Share

THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)
THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)
Author: CjLove98

Chapter 1. Bagong trabaho

Author: CjLove98
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Chapter 1. (Izabela Oceania Calvez)

"YOU ARE FIRED! I'm sorry to inform you about this Izabela. Kailangan kasi namin magtanggal ng mga staffs at isa ka roon," direktang pahayag ng Manager ng tinatrabahuang restaurant ni Izabela or Bela for short. Hindi siya makapaniwalang wala na siyang trabaho ngayon. Parang daig pa niya ang sinaksak ng isang napakatalim na samurai. 

Ang sakit ng mga salitang narinig niya nang mga oras na 'yon. Ngayon pa siya nawalan ng trabaho kung kailan kailangan niya ng malaking pera para sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. 

Ngumiti siya at pilit na ipinakita na hindi siya apektado. Malamang may mga sumira at nagsumbong na naman sa Manager nila kung bakit siya natanggal. Graduate siya ng four year course pero ganun  pa rin, walang pinagkaiba sa mga walang pinag-aralan. Akala niya dati kapag nakapagtapos na siya ay magiging madali na ang lahat sa kaniya, pero hindi pala. Mas lalo pa siyang hinahamon ng kapalaran. 

"Okay lang po Madam, may mahahanap naman po ako kaagad. Salamat po na naging parte ako ng management ninyo," tugon niya sa kaniyang manager.  Taas noo pa rin siyang tumayo sa harap nito, aber magpapakita siyang mahina. 

Kung sa sipag at dedikasyon lang sa trabaho ay maasahan siya pero kapag may mga s****p na kasama ay talo na siya roon, kahit kailan hindi niya ugali ang s******p.

"Good," maikling pahayag nito at hinagod siya ng tingin mula paa hanggang ulo.  "Don't be disappointed. I know you, you can find a better job that suited for your degree."

"Absolutely Madam. Thanks."

Nagpa-alam na siya at nakita niyang nakangisi ang ilan sa mga kasamahan niya. Masaya dahil nawalan siya ng trabaho,  may iilang nalulungkot sa pag-alis niya.

Hindi na siya nagpa-alam pa sa mga kasamahan niya. Ito naman ang gusto nila kaya magsaya na sila hanggang gusto nila. 

"May araw rin kayo, not now but soon." Hinubad niya ang apron niya at itinapon sa basurahan na nasa labas. Ngumiti siya ng mapait saka binalingan muli ang pintuang nilabasan niya. 

"Hindi kayo kawalan, balang araw hindi ko na kailangan magtrabaho habang inaapi ng mga kasamahan kong walang magawa sa sarili nilang buhay."

UMUWI si Bela sa apartment ng kaibigan niyang si Monique, nagulat pa nga ito ng makita siyang parang binagsakan ng langit sa sobrang gulo ng buhok niya at mugto ang mga mata. 

"Bakit malungkot ang beshy ko? Ano ang nangyari? " nag-aalala nitong tanong ng makita siya sa ganuong kalagayan. 

Hindi pa niya nasasagot ang tanong ni Monique ay humagulhol na siya ng iyak. "Beshy, wala na akong trabaho. Tinanggal na ako."

"Really? Bakit?" humalukipkip siya saka nilapitan ang kaibigang nag-e-emote. "Tss!"

"Ewan ko, basta nagulat na lang ako kanina."

"You know what, hindi kawalan ang mga ganuong establishment na kusa na lang nagtatanggal ng mga tauhan ng walang dahilan."

"Monique naman e, kailangan ko nang trabaho at pera para sa pag-aaral ng mga kapatid ko."

"Don't worry, ako na ang bahala para roon. Sabi ko naman sa'yo bibigyan kita ng punuhan para makapag negosyo ka."

"Ayoko. Nahihiya na ako sa'yo. Halos lahat inasa ko na sa'yo. Gusto kong paghirapan ang lahat."

"Ano ka ba? Huwag ka na mahiya. Nandito lang ako para tulungan ka sa mga problema mo."

"Salamat, kasi kahit pabigat akong kaibigan tinutulungan mo pa rin ako."

Natawa si Monique sa kaniya. Hindi niya alam kung paano mapapatahan sa pag-iyak ang kaibigan. "Wala 'yon, what are friends are for? Hmm?"

"Siyempre, may pabigat kang beshy." Humagulgol siya ulit ng iyak. 

"Kaloka ka naman Bela, tama na 'yan. Bukas, hahanap tayo ulit ng trabaho. Paano ka makakahanap ng trabaho kung mugto ang mga mata mo?" Tinawan niya si Bela, ang laki na ng mga eye bags nito. "Tama na, nagmumukha ka nang alien niyan, besh." 

"Beshy naman e, pero maganda pa rin ako kahit mugto ang mga mata ko, 'di ba?" 

"Sos, siyempre. Hanga nga ako sa'yo e, maganda ka kahit anong itsura mo, samantalang ako, Ewan ko na lang," nag-ikot ng mga mata si Monique, ayaw rin nitong tanggapin na maganda siya at sexy rin siya. 

"Nambola ka pa, ikaw rin kaya." Pinahid niya ang mga luha at bumungisngis ng tawa. "Sasamahan mo ako bukas?"

Napanganga si Monique sa drama niya. "Akala ko iiyak ka na lang nang iiyak magdamag, kaloka ka besh!" Ngumiti ng malapad si Bela habang hinihintay ang sagot niya, "kung 'yan ang gusto mo, e' di sasamahan kita."

Bigla siyang nalungkot ulit. 

"Pero 'di mo naman kailangan magtrabaho dahil hinihintay mo na lang ang visa mo para makapunta ka ng US."

"Exactly, pero hanggang nandito ako sa Pinas, tutulungan kita basta kaya ko. Tama na ngang drama 'to. Tama na, wala tayo sa MMK at walang talent fee sa pag-iyak."

"Truth," ngumiti siya saka niyakap ang kaibigan niya. "At bakit ako iiyak sa mga 'yon? Ako pa ba? Matapang ako, 'di ba?

"Of course. Let's celebrate! Dahil nakaalis ka sa toxic environment na 'yon." Niyaya siya ni Monique na kumain ng kwek-kwek at fishbol sa kanto, tuwang-tuwa naman siya sa naging bonding nilang dalawa. 

KINABUKASAN, maaga pang nagising si Bela at naghanda ng sarili. May bago na siyang trabaho, 'di ba, makakahanap siya ulit ng trabaho. 

"Beshy, saan ba ang punta mo ngayong umaga? Bakit nakabihis ka?" kuryusong tanong ni Monique. 

"Beshy, may trabaho na ako," masaya niyang balita. Sa wakas ay nakahanap na siya ulit. Desperado na siyang makahanap ng kahit anong mapagkakakitaan dahil may dalawa pa siyang kapatid na nag-aaral.

"Weeh, himala? Trabaho raw?" 'di makapaniwalang sagot ni Monique sa kaniya. Namewang pa ito at pinasadahan siya ng tingin mula paa hanggang ulo. "Sabi mo sasamahan kita ngayong araw para maghanap, pero meron naman pala. Kailan ka nag-apply?"

"Oo, may trabaho na ako," pagkukumpirma niya. "Mamaya pa, pero direct hired na 'ko."

Sadyang ayaw lang maniwala ni Monique dahil kahapon lang ay panay ang iyak niya dahil na tanggal bilang crew sa tinatrabahuang restaurant, at ngayon kahit anong maliit na trabaho ay papasukin niya dahil gusto niyang makaipon habang naghahanap ng mas magandang trabaho.  

"Saan? Nakakagulat naman. Sa pagkakaalam ko minamalas ka sa mga ina-aplayan mo?"

"Dati pa 'yon pero ngayon hindi na 'to, tiwala lang. Wala ba akong support diyan?"

"Asus, syempre support kita." Niyakap siya ng kaibigan niya. Masaya rin itong may achievement siya kahit papaano. 

"Thanks. Alam mo namang kailangan ko talaga makahanap ng magandang trabaho kasi mag-aaral na ang kapatid ko sa college," seryoso niyang sabi. Siya na kasing tumayong ina at ama sa dalawa niyang kapatid. 

"E, kasi naman, bakit kailangan mong gawin 'yan? May nanay pa naman kayo pero parang ikaw na lang ang naghahanap ng trabaho sa pamilya niyo?"

"Wala na tayong magagawa kong ganuong nanay mayroon ako, basta ang importante may ginagawa ako para sa mga kapatid ko."

"Well, tama ka. Kain ka na muna. Nakapagluto na ako ng almusal. Ayokong umalis ka nang gutom. Tara kain tayo," niyaya siya nito sa komedor. 

"Thanks for everything Monique, 'di ko talaga kakayanin ang lahat kung wala ka."

"Siyempre sino pa ba ang dapat magtulungan? Malaki ang utang na loob ko sa'yo nang college days, kundi dahil sa'yo, hindi ako makaka-graduate."

"Wala iyon, maliit na bagay. Nagkapera rin naman ako sa'yo e," ngumiti siya saka sumubo ng pagkain. 

"Ano nga pala ang trabaho mo besh?" Naglagay rin siya ng pagkain sa plato niya.

"Cashier sa isang club," tipid niyang sagot. 

"What? Paano ka naman nakapag-apply sa club?"

Inihinto niya ang pagkain, "may nagrefer sa'kin na isang kakilala, at huwag mong e' under estimate ang club na 'yon, kasi mga high class daw ang mga pumunta roon."

"Beshy, okay na ba sa iyo ang trabahong 'yon? Kung ayaw mong ipagpatuloy, may ibang choice pa naman eh."

"Okay lang, susubukan ko pa lang naman, walang mawawala sa akin."

"Tss. Ikaw ang bahala. Kumain ka na dahil ihahatid kita papunta roon," wika ni Monique sabay subo ng pagkain. Pagkatapos nilang kumain tulad ng sinabi ni Monique ay inihatid nga siya nito sa kaniyang trabaho, sa High-5 clubhouse. 

"BESHY, sure ka na ba?"tanong ni Monique nang nasa tapat na sila ng club. 

Huminga muna siya bago nagsalita. "Sure na!" Hinarap niya si Monique. "Kita mo naman ang class ng club na 'to, 'di ba besh?"

"Parang nga, e," sinipat nito ang kabuuan ng club. "Sino nga pala ang hahanapin mo rito?"

"Si Lexy, ang kakilala kung nagtatrabaho rito, siya ang nag recommend sa'kin sa manager ng club."

Nagulat si Monique, ni hindi naman niya banggit ang pangalan ng babaeng 'yon dati. "Sino ba kasi siya? Oy baka scammer 'yan ha."

"Hindi ah, sa katunayan nandiyan na siya." Tinuro niya mula sa likuran ni Monique ang babaeng papalapit. 

"Hello Lexy,"bati niya sa babae. 

"Hi, Bela," bati rin nito saka nagbeso sa kaniya, "kaibigan mo?"

"Yeah, she's Monique," pakilala niya, "Monique, siya si Lexy my Elementary friend at kapitbahay."

"Nice to meet you," ngumiti ito kay Monique. 

Nakipag-plastikan siya ng ngiti, "nice to meet you too." Hinarap niya si Lexy at sinuyod ito ng tingin. "Please, ingatan mo ang kaibigan ko rito. Dahil kapag napano siya rito, lagot ka sa akin."

"Asus, grave naman itong freny mo Bela, walang tiwala sa'kin." Nagpout muna si Lexy ng mga labi bago siya nagsalita. "Don't worry, ako ang bahala kay Bela, walang sinong pwedeng humawak sa kaniya rito."

"Dapat lang, dahil kung hindi, lagot ka talaga sa akin. Mahal na mahal ko ang beshy ko," bumusangot si Monique, totoo namang napamahal na siya kay Bela dahil tinuring na niya itong kapatid. 

"Beshy, tama na 'yan. Salamat sa paghatid sa akin. Don't worry, mag-iingat ako."

"Okay, beshy, text or call ka lang kapag may hindi magandang nangyayari rito."

"Sure, Sige na. Work na muna ako."

"Sige, bye."

Nauna nang umalis si Monique. Siya namang inaya na siyang pumasok sa loob ng club ni Lexy.

"Let's go. Ipakikilala na kita sa manager natin. Don't worry mabait siya."

PUMASOK sila sa isang silid na sa tantiya niya ay opisina ng manager na sinasabi ni Lexy.

"Madam, this is Bela, my friend."

"Hello, magandang binibini, huh, I like you," wika nito saka sinuyod siya ng tingin mula paa hanggang ulo, nakaramdam siya ng pagkailang. "Wala ka bang balak na maging star dancer or tumanggap ng mga customer?"

"Ay hindi po, okay na sa akin ang pagiging cashier."

"Okay, if iyan ang gusto mo, 'di ako mapilit."

"Opo Madam."

"Okay lang ba sa'yo na pang-gabi ang duty mo? Meron na kasing naka-duty sa araw at kompleto na sila, humanap lang naman kami urgent ng bagong cashier dahil nagresign na si Mila, ang papalitan mo. But don't worry, magkakaroon ka muna ng training."

"Yes Madam."

"Good." Binalingan nito si Lexy, "hintayin niyo na lang si Mila, siya na ang bahala kay Bela. Maiwan ko muna kayo dahil may importante akong aasikasuhin."

"Copy madam," tugon ni Lexy sa Madam nila. 

Naupo silang dalawa at hinintay si Mila. 

"Ano ba talaga ang trabaho mo rito Lexy?" 

"Well, all around. Wala akong tinapos na kurso gaya mo kaya heto, kumakapit sa patalim."

"Ganun talaga ang buhay, alam mo, ako na nakatapos na nga ng pag aaral ay hirap pa ring makahanap ng magandang trabaho."

"Pero matalino ka, maganda pa, kaya malayo ang mararating mo, trust the process lang. Samantalang ako, wala na e, sira na ang buhay ko, kahit malaki na ang pera kong nasahod dito, kulang pa rin sa pamilya kong walang ginawa kundi umasa lang sa kita ko…"

"Oy, di pa naman huli ang lahat. If gusto mong mag-aaral ulit, tutulungan kita, may mga scholarship program naman eh, tiyak na makakatapos ka na."

"Oo nga, pero nahihiya na akong mag-aral, lalo na't baka e bully lang ako sa school dahil sa trabaho ko, alam mo naman. Maraming mapanghusga."

"Sos, ikaw pa ba? Autodedma na sila. Walang silang ambag sa buhay mo, kaya fight, fight lang."

"Salamat ha, dahil sa sinabi mo Bela, parang gusto ko nang mag-aral ulit. Sige, try ko sa susunod na pasukan."

"Oh, di ba? Think positive lang, okay?"

Bumukas ang pinto. Sumungaw ang isang magandang babaeng nasa 5'3 lang ang height sa tantiya niya. 

"Hello… I'm sorry, I'm late," wika nito. "Is she Bela?" tukoy nito sa kaniya. 

"Yes, she is. Sige na. Turuan mo na siya at ingatan mo na rin siya, Mila. Bye, see you later." Umalis na si Lexy. May customer pa itong naghihintay.

"Hi, nice to meet you,"bati nito sa kaniya. "Let's go, tuturuan na kita. Handa ka na ba?"

"Oo naman." Sumunod na siya kay Mila. Tinuruan siya nito ng mga tama niyang gagawin bilang cashier. Sisiw lang naman sa kaniya ang ganitong trabaho, naging cashier na rin siya dati sa isang grocery store. Ipinaliwanag  ni Mila sa kaniya ang mga do's and don'ts sa loob ng club. 

"Good job, fast learner ka. I like you," wika nito. Kanina pa niya naririnig ang salitang "I like you" pakiramdam niya pang club lang talaga ang beauty niya. 

"Salamat." 

"Ang duty mo ay mula 6pm-6am. Kaya mo lang ba? Dahil maaga tayong natapos, umuwi ka na muna."

"Kakayanin, kailangan ko lang talaga ng trabaho para pampa-aral ng mga kapatid ko." 

"Same tayo. Napilitan din akong magtrabaho rito sa club bilang cashier dahil kailangan kong paaralin ang mga kapatid ko. 

Ngayon na tapos na sila. Ako naman."

"Tama, 'yan. Maraming salamat." Humiwalay na siya sa babae at lumabas ng club, pumara siya ng tricycle at nagpahatid sa apartment ni Monique. Kailangan niyang magpahinga at humugot ng 101% na lakas ng loob para sa unang gabi ng kaniyang trabaho.

Kaugnay na kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)    Chapter 2. First duty

    TBPL-2PAGSAPIT ng alas sinco ng hapon ay nagsimula na si Bela na mag-ayos ng sarili para sa unang gabi ng duty niya. No choice siya pero kakayanin niya ang lahat para sa mga kapatid niya. Habang si Monique ay nakamasid lang sa kaniyang ginagawa. Kahit ito ay handa siyang tulungan sa lahat ng bagay na makakaya nito pero siya lang ang ayaw. Gusto niyang mapatunayan na kaya niyang mabuhay na hindi umaasa sa ibang tao. Ayaw niyang dumagdag sa problema ng kaibigan niya, libre na nga siya sa pagtira sa bahay nito pati pa rin sa mga gastusin. Nahihiya na siya ng sobra kaya maghahanap siya ng kahit anong trabaho basta marangal. “Beshy, ihahatid kita mamaya ha. Ayokong mag-isa ka sa first day ng duty mo,” wika ni Monique saka naupo sa tabi niya. “Sure besh, pero hanggang sa labas lang siguro ng club.”“Oo naman. Hindi naman puwede na tumambay ako roon. Basta gusto lang kitang okay ka roon.”Pinasadahan niya ng tingin si Bela na abala sa pag-aayos ng kilay nito. Hindi siya kumbinsido sa gi

  • THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)    Chapter 3. Problema

    MABILIS na lumipas ang mga araw, nakakapagod man ang trabaho niya pero masaya naman siya dahil maraming siyang tips na natatanggap kahit wala pang sahod. “HI,” wika ng lalaki sa harapan ni Bela, pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. “Yes sir? Do you have any order?” tanong niya. May nirereplayan siya sa cellphone niya kaya wala roon ang atensyon niya. “Ten shots of brandy, please,”anito. Inasikaso naman ni Bela ang order nito pero hindi niya pa rin pinagkaabalahan na pasadahan ng tingin ang lalaki. “Okay sir, just wait for a while.”“You're so busy. By the way, what did you do after work?”tanong nito ulit, pamilyar ang boses nito sa kaniya pero wala talaga siyang gana na halungkatin sa memorya niya kung saan at kailan niya ito nakilala. “Natutulog lang sir. Masyadong nakakaantok ang trabaho ko. Cashier buong gabi kaya pag-araw gusto kong magpahinga.”“I see. Thanks. See you later,” wika nito saka tumalikod na. Likod na lang nito ang nakita niya. Malaking pera ang kailangan ni

Pinakabagong kabanata

  • THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)    Chapter 3. Problema

    MABILIS na lumipas ang mga araw, nakakapagod man ang trabaho niya pero masaya naman siya dahil maraming siyang tips na natatanggap kahit wala pang sahod. “HI,” wika ng lalaki sa harapan ni Bela, pero hindi niya pinagtuunan ng pansin. “Yes sir? Do you have any order?” tanong niya. May nirereplayan siya sa cellphone niya kaya wala roon ang atensyon niya. “Ten shots of brandy, please,”anito. Inasikaso naman ni Bela ang order nito pero hindi niya pa rin pinagkaabalahan na pasadahan ng tingin ang lalaki. “Okay sir, just wait for a while.”“You're so busy. By the way, what did you do after work?”tanong nito ulit, pamilyar ang boses nito sa kaniya pero wala talaga siyang gana na halungkatin sa memorya niya kung saan at kailan niya ito nakilala. “Natutulog lang sir. Masyadong nakakaantok ang trabaho ko. Cashier buong gabi kaya pag-araw gusto kong magpahinga.”“I see. Thanks. See you later,” wika nito saka tumalikod na. Likod na lang nito ang nakita niya. Malaking pera ang kailangan ni

  • THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)    Chapter 2. First duty

    TBPL-2PAGSAPIT ng alas sinco ng hapon ay nagsimula na si Bela na mag-ayos ng sarili para sa unang gabi ng duty niya. No choice siya pero kakayanin niya ang lahat para sa mga kapatid niya. Habang si Monique ay nakamasid lang sa kaniyang ginagawa. Kahit ito ay handa siyang tulungan sa lahat ng bagay na makakaya nito pero siya lang ang ayaw. Gusto niyang mapatunayan na kaya niyang mabuhay na hindi umaasa sa ibang tao. Ayaw niyang dumagdag sa problema ng kaibigan niya, libre na nga siya sa pagtira sa bahay nito pati pa rin sa mga gastusin. Nahihiya na siya ng sobra kaya maghahanap siya ng kahit anong trabaho basta marangal. “Beshy, ihahatid kita mamaya ha. Ayokong mag-isa ka sa first day ng duty mo,” wika ni Monique saka naupo sa tabi niya. “Sure besh, pero hanggang sa labas lang siguro ng club.”“Oo naman. Hindi naman puwede na tumambay ako roon. Basta gusto lang kitang okay ka roon.”Pinasadahan niya ng tingin si Bela na abala sa pag-aayos ng kilay nito. Hindi siya kumbinsido sa gi

  • THE BILLIONAIRE'S PART-TIME LOVER (Tagalog)    Chapter 1. Bagong trabaho

    Chapter 1. (Izabela Oceania Calvez)"YOU ARE FIRED! I'm sorry to inform you about this Izabela. Kailangan kasi namin magtanggal ng mga staffs at isa ka roon," direktang pahayag ng Manager ng tinatrabahuang restaurant ni Izabela or Bela for short. Hindi siya makapaniwalang wala na siyang trabaho ngayon. Parang daig pa niya ang sinaksak ng isang napakatalim na samurai. Ang sakit ng mga salitang narinig niya nang mga oras na 'yon. Ngayon pa siya nawalan ng trabaho kung kailan kailangan niya ng malaking pera para sa pag-aaral ng kaniyang mga kapatid. Ngumiti siya at pilit na ipinakita na hindi siya apektado. Malamang may mga sumira at nagsumbong na naman sa Manager nila kung bakit siya natanggal. Graduate siya ng four year course pero ganun pa rin, walang pinagkaiba sa mga walang pinag-aralan. Akala niya dati kapag nakapagtapos na siya ay magiging madali na ang lahat sa kaniya, pero hindi pala. Mas lalo pa siyang hinahamon ng kapalaran. "Okay lang po Madam, may mahahanap naman po ako

DMCA.com Protection Status