Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay.
Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito.Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo kaming parusahan sa aming pagpasok sa iyong teritoryo," Magalang na sambit ni Artemis."Binata, ano ang kailangan niyo at naparito kayo sa aking buod?" Baritono at nakakatakot na boses na tanong sa kanila ng hari."Mahal na hari, narito po kami upang hingin ang permiso mong ipagkatiwala sa amin ang aklat ng Dwane. Nais po naming gamitin ito upang makapunta sa nawawalang kaharian. Galing po kami sa mundo ng mga tao na ngayon ay kasalukuyang pinamumunuan ng demonyo at wala kaming ibang magagawa kung hindi ang humingi ng saklolo sa mga may kapangyarihan. Ako po si Artemis, nagmula sa kaharian ng Dohiko, ako po ang pangalawang anak ng hari," magalang na paliwanag ni Artemis."At sino naman ang mga kasamahan mo? Nasisiguro mo bang totoo ang hangarin nila at hindi ang magnakaw ng kayamanan?" Muli pang tanong ng hari. Kasalukuyan parin silang nakaluhod at nakayuko sa harap ng hari.Pinili ng hari na huwag na munang magpakilala kay Artemis, na kanyang apo. Makakasira lamang iyon ng kanyang konsentrasyon. At hindi pa ito ang tamang panahon para doon."Ako po si Xinniang, at ito po ang aking mga kapatid, itinataya ko po ang buhay ko bilang kabayaran oras na may magtraydor sa hanay namin, mahal na hari," Magalang naman na sagot nito."Mahal na hari, nais po naming ihandog sa iyo ang kaputing ito, bilang paggunita sa mabubuong kasunduan sa pagitan ng iyong nasasakupan at naming mga tao," Muling sambit ni Artemis habang nakalahad ang kamay na may hawak ng kapa.Agad na sumenyas ang hari sa mga tauhan upang kunin sa kamay ni Artemis ang bagay na iyon. Ngunit gayon na lamang ang gulat nilang lahat ng biglang umilaw ang bagay na iyon ng hawakan ng hari at naging isang maliit na aklat. Ito ang aklat ng Dwane, ang aklat ng gabay."Maaari na kayong tumayo, magpahinga na muna kayo sa ngayon. Si Granda na ang bahala sa inyo. Bukas na bukas, ihahatid kayo ni Granda sa lagusan. Doon tayo muling magkita," Matapos sabihin iyon ay agad ng tumalikod ang hari kasama ang mga tauhan.Si Granda ang nilalang na sumalubong sa kanila ng araw na dumating sila sa lugar na iyon. Muli, ay dinala sila sa silid na pinagdalhan sa kanila noong una. Masaya silang kumain ng kumain, sa gutom ay naubos nilang lahat ang pagkain inihain sa kanila.Matapos kumain, agad na silang nagpahinga, bawat isa sa kanila ay binigyan sila ng tig-iisang silid-pahingahan.Agad ng naligo si Artemis, habang naliligo, bakas ang sakit sa kanyang katawan dahil sa dami ng bali na kanyang natamo, hindi parin magaling ang sugat sa kanyang likuran mula sa kanyang pagkakatilapon at ang malaking hiwa sa hita dahil sa kuko ng higanti. Nakapikit niyang dinadama ang mainit na tubig na nagmumula sa paliguan sa kanyang silid. Naalala niya ang mukha ng kanyang ina, natatakot siya, na habang tumatagal ay mas lalong nanganganib ang kalagayan nito.Natatakot siyang mahuli, kaya pipilitin niyang kumilos ng mabilis. Sisimulan narin niya ang pagsasanay habang nasa isang paglalakbay sila papuntang nawawalang kaharian. Kailangan na niyang pag-aralan ang aklat na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Matapos magbabad sa mainit na paliguan ay agad na siyang payapang natulog.Kinabukasan, agad na silang gumayak. Nakangiting sinalubong ni Artemis sina Xinniang na naghihintay na pala sa kanya sa labas ng kanyang silid. Napakamot na lamang siya ng batok sa hiya. Napasarap ang tulog niya kaya hindi niya namalayan na umaga na pala. Sa pagmamadali niya pa ay hindi pa niya naisuot ng maayos ang kanyang damit pang-itaas.Napangiti na lamang din si Xinniang. Ilang araw na niyang hindi nakikita ang magagandang ngiti sa labi ng lalaking kanyang sinisinta, kaya masaya sya na makita itong nakangiti at tila nahihiya. Agad siyang lumapit dito at hinalikan ang pisngi nito na mas lalo pang nakapagapula sa pisngi nito. Inayos na rin ni Xinniang ang damit nito. Napailing-iling nalang sina Kael sa nakita at hindi maiwasang mapangiti na rin.Nakita nilang papalapit na sa kanila si Granda kaya agad na silang naglakad pasalubong dito. Ngumiti naman ito sa kanila at lumapit kina Artemis at Xinniang. Yumakap pa ito sa tuhod ni Xinniang.Hindi ito nagsasalita ngunit naiintindihan nila ang nais nitong ipahiwatig sa pamamagitan ng pagsenyas nito. Papunta sila ngayon sa hapag-kainan, ng makarating sila, nadatnan nila ang iba pang nilalang na kagaya ni Granda na abalang-abala sa paghahanda ng pagkain sa lapag, ang iba pa ay nagbabalot ng mga gulay, prutas at iba pang pagkain.Ng makita silang paparating, isa-isang nagsilapitan ang mga cute na bunny papunta sa kanila, hinila sila sa kani-kanilang upuan at pinaghain ng pagkain. Napangiti na lamang sila sa kabaitang ipinapakita sa kanila. Masaya silang kumain kasama ang buong angkan ni Granda.Matapos kumain, hinatid na sila papunta sa pintuang lagusan. Doon ay nadatnan nila ang kararating lamang na hari, kasama ang ilan sa mga magagaling nitong tauhan. May nakita silang tatlong maliliit na dragon na palipad-lipad sa harapan ng hari, mayroon ding malaking gorilya at may isa pang kakaibang nilalang. Tila mga usa ngunit sobrang laki ng katawan na parang sa kalabaw. Ang mukha ay parang sa kabayo ngunit ang sungay ay parang sa usa."Maligayang pagbati, mahal na hari," Bati nilang lahat sa nakangiting hari. Hindi na ito ang nakakatakot na hari na kahapon lang ay sumalubong sa kanila.Nagulat pa si Artemis ng pagkalapit niya rito ay mahigpit siyang niyakap nito, tila pa nakaramdam siya ng pangungulila ng yakapin siya nito, na parang kilala niya ito ngunit hindi.Ibinigay ni haring Oscar ang aklat ng Dwane kay Artemis, at ang aklat ng mga dragon. "Artemis, tama? Nais kung pag-aralan mo ang aklat na ito, sa muling pagkikita natin ay wag mo akong bibiguin," Sambit nito.Isa-isa na silang binigyan ng parang usa na nilalang na kanilang nakita, ito pala ang kanilang sasakyan papuntang kanluan."Artemis, nais kung ihandog sa inyo ang tatlong ito, malaki ang maitutulong nila sa hinaharap, alagaan nyong mabuti ang mga ito..."Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay
"Ano? Paano nyo nasasabing hindi ako karapat-dapat na umupo sa trono, gayong hindi nyo naman ako pinapakinggan o binibigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili ko, ama?" pagalit kung sambit. Ako si Prinsipe Artemis, pangalawang Prinsipe sa kaharian ng Dohiko. Ang kapatid kong si Prinsipe Dotar, ay sadyang mapanglinlang, sya ang panganay sa aming dalawa at pinapaboran ni Ama. Anak sya ng Reyna Melia, samantalang ako ay anak lamang ng Concubine. Dahil na rin sa katayuan at posisyon ng aking ina, ay naging mababa ang tingin ng lahat sa akin. Ngunit hindi naman ito naging hadlang para hindi ako maghangad na maupo sa trono. Ang dahilan ko? iyon ay dahil hindi ko talaga nais na ang kapatid ko ang umopo sa trono. Hindi ko nais na mahulog sa masamang kamay, ang aking minamahal na mga mamamayan. Bata pa lang kami ay nakitaan ko na ng kakaibang pag-uugali si Dator. Sakim ito at laging naghahangad ng labis-labis. Walang habas kung manakit ng kapwa bata at mayroon din itong itim na kapangyarih
Prinsipe Artemis pov Hindi parin ako makapaniwala na darating sa puntong magiging ganito ang kinalalagyan kong sitwasyon. Ayaw kung malayo sa aking ina ngunit anong magagawa ko? Mapapahamak lamang sya kung palihim ko syang itatakas lalo na ngayong mahigpit na akong pinamamanmanan ni Dotar. Hindi talaga ito titigil hanggat hindi ako tuluyang mawala sa landas nya. Ng dumating ako sa palasyo ng aking ina ay nakita ko itong naluluha habang nakaabang sa akin. Sigurado akong nalaman na ni ina ang kautosan at parusa ng aking ama sa akin. "Ina," Bati ko rito at bahagya akong yumuko at pagkatapos hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay. " Anak ko," mahinang sambit nya habang hinahaplos ang aking mukha. Naglakad kami patungo sa upuan at duon nag-usap. Umiiyak parin sya habang nakatingin sa akin." Anak ko, patawarin mo ako kung wala man lang akong magawa para matulungan ka. Napakawalang kwenta kung ina," malungkot nitong pahayag.Nginitian ko sya at marahang pinahid ang kanyang mga luha."I
Xinniang pov Kasalukuyan ako ngayong nakasakay sa karwahe. Naglalakbay ako papuntang Mount Povo dahil may ihahatid kaming mga kalakal galing sa Bayan namin. Isa akong mangangalakal at madalas akong naglalakbay sa ibat-ibang panig ng bansa upang ihatid ang mga kalakal. Bilang isang mangangalakal ay lubhang mapanganib ang maglakbay sa mga malalayong lugar. Ito ang dahilan kung bakit nagsanay ako ng husto sa pakikipagbakbakan at paggamit ng sandata, ng sa ganun ay maprotektahan ko ang sarili ko laban sa mga masasamang nilalang lalo na ng mga bandido. Madalas kasi sa mga kagaya ko, ay tinatambangan ng mga ito at ninanakaw ang lahat ng dala. Dahil narin sa sobrang hilig kung maglakbay kong saan-saan, ay nakilala ko ang grupo ng mga bandidong sinubukan akong nakawan. Tinalo ko sila sa isang labanan kaya ang kapalit ay magiging tagasunod ko na sila. Maluwag naman sa loob na tinanggap nila ang kondisyong iyon dahil narin sa wala naman silang kapwa mga pamilya. Sampo silang lahat at ako an
Xinniang pov"Anong nangyayari?" tanong ko."Xianniang, hindi na tayo pwedeng magtagal rito. May mga kawal na paparating. Tingin ko ay hinahanap nila ang lalaking ito," wika ni Red." Anong gagawin natin? hindi nila maaring makita ang lalaking ito, tingin ko nanganganib ang buhay nya at wala tayong ibang pagpipilian kung hindi ang itago sya," sabi ko naman."Dito, ilagay nyo sya dito at tabunan ng mga ito," turo ko sa isang kahon. May laman itong mga tela kaya ito ang gagawin kong pantakip. Malaki naman ito kaya magkakasya parin ang lalaki dito.Agad naman silang kumilos at maayos na inilagay duon ang lalaki. Tinabunan namin sya ng maigi para hindi makita ng mga tagasuri na kawal. Pagkatapos ay kaswal na pinatakbo nina Deroi ang karwahe habang nakasakay ang iba sa kabayo at nasa likuran."Kayo! hinto," utos agad ng kawal at pinababa kaming lahat. Ipinakita sa amin ang larawan ng lalaki, tama! sya nga talaga ang hinahanap nila. "Nakita nyo ba ang kriminal na ito?" kumunot naman ang noo
Narrator's pov Isang linggo na ang nakakalipas matapos ang nangyaring pagligtas ni Xinniang kay Prinsipe Artemis. Isang linggo narin itong mahimbing paring nakaratay sa higaan. Kasalukuyan silang nanunuluyan sa bahay ni Kael. Isang mayamang negosyante sa Mount Povo. Minabuti narin muna ni Xinniang na tumigil roon pansamantala, ng sa gayon ay masubaybayan nya ang kalagayan ng lalaking hindi parin nya nakikilala. Isang linggo naring naghahanap ang mga kawal kay Prinsipe Artemis, sa utos narin ng kanilang bagong hari.Samantalang nagsisimula naring kumilos si Haring Dotar. Isa-isa nyang inalis sa pwesto ang mga taong naging balakid noon pa sa pag-upo nya sa trono. Ang mga taong tutol sa kanyang pag-upo sa trono ay kanyang ipinadukot. Pinalitan nya ang lahat ng mga dating opisyal ng kanyang mga tagasunod. Naging magulo na ang takbo ng pamamalakad. Lahat ay sakim at ganid sa kapangyarihan. Sumang-ayon silang lahat na taasan ng tatlong beses keysa sa regular na buwis ang dapat na ibayad n
“Huh? Bakit nyo naman natanong ang bagay na iyan?” Takang tanong ko. Ano na bang nangyayari sa labas ngayon?? “Hindi mo na nanaisin pang tingnan at titigan ang noon ay magagandang tanawin at masiglang bayan, ngayon ay naging parang libingan na. Kumalat na ang sakit sa buong kaharian. Bagsak na ang ekonomiya at lahat ng tao ay naghihirap na, wala na silang makain,” Mahinahon ngunit pagalit na sabi ni Xinniang. Bahagya pang nakakuyom ang kamao nito. Bagsak ang balikat ni Prinsepe Artemis dahil sa narinig. Hindi pa man nya nakikita ay nailalarawan na nya ito sa kanyang isipan, naitakip na lamang niya ang kanyang mga palad sa mukha. Galit at pagkamuhi, yan ang kanyang nararamdaman ngayon, nabigo sya, ano na ang gagawin nya ngayon? Paano na ang kanyang pangako sa sarili? Paano na ang kanyang mga nasasakupan, hindi mapigilang tumulo ng kanyang mga luha. Labis na kabiguan ang kanyang nararamdaman. “Ayos ka lamang ba Prinsipe Artemis?”Mahinahong tanong naman ni Kael dito. Nakikita nito kung
Ngunit, ang inaakala nilang payapa ay isang malaking kabaliktaran pala ng katotohanan. Sa kagubatan pala naglulungga ang karamihan sa mga barumbadong tauhan ng hari. Sila ang nagbabantay sa mga nagtatangkang tumakas o manguha ng mga bungang-kahoy sa kagubatan. Nakapalibot ang halos nasa labing-limang sundalo habang masayang kumakain at umiinom. May mga babae pa itong mga bihag at pilit na minomolestiya. Napapikit nalang si Prinsipe Artemis at napahawak sa kanyang sandata ng mahigpit. Maagap naman itong nahawakan sa balikat ni Kael ng magtangka itong sumugod. Umiling si Kael sa kanya indikasyon na pinipigilan syang gumawa ng ano mang hakbang na maaaring sumira sa plano nila. Mabilis na nilang hinila palayo si Artemis sa lugar na ito. “Alam naming nais mo nang sumugod roon, pero pakiusap maghunos-dili ka, tingin mo maililigtas mo sila gamit ang karahasan? Hindi, kasi hindi lang sila ang gumagawa ng ganong karumal-dumal na gawain! Isipin mo ngang mabuti," Inis na pangaral ni Xinniang
Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay
Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo
Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan
Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay
Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi
Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i
Habang naglalakad, hindi nila maiwasang isipin ang mga nangyari, ilan na ang nawala sa kanila, ilan na lamang silang natira, at ano na nga ba ang nangyari kina Blake.Tahimik lamang silang naglalakad ng biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan, sa pakiwari ba ay mayroong malalaking paa na naglalakad, tila higante sapagkat bawat hakbang ay talagang nayayanig ang buong paligid. Hindi nga sila nagkamali sa kanilang hinua, nakita na lamang nila ang higanting nilalang, para itong cyclope sapagkat iisang mata lamang mayroon ito,malalaking bibig na parang pinigtas dahil umaabot hanggang tenga, malalaking tenga, matutulis na ngipin at tumutulo pa ang lqway nito.Nanlaki ng husto ang kanilang mga mata sa nasaksihan, isang nakakatakot na nilalang ang ngayon ay nakatayo sa kanilang harapan.*Gggrrrrr, tao, nasaas ang tao, ggrrr!*Malakas na sigaw nito. Napapikit na lamang sila dahil duon. Inaamoy-amoy pa nito ang paligid at pilit sinisipat. Sa mabilis na galaw, ay sabay nilang inatake an
Kaya, labis na ikinagulat ni haring Azcar, ng ibinalita sa kanya ng kanyang kanang kamay na may mga nakapasok na nilalang sa dalawang kaharian. “Ano? Sila na ba ang ating hinihintay? Sila na ba ang mga piling tao na sinasabi ng propiseya na tutulong sa itinakdang hari?” Masigasig namang tanong ni haring Azcar. Mabilis namang tumango ang kanyang kanang kamay, pinanood nila sa bolang kristal ang pagdating ng mga ito, kung gaano namangha ang kanilang mga mukha at kung gaano sila nagulat sa lugar na kanilang nadatnan. Nakita pa nila ang ginawang pagkukurutan ng mga iyo. Napailing na lamang si Haring Azcar sa mga kalokohan ng tao. Isa rin ito sa kanyang namimis na mga sandali. Matagal ng namatay ang babaeng kanyang iniibig, isa itong purong tao kaya hindi rin nagtagal ang buhay nito. Matapos nitong ipinanganak ang kanilang anak ay pumanaw na ito. Samantala, ang kanyang anak naman ay tumangging pamunuan ang kanluan, bagkos ay piniling mamuno sa kaharian ng kanyang kabiyak, sa nawawalang k
“Saan tayo dadaan Artemis?” Tanong naman ni Kael.Napaisip naman si Artemis, lahat ng mga dinaanan nila ay pawang malalawak na daan, ngunit palaging nauuwi sa panganib. Bakit hindi kaya nila subukang dumaan sa makitid at mahirap na daan, baka dito ay may marating sila. “Dito tayo, sa kaliwa, subukan naman nating dumaan sa mahirap at makitid na daan, baka sakaling may magandang naghihintay sa atin,” Ngunit sa kanyang sinabi, karamihan ay tumutol. “Ngunit Artemis, nababaliw ka na ba? Bakit dadaan tayo sa mahirap na daan gayong meron naman madali at sigurado? Gusto mo nabang mamatay?” Pagalit na wika ni Blake. Isa si Blake sa muntikan ng mapugutan ng ulo kani-kanina lamang. Hindi nya matanggap na muntik na syang mawalan ng buhay dahil sa kabaliwang ito. Susugod sila ng hindi handa at susuong sa lugar ng mga buwetre. Ano nalamang ang mangyayari sa kanila. Kung tutuosin ay para lamang silang mga langaw na pwedeng terisin ng mga halimaw sa lupaing ito. Maswerte sila kung may mabubuhay pa