Share

Chapter 7

Author: Angel_266
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Ngunit, ang inaakala nilang payapa ay isang malaking kabaliktaran pala ng katotohanan. Sa kagubatan pala naglulungga ang karamihan sa mga barumbadong tauhan ng hari. Sila ang nagbabantay sa mga nagtatangkang tumakas o manguha ng mga bungang-kahoy sa kagubatan.

Nakapalibot ang halos nasa labing-limang sundalo habang masayang kumakain at umiinom. May mga babae pa itong mga bihag at pilit na minomolestiya.

Napapikit nalang si Prinsipe Artemis at napahawak sa kanyang sandata ng mahigpit. Maagap naman itong nahawakan sa balikat ni Kael ng magtangka itong sumugod. Umiling si Kael sa kanya indikasyon na pinipigilan syang gumawa ng ano mang hakbang na maaaring sumira sa plano nila. Mabilis na nilang hinila palayo si Artemis sa lugar na ito.

“Alam naming nais mo nang sumugod roon, pero pakiusap maghunos-dili ka, tingin mo maililigtas mo sila gamit ang karahasan? Hindi, kasi hindi lang sila ang gumagawa ng ganong karumal-dumal na gawain! Isipin mo ngang mabuti," Inis na pangaral ni Xinniang

“Pero kailangan nila ng tulong natin, bakit hindi natin sila tulungan?” Malakas naman na wika ni Artemis.

“Tulungan? Tingin mo matutulungan mo sila? Tingin mo kapag natulungan mo sila ngayon ay wala na ulit aabuso sa kanila? Pwede bang mag-isip ka!” Mabilis na tumalikod at naglakad papalayo si Xinniang.

Sya man ay nakokonsensya at naiiyak, nanggigigil din dahil sa kanyang nakita, pero kailangan nyang pigilan ang kanyang sarili. May mas mahalagang misyon silang kailangang gawin at yon ang dapat na pagtuunan ng pansin.

“Alam mo prinsipe, tama naman si Xinniang, alalahanin mong may mas mahalaga tayong bagay na kailangang gawin, pano kung dito palang namatay na tayo? Pano nalang ang misyon na iniatas sayo?” Hinawakan ni Artemis ang kanyang ulo at inis na sinabunutan ito ng malakas. Maya-maya, ay tumayo ito.

“Siguro nga tama kayo...”

Mabilis naman agad na hinabol nilang lahat si Xinniang. Naabutan nila itong pinagtatagpas ang sanga ng puno. Indikasyon na naiinis ito sa mga nangyayayari.

Lumapit si Artemis kay Xinniang, “Patawad binibining Xinniang, tama ka, isa akong hangal at di marunong mag-isip, masyado akong naging padalos-dalos sa naging desisyon ko. Patawad!” Tiningnan naman sya ni Xinniang at matamang pinagmamasdan.

“Tama ka rin naman, masyado rin ako naging mapusok, patawad prinsipe," Sagot naman nito.

“Hayys, tama na nga yan, ngayon ay may mas mahalaga tayong bagay na dapat pag-usapan. Kailangan natin ng mapa at mga gamit na maaaring magamit natin sa ating paglalakbay. Ang kompas ng direksyon at ang mapa na magtuturo sa atin ng daan papuntang Kanluan," Sabat naman ni Kael.

Doon lang pumasok sa isip ni Artemis na wala nga pala silang mapa, paano sila pupunta sa Kanluan. Magiging mahirap sa kanilang maglakbay ng walang kasiguraduhan. Bigla namang sumagi sa isip nya ang kuwentas na isinuot a kanya ng ina.

Binuksan nya ang pendant nito, duon ay biglang may lumabas na usok. Biglang may mga sulat na lumutang sa kanilang harapan.

“Anong klaseng wika ito Artemis? Kakaiba, hindi ko batid ang mga letrang nakaukit dito," Nakakunot naman ang noong tanong ni Kael. Tinitigan pa nito ng husto ang sulat ngunit hindi nya talaga malaman ang mga karakter na nakapaloob dito.

“Ako, alam kong basahin yan!" Presenta naman ni Dustin,“ Ang wikang yan ay wika ng mga itim na Anohar. Itinuturo ito sa tribo namin noon kaya maalam akong basahin yan,” Agad naman syang pumunta sa harapan upang basahin ng malakas ang nakasulat.

Mahal kong anak,

Nais kong sabihin sayo na mag-iingat ka sa iyong gagawing paglalakbay. Mapanganib ang daang iyong tatahakin, ngunit may tiwala ako sa iyo anak.

Hanapin ang tubig, tubig na mainit

Bukal na kalooban, malinis na hangarin, hingin ang iyong nanaisin, sa tubig ng kalinisan, iyong makakamtan, ibigay kanyang nanaisin, wag itaboy, wag sasaktan, wag magmarunong at kasamaan iyong iwan saan man ikay kanyang gagabayan, ituturo daan ng iyong patutunguhan sa dalisay na kalawakan ikay kanyang dadalhin.

“Ano ang ibig sabihin ng sulat na ito? Wala akong maintindihan?” Takang tanong naman ng iba.

“Hanapin ang tubig, tubig na mainit??” Takang tanong ni Kael.

“Hindi kaya ay sa tubig natin mahahanap ang mapa? Mainit na tubig? May alam ba kayong bukal malapit dito?” Napailing naman ang lahat.

Tahimik namang inaanalisa ni Artemis ang kanyang narinig. Wala talaga syang maisip liban nalang sa literal nitong kahulugan.

Nagsimula silang maglakad ng maingat habang pilit paring inaanalisa sa kanilang mga isipan ang narinig kanina. Tahimik lamang silang lahat hanggang hindi nila namalayan ang daang kanilang nilalakaran. Nasa pababang hagdan sila patungo sa kweba ng isa sa pinakamatandang sorcerer na nagbabantay sa lagusan ng mahiwagang tubig. Ang tubig na pinaniniwalaang nakakapagpabuhay

ng mga patay. Isang mahimalang tubig ng bukal.

“Teka...Nasaan na nga ba tayo??” Mahinang tanong ni Blue sa mga kasamahan.

Doon lamang silang lahat bumalik sa huwisyo at pinagmasdan ang kanilang paligid. Nakita nilang pababa ang lupang hagdan na kanilang tinatahak. Sa baba ay may kadiliman dahil sa mga naglalakihang puno, kaya hindi nila masyadong kita ang nasa unahan.

Dahan-dahan silang naglakad ng may bahid ng pangamba at pagtataka na kung sa paanong paraan sila napunta sa lugar na iyon. Hindi nila alam na sa oras na mabasa nila ang nakasulat na mensahe sa loob ng mahiwagang pendant ay dadalhin sila nito sa lugar ng mahiwagang bukal. Doon nila haharapin ang mga pagsubok na ibibigay sa kanila ng matandang sorcerer bago nila makuha ang kanilang pakay.

Habang pababa sila, bigla silang nakakita ng dalawang matanda, para itong mag-asawa, inaakay ng babaeng matanda ang kanyang asawa paakyat sa hagdanan. Lumingon sila sa kanilang pinanggalingan, nakita nilang sobrang tarik na pala ng kanilang nilalakaran. Masyado pang malayo ang aakyatin ng mag-asawa para lang makarating sa taas.

Dali-dali silang tumakbo palapit sa dalawa. Inalalayan ni Xinniang at Artemis ang mag-asawa.

“Magandang hapon po sa inyong dalawa lola at lolo. Ano po ba ang inyong ginagawa sa lugar na ito? Napakadilekado po, pano nalang kung aksidenteng malaglag kayo o matalisod,” Dahan-dahan muna nilang pina-upo ang dalawa sa baitang ng hagdan.

“Lola, tumakas ho ba kayo sa mga masasamang sundalo at napunta sa lugar na ito?” Tanong naman ni Artemis.

“Isa-isa lang mga apo, mahina ang kalaban...nandito kami kasi dito kami nakatira, doon sa baba,” Itinuro nito ang ibabang bahagi ng hagdanan, “Sinubukan lang naming umakyat upang makapag-ehersisyo, ako nga pala si lola Belinda at ito naman si lolo karding. Pasensya na at hindi na sya nakakarinig kaya hindi nya tayo naririnig. Nakikita nya lang na nag-uusap tayo...” Sagot naman ni Lola Belinda.

“Aahh, dyan po kayo nakatira? May bahay po ba dyan? Wala naman po kaming makita, ang kapal kasi ng hamog lola...”

Related chapters

  • Fight For The Throne   Chapter 8

    “Oo nandyan lang yan sa baba,” Sagot naman ni lola Belinda at dahan-dahan na itong tumayo. Inakay nito ang kanyang asawa at akmang aakyat na nanaman ulit sa hagdanan ng pigilan ito ni Artemis.“Lola Belinda, huwag niyo po sanang mamasamain, ano po ba ang inyong gagawin sa taas? Tulungan na po namin kayo lola,” At maagap naman agad na inalalayan. “Ngunit... kami ba ay hindi nakakaabala sa inyo? Mukhang may mahalaga kayong lakad?” Tanong naman ulit ni lola.“Lola, wala ng mas mahalaga pa keysa sa kaligtasan ninyo. Mas mapapanatag lamang kami kung makasisiguro kaming maayos kayong makakarating sa inyong paroroonan,” Mahinahon namang sagot ni Xinniang.Walang nagawa ay pumayag na lamang si Lola Belinda. Umakyat silang muli sa matarik na daan habang akay-akay ang dalawang matanda. Hingal na hingal naman sila ng makarating sa taas. Hindi man lamang nila napansin na ganito na pala katarik ang daang kanilang tinatahak. Masyado silang nalunod sa lalim ng kanilang iniisip. Pagkarating nila sa

  • Fight For The Throne   Chapter 9

    “Sige pa...Lapit, lapit pa! Hahahahaha,” Sunod-sunod na tawa ang kanilang maririnig sa buong paligid.Nanlaki na lamang ang kanilang mga mata ng makita sina Benjo at si Loid na kanya-kanya ng hakot ng mga ginto.“Benjo, Loid ano ang inyong ginagawa, nililinlang lamang nila kayo. Tumigil kayo, bumalik kayo dito!” Malakas na sigaw ni Xinniang maging sina Deroi ay nagsisigaw narin. Ngunit tila hindi na sila naririnig ng dalawa. Bakas ang labis na tuwa sa mukha ng mga ito, bahagya pang kinakagat ang mga ginto bago ipasok sa lalagyan.“Yan ganyan nga, punuin pa ninyo ang inyong mga lalagyan, kunin ninyo kahit gaano pa karaming ginto, hindi na kayo kailan man magugutom, gamit ang ginto ay mabibili na ninyo ang lahat ng inyong naisin,” Nasa harap ng dalawa ang magkapatid.Sa mga mata nina Benjo at Loid, napakaganda at seksi ng dalawa. Mga babaeng natitiyak nilang madadala sila sa langit. Ngunit sa mata nina Xinniang, ay ang nakakahindik na anyo ng dalawa ang kanilang nakikita.“Hahaha, pare m

  • Fight For The Throne   Chapter 10

    “Tama, naalala mo din ba noong inagawan mo ako ng tinapay?” Tanong naman nito ulit.“Ahh haha, oo umiyak ka pa nga non hahaha,” Palingon-lingon ito sa paligid at malikot ang mga mata.“Talaga? Naalala mo yun? Ako kasi, hindi! Dahil hindi naman tayo nagkita nong mga bata pa tayo!” Malakas na sigaw ni Xinniang. Agad niyang sinugod si Deroi ng atake, mabilis ding sumunod ang iba.Inilabas naman agad nito ang sandata atsinangga ang bawat atake nina Artemis. *Clang, clang!* Sunod-sunod na kalansing ng sandata ang maririnig sa buong disyerto.Sunod-sunod nilang inatake si Deroi, mabilis din itong umiilag. Maliksi ito at malakas. Bawat atake nito ay may napupuruhan sa kanila. Idagdag pa na pagod na pagod na sila sa kakalakad. Lumipad papalayo si Blake ng matamaan ng malakas na suntok ni Deroi, nasipa naman ng malakas si Red at nahampas ng hawakan ng espada si Blue. Muntik ng masaksak si Kael buti nalang nasangga ni Artemis ng kanyang espada. Umaatikabong labanan ang nangyari. Hapong-hapo n

  • Fight For The Throne   Chapter 11

    Maya-maya lang ay ipinasok na ni Artemis ang susi sa pinto ng bigla nalang itong bumukas. Malakas na langitngit ang namayani sa buong paligid, isa-isa na silang pumasok sa pinto. Nilamon sila ng kadiliman, walang hanggang kadiliman. Nagkahiwalay sila, bawat isa sa kanila ay may sariling dilim sa puso, isa-isa silang susubukin ng tadhana, kung gaano sila katatag at kadeterminado sa kanilang pakay. Ito ang isa sa pinakamahirap na pagsubok na kanilang haharapin. Bukod sa magkahiwalay, ay haharapin pa nilang mag-isa ang takot at dilim na namamayani sa kanilang kalooban.Nagtaka si Artemis ng pagkapasok nya sa itim na pinto ay nasa palasyo na sya. Nakita nya ang kanyang ama na nakaupo sa trono habang kalong-kalong ang kanyang kapatid na si Dotar. Masayang nagtatawanan ang mga ito, at ang masakit, silang mag-ina ang pinagtatawanan at pinag-uusapan ng mga ito.“Ama, sino ba ang mas mahal mo? Ako o ang walang kwentang anak ng isang dukhang concubine na si Artemis?” Malakas na tanong ni Dotar

  • Fight For The Throne   Chapter 12

    Maya-maya ay nagulat sila ng makarinig ng malakas na palakpak.“Magaling, magaling! Sa loob ng limang-daang taon kong pagbabantay sa lugar na ito, sa dami ng nagtangka ay kayo lamang ang bukod tanging nakapasa sa aking pagsubok, Binabati ko kayo. Maaari na kayong pumasok sa kweba. Ito ang susi,” Ibinigay nito ang susi sa kanila. Tatalikod na sana ito ng mabilis itong tawagin ni Artemis.“Sandali!” Mabilis na humarang si Artemis sa daan nito at agad na nagtanong.“Bakit? Bakit ako ang iyong napiling ipasok sa iyong ilusyon? Bakit si Ina pa?” Tahimik lang itong nakatingin sa kanya habang sya ay nanggigigil na sa galit. Galit sya hindi dahil sa ipinakita nito, kung hindi dahil sa ipinakita nito ang katotohanang matagal na nyang itinatanggi simula palang ng umalis sya sa kaharian nila.Uniling lang ito at mabilis na naglaho sa hangin. Hindi parin nakakahuma si Artemis, labis syang naapektuhan ng mga nakita. Kung sana lang ay hindi totoo iyon, kung sana lang ay kabaliktaran iyon ng tunay na

  • Fight For The Throne   Chapter 13

    “Ano po ang mga ito lola?” Tanong naman agad ni Deroi.“Malalaman nyo sa takdang panahon,” Pagkasabi nito ay mabilis na itong tumayo. “Tara na, ihahatid ko na kayo sa labasan, bago pa magsara ang lagusan at tuluyan kayong makulong dito,” Mahinahon nitong sambit.Pagkarating nilang lahat sa lagusan, nakita nila ang malaking pintuan, sa pintuan ay may siyam na pangalan ang nakaukit. Ng titigan nilang mabuti, nalaman nilang pangalan nila ang nakasulat sa pintuan, napakunot ang kanilang mga noo dahil sa pagtataka.Itim ang kulay ng pinto, wala namang kung anong kahina-hinalang bagay na makikita dito. Tanging pinto lang ito na nakatayo sa gitna ng kawalan, wala kang ibang matatanaw sa lugar na iyon maliban sa itim at matayog na pinto. “Kayong siyam, sabay ninyong hawakan ang pintuan, walang mauuna, walang mahuhuli, maliwanag?” Utos nito. Agad naman na tumango ang lahat. Nagpaalam muna sila kuna Loid at Benjo bago sabay na lumapit sa pinto. Bago nila mahawakan ang pinto, narinig pa nila ang

  • Fight For The Throne   Chapter 14

    “Dustine!” Malakas na napasigaw si Deroi ng makita ang kalagayan nito. Kahit nahihirapan, ay pinilit nitong makatayo at makalapit kay dustine. Napamulagat nalang sya ng makita ang pinsala na dulot ng pagkakatilapon nito at pagkahampas ng malakas sa puno.Dahan-dahan nya itong inangat sa kanyang hita, nagsilapitan naman agad ang iba ng masigurong patay na ang halimaw.“Dustine, anong nangyayari Deroi?” Nanginginig na tanong ni Xinniang. “Nahampas sya ng malakas sa puno, tingin ko ay nabalian sya,” Nagulat sila ng mapaubo ito ng napakadaming dugo. Agad na nataranta silang lahat. “Dustine, Dustine pakiusap lumaban ka, wag mo naman kaming iwan, pakiusap,” Natatarantang hinawakan ni Xinniang ang kamay ni Dustine.Biglang sumagi sa isip ni Artemis ang mga boteng ibinigay ni Lola Belinda, agad nyang kinuha ang isa at lumapit kay Dustine. Agad ng pinatak nya sa bibig nito ang laman ng bote, sa gulat nila ay biglang umilaw ng nakakasilaw, nakita nalang nilang wala ng sugat si Dustine at tila

  • Fight For The Throne   Chapter 15

    Nabulabog ang lahat ng biglang nasagi ni Blake ang isang sanga sa kanyang tagiliran. Duon na napatingala ang mga halimaw.“Buela buetre el pipido, gulom!” *Rrrorgggrrrr!*Agad na pinagtulungang kuyugin ng mga halimaw ang punong kanilang pinagtataguan. Duon na sila mabilis na tumalon pababa, sabay nilang sinugod ang mga halimaw.Umaatikabong labanan ang naganap, malalakas ang mga halimaw ngunit, dahil nakapagpahinga na sila ng bahagya kaya may lakas na silang sabayan ang mga ito. Tulong-tulong nilang nilabanan ang mga halimaw.Agad na hinila ni Xinniang si Blake ng muntik na itong masaksak sa kanyang likuran, agad naman na sinangga ni Artemis ang paparating na atake na sana ay tatama kina Xinniang. Pagkatapos ay walang awa nyang pinutol ang ulo nito. Agad naman na tumakbo si Artemis papunya sa kanilang pinuno, inaamon nyang malalakas ang bawat tirang pinapakawalan nito. Dagdag pa na talaga namang mabigat ang sandatang hawak nito at hindi pa sya ganun kagaling humawak ng espada, kaya me

Latest chapter

  • Fight For The Throne   Chapter 24

    Nagulat man sa narinig, agad naman itong tinanggap ni Artemis. Agad na lumapit sa kanya ang pulang dragon at komportableng kumandong sa kanya.Ang asul naman na dragon ay kumandong kay Xinniang at ang berde ay kay Kel. "Naway gabayan kayo ng bathala sa inyong gagawing paglalakbay. Ano mang pagsubok ang inyong kakaharapin, tandaan niyong nariyan lang siya palagi, wag kayong mawalan ng pag-asa," Agad naman silang tumango. Nagsimula ng maglakad papuntang lagusan ang mga nilalang na kanilang sinasakyan. Ng tuluyan na silang makapasok ay isang nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa kanya. Napatakip silang lahat sa kanilang mga mata. Ilang minuto ang lumipas, unti-unti ng nasanay ang kanilang mga mata sa liwanag, inilibot nila ang kanilang mga mata at nalamang nasa kagubatan sila. Bumaba silang lahat sa kanilang sinasakyan, lumipad-lipad naman ang tatlong dragon. "Artemis, nais kung bigyan ng pangalan ang tatlo," Nakangiting sambit ni Xinniang habang nakatingin sa tatlong dragon na ngay

  • Fight For The Throne   Chapter 23

    Kasalukuyan silang naglalakad alinsunod sa mapa na ibinigay sa kanila ng hindi kilalang babae. Tahimik nilang binabagtas ang daan. Gutom, pagod, sakit at uhaw, yan ang kanilang nararamdaman sa ngayon. Wala na silang lakas pa upang pag-usapan ang mga bagay-bagay. Kasalukuyan namang nakaabang sina haring Oscar sa pintuan ng lagusan. Masaya siyang kahit papaano ay matagumpay nilang nalampasan ang lahat ng mga pagsubok na ipinataw sa kanila. Nasisiguro niyang ano pa mang hirap ang kanilang makakaharap sa hinaharap ay sama-sama nilang malalampasan ang lahat.Ng makarating sina Artemis sa pintuang lagusan, hindi na sila nagdalawang isip at agad na silang pumasok doon. Ng idilat nila ang kanilang mga mata, nakita nila sa kanilang harapan hari, maging ang mga nilalang na sumalubong sa kanila ng makapasok sila sa lugar na ito. Ng makilala nila ang hari dahil sa suot nito, agad silang lumuhod sa harap nito at nagbigay-pugay."Mahal na hari, ikinararangal po naming makita kayo, naway wag niyo

  • Fight For The Throne   Chapter 22

    Wala na ang lagusan, tuluyan na itong natabunan ng makapal at tila gabatong yelo. Sinubukan pang suntukin ito ng ilang beses ni Deroi ngunit wala ring silbi. Sinubukan rin nilang tibagin ito gamit ang kanilang mga sandata, ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong kumakapal kaya kay hirap ng tibagin.Bigla nalang may naalala si Artemis. Isa sa mga itinuro ng kanyang ina ang paggamit ng enerhiya sa katawan upang tunawin gaano man kakapal ang yelo, ipinikit niya ang kanyang mga mata. Sinubukan niyang alalahanin ang mga paraan upang gawin ito. Ilang minuto ang lumipas ay napatayo siyang bigla. Nagulat naman sila sa nakitang reaksyon mula kay Artemis."Umalis kayo dyan, susubukan ko kung gagana ang alam kung paraan. Itinuro ito ni ina noong bata palang ako, ngunit hindi ko pa nasusubukang gawin, ngayon palang," Sambit ni Artemis. Agad naman silang tumango at pumunta sa gilid. Umupo pa indian sit si Artemis at sinimulan ng magconcentrate. Maya-maya palang ay nag-iinit na ang kanyan

  • Fight For The Throne   Chapter 21

    Lahat sila ay nawalan ng malay dahil sa matinding pinsala na kanilang natamo.Napailing na lamang si haring Azcar sa nakikita. Hindi niya maiwasang matuwa dahil sa determinasyong nakikita niya sa mga mata ng mga ito. Determinasyong kailan man ay hindi niya mararamdaman.Duwag siya oo, aaminin niya. Hinayaan niyang mamatay ang babaeng pinakamamahal, kahit pa hiniling nito na gawin niya itong dragon kagaya niya, ngunit dahil sa takot na mabawasan ang kaniyang kapangyarihan ay namatay itong hindi man lamang niya nasisilayan.Isang mapait na ngiti ang kanyang iginawad sa kawalan habang matamang nakatingin sa mga kamay ni Xinniang at Artemis. Nawalan man sila ng malay, sinigurado parin ni Artemis na hawak-hawak niya ang kamay ng babaeng kaniyang iniibig.Senenyasan niya ang kanyang kanang kamay, “Dalhin mo na sila sa pangatlong pagsubok,” Mahinahong utos ni haring Azcar dito.“Masusunod kamahalan.” Sagot naman nito bago bahagyang yumuko at nawala ng parang bula.Ilang oras ang nakalipas, ay

  • Fight For The Throne   Chapter 20

    Unang sumubok si Artemis, matindi ang pag-iingat niya na hindi mahulog. Sobrang liit lang ng batong kanilang pwedeng tapakan kaya hindi pwedeng magpadalos-dalos. Pagkatapos niyang tumapak doon gamit ang iisang paa ay sinunod niya ang kabila.Tumatagaktak ang pawis sa kanyang noo, magkahalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. “Ahh!" Napasigaw siya ng bahagya ng magkataong namali siya ng tapak. Lapnos ang paang nagpatuloy siya ng ilang hakbang. Pagkuwan ay lumingon siya sa mga kasama, senenyasan niya ang mga ito na magdahan-dahan. Sa hindi malamang dahilan ay hindi nila magamit ang light martial arts nila sa pook na iyon. Tila may pwersang pumipigil sa kanila.Dahan-dahang sumunod ang lahat, nanginginig ang mga binti sa labis na kaba.“Ahh!” Napasigaw si Ash ng bigla nalang parang bulang nagsilutangan ang mga bilog na apoy sa bawat gilid nila.Mas lalo lang tumitindi ang sakit at init na kanilang nararamdaman, “Ssh, dahan-dahan lang, okay sige lang dahan-dahan," Mahinang sambi

  • Fight For The Throne   Chapter 19

    Ng biglang lumingon ang higanti sa gawi nilang dalawa, mabuti nalang at mabilis na nagkubli si Artemis. Dahil sa hindi magawang matanggal ni Ash ang nakabalot kay Ash, ay ibinigay nya na lamang ang kutsilyong hawak niya kay Ash ng palihim.Mabilis syang nakatakbo palayo ng lumapit sa gawi nila ang higanteng halimaw, nakita nilang inilagay nito si Ash sa malaking kawali kasama ang nakatayong baka na walang kamalay-malay sa kanyang magiging kapalaran. Agad na umakyat si Artemis sa ibabaw ng lutuan, ngunit dahil sadyang napalataas nito ay hirap na hirap sya. Gamit ang kanyang espada ay nakaakyat sya sa wakas. Mabilis syang tumakbo sa gawi nina Xinniang at dali-daling binuksan ang pinto ng nalingat ang higanti.Isang mahigpit na yakap ang kanyang isinalubong kay Xinniang. Labis ang takot na kanyang nadama ng makita nyang naguli ang mga ito, kaya kahit pagod na pagod na sya ay tumakbo parin sya ng abot ng kanyang makakaya makaabot lang sa nakabukas na pinto palasok sa bahay ng higanting i

  • Fight For The Throne   Chapter 18

    Habang naglalakad, hindi nila maiwasang isipin ang mga nangyari, ilan na ang nawala sa kanila, ilan na lamang silang natira, at ano na nga ba ang nangyari kina Blake.Tahimik lamang silang naglalakad ng biglang yumanig ang lupang kanilang tinatapakan, sa pakiwari ba ay mayroong malalaking paa na naglalakad, tila higante sapagkat bawat hakbang ay talagang nayayanig ang buong paligid. Hindi nga sila nagkamali sa kanilang hinua, nakita na lamang nila ang higanting nilalang, para itong cyclope sapagkat iisang mata lamang mayroon ito,malalaking bibig na parang pinigtas dahil umaabot hanggang tenga, malalaking tenga, matutulis na ngipin at tumutulo pa ang lqway nito.Nanlaki ng husto ang kanilang mga mata sa nasaksihan, isang nakakatakot na nilalang ang ngayon ay nakatayo sa kanilang harapan.*Gggrrrrr, tao, nasaas ang tao, ggrrr!*Malakas na sigaw nito. Napapikit na lamang sila dahil duon. Inaamoy-amoy pa nito ang paligid at pilit sinisipat. Sa mabilis na galaw, ay sabay nilang inatake an

  • Fight For The Throne   Chapter 17

    Kaya, labis na ikinagulat ni haring Azcar, ng ibinalita sa kanya ng kanyang kanang kamay na may mga nakapasok na nilalang sa dalawang kaharian. “Ano? Sila na ba ang ating hinihintay? Sila na ba ang mga piling tao na sinasabi ng propiseya na tutulong sa itinakdang hari?” Masigasig namang tanong ni haring Azcar. Mabilis namang tumango ang kanyang kanang kamay, pinanood nila sa bolang kristal ang pagdating ng mga ito, kung gaano namangha ang kanilang mga mukha at kung gaano sila nagulat sa lugar na kanilang nadatnan. Nakita pa nila ang ginawang pagkukurutan ng mga iyo. Napailing na lamang si Haring Azcar sa mga kalokohan ng tao. Isa rin ito sa kanyang namimis na mga sandali. Matagal ng namatay ang babaeng kanyang iniibig, isa itong purong tao kaya hindi rin nagtagal ang buhay nito. Matapos nitong ipinanganak ang kanilang anak ay pumanaw na ito. Samantala, ang kanyang anak naman ay tumangging pamunuan ang kanluan, bagkos ay piniling mamuno sa kaharian ng kanyang kabiyak, sa nawawalang k

  • Fight For The Throne   Chapter 16

    “Saan tayo dadaan Artemis?” Tanong naman ni Kael.Napaisip naman si Artemis, lahat ng mga dinaanan nila ay pawang malalawak na daan, ngunit palaging nauuwi sa panganib. Bakit hindi kaya nila subukang dumaan sa makitid at mahirap na daan, baka dito ay may marating sila. “Dito tayo, sa kaliwa, subukan naman nating dumaan sa mahirap at makitid na daan, baka sakaling may magandang naghihintay sa atin,” Ngunit sa kanyang sinabi, karamihan ay tumutol. “Ngunit Artemis, nababaliw ka na ba? Bakit dadaan tayo sa mahirap na daan gayong meron naman madali at sigurado? Gusto mo nabang mamatay?” Pagalit na wika ni Blake. Isa si Blake sa muntikan ng mapugutan ng ulo kani-kanina lamang. Hindi nya matanggap na muntik na syang mawalan ng buhay dahil sa kabaliwang ito. Susugod sila ng hindi handa at susuong sa lugar ng mga buwetre. Ano nalamang ang mangyayari sa kanila. Kung tutuosin ay para lamang silang mga langaw na pwedeng terisin ng mga halimaw sa lupaing ito. Maswerte sila kung may mabubuhay pa

DMCA.com Protection Status