya ng mga ito. At hindi maitatanggi ni Randall na sa bagay na iyon ay hinangaan niya ang dalaga.Isa lang ang hindi niya nagugustuhan dito at iyon ay ang laging pagsuway sa mga nais niya. Madalas pa rin ang pagpapalitan nila ng mga salita sa tuwing na
Nang sumunod na araw ay maagang gumayak si Fiona. Tuloy-tuloy na naglakad siya patungo sa opisina ng kanyang Uncle Ronniel, ang kaibigang matalik ng kanyang ama na si Jake.Hindi nila kadugo si Ronniel ngunit kung titingnan ay higit pa sa magkakamag-anak ang turingan ng pamilya niya at ng pamilya ng mga ito. Iyon ay dahil na rin sa tagal ng taon ng pagiging magkakaibigan ng kanilang mga pamilya.At ngayon ay sinadya niya nga ang kanyang Uncle Ronniel sa opisina mismo nito. Nais niya itong personal na kausapin hinggil sa nais niyang mangyari. Nais niyang makiusap na bigyan siya ng ibang bodyguard. Nais niyang hilingin na palitan nito ang binigay nito sa kanya.Ilang araw na rin nang makilala niya si Randall--- ang bodyguard na ayon sa kanyang Uncle Ronniel ay isa sa pinakamagaling at maaasahan sa mga empleyado nito. Iyon ang mga sinabi ng kanyang Kuya Lucas nang minsang makausap niya pa ito.He was right. Yes, sa maraming pagkakataon ay napatunayan iyon ni Randall. He was good at his
One year and five months after:"You are so beautiful, Fiona. Parang hindi ka nanganak sa gayak mo ngayon," nangingiting sabi ni Aleya sa kanya. Admiration was all over her cousin's face as she was looking at her reflection at the mirror.Nakaayos na nga siya at nakapagbihis na para sa espesyal na araw na iyon--- ang kasal nila ni Randall.Yes, it's their wedding day. Ngayon lamang sila ikakasal matapos ang mahigit isang taon mula nang maayos ang lahat sa relasyon nila at ng kanyang pamilya. And it was because of one reason, her Kuya Lucas.Sadyang inantala niya ang kasal nila ni Randall dahil sa kanyang nakatatandang kapatid. It was her decision actually.Ilang linggo nang nakauwi mula sa ibang bansa ang kanyang pamilya noon nang matuklasan nilang nagpakasal na ang kanyang Kuya Lucas sa kasintahan nito--- kay Janel, ang naging sekretarya ng kanilang ama bago pa man ito naaksidente.Kung paanong nagkaroon ng relasyon ang Kuya Lucas niya at si Janel ay hindi niya na alam. They just fou
Fiona let out a soft moan as she felt Randall's fingers touching her cheek. Nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata habang dinadama niya ang banayad na paghaplos ni Randall sa kanyang pisngi, bagay na nagdulot pa sa kanya ng kakaibang sensasyon gayung katatapos pa lamang nila magtalik.Nasa loob sila ng silid ng binata at kapwa pa nakahiga sa maliit na kama. Pareho din silang wala pang saplot sa katawan at tanging ang manipis na kumot lamang ang takip sa kanilang mga hubad na katawan.Hindi niya alam kung paanong nauwi sila nito sa loob ng silid na iyon nang ganoon na lang kabilis. Nang hagkan siya ni Randall ay waring nakalimutan na niya ang ibang bagay at tanging ito na lamang ang mahalaga.She responded to his kisses a while ago with same emotion as what Randall was feeling. May kung ilang saglit na dinama nila ang katawan ng isa't isa sa may sala ng apartment na iyon bago pa siya iginiya ng binata patungo sa loob ng silid nito.Doon ay tuluyan nitong tinanggal ang lahat ng saplo
Ilang mararahang katok sa pinto ng study room ang ginawa ni Fiona bago niya pinihit pabukas ang doorknob niyon. Agad na siyang pumasok sa loob ng nasabing silid at doon ay naabutan ang kanyang amang si Jake, nakaupo sa may swivel chair at waring napakalalim ng iniisip. Nakasandal pa ang buong katawan nito at ang ulo ay bahagyang nakatingala sa kisame ng silid.Pasado alas-nueve na ng gabi. Kanina ay hindi niya nagawang lumabas ng kanyang silid dahil sa bugso ng damdamin.Walang sino man sa mga kasama niya sa bahay na iyon ang nais magsabi sa kanya ng tungkol sa kung ano ang naging takbo ng usapan ng mga ito at ni Randall. Ni hindi na niya namalayan ang pag-alis ng binata. Nang pasukin siya ng kanyang ina sa loob ng kwarto niya ay ipinaalam lamang nito na umalis na si Randall.Gusto niyang usisain ang kanyang ina sa kung ano ang nangyari ngunit hindi ito nagsalita. Francheska just advised her to talk to her father and settled everything between them.Alam niyang wala siyang magiging pr
Tuluyan nang humakbang papasok ng study room si Randall habang ang mga mata ng mga naroon ay pawang nakatuon sa kanya. He can't help but to groan silently. Ang buong akala niya ay magiging madali lamang para sa kanya ang pagharap niya sa pamilya ni Fiona. Hindi niya sukat akalain na magiging ganito pala kahirap. Daig niya pa ang ginigisa sa napakainit na mantika.Kailanman ay hindi siya natakot sa panganib na kaakibat ng bawat trabahong nabibigay sa kanya. Ang iba ngang assignment na nahawakan niya ay mas mahirap pa kaysa sa kaso ni Fiona. Pero lahat ng iyon ay naharap niya nang buong tapang.Ngunit iba sa pagkakataon ngayon. Waring nais pa manginig ng mga tuhod niya habang tinatanggap ang mga nagtatanong na tingin ng bawat isa.Isang pagtikhim pa muna ang kanyang ginawa bago nagsalita. "M-Magandang araw.""So, you are Randall Mondejar," saad ng tiyahin ni Fiona, si Beatrice.Tumango lamang siya dito bilang tugon.Hinagod pa siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa saka bumalik ulit
Malakas na napatili si Fiona nang sumadsad si Randall sa may halamanan sa gilid ng kanilang bakod nang basta na lamang ito sinuntok ng kanyang nakatatandang kapatid. Dahil sa hindi nila inasahan ang gagawin ng kanyang Kuya Lucas ay hindi nakaiwas si Randall."Randall...!" malakas niyang sigaw sabay akma sanang lalapit sa binata.Ngunit bago niya pa man malapitan si Randall ay mabilis nang nakahakbang ang kanyang kapatid. Agad nitong hinawakan ang kwelyo ng binata at itinayo ito. Bakas sa mukha ni Lucas ang labis na galit nang muli itong magpakawala ng isang malakas na suntok sa mukha ni Randall."Kuya Lucas, stop!" muli niyang tili. "Tama na, Kuya Lucas."Fiona grabbed Lucas' hand and pulled him away from Randall. Nang lingunin niya ang kanyang kasintahan ay nakita niya pa ang marahan nitong pagpunas sa sulok ng labi nito. Dahil sa magkasunod na pagsuntok ni Lucas ay may bahid na ng dugo ng gilid ng bibig ng binata."Damn you, Mondejar! Hindi ko na kailangan pang itanong, sa naabutan
"M-Mahal mo ako?" hindi makapaniwalang saad ni Fiona kay Randall.Daig niya pa ang ipinako sa kanyang kinatatayuan matapos marinig ang pag-amin nito. Hindi siya makagalaw at nakamasid na lamang sa binatang kanyang kaharap. Gusto niya pang siguraduhin na hindi niya lang nakaringgan ang mga sinabi nito. She wanted to hear it over and over again."Yes, sugar," tugon ni Randall sa kanya. "Mahal kita. Hindi mo ba iyon naramdaman nang magkasama tayo sa Ihatub? Hindi mo man lang ba napansin sa mga kilos ko? Mahal kita, Fiona. Kung kinakailangan kong patunayan iyon sa iyo araw-araw ay gagawin ko. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, pangako, I would love you for the rest of my life."Hindi na namalayan pa ni Fiona na naglandas na ang kanyang mga luha sa magkabila niyang pisngi. Hindi niya maiwasang mapaiyak. Ang mga sinabi nito ay waring isang napakagandang musika, kay sarap pakinggan.All this time, may katugon pala ang nadarama niya para sa binata? Hindi lang isang pagkukunwari. Hindi lang da
"Who is he, Fiona?" narinig niyang tanong ni Marvin. Sa kanilang tatlo ay ito ang unang nakabawi mula sa pagkabiglang nadama dulot ng mga sinabi ni Randall kanina.Siya kasi ay nanatiling nakatitig pa rin sa binata na sa loob ng ilang araw ay pinanabikan niyang makita ulit. Wari siyang naipako sa kanyang kinatatayuan habang walang puknat na nakatingin sa mukha ni Randall.Ngayong nasilayan niya ito muli ay wari bang bumuhos ang labis na pangungulilang nadarama niya. Hindi niya pa mapigilang igala ang kanyang mga mata sa kabuuan nito nang bigla ay naalala niya ang mga sinabi ng kanyang Uncle Ronniel.Nagtamo ito ng tama ng baril nang magkaroon ng engkwentro laban sa mga lalaking binayaran ni Samuel. Gusto niya pang hanapin ang pinsalang natamo nito at siguraduhin kung maayos na ba ang kalagayan nito ngayon.But all the worries that she felt was suddenly gone when she heard him talked again. Kay Marvin ito nakatingin habang nagsasalita."Ako si Randall," seryoso nitong tugon sa tanong n
Nang marinig ni Fiona ang mga sinabi ni Manang Ligaya na may bisita siyang dumating ay agad niyang inaya si Julia na bumaba. Nagpatiuna pa siya sa paglalakad patungo sa may hagdan at nagmamadaling nagtungo sa may sala.She was excited to see her visitor. Hindi niya man gustong aminin pero inaasam niya talaga na si Randall ang dumating at naghahanap sa kanya. Hindi pa sila muling nagkakausap kaya naman hindi niya maipaliwanag ang pananabik na muli itong makaharap.Ngunit nasa kalagitnaan pa lamang si Fiona ng kanilang hagdan nang bigla ay matigilan na siya sa kanyang paglalakad. Si Julia na nasa kanyang likuran ay marahan pa siyang nilampasan at mas nauna sa pagbaba habang siya ay hindi maiwasan ang biglang pagbagsak ng kanyang mga balikat."M-Marvin..." aniya sa bagong dating na ngayon ay nakatayo na nang makita silang pababa ng hagdan. Nagtuloy na siya sa kanyang paglalakad hanggang sa tuluyan siyang makalapit sa mga ito.Tipid siyang ngumiti kay Marvin kahit pa sa kanyang loob ay wa
Matapos maikalma ang kanyang sarili ay binuksan na ni Fiona ang gripong nasa kanyang harapan para maghugas ng kanyang bibig at kamay. Isang pagmumog din ang kanyang ginawa matapos ang pagsusuka na kanyang naranasan.It was so obvious that what happened to her was brought by her pregnancy. Nitong mga nakalipas na araw ay sadyang nagiging mapili siya sa pagkain. May ilang amoy at lasa din na hindi niya gusto.And that happened a while ago. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili at kahit pa kaharap niya ang kanyang pamilya na wala pang kaalam-alam sa kanyang kalagayan ay dali-dali nang tumayo si Fiona mula sa hapag at nagtungo nga sa kusina para magsuka.Isinara niya na ang gripo at nagpakawala pa ng isang malalim na hininga saka pumihit na para bumalik sa may komedor. Sa pagharap ni Fiona ay agad pa siyang natigilan nang makita sa kanyang likuran ang kanyang inang si Francheska.Her mother was staring at her intently. Wari bang sa pamamagitan pa lang ng mga titig nito ay sinusuri na si