NAGPAHATID sa bus station si Mayumi. Sumasakay lang siya ng bus kapag pumunta siya sa Batangas para malaya niyang pagmasdan ang mga madadaanan niyang tanawin.
Minsan lang siya nagmamaneho ng sariling kotse kapag trip niya, mas gusto niyang magbus para hindi siya mapagod sa biyahe. Mahigit tatlong oras ang biyahe na guguluhin niya bago makarating sa Batangas, specifically sa nursing home kung saan ang kaibigan niya nakatira.Minsan nang magbakasyon siya sa Batangas ay nakilala niya ito. Mga sampung taon na rin silang mag best-friend. Halos hindi sila mapaghiwalay noon pero simula nang mag-artista si Mayumi ay bihira na lamang silang magkasama. Busy na sila pareho sa kani-kanilang mga trabaho, kung kailan may free time ay nagkikita naman sila upang makapag bonding.Isang simpleng babae lang si Michelle kaya siya nagustuhan ni Mayumi. Parang kapatid na ang turing niya rito. Wala din naman siyang kapatid dahil nag-iisang anak lang siya.NASA kalagitnaan pa lang siya ng biyahe kaya may oras pa siya para pag-isipan kung paano niya susurpresahin ang kaibigan mamaya. Marami na siyang ginawang sorpresa pero ngayon parang wala siyang maisip.Pumikit na lang siya saka hinayaang mag refresh ang utak niya para makapag-isip na siya ng mga gagawing surpresa sa kaibigan niya.Malapit na sa bayan ang sinasakyan niyang bus dahil nalalanghap niya ang simoy ng sariwang hangin. Malapit lang naman ang isla sa bayan. Maliit lang din naman ito pero masarap mamuhay roon. Simple ang buhay na meron siya kapag nandoon siya. Walang hassle at stress free pa. Kahit kilala siyang artista ng mga taga-roon ay hindi siya binibigyan ng mga ito ng issue, 'di gaya ng mga taong nasa city at social media, siya lang ang binabantayan at hinahanapan ng kuanting mali. Mas nagmukha pa silang educated kumpara sa mga tagalungsod.Napamahal na si Mayumi sa mga taga-roon. Siya ang kinikilala nilang tagapagligtas sa tuwing may sakuna o bagyo. Tinutulungan sila ni Mayumi na mapaayos ang mga nasira nilang mga bahay. At higit sa lahat ang nursing home, kung saan maraming bata ang libring pinapa-aral, pinapakain at inaalagaan. Dito iniaalay nina Mayumi at Michelle ang buhay nila. Naging advocate rin silang dalawa ng kalinisan at kabuhayan para sa mga taga-roon. Masaya siyang tumutulong ng palihim sa mga tao, hindi niya kailangang maglabas pa ng ganito sa publiko."NANDITO na tayo. Bumaba na ang lahat ng mga pasahero," sigaw ng konduktor ng bus.Bumaba na rin siya saka nagsuot ng shades at sumbrero. Dito kasi sa bayan ay walang may nakakaalam na pumaparito siya. Tanging sa isla lang siya malayang-malaya na maglakad kahit saang sulok ng isla.Sumaglit muna siya sa palengke at namili ng mga prutas at kaunting pasalubong. Tiyak na matutuwa ang mga bata kapag nakita ang mga dala niya."Heto na po Ma'am ang prutas ninyo. Seven hundred ninety-eight pesos po lahat," anang tindera.Nag-abot siya ng one thousand peso bill. "Salamat Ate, keep the change," wika niya saka tumalikod na. Naiwang maluwag ang pagkangiti sa labi ng tindera. Ang bait niya sa mga taong nakikita niyang ginagawa ang lahat para sa pamilya, at hanga siya sa mga taong sa tamang paraan nagmula ang mga pinapakain sa pamilya nila.NAGTUNGO na siya sa sakayan ng bangka. Doon sila umaakupa ng bangka para maghahatid sa isla. May kakilala na siya rito kaya wala nang problema para makapunta siya sa isla ng walang nakakakilala sa kaniya.Hinanap niya kaagad si Gregorio o mas kilalang Greg. Nasa edad na kuwarenta na pero wala pa ring asawa. Madalas nga nila itong tuksuhin sa tiyahin ni Michelle pero hindi naman kakitaan ng may gusto ito sa babae. Hindi naman bakla pero ewan parang papaiwan na lang siguro ito sa last trip."Kuya Greg," tawag niya. Tuwang-tuwa naman ito nang makita siya."Wow. How are you, Miss M?" agad nitong tanong. Nag-eenglish ito sa tuwing magkikita silang dalawa.Ngumiti siya. "I'm fine. Kuya, ihatid mo na ako. I'm very excited to see them.""Sige, sa akin na iyong mga hawak mo. Tara na," wika nito saka iginiya na siya sa bangka nito. Pumuwesto na siya saka malayang pinagmasdan ang malinaw na tubig ng dagat."Mabuti naman Miss M dahil naisipan ninyong dumalaw ulit sa isla. Siguro sobrang busy mo ngayon. Alam mo idol talaga kita. Sinusubaybayan ko talaga ang teleserye mo. Dabest ka talagang umarte, tagos sa puso," feel na feel pa talaga ni Greg ang pagsasalita animo'y in love kung magsalita pero single naman.Saglit siyang natawa sa sinabi nito. "Yeah, it's true. I'm so very busy this past few weeks. Pero nagkaroon ako ngayon ng three days break kaya naisipan kong dumito muna sa isla. I want to unwind myself from stress and problems," sagot niya. "Thank you pala sa pagiging number fun ko ha. Dabest ka talaga Kuya."Natawa rin si Greg. "Wala iyon Miss M. Ang bait mo kasi kaya deserve mo ang pagiging magaling na artista."NATATANAW na nila ang isla kaya indikasyon na malapit na sila. Medyo palubog na ang araw. Ang gandang pagmasdan ng araw. She really loves to watch the sunset. Pakiramdam niya kasabay ng paglubog ng araw ay ang pagkawala rin ng mga problema niya."Ang ganda talaga dito miss M. Gusto ko rin sanang manirahan dito," makahulugang pahayag ni Greg.Napangiti naman si Mayumi ng marinig ang sinabi nito. "Ahem. Parang duda ako doon ha," pagbibiro nito."Bakit naman? May masama ba? Miss M?""Wala naman. Sige, bababa na ako. Salamat ulit ha. Heto ang premyo mo," wika niya saka inabot ang pamasaheng dalawang libo. As usual, hindi na niya kinukuha ang change at dinadagdagan pa niya. Ganito siya ka galante magbigay ng pamasahe. Masaya siyang makikitang masaya ang mga tao sa paligid niya."Naku, salamat. Ihahatid pa ba kita Miss M?""Sige. Medyo mabigat kasi ang mga dala ko saka para makita mo ulit si Auntie Maya. 'Di ba crush mo siya? Aba, pinamulahan si Kuya Greg ng pisngi," pagbibiro niya. Hindi naman totoo na pinamulahan ito ng pisngi."Aba. Hindi kaya. Sige na. Tara na. Baka gabihin pa ako rito," pag-iiba ni Greg ng usapan. Kahit kailan wala talaga itong gana kay Maya ang tiyahin ni Michelle. Maganda naman ito kahit nasa kuwarenta na rin ang edad. Naging matandang dalaga na lang sa pag-aalaga kay Michelle mula ng mamatay ang mga magulang nito. Ito na kasi ang tumayong ama't-ina ng dalaga, at inilaan na lang nito sa nursing home ang kaniyang oras.PAGKARATING sa maliit na komunidad ay nag takbuhan ang mga kabataan para salubungin siya. Sobrang na-miss niya ang pagwelcome ng mga kabataang taga-rito."Ate Mayumi," sigaw ng mga ito saka niyakap siya ng mga ito. Sobrang namiss nila si Mayumi. Tuwing summer lang kasi siya nandirito at bihira lang kapag hindi summer.Nakangiti lang si Greg habang pinagmamasdan ang mga kaganapan. Siguro kung nagasawa na siya noon pa ay may mga anak na rin siya o di kaya'y may apo na."I miss you all mga bata. Kamusta kayong lahat dito? Sina Ate niyo Michelle nasaan ba?"Hindi sumagot ang mga bata sa halip na hinila siya ng mga ito papunta sa bahay nina Michelle. Kinabahan tuloy siya. Sumunod na lang sa paglalakad si Greg habang bitbit ang mga pinamili ni Mayumi.Nasa tapat na sila ng bahay nina Michelle pero wala namang katao-tao. "Anong meron dito? Nasaan si Ate Michelle ninyo? Si Auntie Maya?" natataranta niyang tanong sa mga bata. Ngumunguso lang mga ito na buksan daw niya ang pinto ng bahay.Marahan niyang pinihit ang seradura ng pinto. Dahan-dahan siyang pumasok. Nagmamatyag muna bago tuluyang pumasok ng bahay."SURPRISE!" sigaw ng mga ilang kabataan kasama sina Michelle at Auntie Maya. Nagulat siya kasabay ay pumatak ang mga luha niya sa sobrang saya. Nag-isip pa naman siya ng kung anu-ano. She doesn't think that they will surprised her. Siya pa nga ang kanina pa nag-iisip ng mga pakulo pero wala naman siyang maisip.Pinahid niya ang mga luha. Niyakap niya kaagad sina Michelle at Auntie Maya. "Akala ko may nangyari nang masama sa inyo. Bakit niyo pala nalaman na darating ako ngayon?""Siyempre, alam mo na iyon. Nagtanong ako kay Bunny kung hindi ka busy saka sinabi niyang pupunta ka rito. Kaya nag-isip kaming i-supresa ka. 'Di naman yata pwedeng ikaw lang palagi ang may surpresa," nakangiting saad ni Michelle."Ikaw talaga. Teka lang kasama ko nga pala si Kuya Greg. Baka nasa labas pa siya.""Don't worry. Inasikaso na siya ni Auntie Maya. Alam mo bagay sila. Pero ewan ko kay Auntie baka di na yan mag-aasawa.""Loka ka talaga. Hayaan mo na sila.""Oo nga. Tara sa kusina may iniluto kaming paborito mo. Inihaw na isda, adobong pusit, at saka maanghang na sawsawan."PINAGHAIN ni Michelle ng mga paboritong pagkain si Mayumi. Pagkakita pa lang nito ay takam na takam kaagad siya. Walang diet ngayon. Hindi naman siya tumataba kaya no worries. Maggi-gym na lang ulit siya pagbalik ng Maynila.HABANG sa labas ay kinukumbinsi ni Maya si Greg na pumasok para kumain bago umalis, pero todo tanggi naman ito. Hindi na rin siya napilit ni Maya at nagpaalam nang mauuna na daw itong umuwi. Baka gabihin daw ito pabalik sa bayan. Pakunwari talaga ito. Pinayagan naman ni Maya na makaalis na ang lalaki.Nang matapos na silang kumain ay talagang napadighay pa siya. "Hala, sobrang busog ako Mich, nakalimutan natin sina Auntie Maya sa labas. Teka lang, tawagin ko muna.""Di na kailangan. Umalis na si Greg. Ewan ko nagmamadali na namang umuwi. Kahit kailan nahihiya pa rin na makisalo sa atin," sabad ni Maya na papalapit na kanila."Auntie, kumain na po kayo. Ako na po ang bahalang maghuhugas ng mga pinagkainan mamaya," wika niya. Oo, naghuhugas siya ng mga pinggan. Hindi naman siya maarte kagaya ng ibang artista na kilala niya. Hindi naman siya inu-obliga na gawin ang mga bagay na iyon pero natutuwa kasi siyang may ginagawa."Huwag na, ako na ang maghuhugas. Ipamigay niyo na lang sa mga kabataan ang mga pasalubong mo. Tiyak na matutuwa ang mga iyon." Tumingin ito sa labas."Oh, ipagpabukas ninyo na lang pala. Medyo takipsilim na pala eh," anang Maya."Sige Auntie. Sa kwarto na muna ako. Ilalagay ko muna ang mga gamit ko. Salamat Auntie sa masarap na pagkaing inihanda ninyo.""Walang anuman, basta ikaw."Pumasok na siya sa kwarto niya. Dito siya natutulog sa tuwing nandito siya sa isla. Simpleng kwarto pero puno ng alaala.Lumabas na rin siya kaagad pagkatapos maayos ang mga gamit niya at hinanap si Michelle. Nasa kwarto ito at may ginagawang school works.Isa kasing public school teacher si Michelle. Matagal na rin siyang kinukumbinsi ni Mayumi na sa Maynila na siya magturo pero ayaw pa rin niya. Mas gusto niyang dumito para maturuan ang mga taga-isla at ang mga bata sa nursing home."Ano ba ang ginagawa mo? Weekend ngayon pero iyan pa rin ang ginagawa mo? Para saan ba iyan?""Ah, ito? Para sa proposed budget ng paaralan. Naisipan ko kasing idulog sa kawani ng gobyerno na kulang pa ang mga silid-aralan na naipatayo rito sa isla. Alam mo naman kahit maliit lang ang isla pero kailangan pa rin ng mga kabataan dito ang karunungan, at proud ako para sa mga achievement nila rito.""Okay, I'll help you. Bukas ba may opisina sa bayan? Baka pwede natin iyan idulog kaagad. Kaya ko namang laanan ng budget ang proyekto na iyan pero kailangan natin ng permit to operate. At pagkatapos ako na ang bahala. Sasangguni din ako kay Daddy para sa iba pang kakailanganin dito.""Alam mo Mayumi hulog ka talaga ng langit. Napakaswerte namin na nakilala ka namin. I love you Mayumi," wika ni Michelle saka niyakap siya ng napakahigpit."Basta para sa mga taga-rito. I will bring joy and hope for everyone. Saludo din naman ako sa iyo teacher Michelle. You're the best," sagot niya saka niyakap pabalik ang kaibigan.Ganito sila ka close. Parang magkakapatid ang turingan sa isa't-isa. Suportado ng bawat isa ang pangarap ng bawat isa. Kahit na magkalayo at parehong busy ay hindi nila nakakalimutan na magkamustahan."Siya nga pala Yumi, kamusta ang lovelife mo? Kamusta na pala ang artistang naka-link mo? Nanliligaw pa ba?""Huh? Alam mo namang wala as in zero. Oo, gwapo siya at mabait pero wala pa sa isip ko ang mag-in sa isang relationship. Bakit ikaw ba? Baka may boyfriend ka na?"Natawa naman si Michelle sa tanong niya. "Ako? Never din. Busy ako sa trabaho kaya wala rin akong time para sa kalokohang 'yan. No time for love now," aniya.Mas natawa si Mayumi. "What? Oy, you're already 26 years old kaya kailangan mo na mag-boyfriend no.""Asus. Ikaw nga 25 years old na rin. Di naman nagkakalayo ang edad nating dalawa kaya maghanap ka na rin ng boyfriend," panunukso ni Michelle sa kaniya.Nagtatawanan silang dalawa ng sumagi sa mga isip nila si Auntie Maya. Mas matanda pa nga sa kanila pero NBSB pa rin. Minsan pinagkakatuwaan na lang talaga nilang dalawa si Maya. Pero kung hindi sila papalarin ay sasapitin din nila ang maging kagaya ni Maya. Ang dakilang matandang dalaga ng isla."I don't want to die as a spinster," naibulalas ni Michelle."Me too, pero paano? Wala naman sa isip ko ang makipagrelasyon. Di naman kasi totoo ang happily ever after. Sa mga fairy tale lang kaya ang mga iyon."Umismid ito sa kaniya. "Talaga lang ha? Malay mo baka bigla lang 'yan dumating nang hindi mo inaasahan. Just wait for the perfect timing. Bakit ano ba ang gusto mo sa lalaki?""Perfect timing? Asa ka pa? Siyempre, mabait saka pareho naming mahal ang isa't-isa. Ayaw ko iyong mahal ko lang siya at mahal niya lang ako. Unfair sa part naming dalawa, di ba? Eh, ikaw ano ang ideal guy mo Mich?"Saglit pa itong nag-isip. "Mabait din kagaya ng ideal man mo saka gusto ko ang may respeto at paninindigan."Ngumiti si Mayumi ng marinig niya ang sinabi ng kaibigan. "May kilala akong ganiyan. Mabait iyon dahil minsan na niya akong tinulungan na makatakas sa mga taga-media. Alam mo na ang media. Kung anong papel nila sa buhay ng mga artista.""Huh? Kailan nangyari iyon, ha? Bakit di ko alam?""Three weeks ago. Nevermind about it. Ang pag-usapan natin ay iyong guy.""Hala, loko. So, sino yung guy na tumulong sayo? Baka siya ang soulmate mo Yumi," napatili pa si Michelle.Natawa si Mayumi. "Nope. Baka soulmate mo. Ipapakilala ko siya sa iyo sa susunod. He is Jeff, isang police officer. Mabait, may respeto, may paninindigan at higit sa lahat gwapo. Kaya ka niya protektahan sa lahat ng bagay.""Ewan ko sayo Yumi. Matulog na nga tayo. Inaantok na ako," wika nito saka humikab. 'Di alam ni Mayumi kung pagdadahilan lang ba ito ni Michelle o totoo."Sige na nga. Good night," wika niya saka nagpaalam na."Good night too. Bukas na lang natin ipagpapatuloy ang pag-uusap about sa mga ideal guy natin. Sobra akong pagod kanina.""Sige."Lumabas na si Mayumi at nagtungo sa kwarto niya. Kahit na siya ay nakaramdam na rin ng pagkaantok.Pagod din naman siya mula pa kanina kaya gusto na niyang matulog para makapag relax na. Maagang natutulog ang mga tao sa isla. Alas otso pa lang ay tulog na ang lahat. 'Di ka tulad sa Maynila 24/7 ang mga taong gising. Halos walang pahinga at tulog pero okay pa rin naman.Humiga na siya at pumikit. Gusto niyang matulog ng walong oras o higit pa. Pambawi ng lakas.NAUNANG nagising si Mayumi. Hindi naman sa excited siya pero sanay rin naman siyang gumising ng maaga. Mula alas-otso ng gabi hanggang alas-sinco ng umaga ay sapat na para makatulog ng higit sa walong oras. Sapat na iyon bilang pahinga. Mas gusto niya rito sa isla dahil marami ang tulog niya.Lumabas siya ng kwarto at nandoon na pala sa kusina si Auntie Maya. Nagkakape na ito. Sumaglit muna siya sa banyo para maghilamos saka pumunta sa mesa para makipag daldalan kay Maya. Pagkaupo niya sa silyang naroon ay binigyan agad siya nito ng isang tasa ng kape. Native coffee na paborito niya.Inamoy-amoy pa nga niya ang kape bago sinumulang inumin. "Masarap talaga Auntie ang native coffee. Iyong binigay niyo sa'kin ay matagal ko nang naubos, magdadala ako nito ulit ha," wika niya saka lumagok ulit ng kape.Ngumiti naman si Maya ng marinig ang sinabi niya. "Don't worry padalhan kita ulit. Kung pwede nga lang sana na dito ka na lang araw-araw ay mas gugustuhin ko talaga," sagot nito. Nangingiba
MAAGANG gumising si Mayumi para sa first photoshoot niya ngayon. Hindi siya excited para sa shoot pero excited siyang mang-inis. Talagang inaasahan na niya na nandoon si Kalel sa shoot. Kung asaran ang hanap ng lalaki ay papatulan niya ito. Gusto talaga niyang maghigante ng paunti-unti. Ang paghihiganti na hindi mahahalata ng kalaban.Nauna na sa venue si Bunny. Doon na lang sila magkikita. Mabuti nga at makakapag-drive siya. Ito na naman ulit ang pagkakataon na makakasakay sa sariling kotse.Medyo mabilis lang siyang naligo. Naglagay siya ng kaunting make-up at nagsuot ng kulay peach na dress, nagdulot ito nang kinang sa maputi niyang balat. She really looks gorgeous. Maraming mga binata ang mapapa-ibig sa kagandahan niya. Pero asa pa silang papansinin sila ni Mayumi. Wala sa bokabularyo niya ang maghanap ng boyfriend ngayon. Nasa career ang tuon niya at mas nadagdagan ng paghihiganti.Lumabas na siya at in-i-lock ang pinto ng condo unit niya. Nagtungo sunod sa may garahe. Agad siya
WHEN MAYUMI entered the bar, she immediately sit at the table that she always seated and ordered a vodka. Mapait ito pero balewala sa kaniya. Gusto niyang malasing kaagad. Gusto niyang mawala ang inis sa nangyari kanina. Kahit saan siya at anong project, nandoon si Briana na palaging nakikigulo. She's a total freakin' bitch, paulit-ulit na niyang inisip kung bakit mainit ang dugo nito sa kaniya pero wala siyang maisip na dahilan. Pinaglihi lang siguro ito sa sama ng loob."Miss what's your order?" the waiter asked her.She smiled. "Vodka double shot on the rock, please." Next, she handed a tip to the waiter. Alam na ng waiter ang order niya. This is always her order everytime she goes to the bar to have a drink.She take a gulp on the glass of vodka as soon as the waiter handed to her. She remembered what had happened earlier. Hindi siya makapaniwala na tinulungan siya ni Kalel kanina, in fairness hindi naman pala siya ganun ka suplado."What reason does he have to help me? I think e
MAYUMI had a good time spending her free days without tapings or shootings. She can breathe freely, she can sleep until what time she wants. She also hangs out by herself. She wants to pay off all of her hard work.She's in the mall when Bunny texted her. She opened the message and raised her eyebrows when she read the message. Ang aga-aga uminit na naman ang kaniyang ulo. "Oh, sh*t! How come? Argh, I never thought of being with her again. That stupid bitch!" she muttered after all. She will be having another telenovelas together with Briana, nilalapit talaga sila ng tadhana. Maraming bangayan at away na naman ito kung mangyari. Gagawin na naman nitong impyerno ang buhay niya.She paid all her bills and immediately went home. She was annoyed when she found out about it. She wants to talk with Bunny. Gusto niya malaman kung bakit sila nagkaroon ulit ng project na magkakasama. She put her groceries and things in the back compartment of her car. She got in her car, revved up the engin
"HUMINTO KA! Huwag kang tumakas kung talagang matapang ka. Harapin mo ako," sigaw ni Mayumi sa kaaway niya. Nasa shooting siya ngayon. Siya ay si Clarisse sa bago niyang role, isang bodyguard ang ginagampanan niya. Nasa habulan ang scenes na kinukunan nila ngayon. Nasa kalagitnaan na siya ng daan ng may kotseng paparating. Natumba siya. Lumabas mula sa sasakyan si Kalel. Ano kaya ang nakain nito bakit siya pumunta sa set ng taping nina Mayumi?Subra ang kaba ni Mayumi ng mga sandaling 'yon. Hindi siya nagpahalata, mabilis siyang tumayo at galit na galit niyang binalingan ang lalaking kabababa lang ng kotse niya. "How dare you!"matigas niyang pagkasabi pero tanging si Kalel lamang ang nakarinig. Tumawa lang ang lalaki. "Well, nasaktan ka ba?" Puno ng pangungutya ang boses nito. Napapailing at napapalatak pa siya habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ni Mayumi. "Ano sa tingin? Bulag ka ba?"Umismid at nagsawalang kibo lang si Kalel. Insensitive ba talaga siya?Lumapit si Bunny kay
PUMASOK ng trabaho si Kalel kinabukasan. Parang walang nangyari kahapon. Wala din naman siyang paki-alam kay Mayumi aber mamatay man ito o masaktan.Ganun na lang niya kinamumuhian ang dalaga dahil sa ginawa nitong pagbato ng magazine sa mukha niya. Hindi niya iyon makakalimutan, first time in his life na nangyari iyon.Nakaupo siya sa kanyang swivel chair ng makarinig siya ng katok sa pintuan."Come in," tipid niyang sagot.Di pa niya nakikita ang bisita ay alam na niya kung sino, base sa amoy ng pabango nito na Love Seduction,Victoria secret perfume."Hi, Kalel. Kamusta ka?" Maayos na siguro ang pakiramdam nito matapos siyang masaktan sa taping nila kahapun. Well, makapal naman ang mukha este ang makeup nito kaya hindi nakikita na namaga ng subra ang mukha niya."I'm fine. Why are you here? Wala ka bang taping ngayon with Mayumi?" tanong niya sa babae habang nakataas ang kilay nito. Well isa pa ito sa problema niya kung paano alisin sa buhay niya ang babaeng ito, he literally hat
WALA sa mood na sinundo ni Kalel si Mayumi sa condo unit nito. Alam na niya ang room number nito dahil sinabi na ni Sebastian ang details ng tirahan ng babae. Nag-doorbell siya. Kaagad na bumukas ang pinto at sumungaw ang napakagandang dilag. Ngumiti si Mayumi sa kaniya kaso fake iyon."Let's go," tipid niyang wika saka pinasadahan ng tingin mula paa hanggang ulo si Mayumi. Pumako ang mga mata niya sa mukha ni Mayumi. Simple at walang bahid na makeup pero maganda pa rin. "Wait, pumasok ka muna. Pina-finalize ko pa ang mga gamit ko. Don't worry mabilis lang 'to. Nakapag-ayos naman ako ng sarili ko. Kukunin ko na lang sa loob ang malita ko." Inilibot niya ang paningin sa loob ng unit ni Mayumi. Maganda at malinis. Simpleng blue, white and gray ang mga gamit. May isang malaking portrait ng babae ang nasa dingding. Sa isang lamesita ay may isang picture frame. Sa tantiya niya family picture ng pamilya nito.Naiinip na siya sa kahihintay kay Mayumi, sabi nito madali lang siya pero more
NAKARATING na sa Banaue, Ifugao sina Mayumi at Kalel. Nagcheck in sila sa isang kilalang hotel para sa mga turista. Maganda ang pagsalubong sa kanila ng mga staffs ng hotel pero ang hindi nila inaasahan na puno ng mga turista ngayon dahil sa kanilang kapistahan—ang Imbayah festival.Isang kuwarto lang ang binigay para sa kanilang dalawa kaya wala na silang ibang choice kundi magsasama na lang sa iisang room. "Pasensiya na po talaga ma'am and sir, sa linggo pa maraming bakante e, okay lang ba na magkasama muna kayo?"anang staff. Malapad ang ngiti nitong pinakawalan. "Sure, walang problema," si Mayumi ang sumagot dahil nababagot ang mukha ni Kalel. "Don't worry, okay lang basta may matulungan kami while nandito kami for one week.""Thank you ma'am, ipahahatid ko na po kayo sa butler. Thank you for choosing us."Ngumiti si Mayumi saka sumunod sa butler, napakaganda ng hotel, 'di mo aakalaing matatagpuan ito sa lugar. Classy at maaliwalas ang mga designs. At hindi mo na kailangan lumayo
DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya
NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?
"ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S
NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinuha mo naman ang kumot ko ah. May binabalak ka ba sa 'kin?" Dinuro-duro pa siya ni Mayumi. "What? Hell no! Asa ka pa Mayumi, kahit nag-iisa ka na lang na babae sa buong mundo, tandaan mo hindi kita papatulan.""Kuno?" Tumawa siya ng pagak. "Huwag kang magsalita ng patapos," sagot niya saka mas lumapit kay Kalel na nakatayo na sa harapan niya. "Eh, ano ang ginagawa mo sa tabi ko kung ganun? Na…huwag mong sabihin na nag sleepwalk ka at tumabi ka sa akin?" pang-aasar pa siya. "Mga babae talaga, mahilig mag bintang," wika niya saka napapailing. "Nakita kitang giniginawan kagabi kaya nagshare ako ng kumot sa'yo. Oo, tinabihan kita pero tumalikod naman ako sa'yo nang natulog na ako. Anong mas
MARAMI ang mga natutunan nina Mayumi at Kalel nang makausap nila ang isa sa mga katutubong si Manong Al. Kinuwento nito ang kasaysayan ng Ifugao, maging ang kultura at tradisyon ng lugar. Sinamahan sila nitong bumisita sa mga katutubong nayon na matatagpuan sa mismong lugar ng Lagud. "Nag enjoy ba kayo?" anito."Opo, maraming salamat Manong Al sa pagpaunlak sa amin dito sa inyong napakagandang lugar. Babalik ako ulit dito sa susunod.""Maraming salamat din ma'am dahil dito ninyo napiling magbisita." Sumama na rin ito sa pamamasyal nila sa mga rice terraces. Walang masyadong ginawa si Kalel maliban na lang sa kumuha siya ng mga litrato at video dahil si Mayumi ang nag-interview kay Manong Al, mabuti naman dahil game na game ito sa pagsagot ng mga katanungan niya. So far, satisfied sila sa naging outcome ng interview. Matapos ang mahabang lakarin at akyat sa mga kabundukan ay narating nila ang isa sa mga ipinagmamalaki ng lugar, ang kanilang rice terraces. Manghang-mangha si Mayumi
GUMALAW si Mayumi mula sa kaniyang higaan. Masarap ang pakiramdam niya, may mainit na nakayakap sa kaniyang beywang kaya nagmulat siya ng mga mata para i-check kung ano. Higit ang hiningang napamura siya sa kaniyang isipan. Magkatabi silang natulog ni Kalel sa kama at niyayakap siya ng lalaki. Napapangiwi siyang dahan-dahang inangat ang braso ni Kalel mula sa beywang niya, "tss, anong katangahan ito Yumi," usal niya. Nanlaki ang mga mata niya ng mas lalong sumiksik si Kalel sa kaniya. "Jusko, may nangyari ba sa amin? Hindi puwede," mariing kastigo niya sa sarili. "Kaloka, stop thinking about it Yumi. Walang nangyari, okay?" Kinapa niya ang sarili at wala namang naramdamang kakaiba bukod sa pamamanhid ng kaniyang ulo. Walang sinong dapat na sisihin kung may nangyari sa kaniya dahil ang lakas niyang uminom ng tapoy kaya na lasing siya ng husto. Ayaw niyang paawat sa pag-inom."Hmm," wika ni Kalel saka sumiksik pa lalo sa kaniyang tagiliran. Pilit niyang inilayo ang sarili sa lalaki.
MAAGANG nagising si Mayumi upang maghanda ng sarili para sa Imbayah festival. Nagsuot siya ng katutubong damit na bagay sa kaniya. "I'm excited," maikli niyang sabi saka naglagay ng kaunting makeup. Pinasadahan ang mukha sa malaking salamin, "perfect!"Lumabas na siya ng banyo at nakita niyang gising na si Kalel. Pinasadahan siya nito ng blankong tingin. Hindi man lang nagpakita ng paghanga sa kaniya. Nginitian niya nang fake ang lalaki. Bigla itong natauhan. Kalel clears his throat. "Ikaw lang ba ang aalis?"Kunot-noong napaharap muli si Mayumi sa lalaki. "Well, mas mabuting mag-isa kaysa may kasama akong masungit." Kinuha niya ang sling bag niyang nakalapag sa may folding bed niya. "Ayaw mo ba talagang magsaya sa festival? Sa pagkakaalam ko masaya 'yon at kailangan kong mag enjoy.""Puwede naman. Hindi ko na naman puwedeng suwayin si Dad. Tumawag sa akin kahapon.""Really? Paano niya nalaman na merong festival?" Medyo nagulat siya, pero naisip niyang ang mga taong kagaya nila ay