Nagtagis ang bagang ni Archie. Walang sinuman ang may karapatan na magbigay ng opinyon kung sino ang nagkasala at kung sino ang hindi nagkasala sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Siya lamang ang nakakaalam sa bagay na iyon dahil siya ang dumanas ng kalupitan ng mga tao. “Agatha told me that Yvonne even attempted to jump off from her balcony.” Biglang turan ni Klaus. Kumunot ang kaniyang noo nang marinig ang sinabi ng lalaki. Why would she do that? Tinitigan niya mula sa dilim ang mukha ni Klaus. Seryoso ito at tila alam ang mga sinasabi. Malayo ang tingin ng lalaki na wari bang may inaalalang pangyayari. “Yvonne tried to elope with Archie. Gustong sumama ni Yvonne kay Archie papunta sa ibang bansa kaya tumakas ito, pero hindi natuloy dahil sa may nangyaring hindi maganda. She was gone for two days. Natagpuan na lang siya na walang malay at puno ng sugat at pasa ang buong katawan. Wala siyang maalala, maliban sa ninakaw ang kaniyang gamit ng isang lalaki habang binabaktas niya ang ma
Parang pasan ni Archie ang buong mundo nang pabalik na siya sa kaniyang condo. Mabigat ang kaniyang bawat yapak at madalas siyang magbuntong-hininga.Hindi niya nagawang pumuslit sa loob ng bahay ng mga Santiago dahil nanatili ang mag-pinsang Galvez sa labas at patuloy na nag-usap tungkol sa planong pag-alis ni Klaus at Agatha papuntang Alaska.Wala siyang nagawa, kailangan niyang umalis nang hindi nakikita si Yvonne dahil hindi rin siya makakapasok sa loob nang hindi napapansin ni Klaus o ni Rizzo ang kaniyang presensya.Magkakagulo lamang kung ipipilit niya.Pagdating sa condo, naabutan niyang bukas pa rin ang flat screen tv. Maingay ang speaker nito dahil sa pinapanood na pelikula ni Patrick, pero ang kaniyang kaibigan ay wala nang kamuang-muang. Nakatulog na ito sa paghihintay sa kaniya.Mukhang hindi matutuloy ang plano nila na mag-inuman pagkabalik niya.Nagbaba siya ng tingin sa kaniyang relo. Hatinggabi na. Kaya pala hindi na nakapaghintay si Patrick sa pagbalik niyaDumiretso
Ang usapan nila, sa lumang parke malapit sa kalye Del Real sila magkikita dahil iyon ang pinakamalapit na lugar na maaaring lakarin ni Yvonne mula sa kanilang mansyon.Hindi siya maaaring magpakita sa mga magulang ni Yvonne, lalo pa’t binigyan na siya ng babala ni Adonis Santiago na kung makikipagkita pa siya kay Yvonne ay mapipilitan na itong ilayo ang anak sa kaniya at dalhin sa malayong lugar upang hindi na niya kailanman mahanap.Ang takot na baka tuluyang ilayo sa kaniya ang natitira niyang pag-asa ang nag-udyok din sa kaniya na isama na lang ito sa kaniyang pag-alis.Yvonne is his last hope. She’s the last ray of light.Magsisimula sila ng bagong buhay sa ibang bansa. Magkasama silang bubuo ng payapa at simpleng buhay sa banyagang lugar. Doon, walang makakakilala sa kanila. Walang makakaalam sa masakit na nakaraan niya. Walang huhusga sa kanila. Wala nang makakapaghiwalay sa kanilang dalawa.Muli siyang uminom ng alak. Sumisikip ang kaniyang dibdib habang bumabalik sa kaniyang i
“T*ng*n*. Seryoso na ba?” Mabilis na sumunod si Patrick kay Archie nang maglakad ito papunta sa kusina.Umagang-umaga ay sira na agad ang kaniyang araw. Hindi pa man nasisimulan ay may hindi siya inaasahang matutuklasan ngayong araw.Maaga siyang nagising dahil sa ingay ng doorbell. Ayaw tumigil ng taong nasa labas kaya napilitan siyang bumangon para tingnan kung sino iyon. Isang package mula sa high end clothing company ang dumating.Hindi pa gising si Archie kaya siya na ang humarap sa bellboy na siyang nag-akyat ng delivery sa unit ng lalaki. Siya na rin ang pumirma sa receipt dahil mukhang nagmamadali din ang bellboy paalis.Medyo mabigat at may kalakihan ang puting kahon na binigay ng bellboy. Dahil sa pagiging kuryuso kung ano ang laman nito, nagpasya siyang silipin kung ano iyon.Nang tingnan niya kung ano ang nasa loob ng puting box, napakunot-noo siya sa kaniyang nakita. Isang mamahaling tuxedo ang nasa loob nito. Kasama na rin ang itim na sapatos na kapares ng tuxedo.Ang ma
10:00 o'clock in the morning when Archie finished bathing. Hindi niya halos namalayan na nakatulog pala siya sa bathtub dahil sa puyat kagabi.Mas magaan na ngayon ang kaniyang pakiramdam dahil sa halos isang oras na pag-idlip sa bathtub. Kahit paano, nakabawi na siya ng lakas at tumigil na rin ang pananakit ng kaniyang ulo dahil sa hangover.Nakatapis lamang siya nang lumabas sa paliguan. Mula sa kaniyang dibdib pababa sa kaniyang torso ay wala siyang saplot. Ang tanging nakatakip lamang sa kaniyang katawan ay ang puting tuwalya na tamad na nakapalibot sa kaniyang bewang.Naglakad siya papunta sa kaniyang walk-in closet at naghanap ng maisusuot. Dahil mamayang hapon pa naman ang kasal, balak niyang lumabas muna at bumili ng bagong relo at itim na sapatos.Hindi niya nagustuhan ang ipinadala sa kaniya ni Lindsy. Maliban sa maluwag iyon sa kaniyang paa ay hindi niya rin gusto ang disenyo nito.Itim na pants at puting t-shirt lamang ang kaniyang kinuha. Sa mall na lang siya bibili ng ka
Ngunit wala siyang natanggap ni-isa man sa mga pinadalang email nito. Pagkalapag sa America, naghanap siya agad ng apartment na pwede niyang tirahan. Hindi na niya naisip na tingnan ang email at messages sa kaniya. Mahirap rin ang internet connection sa America lalo pa at hindi compatible ang sim na dala niya at wala pa siyang access sa internet data ng bansa. Apat na araw pagkatapos niyang makarating sa America ay nasundan naman siya ng mga taong tumutugis sa kaniya. Nadakip siya pagkatapos ng pagtatago ng ilang araw. Halos isang buwan na tinorture siya sa isang lumang bahay na pinagdalhan sa kaniya. Ang kaniyang mga gamit, cellphone, passport at maging ang pera ay kinumpiska ng mga h*y*p na ‘yon. Walang itinira sa kaniya. Kaya hindi na niya natanggap ang isa man sa pinadalang mensahe ni Yvonne dahil sinira ang kaniyang cellphone. Nakatakas lamang siya sa kamay ng mga d*m*ny*ng nagpahirap sa kaniya pagkatapos na itapon siya sa isang masukal na kagubatan nang naghihingalo na siy
Tahimik ang buong lobby ng city hall. Kapansin-pansin na umiiwas ang mga empleyado na magtungo sa lobby dahil sa presensya ng dalawang taong naroon.Si Fernando Alcazar ay pabalik-balik sa paglalakad at mukhang hindi mapakali. Samantalang ang anak nito na si Lindsy Alcazar ay tensyunadong nakatayo malapit sa water dispenser at halatang may kino-contact na tao, ngunit sa ekspresyon ng mukha nito, tila walang nakukuhang sagot mula sa kabilang linya ng telepono.Alam ng lahat kung ano ang mayroon ngayong araw. Kumalat na ang balita sa lahat ng sangay at opisina ng city hall ang tungkol kasal ni Lindsy Alcazar at Archimedes Garcia.Ang mga chismosang empleyado ay nagtungo sa pantry para sa kanilang snack break. Madalas, kaunti lamang ang tao sa pantry, ngunit ngayon, Puno ng mga empleyado mula sa iba-ibang opisina.Hindi na napigilan ng mga empleyado ang kanilang mga sarili. Nagtipon na sila upang mag-unahan sa pagbibigay ng kanila-kanilang opinyon at obserbasyon.“Nasa lobby pa rin hangg
“Lindsy.” Tawag ni Fernando sa kaniyang anak. Hindi nag-angat ng tingin ang babae. Bagkus ay naging abala na naman ito sa pagtipa sa screen ng cellphone. Kagaya ni Fernando, hindi na mapakali si Lindsy. Nagtatagis ang kaniyang bagang at nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil sa matinding frustrasyon na kaniyang nararamdaman. Mas lalong tumitindi ang kaniyang galit sa tuwing nagkakaroon ng typological error sa kaniyang itinitipa dahil sa panginginag ng kaniyang mga kamay at daliri. Sino ang hindi kakabahan ng husto? Sino ang hindi magkakaroon ng panic attack kung hindi sinasagot ni Archie ang kaniyang mga tawag simula pa kanina? Simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin ito sumasagot! Hindi na lamang limampung beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit palagi siyang bigo na macontact ito. Kung hindi cannot be reach at out of coverage area ang sagot sa kabilang linya ay sinasadya naman na hindi sagutin ni Archie ang kaniyang mga tawag kahit na nagriri
Alas syete nang gabi nang pumunta si Reinella sa bahay ng mga Alcazar, kasama si Jake Olivares.Sa malaking gate pa lang ng mansion ng mga Alcazar ay ramdam na agad ni Reinella ang pagdadalawang-isip ng mga tauhan na tanggapin sila, ngunit nang sabihin ni Jake na pinadala sila ni Mr. Garcia ay pinapasok din naman sila ng guwardiya.Inilibot niya ang tingin sa mahabang harden na dinadaanan ng sasakyan at medyo nalula pa sa yaman ng mga Alcazar.Sure, she's also rich, but not this rich.Ang kaniyang Papa ay dating mayor sa Albay. Ang kaniyang Mama naman ay tagapamahala sa isang azucarera. Komportable ang kanilang buhay. Malaki ang kanilang bahay at malawak ang kanilang lupain, ngunit hindi sila nangahas na ipagyabang iyon sa ganitong paraan kagaya ng mga Alcazar.Masyadong engrande kahit na ang pathway pa lang papunta sa malaking mansion. Mararamdaman agad ng mga bisita ang nag-uumapaw na karangyaan ng pamilyang ito sa pagmamasid pa lang sa harden na may nakakamanghang landscape. Marami
Sa rounded table ay naupo si Reinella kasama si Jake at ang kaniyang kaibigan na si Carlo. Galing na sila sa opisina at balak nang maglunch-break muna nang bigla silang ipinatawag ni Jake para pag-usapan ang kaso ng isang kliyente nito. Dahil mas mataas ang posisyon ni Jake kumpara sa kaniya, wala rin siyang nagawa kung hindi siputin ang lalaki at alamin kung ano’ng kaso ang hawak nito ngayon. Pagkatapos na mag-order ng pagkain, ay ibinaba ni Atty. Jake Olivares ang folder na dala nito sa ibabaw ng mesa at itinulak iyon sa direksyon ni Reinella. Sinundan ng tingin ni Reinella ang folder. "The information inside this folder contains Mr. Archimedes Garcia's detailed explanation about his conflict with the other party. Atty. Pasquito wants us to resolve this case immediately before the press makes a fuss about it." Imporma ni Jake sa kanilang dalawa ni Carlo. Tinanggap ni Reinella ang folder at binuksan iyon. Ilang pahina lamang ang nakapaloob sa folder kaya mabilis niyang ini-scan a
"Iniisip ko palagi na habang maayos ang tulog mo sa gabi ay hirap na hirap naman akong makatulog dahil sa mga bangungot na bumibisita sa akin sa tuwing nakapikit na ako. Sa tuwing nagigising ako sa hatinggabi dahil sa mga masasamang panaginip, ikaw ang sinisisi ko. Ikaw agad ang pumapasok sa isip ko. Ikaw ang may kasalanan kung bakit minumulto ako ng masakit na nakaraan ko." Pumikit siya, natatandaan kung paano unti-unting lumalim ang galit at pagkamuhi sa kaniyang puso para sa babaeng minsan na niyang itinangi. "Sa tuwing nadadapa ako dahil hindi ko kayang maglakad kahit na pilitin ko, naalala kita lalo pa kapag nakasalampak na ako sa sahig at ramdam ang kawalan ng pag-asa. Iniisip ko na siguro tuwang-tuwa ka kasi hirap na hirap ako sa sitwasyon ko. Siguro tumatawa ka kasama ang ibang lalaki, habang miserable ko namang binabawi ang lakas ko para makapaglakad ng mabuti. Siguro masaya ka, habang sinusuong ko ang madilim na impyerno." Mahina ang kaniyang boses ngunit puno iyon ng hin
Hindi na inalintana ni Archie ang lamig ng hangin at ang malakas na buhos ng ulan, dahil ang tanging nararamdaman na lamang niya'y pamamanhid ng buong katawan habang pinagmamasdan niya ang lapida ni Yvonne.Kanina pa niya tinatanaw sa malayo ang lahat ng kaganapan. Naghintay siya nang matagal para makalapit sa pinaglibingan nito dahil hindi siya maaaring magpakita sa mga taong dumalo sa libing.Ngayon lamang siya nabigyan ng pagkakataon na makalapit sa libingan ni Yvonne dahil kaaalis pa lamang ng supurturero.Masikip ang kaniyang dibdib at hindi siya makahinga ng maayos kahit pa malakas naman ang ihip ng hangin sa paligid. Malamig ang kaniyang balat, ngunit mainit ang kaniyang pakiramdam na animo’y sasabog siya na parang isang bulkan. Nanghihina siya.Umawang ang kaniyang bibig, ngunit walang salita ang namumutawi sa kaniyang mga labi.Ang hirap.Ang hirap aminin na kasalanan ko lahat. Bulong niya.Pinanghihinaan siya ng husto kaya dahan-dahan siyang naupo sa tabi ng libingan ni Yvon
Alas singko y media nang bumuhos ang malakas na ulan. Dumilim ang buong kalangitan at agad na sinakop ang naghihikahos na liwanag. Umihip ang malamig na hangin kasabay ng mas malakas na paglagaslas ng tubig.Nasa private ward na si Agatha at Klaus para bantayan si Yves na ngayon ay normal na ang paghinga at maayos na ang pakiramdam kahit paano.Nakapagpahinga na rin ito sa wakas pagkatapos na makatulog dahil sa tranquilizer na itinurok ng doktor.Kapwa sila nakaupo sa sofa ni Klaus habang tinitingnan ang ‘emergency call’ na nakasulat sa itaas ng screen ng kanilang mga cellphone. Bigla na lamang nawalan ng signal ang kanilang mga sim card at hanggang ngayon ay hindi pa iyon naaayos.Hindi na nila na-contact ang mga tao na galing sa libing. Hindi pa sumusunod sila Luna sa kanila, kaya naisip niyang baka nagkaaberya.Paano kung nanggulo si Archie?Isang mahaba at malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya.Nilingon siya ni Klaus. Ramdam nito ang kaniyang pag-aalala.“Everything's fi
Humarap siya kay Luna. Kakikitaan ng pag-aalala at pangamba ang kaniyang mga mata.Nahahati siya sa dalawa, gusto niyang manatili para tapusin ang misa sa patay at siguraduhin na maayos na maililibing ang kaniyang Tito Adonis at pinsan na si Yvonne. Ngunit hindi niya maaaring hayaan na lang na mag-isang dalhin sa ospital ang kaniyang Tita Yves.Mas kailangan siya nito ngayon.“Stay here, Luna.” Bilin niya."Klaus and Rizzo will stay here with you and they will help—”“No, I'm coming with you.” Putol ni Klaus sa kaniya.Naibaling niya ang tingin sa kaniyang asawa. Naging matigas ang ekspresyon nito. Mariin ang pagtutol na iwanan niya ito rito.“Si Luna at si Rizzo na lang ang mananatili muna para asikasuhin ang mga tao at ang libing ni Tito Adonis at Yvonne. Sasamahan kita sa ospital.”Unti-unting naging malamig ang ekspresyon ng mukha ni Klaus, tila hindi papayag na siya lang mag-isa ang sasama para dalhin si Yves sa ospital.Tumango siya, hindi na lamang nakipagdebate.Muli niyang ib
Samantala sa sementeryo, hawak-hawak ni Agatha ang kaniyang Tita Yves. Umiiyak ito habang isinisigaw ang pangalan ni Adonis. Hindi pa tapos ang misa sa patay, ngunit bigla na lamang pumalahaw ng iyak si Yves. Sa unang pagkakataon, matapos na mai-cremate ang mag-amang Adonis at Yvonne, ngayon na lamang ulit umiyak si Yves ng ganito. Humagulhol ito at pilit na inaabot ang urn ng asawa at anak. Ngunit dahil sa panghihina, hindi ito makatayo pagkatapos na mahulog sa wheelchair. Niyakap ng mahigpit ni Agatha ang kaniyang Tita Yves upang pigilan ito sa paglapit sa mga urn. Nangingilid ang luha sa kaniyang mga mata at naninikip ang kaniyang dibdib. Yves is in so much pain. Everyone could feel it. Dahil hindi ito mapigilan at mas lalong lumalakas ang iyak ni Yves, binuhat ni Rizzo ang ginang at dinala sa nakaparadang SUV na nasa pathway. Nahihirapan na itong huminga dahil sa matinding pag-iyak. “Tita… Tita…” Puno ng pag-aalalang tawag ni Agatha naghahabol na ito ng hininga. “Adonis… m
“Lindsy.” Tawag ni Fernando sa kaniyang anak. Hindi nag-angat ng tingin ang babae. Bagkus ay naging abala na naman ito sa pagtipa sa screen ng cellphone. Kagaya ni Fernando, hindi na mapakali si Lindsy. Nagtatagis ang kaniyang bagang at nanginginig ang kaniyang mga kamay dahil sa matinding frustrasyon na kaniyang nararamdaman. Mas lalong tumitindi ang kaniyang galit sa tuwing nagkakaroon ng typological error sa kaniyang itinitipa dahil sa panginginag ng kaniyang mga kamay at daliri. Sino ang hindi kakabahan ng husto? Sino ang hindi magkakaroon ng panic attack kung hindi sinasagot ni Archie ang kaniyang mga tawag simula pa kanina? Simula kaninang umaga hanggang ngayong hapon ay hindi pa rin ito sumasagot! Hindi na lamang limampung beses niyang tinawagan ang numero nito ngunit palagi siyang bigo na macontact ito. Kung hindi cannot be reach at out of coverage area ang sagot sa kabilang linya ay sinasadya naman na hindi sagutin ni Archie ang kaniyang mga tawag kahit na nagriri
Tahimik ang buong lobby ng city hall. Kapansin-pansin na umiiwas ang mga empleyado na magtungo sa lobby dahil sa presensya ng dalawang taong naroon.Si Fernando Alcazar ay pabalik-balik sa paglalakad at mukhang hindi mapakali. Samantalang ang anak nito na si Lindsy Alcazar ay tensyunadong nakatayo malapit sa water dispenser at halatang may kino-contact na tao, ngunit sa ekspresyon ng mukha nito, tila walang nakukuhang sagot mula sa kabilang linya ng telepono.Alam ng lahat kung ano ang mayroon ngayong araw. Kumalat na ang balita sa lahat ng sangay at opisina ng city hall ang tungkol kasal ni Lindsy Alcazar at Archimedes Garcia.Ang mga chismosang empleyado ay nagtungo sa pantry para sa kanilang snack break. Madalas, kaunti lamang ang tao sa pantry, ngunit ngayon, Puno ng mga empleyado mula sa iba-ibang opisina.Hindi na napigilan ng mga empleyado ang kanilang mga sarili. Nagtipon na sila upang mag-unahan sa pagbibigay ng kanila-kanilang opinyon at obserbasyon.“Nasa lobby pa rin hangg