Share

2

Author: CjLove98
last update Last Updated: 2023-08-11 13:53:37

“MAYUMI, okay ka lang ba?” Nag-aalalang tanong sa kaniya ni Bunny nang dumating ito sa kaniyang condo. “Akala ko kanina ay may nangyari na sa ’yong hindi maganda dahil basta ka na lang nawala roon sa pinagtataguan mo.”

“Thanks to Sergeant Jeff Reyes. Tinulungan niya akong makaalis doon, Bunny,” wika niya. “I’m sorry. Gusto sana kitang hanapin at isamang tumakas kanina pero malapit na akong makita ng mga taga-media. Naisip kong iwan ka na lang tutal hindi ka naman dudumugin mga iyon. I’m sorry talaga. Maayos naman ang kalagayan ko ngayon.”

“Who is he? Siya siguro ’yong guwapong guy na nakasalubong ko sa labas ano?” nakangising tanong nito sa kaniya. Naglaho na ang pag-aalala sa mukha nito. “Knight in shining armor, ang peg.”

“Yeah, he is. He helped me out of that damned place. Buti na lang. Dahil kung nakita ako ng mga taga-media kanina ay talagang kalahati ng buhay ko ang masisira.” Bigla na naman siyang nakadama ng galit dahil sa lalaking nakabangga sa kotse niya kanina. “At dahil iyon sa lalaking walang-hiyang ’yon!”

Kumunot bigla ang noo ni Bunny. “So, bakit ka nga pala nakulong kanina? Ang pagkakaalam ko ay iniingatan mo talaga ang reputation mo bilang isang sikat na artista. Kaloka ka girl, paano na ’to? Nasa balita na ang pangalan mo day,” naiinis na sabi ni Bunny sa kaniya.

Ang mga taga-media nga naman, every inch of her life updated sila. Kaya dapat na tudo ingat ka sa lahat ng kilos mo or else, mawawala bigla ang fame na iniingatan mo. Nandiyan lang sila parang mga kuto na siyang magpapakati sa ulo mo, kaloka.

Naniningkit ang mga mata niyang hinarap si Bunny. “E, kasi nga may isang hayop na lalaking bumangga sa akin at saka siya pa ang may ganang magpakulong sa akin, Bunny. I’m almost killed by his carelessness, my God!”

“Huh? Sinong lalaki? Ang sikat mo para hindi niya nakilala. I hate him. I want him pay for this,” galit na wika ni Bunny na parang umuusok na ang ilong nito. “Saan naman nangyari ang aksidente?”

“Hindi ko siya kilala at siguro hindi rin niya ako kilala,” aniya. “Ano na lang ang sasabihin ng Daddy kapag malaman niyang nakulong ako? Bunny, what should I do?” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mayumi. “Actually, sa may parking lot ng Ayala building. Doon niya ako muntik mapatay.” Dagdag pa niya.

Sino ba ang taong ’yon? Napaka-careless at insensitive pa. Never na humingi ng sorry or ano. Sa halip ay ito pa ang galit. Tama ba ang ginawa nito na ipakulong siya dahil lang doon sa pagbato niya ng magazine sa mukha nito? His act is really justifiable!

Niyakap naman siya ni Bunny para pakalmahin. “Shhh! Huwag kang mag-aalala at ngayon din ay pakiki-usapan ko ang mga taga-media na huwag nilang ibalita ang nangyari dahil isa lang ’yong misunderstanding sa pagitan mo at noong lalaking sinasabi mo.” Ani nito habang tinatapik ang balikat niya.

Kumalma naman si Mayumi. She knows Bunny kapag sinabi nito ay talagang nalulusutan nito. Ito na siguro ang kapalaran ng baklita—ang maging taga-ayos ng mga gulo at gusot niya sa buhay. He’s not just her manager and handler. Tumayo na rin itong ina, kapatid at kaibigan niya. She’s really thankful to have Bunny in her life.

“Salamat.. You’re the best, Bunny.”

“Sige na, tahan na. Palaban ka at dapat na huwag kang magpapaapekto sa mga maliliit na bagay. Hindi iyon kawalan. Take it as a motivation. Saka mas mabuti ngang nasa balita ang pangalan mo para mas sumikat ka pa lalo,” pagbibiro pa nito sa kaniya para matawa siya.

“What? Huwag naman ganoon! Mapapagalitan na talaga ako ng Daddy ko.”

“Oo, na. Sorry na. Ako na ang bahala. Just take it easy, Mayumi. Sige, aalis na ako. Magpahinga ka ngayon dahil bukas ay sisimulan na ang first shoot ng bago mong pelikula.”

Nang mapakalma niya na ang kaniyang sarili, inihatid na rin niya si Bunny sa labas ng kaniyang condo.

“See you tomorrow. Bye!”

“Mag-ingat ka, Bunny. Bye!”

NAKATAYO LAMANG si Mayumi sa gilid ng balustrade at nakatanaw sa malayo. Marami ang naglalaro sa kaniyang isipan sa mga sandaling iyon. Isa na ang nangyaring aksidente sa kaniya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagmumunu-muni nang tumunog ang cellphone niya. Agad naman niya iyong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag sa kaniya.

It’s her dad.

Oh, God! Baka alam na nito ang nangyari sa kaniya at pagalitan siya. Hindi niya maiwasang makadama ng kaba at pag-aalala. Kilala niya ang kaniyang dad.

Huminga siya nang malalim saka sinagot ang tawag sa kaniya.

“Hello, Dad? Kumusta po? Bakit kayo napatawag?” sunod-sunod niyang tanong sa ama. Inunahan na niya itong tanungin kaysa siya agad ang pagalitan nito.

Hindi naman agad ito sumagot sa kaniya.

“Dad?”

“Mayumi, anak! Anong eskandalo na naman ba ang ginawa mo?”

Napapikit siya nang mahimigan niya ang boses nito. Hindi niya mawari kung nagagalit ba ito sa kaniya o nag-aalala para sa nangyari sa kaniya.

“I’m sorry, Dad. Hindi ko naman sinasadya ang nangyari. I’m the victim here. I almost died.” Malungkot na pahayag niya.

“Alam ko na ang totoong nangyari sa iyo kanina pero huwag kang mag-aalala dahil hindi ako galit sa ’yo. Umuwi ka muna sa bahay. Okay lang ba?”

Bigla namang lumuwag ang puso niya nang marinig ang sinabi ng kaniyang ama.

“Yes, Dad, I’m fine. I’ll go home later. Thank you for considering me. Sasabihin ko sa ’yo mamaya kung ano talaga ang nangyari kanina. Basta maniwala ka po, dad, wala akong ginawang masama,” katwiran niya sa kaniyang ama.

“Alright. See you later, darling.”

Kaagad na nawala sa kabilang linya ang tawag ng kaniyang ama.

Marahan siyang nagpakawala nang malalim na paghinga.

ALA-SAIS Y MEDIA na nang gabi kaya umalis na siya sa kaniyang condo unit. Natitiyak niyang wala nang mga paparazzi na nagmamanman sa labas ng unit niya kaya maari na siyang umuwi sa bahay nila. Her dad is waiting for her.

Nagsuot siya ng kulay black leather jacket, shades at sumbrero para hindi siya kaagad makikilala ng taong makakasalubong niya sa hallway.

Oh, gosh! Daig pa niya ang wanted criminal na nagtatago sa mga pulis ngayon. Parang siya pa ngayon ang kailangan magtago, na sa halip ay ang lalaking ang siyang dapat na kinasuhan niya at pinakulong.

Nang tuluyang makalabas sa building ay kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse.

Ilang minutong biyahe ay nakarating na rin siya sa kanilang bahay. Pagkababa pa lamang niya sa kotse ay nakita niya agad ang kaniyang ama na nakaabang sa labas ng kanilang bahay. Malamang na hinihintay nito ang kaniyang pagdating.

Kaagad itong naglakad palapit sa kaniya upang salubungin siya.

“Good evening, dad!” Magalang niyang bati sa ama saka humalik sa pisngi nito. She missed him so much. Misan na lang siya makadalaw o makauwi sa bahay nila. Sa sobrang busy niya sa trabaho ay hindi na siya nakakapag-enjoy kasama ang ama. Hindi na sila makapag-bonding.

“Good evening, sweetheart.” Niyakap siya nito at hinalikan din sa kaniyang pisngi. “Let’s go inside. Tamang-tama ang dating mo at nakahanda na ang mga pagkain.”

“Kahit on diet po ako ngayon, mukhang mapapakain po ako nang marami.” Natatawang saad niya.

“Minsan ka na lang umuwi rito sa bahay kaya hindi na tayo makapagsabay sa pagkain.”

“I’m sorry, dad. Masiyado lang po akong busy sa trabaho ko.”

“I understand, darling.” Ani nito at inakbayan siya. “Let’s go.”

Ipinulupot na rin niya sa baywang ng ama ang isang braso niya at magkaagapay silang naglakad papasok sa bahay. Hanggang sa makarating sila sa dining area.

Nakahain na nga ang mga pagkain. Amoy pa lang ay masasarap na. Natakam siya nang sobra.

Ipinaghila siya ng ama ng silya bago ito umupo sa kabisera.

Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain sa hapag. Parang naparami pa nga yata siya ng kain ngayon kaya napadighay siya nang malakas.

“Siguro hindi ka kumain ng tama sa Condo mo ano?” tanong ng kaniyang ama. “Tama na ang pagda-diet, hija. Sexy ka naman kahit na huwag mo na iyong gawin. Baka sa ginagawa mo ay magkakasakit ka pa.”

“Dad, kumakain naman po ako sa tamang oras ng pagkain. But I’m really on my diet. Bawal ako magpataba dahil masisira ang image ko bilang artista. Alam mo namang ang daming bashers na nakaabang kapag may napuna sila sa ’yo,” katwiran na naman niya.

Well, tama naman ang kaniyang daddy. Hindi na niya kailangang magdiet. She has a slim and fit body. Napapatili rin niyang well-shaped ang waistline at hips niya dahil sa pag-i-exercise. Pero siguro nasanay na rin ang katawan niya na may limit lang ang pagkain niya.

“Bakit ba kasi hindi ka na lang huminto sa pag-aartista at ikaw na ang mag-manage ng ating mga negosyo?”

Mayaman naman sila dahil anak siya ng isang sikat na negosyante. Kaya para saan pa na magtrabaho siya sa ibang kumpanya?

“Dad, alam mo namang wala talaga akong hilig sa business, e! Kayo na lang po ang mag-manage ng business natin. Maybe, after ko na lang mag-showbiz, baka magbago pa ang isip ko at maging isa na lang business woman. But for now... Let me do what I want.”

Huminga naman nang banayad ang kaniyang daddy at mataman siyang tinitigan.

“Okay,” wika nito. “Alam mo namang suportado kita sa kahit anong gusto mo. Pero ayaw kung napapahamak ka. Unica hija kita at simula nang mamatay ang mommy mo, ipinangako ko sa sarili kong aalagaan kita at poprotektahan hanggat sa abot ng makakaya ko.”

Ngumiti siya sa ama. “Daddy, okay lang po ako. Siguro nagkataon lang na minalas ako ngayon. Pero don’t worry, everything will be fine.” Paninigurado niya.

“Okay. Sige na kumain ka pa. Bigla yata tayong naging seryoso sa ating usapan.”

Ngumiti na lang siya at pilit na pinapakitang okay lang siya para hindi na mag-aalala ang kaniyang ama.

“Tapos na po ako, Dad. I’m full already.”

Ngumiti naman ang Daddy niya.

Pagkatapos nilang kumain, nagpaalam na rin siya sa kaniyang ama na papanhik sa kaniyang kuwarto upang makapagpahinga na.

Nang makapasok sa kaniyang silid, saglit siyang nagpahinga sa ibabaw ng kaniyang kama at pagkatapos ay naligo na rin siya. Medyo nanlalagkit na ang pakiramdam niya.

...

HELLO, my name is CJ and I write stories. I started writing back in highschool when I was just trying to figure out what I wanted to do with my life and I found writing was a great way to express myself. I enjoy writing stories that are both entertaining and meaningful to my readers. I hope you enjoy my work and please feels free to leave a comment/suggestions.

Related chapters

  • Fated to Love You    3

    MATAPANG na sinugod ng isang kabit ang asawa ng lalaking kinakasama nito. Intense ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal ng iisang lalaki. “Akin lang si Mikael, Amanda!” bulyaw ng babae. Parang tigreng mangangagat na kahit anong oras ay gusto siyang sunggaban nang matatalim nitong pangil.“Anong sa ’yo lang ang asawa ko? Hoy babae kabit ka lang ng asawa ko kaya tigilan mo na ang kahibangan mo!” Ganti ni Amanda sa babaeng sumugod sa kaniya.“Anong silbi ng pagiging asawa mo kung sa akin na siya sumasaya ngayon? Alam mo, kung magaling ka lang sana sa kama e ’di sana hindi na maghahanap ng iba ang asawa mo,” sarkastikong sabi ulit sa kaniya ni Rosalinda na puno ng pagmamayabang. Ang dakilang kabit na kung makapag-asta ay daig pa ang totoong asawa. “Aba? Look at me! ’Di yata’y mas maganda at sexy ako kumpara sa ’yo. Siguro ahas ka at may dugong higad kaya mo nakuha ang loob ng asawa ko. Pero ngayon, hindi ko na hahayaan na magtatagumpay ka sa binabalak mong pag-ag

    Last Updated : 2023-08-11
  • Fated to Love You    4

    KADADATING lang ni Kalel sa Condo unit niya buhat sa sementeryo. Dinalaw kasi niya ang puntod ng kanyang yumaong ina. Kumuha kaagad siya ng beer sa refrigerator saka uminom. Hindi naman siya apektado sa mga sinabi ng matanda pero napapaisip pa rin siya kung sakaling totoo nga iyon. Ano ang gagawin niya? Sino naman sa mga nakabangga niya ang babaeng iyon? Sa dinami-dami kaya ng mga tatanga-tangang babae ang nakabangga na niya, kaya sino kaya sa mga iyon?Napapailing siyang naupo sa couch. Pumikit at hinilot ang sintido. "How terrible," naibato niya beer in can sa may trash bin. Di ito pumasok pero 'di na niya pinagka-abalahang damputin.Tumunog ang cellphone niya. Kaya tumayo siya para tingnan ang kung sino nag-text. Nang makita kung sino ay mas uminit ang ulo niya.Ang step-mother niya si Shirleyang nag-text. Pinapauwi siya ng bahay dahil may dinner na gaganapin."Why is she inviting me for dinner? Something fishy. She's not like this before," pumikit siya ulit at inilapag ang cellp

    Last Updated : 2023-08-16
  • Fated to Love You    5

    NABULABOG ang pagtulog ni Mayumi ng gisingin siya ni Bunny. Ang sarap-sarap nang kaniyang tulog pero biglang nasira ang mood niya nang magising siya. Wala naman siyang dapat gawin ngayon kundi ang matulog buong araw. Sa susunod na linggo pa naman ang next taping nila, that's why, she's free this time. Kahit hindi pa siya nakadidilat ng mga mata ay kaagad siyang nagtanong kay Bunny kung bakit parang may emergency nang yugyugin siya nito."Is there anything wrong, Bunny? Inaantok pa ako," tanong niya habang nakatalukbong pa rin ng kumot."Gumising ka na. May mga ibabalita ako sa'yo. It's a good news and at the same time bad news," anito.Nakapikit pa rin ang mga mata niya, tila walang ganang bumangon at pakinggan ang mga sasabihin ng manager niya. "Sabihin mo na muna ang good news saka na ang bad news at nang sa ganun makabalik na ako sa pagtulog. I want to have a good sleep and I want to relaxed, kahit ngayong araw lang Bunny."Napapailing na lang si Bunny sa reaksiyon niya. "The go

    Last Updated : 2023-08-17
  • Fated to Love You    6

    NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya ng bus kapag pumunta siya sa Batangas para malaya niyang pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin.Minsan lang siya nagmamaneho ng sariling kotse kapag trip niya, mas gusto niyang magbus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Batangas, specifically sa nursing home kung saan ang kaibigan niya nakatira.Minsan nang magbakasyon siya sa Batangas ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang mag best-friend. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero simula nang mag-artista si Mayumi ay bihira na lamang silang magkasama. Busy na sila pareho sa kani-kanilang mga trabaho, kung kailan may free time ay nagkikita naman sila upang makapag bonding. Isang simpleng babae lang si Michelle kaya siya nagustuhan ni Mayumi. Parang kapatid na ang turing niya rito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya. NASA kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may o

    Last Updated : 2023-08-17
  • Fated to Love You    7

    NAUNANG nagising si Mayumi. Hindi naman sa excited siya pero sanay rin naman siyang gumising ng maaga. Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-sinco ng umaga ay sapat na para makatulog ng higit sa walong oras. Sapat na iyon bilang pahinga. Mas gusto niya rito sa isla dahil marami ang tulog niya.Lumabas siya ng kwarto at nandoon na pala sa kusina si Auntie Maya. Nagkakape na ito. Sumaglit muna siya sa banyo para maghilamos saka pumunta sa mesa para makipag daldalan kay Maya. Pagkaupo niya sa silyang naroon ay binigyan agad siya nito ng isang tasa ng kape. Native coffee na paborito niya.Inamoy-amoy pa nga niya ang kape bago sinumulang inumin. "Masarap talaga Auntie ang native coffee. Iyong binigay niyo sa'kin ay matagal ko nang naubos, magdadala ako nito ulit ha," wika niya saka lumagok ulit ng kape.Ngumiti naman si Maya ng marinig ang sinabi niya. "Don't worry padalhan kita ulit. Kung pwede nga lang sana na dito ka na lang araw-araw ay mas gugustuhin ko talaga," sagot nito. Nangingiba

    Last Updated : 2023-08-18
  • Fated to Love You    8

    MAAGANG gumising si Mayumi para sa first photoshoot niya ngayon. Hindi siya excited para sa shoot pero excited siyang mang-inis. Talagang inaasahan na niya na nandoon si Kalel sa shoot. Kung asaran ang hanap ng lalaki ay papatulan niya ito. Gusto talaga niyang maghigante ng paunti-unti. Ang paghihiganti na hindi mahahalata ng kalaban.Nauna na sa venue si Bunny. Doon na lang sila magkikita. Mabuti nga at makakapag-drive siya. Ito na naman ulit ang pagkakataon na makakasakay sa sariling kotse.Medyo mabilis lang siyang naligo. Naglagay siya ng kaunting make-up at nagsuot ng kulay peach na dress, nagdulot ito nang kinang sa maputi niyang balat. She really looks gorgeous. Maraming mga binata ang mapapa-ibig sa kagandahan niya. Pero asa pa silang papansinin sila ni Mayumi. Wala sa bokabularyo niya ang maghanap ng boyfriend ngayon. Nasa career ang tuon niya at mas nadagdagan ng paghihiganti.Lumabas na siya at in-i-lock ang pinto ng condo unit niya. Nagtungo sunod sa may garahe. Agad siya

    Last Updated : 2023-08-19
  • Fated to Love You    9

    WHEN MAYUMI entered the bar, she immediately sit at the table that she always seated and ordered a vodka. Mapait ito pero balewala sa kaniya. Gusto niyang malasing kaagad. Gusto niyang mawala ang inis sa nangyari kanina. Kahit saan siya at anong project, nandoon si Briana na palaging nakikigulo. She's a total freakin' bitch, paulit-ulit na niyang inisip kung bakit mainit ang dugo nito sa kaniya pero wala siyang maisip na dahilan. Pinaglihi lang siguro ito sa sama ng loob."Miss what's your order?" the waiter asked her.She smiled. "Vodka double shot on the rock, please." Next, she handed a tip to the waiter. Alam na ng waiter ang order niya. This is always her order everytime she goes to the bar to have a drink.She take a gulp on the glass of vodka as soon as the waiter handed to her. She remembered what had happened earlier. Hindi siya makapaniwala na tinulungan siya ni Kalel kanina, in fairness hindi naman pala siya ganun ka suplado."What reason does he have to help me? I think e

    Last Updated : 2023-08-20
  • Fated to Love You    10

    MAYUMI had a good time spending her free days without tapings or shootings. She can breathe freely, she can sleep until what time she wants. She also hangs out by herself. She wants to pay off all of her hard work.She's in the mall when Bunny texted her. She opened the message and raised her eyebrows when she read the message. Ang aga-aga uminit na naman ang kaniyang ulo. "Oh, sh*t! How come? Argh, I never thought of being with her again. That stupid bitch!" she muttered after all. She will be having another telenovelas together with Briana, nilalapit talaga sila ng tadhana. Maraming bangayan at away na naman ito kung mangyari. Gagawin na naman nitong impyerno ang buhay niya.She paid all her bills and immediately went home. She was annoyed when she found out about it. She wants to talk with Bunny. Gusto niya malaman kung bakit sila nagkaroon ulit ng project na magkakasama. She put her groceries and things in the back compartment of her car. She got in her car, revved up the engin

    Last Updated : 2023-08-20

Latest chapter

  • Fated to Love You    23

    DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it

  • Fated to Love You    22

    PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh

  • Fated to Love You    21

    DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya

  • Fated to Love You    20

    NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?

  • Fated to Love You    19

    "ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S

  • Fated to Love You    18

    NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinuha mo naman ang kumot ko ah. May binabalak ka ba sa 'kin?" Dinuro-duro pa siya ni Mayumi. "What? Hell no! Asa ka pa Mayumi, kahit nag-iisa ka na lang na babae sa buong mundo, tandaan mo hindi kita papatulan.""Kuno?" Tumawa siya ng pagak. "Huwag kang magsalita ng patapos," sagot niya saka mas lumapit kay Kalel na nakatayo na sa harapan niya. "Eh, ano ang ginagawa mo sa tabi ko kung ganun? Na…huwag mong sabihin na nag sleepwalk ka at tumabi ka sa akin?" pang-aasar pa siya. "Mga babae talaga, mahilig mag bintang," wika niya saka napapailing. "Nakita kitang giniginawan kagabi kaya nagshare ako ng kumot sa'yo. Oo, tinabihan kita pero tumalikod naman ako sa'yo nang natulog na ako. Anong mas

  • Fated to Love You    17

    MARAMI ang mga natutunan nina Mayumi at Kalel nang makausap nila ang isa sa mga katutubong si Manong Al. Kinuwento nito ang kasaysayan ng Ifugao, maging ang kultura at tradisyon ng lugar. Sinamahan sila nitong bumisita sa mga katutubong nayon na matatagpuan sa mismong lugar ng Lagud. "Nag enjoy ba kayo?" anito."Opo, maraming salamat Manong Al sa pagpaunlak sa amin dito sa inyong napakagandang lugar. Babalik ako ulit dito sa susunod.""Maraming salamat din ma'am dahil dito ninyo napiling magbisita." Sumama na rin ito sa pamamasyal nila sa mga rice terraces. Walang masyadong ginawa si Kalel maliban na lang sa kumuha siya ng mga litrato at video dahil si Mayumi ang nag-interview kay Manong Al, mabuti naman dahil game na game ito sa pagsagot ng mga katanungan niya. So far, satisfied sila sa naging outcome ng interview. Matapos ang mahabang lakarin at akyat sa mga kabundukan ay narating nila ang isa sa mga ipinagmamalaki ng lugar, ang kanilang rice terraces. Manghang-mangha si Mayumi

  • Fated to Love You    16

    GUMALAW si Mayumi mula sa kaniyang higaan. Masarap ang pakiramdam niya, may mainit na nakayakap sa kaniyang beywang kaya nagmulat siya ng mga mata para i-check kung ano. Higit ang hiningang napamura siya sa kaniyang isipan. Magkatabi silang natulog ni Kalel sa kama at niyayakap siya ng lalaki. Napapangiwi siyang dahan-dahang inangat ang braso ni Kalel mula sa beywang niya, "tss, anong katangahan ito Yumi," usal niya. Nanlaki ang mga mata niya ng mas lalong sumiksik si Kalel sa kaniya. "Jusko, may nangyari ba sa amin? Hindi puwede," mariing kastigo niya sa sarili. "Kaloka, stop thinking about it Yumi. Walang nangyari, okay?" Kinapa niya ang sarili at wala namang naramdamang kakaiba bukod sa pamamanhid ng kaniyang ulo. Walang sinong dapat na sisihin kung may nangyari sa kaniya dahil ang lakas niyang uminom ng tapoy kaya na lasing siya ng husto. Ayaw niyang paawat sa pag-inom."Hmm," wika ni Kalel saka sumiksik pa lalo sa kaniyang tagiliran. Pilit niyang inilayo ang sarili sa lalaki.

  • Fated to Love You    15

    MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising na si Kalel. Pinasadahan siya nito ng blankong tingin. Hindi man lang nagpakita ng paghanga sa kaniya. Nginitian niya nang fake ang lalaki. Bigla itong natauhan. Kalel clears his throat. "Ikaw lang ba ang aalis?"Kunot-noong napaharap muli si Mayumi sa lalaki. "Well, mas mabuting mag-isa kaysa may kasama akong masungit." Kinuha niya ang sling bag niyang nakalapag sa may folding bed niya. "Ayaw mo ba talagang magsaya sa festival? Sa pagkakaalam ko masaya 'yon at kailangan kong mag enjoy.""Puwede naman. Hindi ko na naman puwedeng suwayin si Dad. Tumawag sa akin kahapon.""Really? Paano niya nalaman na merong festival?" Medyo nagulat siya, pero naisip niyang ang mga taong kagaya nila ay

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status