A Forbidden Night with a Stranger
Yna Maria Cortes is a spoiled brat and happy go lucky daughter. Her dad wanted her to manage their own company but she's not interested at all. So, to teach her a lesson, her Dad asks for some help from his friend. His son, named Alas Gabriel Dela Merzcid accepted his deals to help Yna to become a responsible one by becoming his personal secretary. She was forced to do the things she hated the most but she had no other options, she wanted her money back. So, even though she's against her dad's plan, she accepted the deal.
Until one day, she found herself to slowly accept her fate of becoming a responsible businesswoman, who is willing to do everything for the sake of everybody's wellness. She also started to like Alas for many reasons, and she falls in love with him secretly. She's ready to tell Alas about her feelings but Janus, her ex-boyfriend, comes back. He returned and asked for her forgiveness.
Neither Alas nor Janus is her problem, all she fears the most is, she's pregnant and she knows that the father of her baby was the stranger once she had sex two-months ago
Read
Chapter: 42(2)“GOOD JOB,” nakangiting salubong ng daddy ni Janus sa kaniya. “Mabuti dahil nagtagumpay na tayo sa mga plano natin, right son?” dagdag pa nito. Inabutan siya nito ng isang baso ng alak. Tinanggap niya ito dahil kung hindi, magiging dragon na naman ito. Ayaw niyang matalakan siya ng husto. At baka mapatulan pa niya at magkagulo sila. “Cheers!” sabay nilang sabi. Ngumiti siya saka naupo sa couch. Hindi naman siya masaya sa mga nagawa niya, especially, nadadamay si Yna. But he has no other option. Kung ang daddy niya mismo ang gagawa ng aksiyon ay hindi niya alam kung mapoprotektahan pa niya ang babae. He can't let Yna to suffer from pain again. Nadala na siya noon. Kung dati iniwan niya si Yna dahil sa kagustuhan nito ngayon ay hindi na niya iyon gagawin. Ayaw na niyang magpa-control sa daddy niya. What happened from the past was done and he wanted to correct everything. Naging makasarili siya noon. Sarili lang niya ang kaniyang iniisip. At ngayon handa na siyang ipaglaban ang pag
Last Updated: 2024-05-09
Chapter: 42(1)ISA na namang isyu ang bumungad sa umaga ni Alas. Tumawag si Lydia sa kaniya para ipaalam ito. Napabangon siya ng wala sa oras para tingnan ang laman ng balita. There are pictures of him circulating on social media platforms, that he is punching Janus Domingo. He can't believe this. Who spread these photos on social media? Marami siyang nabasang hindi magagandang komento. Marami kaagad ang naniniwala sa post ng isang poser at pinakalakat pa ito ng iba. Siya ang pinapalabas na nagsimula ng gulo. Ang aga-aga ay uminit na ang ulo niya. How come na may kumuha ng mga larawan nila habang nagsusuntukan sila kahapon? May mga media bang nandoon? Kung wala man ay sino ang may pakana nito?Ang tindi ng galit niya kay Alas para gawin ang lahat ng mga kasinungalingan ito. Magsaya siya hanggang kaya niya dahil nagtagumpay siyang siraan si Alas. Naikuyom niya ang mga palad niya. Tumayo siya saka pumasok sa shower room. Gusto niyang ilabas roon ang galit at sama ng loob niya. “Argh! Who did this
Last Updated: 2023-12-09
Chapter: 41 (4)KARARATING lang ng sasakyan nila ni Yna at Alas kasama ng mga police ng salubungin sila ng mga tao sa village. Unang lumabas ng kotse ang dalawa para kausapin ang mga iyon. “Magandang hapon po, nandito kami para maghatid ng tulong at magpapa imbestiga kami sa mga kasama naming police,”bungad ni Alas. Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa. Tiningnan lang sila ng masama ng mga Tao saka nagbulungan ang mga ito. “Totoo ang sinasabi ni Alas. Nandito kami para tumulong. Naniniwala kaming may gumawa nito na hindi natin alam. Sana tanggapin ninyo kami gaya ng una ninyong pagtanggap sa akin.”“Pasensiya na kayo, pero ang utos ni Apo Larry ay huwag kayong hahayaang makapasok pang muli sa village. Kung kami lang wala naman kayong kasalanan,” tugon ng isa sa mga ito. Tama naman ang katwiran ng lalaki, sumusunod lang din sila sa utos ni Apo Larry. “Pero, may alam ba kayo kung sino nagpadala ng media dito sa lugar? Lumabas na kasi sa balita ang nangyari. Hindi naman dapat naisa-publiko iyon lalo na
Last Updated: 2023-12-08
Chapter: 41(3)KABABABA lang ni Yna sa sala nila ng tawagin siya ni Jomari para tingnan ang laman ng balita. Napa-awang ang labi niya. Nagulat siya sa laman ng balita. Paanong nasa balita na ang nangyaring sunog at pagkasira ng mga gulayan at prutasan sa Malaya village? Sino ang nagpadala roon ng mga media? May tao bang nag-utos na gawin ito? Sino? “Is this real, Yna? Bakit wala kang sinabi sa amin ng mommy mo mula pa kagabi ng dumating ka?”tanong ng daddy niya. “Yes dad, it's true. Hindi namin alam kung bakit nangyari ito. Kahapon lang daw ito nangyari, nalaman namin kasi dumiretso kami roon dahil excited kami para matapos na agad ang proyekto pero iyan ang nangyari,” mangiyak-ngiyak niyang sagot. “I can't believe it too.”Tinapik ng daddy niya ang kaniyang balikat. “Don't worry Yna, it's only a sabotage. Sa negosyo hindi mo ‘yon maiiwasan, pero malulusutan ‘yan ni Alas basta nandiyan ka sa tabi niya.”“Yes dad. Hindi ko siya puwedeng iwan at maging ang mga tao roon. I already promised to help
Last Updated: 2023-12-05
Chapter: 41(2)NAGAMBALA ang tulog ng mga taga-Malaya village dahil sa apoy na nagmumula sa construction site. Alas kuwarto pa lang ng umaga at ang iba ay natutulog pa. Mabuti na lang at maagang nagising sina Apo Larry. Nakita niya ang nangyari kaya pinagsi-gising niya ang mga tao para mapatay ang apoy roon. Nagtulong-tulong silang maapula ang apoy dahil kung hindi ay kakalat ito at mas nakakapinsala pa sa paligid nito. Marami pa ang masusunog at maaring mapunta sa mga kabahayan, mauubos lahat dahil gawa sa light materials lahat ng mga bahay. “Bilisan ninyo ang pagkuha ng mga tubig. Bilis,” sigaw ni Apo Larry. Kung hindi lang siya tumatanda na ay tutulong din siya sa pag-igib, pero nagkasya na lang siya na mag-utos sa mga kabataan at kalalakihan. “Opo, Apo Larry.” Mabilis silang tumalima at bayanihang nag-apula ng sunog.Mahigit isang oras ang ginugol nila sa pag-apula ng apoy. Puno ng panlulumo ang matanda. Kahit pinigilan nila ang pagkalat ng apoy ay kalahati rin ang nasunog sa ginawang gusali.
Last Updated: 2023-11-24
Chapter: 41(1)MALAYANG naglakad si Janus sa hallway ng Cortes’s Empire, tutungo siya sa opisina ni Jomari. Marami ang nakatingin pero hindi alintana sa kaniya. Hindi na siya nag-abalang magtanong sa front desk dahil alam na niya ang opisina ng matanda mula pa noon at gusto niyang masurpresa ito sa pagdating niya. Kumatok siya at narinig niya ang boses nitong pinapasok siya nito sa loob. Napangiti siyang pumasok. Kalmado at prenteng naglalakad sa harap ng mesa ni Jomari. “Good afternoon Uncle,” bati niya. Shock na tinitigan siya ni Jomari. Saglit lamang iyon at tinaasan siya nito ng kilay. Tumigil muna ito sa ginagawa niya. Pinasadahan siya nito ng tingin at casual namang ngumiti si Janus. “Why are you here Domingo?” tanong nito na halata sa tono ng boses nitong ayaw siyang makita. Tumikhim si Janus. “Call me Janus Uncle.”“I know, I am asking you… why are you here? Ayoko ng paligoy-ligoy. Nakita mo namang busy ako sa trabaho, hindi ba?”“Of course! I'm here because of Yna. I want her back in m
Last Updated: 2023-11-23
Chapter: 23DUMIRETSO si Kalel sa sementeryo. Gusto niyang dalawin ang puntod ng mommy niya. Gumugulo ang utak niya kaya gusto niyang maibsan 'yon sa pamamagitan ng pagsabi ng mga saloobin niya sa harap ng puntod ng mommy niya.Nasa tapat na siya ng puntod ng mommy niya. Nakita niya ang bulaklak na nakapatong sa nitso nito. Sa tantiya niya mga kahapon lang iyon nilagay doon. Syempre alam niya na ang daddy niya ang naglagay nito dahil ito ang paboritong bulaklak ng mommy niya. Dati nang buhay pa ito ay marami nito sa garden nila. At ayaw na ayaw ng mommy niyang maapakan o mapitasan man lang kahit isang tangkay. Naupo siya sa gilid ng nitso nito. Nagsimula siyang sariwain ang mga panahong buhay pa ito at masaya silang naglalaro. "Mommy, alam mo malaki ang kasalanan ko kay Dad, sinagot-sagot ko siya at nag-away kami. But I can't understand his point. Why is he protecting Mayumi at all times?" Parang iiyak siya pero pinigil niya. Lalaki siya kaya hindi marapat na makita siyang umiiyak. 'Yon ang it
Last Updated: 2023-10-15
Chapter: 22PAGKAUWI ni Briana galing Ifugao ay dumiretso siya sa kaniyang Tita Shirley, nagsumbong siyang iniwan siya ni Kalel sa Ifugao at muntik pa siyang maligaw pauwi dahil hindi niya kabisado ang lugar. Galit na galit siyang nagsumbong ng mga nangyari. In the first place, siya ang may kasalanan nun, siya ang kusang sumunod at nanggulo roon pero pakiramdam niya ay siya ang biktima sa nangyari. "Tita Shirley, pagsabihan mo naman si Kalel na huwag na niya akong saktan at iwan sa susunod. Pumunta lang naman ako ng Ifugao para tulungan siya pero nagalit silang dalawa ni Mayumi.""Don't worry kakausapin ko siya bukas. Pupunta ako sa opisina niya. Alam mo sumosobra na siya sa supladuhan niya. Matagal na akong nagtitimpi sa mga kalokohan niya dahil ayokong magalit sa akin si Sebastian. Pero ngayon parang hindi na ako kampanti na walang gagawin.""Tama 'yan. Sumusubra na talaga siya sa ugali niya. Salamat Tita Shirley," malambing na wika ni Briana at yumakap pa kay Shirley. At naniwala kaagad si Sh
Last Updated: 2023-10-11
Chapter: 21DISMAYADO na umuwi si Kalel sa kaniyang condo unit. Wala siyang magawa dahil ayaw siyang kausapin ni Mayumi kahit na si Bunny ay hindi na rin niya makontak. Nakita rin niyang panay tawag ang Daddy niya pero wala siya sa mood na sagutin ang tawag nito dahil alam niyang pagagalitan lang siya nito. Matapos ang mga ilang oras na pagmumukmok ay bumangon siya at sinimulang gawin ang report at journal. Marami naman siyang ideas dahil marami siyang nakuhang larawan gamit ang DSLR camera niya. Sapat na 'yon para mabuo niya at matapos ang task nila.Nasa kalagitnaan na siya ng paggawa ng report ng may nagdoorbell. Wala siyang ganang tumayo at tinungo ang pinto, sunod ay binuksan na niya ang ito ng mas lumakas ang pagdoorbell. Bumungad si Sebastian sa harapan niya. "Good afternoon dad," bati niya sa daddy niyang nakatayo sa harapan niya. Seryoso ang mukha niya. "Puwede ba tayong mag-usap?" seryoso nitong tanong. "Of course dad, pumasok ka." Iginiya niya ang ama papasok sa loob ng unit niya
Last Updated: 2023-10-07
Chapter: 20NATAMPAL ni Kalel ang noo ng makita niyang wala na si Mayumi at maging ang mga gamit nito. Parang kumulo ang dugo niya dahil sa ginawa nitong pag-alis. Siya ang responsible sa babae kaya hindi siya nito puwedeng iwanan, dapat sabay silang bumalik dahil iyon ang utos ni Sebastian ng tumawag ito kanina."Oh, no, it can't be. Dad would be mad at me, besides, hindi pa namin nagagawan ng opisyal na report at journal ang mga nakalap naming ideas pero umalis na siya." Hinagis niya ang unan na naabot niya sa sobrang galit. Humiga siya sa kama. "Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako pero dinamdam naman pala niya ang nangyari kanina. Talunang babae," wika niya saka sinubukang tawagan ang babae pero hindi niya ito makontak. Bumangon siya saka tumayo. Napagdesisyunan niyang lumabas para lumanghap ng sariwang hangin, upang mawala ang galit niya. Nakasalubong niya sa hallway si Briana. Nakangiti ito sa kaniya, as usual parang ang bait-bait niyang tingnan. Parang inosente tingnan. "What happened?
Last Updated: 2023-10-01
Chapter: 19"ARE you okay?" tanong ni Kalel kay Mayumi nang makapasok siya. Umirap siya ng mga mata, malamang hindi siya okay. Sinugod ba naman siya at inaway ni Briana ng wala naman siyang ginagawa sa babaeng 'yon, oo, umawat si Kalel pero hindi siya thankful dahil mas lalong nagalit ang bruha. "Bakit? May pakialam ka ba sa akin? Puwede ba, pagsabihan mo si Briana na huwag siyang mangggulo rito," naiinip siyang naupo sa kaniyang folding bed. Inilapag ang dalang traveling bag sa gilid niya at tinanggal ang suot niyang sapatos."Yeah, wala akong pakialam sa'yo, pero hindi puwede na masaktan ka rito dahil magagalit si Dad," tugon niya. Tapos na itong nagbihis. Galing lang ito sa banyo dahil naligo siya. Naupo ito sa may kama niya."Okay, so, dapat pala kay sir Sebastian ako humingi ng basbas sa tuwing may gagawin ako, kasi takot ka sa kaniya. Nakakainis," wika niya, saka tumalikod kay Kalel."Of course, daddy ko siya kaya dapat na sundin ko ang mga gusto niya kahit na minsan parang sinasakal ako. S
Last Updated: 2023-09-28
Chapter: 18NAALIMPUNGATAN si Kalel ng kinutusan siya ni Mayumi. Nakapameywang ito sa harapan niya. Naiinip siyang bumangon."Ano ba ang ginagawa mo?" nanlalaki ang mga mata niyang tinitigan si Mayumi na napapairap sa harapan niya. "Ako ang sagutin mo, bakit magkatabi na naman tayo nang magising ako? Kagabi kinuha mo naman ang kumot ko ah. May binabalak ka ba sa 'kin?" Dinuro-duro pa siya ni Mayumi. "What? Hell no! Asa ka pa Mayumi, kahit nag-iisa ka na lang na babae sa buong mundo, tandaan mo hindi kita papatulan.""Kuno?" Tumawa siya ng pagak. "Huwag kang magsalita ng patapos," sagot niya saka mas lumapit kay Kalel na nakatayo na sa harapan niya. "Eh, ano ang ginagawa mo sa tabi ko kung ganun? Na…huwag mong sabihin na nag sleepwalk ka at tumabi ka sa akin?" pang-aasar pa siya. "Mga babae talaga, mahilig mag bintang," wika niya saka napapailing. "Nakita kitang giniginawan kagabi kaya nagshare ako ng kumot sa'yo. Oo, tinabihan kita pero tumalikod naman ako sa'yo nang natulog na ako. Anong mas
Last Updated: 2023-09-21
Chapter: Chapter 3. Problema MABILIS na lumipas ang mga araw, nakakapagod man ang trabaho niya pero masaya naman siya dahil maraming siyang tips na natatanggap kahit wala pang sahod. “HI,” wika ng lalaki sa harapan ni Bela, pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. “Yes sir? Do you have any order?” tanong niya. May nirereplayan siya sa cellphone niya kaya wala roon ang atensyon niya. “Ten shots of brandy, please,”anito. Inasikaso naman ni Bela ang order nito pero hindi niya pa rin pinagkaabalahan na pasadahan ng tingin ang lalaki. “Okay sir, just wait for a while.”“You're so busy. By the way, what did you do after work?”tanong nito ulit, pamilyar ang boses nito sa kaniya pero wala talaga siyang gana na halungkatin sa memorya niya kung saan at kailan niya ito nakilala. “Natutulog lang sir. Masyadong nakakaantok ang trabaho ko. Cashier buong gabi kaya pag-araw gusto kong magpahinga.”“I see. Thanks. See you later,” wika nito saka tumalikod na. Likod na lang nito ang nakita niya. Malaking pera ang kailangan ni
Last Updated: 2023-12-04
Chapter: Chapter 2. First dutyTBPL-2PAGSAPIT ng alas sinco ng hapon ay nagsimula na si Bela na mag-ayos ng sarili para sa unang gabi ng duty niya. No choice siya pero kakayanin niya ang lahat para sa mga kapatid niya. Habang si Monique ay nakamasid lang sa kaniyang ginagawa. Kahit ito ay handa siyang tulungan sa lahat ng bagay na makakaya nito pero siya lang ang ayaw. Gusto niyang mapatunayan na kaya niyang mabuhay na hindi umaasa sa ibang tao. Ayaw niyang dumagdag sa problema ng kaibigan niya, libre na nga siya sa pagtira sa bahay nito pati pa rin sa mga gastusin. Nahihiya na siya ng sobra kaya maghahanap siya ng kahit anong trabaho basta marangal. “Beshy, ihahatid kita mamaya ha. Ayokong mag-isa ka sa first day ng duty mo,” wika ni Monique saka naupo sa tabi niya. “Sure besh, pero hanggang sa labas lang siguro ng club.”“Oo naman. Hindi naman puwede na tumambay ako roon. Basta gusto lang kitang okay ka roon.”Pinasadahan niya ng tingin si Bela na abala sa pag-aayos ng kilay nito. Hindi siya kumbinsido sa gi
Last Updated: 2023-12-04
Chapter: Chapter 1. Bagong trabahoChapter 1. (Izabela Oceania Calvez)"YOU ARE FIRED! I'm sorry to inform you about this Izabela. Kailangan kasi namin magtanggal ng mga staffs at isa ka roon," direktang pahayag ng Manager ng tinatrabahuang restaurant ni Izabela or Bela for short. Hindi siya makapaniwalang wala na siyang trabaho ngayon. Parang daig pa niya ang sinaksak ng isang napakatalim na samurai. Ang sakit ng mga salitang narinig niya nang mga oras na 'yon. Ngayon pa siya nawalan ng trabaho kung kailan kailangan niya ng malaking pera para sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Ngumiti siya at pilit na ipinakita na hindi siya apektado. Malamang may mga sumira at nagsumbong na naman sa Manager nila kung bakit siya natanggal. Graduate siya ng four year course pero ganun pa rin, walang pinagkaiba sa mga walang pinag-aralan. Akala niya dati kapag nakapagtapos na siya ay magiging madali na ang lahat sa kaniya, pero hindi pala. Mas lalo pa siyang hinahamon ng kapalaran. "Okay lang po Madam, may mahahanap naman po ako
Last Updated: 2023-11-24