PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
NANG maiparada ni Mayumi ang kaniyang sasakyan sa parking lot ng Ayala Entertainment, biglang may bumangga sa kaniyang kotse. Labis na kaba at takot ang kaniyang naramdaman sa pag-aakalang katapusan na iyon ng kaniyang buhay dahil sa tantiya niya ay ilang sentimetro na lang ay tuluyan na siyang masasagaan ng kotse. What a careless driver?! Higit ang kaniyang paghinga ay napahawak siya sa tapat ng kaniyang dibdib. Ilang saglit pa, malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan sa ere upang pakalmahin ang kaniyang sarili. At nang tuluyang makabawi sa nakagugulantang at nakatatakot na pangyayari, kunot ang noo at galit na tinapunan niya ng tingin ang kotse na muntikan nang makasagasa sa kaniya. Kung nakalulusaw lamang ng sasakyan ang matalim na titig niya, malamang na nalusaw na iyon kasama ang driver na hindi ata marunong magmaneho. At dahil sa inis at galit niya, nanggagalaiting hinubad niya ang kaniyang high heels at ibinato niya iyon sa windshield ng kotse. Sa lakas nang pagkakaba
“MAYUMI, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Bunny nang dumating ito sa kaniyang condo. “Akala ko kanina ay may nangyari na sa ’yong hindi maganda dahil basta ka na lang nawala roon sa pinagtataguan mo.” “Thanks to Sergeant Jeff Reyes. Tinulungan niya akong makaalis doon, Bunny,” wika niya. “I’m sorry. Gusto sana kitang hanapin at isamang tumakas kanina pero malapit na akong makita ng mga taga-media. Naisip kong iwan ka na lang tutal hindi ka naman dudumugin mga iyon. I’m sorry talaga. Maayos naman ang kalagayan ko ngayon.” “Who is he? Siya siguro ’yong guwapong guy na nakasalubong ko sa labas ano?” nakangising tanong nito sa kaniya. Naglaho na ang pag-aalala sa mukha nito. “Knight in shining armor, ang peg.” “Yeah, he is. He helped me out of that damned place. Buti na lang. Dahil kung nakita ako ng mga taga-media kanina ay talagang kalahati ng buhay ko ang masisira.” Bigla na naman siyang nakadama ng galit dahil sa lalaking nakabangga sa kotse niya kanina. “At dahil
MATAPANG na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama nito. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki. “Akin lang si Mikael, Amanda!” bulyaw ng babae. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban nang matatalim nitong pangil.“Anong sa ’yo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!” Ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kaniya.“Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sa akin na siya sumasaya ngayon? Alam mo, kung magaling ka lang sana sa kama e ’di sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo,” sarkastikong sabi ulit sa kaniya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta ay daig pa ang totoong asawa. “Aba? Look at me! ’Di yata’y mas maganda at sexy ako kumpara sa ’yo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-ag
KADADATING lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinalaw kasi niya ang puntod ng kanyang yumaong ina. Kumuha kaagad siya ng beer sa refrigerator saka uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon?Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit at hinilot ang sintido. "How terrible," naibato niya beer in can sa may trash bin. Di ito pumasok pero 'di na niya pinagka-abalahang damputin.Tumunog ang cellphone niya. Kaya tumayo siya para tingnan ang kung sino nag-text. Nang makita kung sino ay mas uminit ang ulo niya.Ang step-mother niya si Shirleyang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner na gaganapin."Why is she inviting me for dinner? Something fishy. She's not like this before," pumikit siya ulit at inilapag ang cellp
NABULABOG ang pagtulog ni Mayumi ng gisingin siya ni Bunny. Ang sarap-sarap nang kaniyang tulog pero biglang nasira ang mood niya nang magising siya. Wala naman siyang dapat gawin ngayon kundi ang matulog buong araw. Sa susunod na linggo pa naman ang next taping nila, that's why, she's free this time. Kahit hindi pa siya nakadidilat ng mga mata ay kaagad siyang nagtanong kay Bunny kung bakit parang may emergency nang yugyugin siya nito."Is there anything wrong, Bunny? Inaantok pa ako," tanong niya habang nakatalukbong pa rin ng kumot."Gumising ka na. May mga ibabalita ako sa'yo. It's a good news and at the same time bad news," anito.Nakapikit pa rin ang mga mata niya, tila walang ganang bumangon at pakinggan ang mga sasabihin ng manager niya. "Sabihin mo na muna ang good news saka na ang bad news at nang sa ganun makabalik na ako sa pagtulog. I want to have a good sleep and I want to relaxed, kahit ngayong araw lang Bunny."Napapailing na lang si Bunny sa reaksiyon niya. "The go
NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya ng bus kapag pumunta siya sa Batangas para malaya niyang pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin.Minsan lang siya nagmamaneho ng sariling kotse kapag trip niya, mas gusto niyang magbus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Batangas, specifically sa nursing home kung saan ang kaibigan niya nakatira.Minsan nang magbakasyon siya sa Batangas ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang mag best-friend. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero simula nang mag-artista si Mayumi ay bihira na lamang silang magkasama. Busy na sila pareho sa kani-kanilang mga trabaho, kung kailan may free time ay nagkikita naman sila upang makapag bonding. Isang simpleng babae lang si Michelle kaya siya nagustuhan ni Mayumi. Parang kapatid na ang turing niya rito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. NASA kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may o
DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya
NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?
"ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S
NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinuha mo naman ang kumot ko ah. May binabalak ka ba sa 'kin?" Dinuro-duro pa siya ni Mayumi. "What? Hell no! Asa ka pa Mayumi, kahit nag-iisa ka na lang na babae sa buong mundo, tandaan mo hindi kita papatulan.""Kuno?" Tumawa siya ng pagak. "Huwag kang magsalita ng patapos," sagot niya saka mas lumapit kay Kalel na nakatayo na sa harapan niya. "Eh, ano ang ginagawa mo sa tabi ko kung ganun? Na…huwag mong sabihin na nag sleepwalk ka at tumabi ka sa akin?" pang-aasar pa siya. "Mga babae talaga, mahilig mag bintang," wika niya saka napapailing. "Nakita kitang giniginawan kagabi kaya nagshare ako ng kumot sa'yo. Oo, tinabihan kita pero tumalikod naman ako sa'yo nang natulog na ako. Anong mas
MARAMI ang mga natutunan nina Mayumi at Kalel nang makausap nila ang isa sa mga katutubong si Manong Al. Kinuwento nito ang kasaysayan ng Ifugao, maging ang kultura at tradisyon ng lugar. Sinamahan sila nitong bumisita sa mga katutubong nayon na matatagpuan sa mismong lugar ng Lagud. "Nag enjoy ba kayo?" anito."Opo, maraming salamat Manong Al sa pagpaunlak sa amin dito sa inyong napakagandang lugar. Babalik ako ulit dito sa susunod.""Maraming salamat din ma'am dahil dito ninyo napiling magbisita." Sumama na rin ito sa pamamasyal nila sa mga rice terraces. Walang masyadong ginawa si Kalel maliban na lang sa kumuha siya ng mga litrato at video dahil si Mayumi ang nag-interview kay Manong Al, mabuti naman dahil game na game ito sa pagsagot ng mga katanungan niya. So far, satisfied sila sa naging outcome ng interview. Matapos ang mahabang lakarin at akyat sa mga kabundukan ay narating nila ang isa sa mga ipinagmamalaki ng lugar, ang kanilang rice terraces. Manghang-mangha si Mayumi
GUMALAW si Mayumi mula sa kaniyang higaan. Masarap ang pakiramdam niya, may mainit na nakayakap sa kaniyang beywang kaya nagmulat siya ng mga mata para i-check kung ano. Higit ang hiningang napamura siya sa kaniyang isipan. Magkatabi silang natulog ni Kalel sa kama at niyayakap siya ng lalaki. Napapangiwi siyang dahan-dahang inangat ang braso ni Kalel mula sa beywang niya, "tss, anong katangahan ito Yumi," usal niya. Nanlaki ang mga mata niya ng mas lalong sumiksik si Kalel sa kaniya. "Jusko, may nangyari ba sa amin? Hindi puwede," mariing kastigo niya sa sarili. "Kaloka, stop thinking about it Yumi. Walang nangyari, okay?" Kinapa niya ang sarili at wala namang naramdamang kakaiba bukod sa pamamanhid ng kaniyang ulo. Walang sinong dapat na sisihin kung may nangyari sa kaniya dahil ang lakas niyang uminom ng tapoy kaya na lasing siya ng husto. Ayaw niyang paawat sa pag-inom."Hmm," wika ni Kalel saka sumiksik pa lalo sa kaniyang tagiliran. Pilit niyang inilayo ang sarili sa lalaki.
MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising na si Kalel. Pinasadahan siya nito ng blankong tingin. Hindi man lang nagpakita ng paghanga sa kaniya. Nginitian niya nang fake ang lalaki. Bigla itong natauhan. Kalel clears his throat. "Ikaw lang ba ang aalis?"Kunot-noong napaharap muli si Mayumi sa lalaki. "Well, mas mabuting mag-isa kaysa may kasama akong masungit." Kinuha niya ang sling bag niyang nakalapag sa may folding bed niya. "Ayaw mo ba talagang magsaya sa festival? Sa pagkakaalam ko masaya 'yon at kailangan kong mag enjoy.""Puwede naman. Hindi ko na naman puwedeng suwayin si Dad. Tumawag sa akin kahapon.""Really? Paano niya nalaman na merong festival?" Medyo nagulat siya, pero naisip niyang ang mga taong kagaya nila ay