MALAKAS ang naging tahip ng aking dibdib, matapos kong simutin ang huling laman ng baso ng lambanog na kanina pa naming iniinom ng aking matalik na kaibigan.
Hindi ko kasi naiintindihan ang aking nararamdaman ngayon. Para akong kinikilabutan na hindi ko malaman.
"Samuel, tama na iyang kakainom ninyo! Tingnan mo nga ang hitsura niyang si Danilo, napakaputla na! Akala mo ibinabad sa suka!"
Saway na paalala ng misis ng aking matalik na kaibigan.
Ngunit wala man lang akong narinig na kasagutan mula sa aking matalik na kaibigan. Kaya nang lingunin ko na ito ay napailing na lamang ako dahil kanina pa pala ito humihilik.
"Dumito ka na lang kaya muna matulog, Danilo. Masyado ng malalim ang gabi. "
Wika nito habang inaakay ang aking kaibigan na kanina pa bagsak. Katuwang nito ang anak na lalaki sa pagbuhat.
"Salamat, Salome. Pero kailangan ko ng umalis. Baka mapadaan si misis at masermunan pa ako kapag hindi ako naabutan n'on sa bahay. "
Mabilis kung tinanggihan ang naging alok nito sa akin. Tutal, kasama ko naman ang aking drayber.
"Hala, bumiyahe na kayo upang makarating agad." Pagtataboy agad nito sa akin.
HABANG nasa biyahe ako ay hindi pa rin mawawala-wala ang kaba na aking nararamdaman. Idagdag pa na medyo hilo na rin ako dahil sa dami ng nainom namin ni Samuel kanina.
Napukaw muli ang aking atensyon ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kahit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa kalasingan ay pinilit ko pa rin itong sagutin. Ang unang naiisip ko na tumawag ay ang aking misis, ngunit nagkamali pala ako.
Lumakas pa lalo ang kaba sa aking dibdib. At dahil dito ay parang nawala bigla ang pagkahilo na aking nararamdaman. Napalitan ito ng pausbong na galit. Hindi ko rin napigilan ang pagtangis ng aking mga bagang.
"Jordel, pakihinto muna ang sasakyan at magpalit nga tayo ng pwesto. "
Mahinahong utos ko sa aking drayber na halatang nagtataka sa aking sinabi pero kaagad naman nitong sinunod ang aking utos.
Hindi na ako lumabas ng aking sasakyan para lumipat sa drivers seat dahil sa mismong loob ng sasakyan na ako lumipat ng pwesto. Pagkalapat ng aking puwit sa upuan ay binuksan ko kaagad ang glove compartment, at kinuha ang isang makapal na plastic envelope, saka ko ito binigay kay Jordel.
"Ano po ito, boss?" Naguguluhang tinanggap nito ang plastic envelope.
"Gusto kong magpasalamat sa naging serbisyo mo sa akin."
Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntunghininga bago magsalita ulit. " Kaya mo bang magtago ng malaking sekreto?"
Kahit naguguluhan ay mahina naman itong tumango at nagwika, " nasaiyo po ang aking buong katapatan, boss. Utang ko po sa inyo ang lahat. "
"Good. May ipapagawa ako sa iyo." Mahinang saad ko rito. " Gusto kong puntahan mo ang address na nakasulat sa labas ng plastic envelope na hawak mo. Ingatan mo ang laman niyan, ha. At kahit ano ang mangyari ay huwag na h'wag mo itong ibibigay kahit kanino, maliban nalang sa mag-asawang Villalon at sa anak nito na inaanak ko rin. Pero huwag muna ngayon. Hindi pa ito ang tamang panahon. Basta... umalis ka na. "
Mahabang pagpapaliwanag ko rito. Masunuring naman itong tumango. Lumingon muna ito bago bumaba ng aking sasakyan.
"Mag-iingat ka po, boss..."
"Tawagan mo muna ang ma'am mo at papuntahin mo sa address na iyan. At ibigay ang sulat na ito." At nag-abot ako ng isang maliit na puting sobre dito.
Isang naguguluhan na pagtango lang ang tanging naitugon nito sa akin. Hindi na ito nag-usisa pa. Basta masunurin lamang itong umalis.
Hinabol ko pa nang tingin ang papaalis na si Jordel at inaantay ko muna itong makasakay sa isang dumaang jeep bago ko pinaandar ang aking sasakyan.
TAHIMIK na ang buong paligid ng makarating ako sa aming bahay. Tanging tunog lamang ng mga kulisap ang naririnig kong nag-iingay. Matapos kong dukutin ang susi ng aking bahay ay kaagad akong bumaba ng sasakyan. Panatag akong nag-isip na hindi pa nakauwi ang aking misis dito.
Kinapa ko agad ang switch, saglet na nasilaw ako sa liwanag na dulot nito. Nang masanay na ang aking mga mata sa liwanag ay bumungad sa akin ang mga basag na mamahaling vase na pinamana pa sa akin ng aking yumaong mga magulang. Nagkalat din lahat ang iba pang mga gamit. Animo'y dinaanan ang aking bahay ng isang ipu-ipong ligaw.
Nanumbalik ang pagtahip sa aking dibdib habang dahan-dahan kong kinapa ang baril na nakasukbit sa aking pantalon na suot. Mahigpit kung hinawakan ang baril na palagi kong dala-dala habang dahan-dahan kung binuksan ang pintuan patungo saaking silid-tulugan.
Walang silbi ang maingat kong mga galaw dahil bigla na lamang sumulpot sa kung saan ang taong tumawag sa akin kanina lang.
"Mabuti naman at nakauwi ka na! Kanina pa kita hinihintay rito!"
Pagak na tawa nito habang nagsasalita.
"Hindi ba p'wedeng ipagpabukas na natin ang usapang ito?"
Napatiim bagang kong wika rito, 'Bakit ba hindi ito makapaghintay?'
Napakuno't noo itong tumitig sa akin.
"Urgent nga ito, pre! At wala na akong sapat na panahon... " Aburido ang mga galawan nito. Pabalik balik din itong naglakad sa aking harapan.
"Alam mong nanggaling na ako roon kanina. Bakit hindi ka nalang sumunod doon at ikaw na sana ang personal na kumausap sa kaibigan nating si Samuel sa totoong pakay mo?"
Nagpakawala muna ito ng tunog na hindi pagsang-ayon sa aking sinabi bago ito muling nagsalita.
"Ilang beses na ba natin ito pinag-usapan, pre? Akala ko ba ay nagkaintindihan na tayo tungkol dito?"
Nangungusap ang mga mata nitong nakatitig sa akin pero ni hindi ko mahagilap sa mga titig nito na ito ay sinsero.
Masyadong mahirap para sa akin ang magdesisyon dahil una sa lahat hindi sa akin ang dokumentong gusto nitong kunin. Ngunit malalagay naman sa alanganin ang aking sarili kung hahayaan ko nalang ito sa gusto nito.
Napukaw muli ang aking atensyon ng biglang tumunog ang cellphone nito. Aligaga pa ito ng makita ang nakaregister na pangalan sa screen nito. At nagmamakaawang humarap ulit ito sa akin.
"Bumalik na naman sila... "
Nanginginig ang mga kamay nitong humawak sa magkabilaang braso ko. At para itong takot na takot ng pareho naming narinig ang pagbalandra ng mga pintuan mula sa baba. Animo'y galit na galit ang taong nagbukas nito.
"Sige na, p're...Nakikiusap ako sayo. Gagawan ko naman kaagad ng paraan para maibalik ko kaagad ito.. Wala na kasi akong ibang matatakbuhan kundi ikaw lamang."
Para na itong maamong tupa kung makiusap sa akin. Umaalingawngaw sa katahimikang ng gabi ang mabigat na mga yabag na papalapit sa aming kinaroroonan.
Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntunghininga. 'Sana nagkita na ang misis ko at si Jordel dahil hindi ako nakasisigurong maabutan pa ako ng umaga rito.'
Mabilis na lumapit kaagad ako sa headrest ng aking higaan at umupo. Bago ako dumukwang ay dinukot ko muna ang susi na kanina pa nakahanda sa aking bulsa. Pagkatapos ay binuksan ko ang maliit na kahon na nakatago sa bandang ulunan ng aking kama. Inilabas ko mula rito ang isang tinuping papel. Mahigpit ko itong hinawakan. At akmang i-aabot ko na sana ito sa aking dating matalik na kaibigan ay pabalandra namang binuksan ang pintuan ng aking silid.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nabingi ako sa isang malakas na putok na aking narinig upang maging dahilan ng pagsakit ng aking tainga. Napahawak kaagad ako sa aking ulo dahil parang nahihilo ako.
"Pasensya ka na, p're. Ayoko sanang gawin ito sayo kaso nakipagmatigasan ka kasi sa akin eh. Kaya kung pupwede sana ay ihingi mo nalang ako ng tawad kay San Pedro, ah. Babawi nalang ako sa'yo sa susunod na buhay. Paalam na sa'yo, p're. "
Marahas na hinablot nito mula sa akin ang tinuping papel na kanina ko pa hawak-hawak. At humalakhak ng malakas na parang baliw bago nilisan ang aking bahay. Iniwanan ako nitong nakahandusay sa sahig at walang humpay ang pag-agos ng mainit, malapot na pulang likido..
Gusto ko sanang sumigaw upang humingi nang tulong, pero wala man lang boses ang gustong kumawala sa aking lalamunan. Gustuhin ko mang manlaban, ngunit wala na akong sapat na lakas upang gawin ito. Dahil unti-unti nang namamanhid ang aking buong katawan. Hanggang sa nandilim na sa akin ang lahat.
Taong 2019: "Binang! Binang!" Malayo pa lamang ay naririnig ko na ang boses ni Ate Sandy na sumisigaw. Alas singko pa lamang naman ng madaling araw pero parang wala man lang itong pakealam kung makadistorbo ba ito sa mga natutulog pa naming kapitbahay. Kaagad naman itong sinalubong ng tatlo pa naming nakababatang mga kapatid. At humahangos pa itong pumasok sa pintuan ng aming munting tahanan. "Oh 'nak, bakit ka napasugod ng kay aga?" May himig pag-aalala ang boses ni nanay habang tinatanong si ate Sandy. Imbes na sagutin ang katanungan ni nanay ay nagtanong din ito pabalik, " Nasaan po si Binang, 'nay?" Mahahalata sa boses nito na puno ng kasabikan. Ano kaya ang kailangan nito sa'kin at napasugod pa ito ng ganito kaaga. Mukhang importante ang pakay ni Ate sa'kin dahil dumayo pa talaga ito kahit na madaling araw pa lamang upang puntahan ako dito sa aming munting tahanan. Nasa kabilang dulo pa naman ito ng sakahan nakatira. "Bina, may magandang balita ako para sa'yo!" Napakal
5 years later.. "Mag-iingat ka roon, anak. " Habilin ng inay ko sa'kin habang nagliligpit ako ng mga iilang damit na aking dadalhin para sa pagluwas ko papunta sa Maynila. "H'wag kang maging pasaway doon ha. " Wika naman ni itay na hindi ko napansin ang pagdating galing sa sakahan. "Opo, magpapadala po ako kaagad ng pera kapag nakaluwag luwag na po ako roon," magalang na sagot ko naman sa kanila. "Pasensya ka na sa'min 'nak, ha." Malungkot na wika ni nanay sa akin. Tumigil muna ako sa aking ginagawa at mapang-unawang humarap kaagad dito. Sa walong magkakapatid ako ang pang-apat. May mga asawa't-anak na ang aking tatlong nakatatandang kapatid na nakaasa lang sa sakahan ng aking masipag na tatay. Kakanin ang negosyo ng aking nanay at ako, at ang isa ko pang nakababatang kapatid na babae ang tumutulong sa paglalako nito. Hindi na ako nagpatuloy sa pag-aaral sa kagustuhang matulungan ko ang aking mga magulang. Ayokong tularan ang mga nakakatanda kong kapatid, na pagkatapos pag
NAGSIMULA nang lumamig ang simoy ng hangin ngayon dahil papalapit na ang buwan ng disyembre. Kaya mas binilisan ko pa ang pagbuhos ng tubig sa aking buong katawan para hindi ko na masyadong maramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo. Ayoko ring maabutan ng ibang tao na naliligo sa balon. Hindi na kasi ako sanay na maligo ng lantad sa labas. Kung hindi lang sana nasira ang aming banyo ay hindi ako mag-aaksaya ng oras na maligo rito. Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong magpunas at magtapi ng tuwalya sa katawan. Palinga-linga pa ako sa buong paligid kung wala bang ibang mga dumaraan at nagmamadaling pumunta sa pinakaunang puno ng saging na aking nakikita. Nagkubli ako rito upang magtanggal ng basang damit. Nagdala na rin ako ng mga tuyong damit na ipampalit. Maingat at mabilisan ang ginawa kong pagbibihis ng may maulinigan ako na mga kaluskos. Nagmumula ang ingay sa kabilang puno ng saging. Malapit lamang din sa puno ng saging na aking pinagkukublihan ngayon. Bigla akon
PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN ay iginiya ako ni Roger paakyat sa ikalawang palapag.Ang desinyo ng hagdanan nila ay pinagsama ng matibay na kahoy na panghakbang at may panel ng transparent na salamin sa bawat gilid nito. Nakakalikha ito ng isang nakakaaya sa pagitan ng makabago at natural na elemento. Sa mga magasin na kasama sa mga pinapadala ni ninang ko lang nakikita at nababasa ang mga ganitong klase ng desinyo. Ngayon, nakikita ko na ito sa personal.Bumungad kaagad sa akin ang isang maliit na sala. Hindi ko masyadong mabigyan ng deskripsyon ito dahil medyo madilim na sa bahaging ito.Humakbang lamang si Roger sa pinakamalapit na pintuan. Binuksan nito iyon, pumasok ng isang hakbang at pinindot ang
KINABUKASAN... Mahinang katok mula sa pintuan ng aking silid ang nagpagising sa akin. Sinipat ko ang orasan na nakapatong sa kabinet na nasa tabi ng aking higaan. Napabalikwas kaagad ako ng bangon ng makita ko na ang oras, pasado alas diyes na pala ng umaga. 'Patay!' Ngayon lang ako nagising ng matagal. Baka dumating na sila ninang. Nagmamadali kung tinungo ang pinto, wala na akong pakealam kung magulo ang aking buhok at pinagbuksan ang kanina pa kumakatok nito. Bumungad agad sa akin ang medyo nababagot na hitsura ni Analie. "Kagigising mo lang ba?" "Sorry," nahihiyang tumango ako rito. Iritado pa rin ang expression ng pagmumukha nito. "Sumabay ka na sa aming mag-almusal ni ate Melleza. " "Susunod na ako, magpapalit lang ako ng damit." Maiksing tugon ko rito na tanging pagtango lamang ang naging tugon nito. 'Ang suplada naman nito.' Paalis na sana ito ng bigla itong tumigil at lumingon, " ito raw muna ang susuotin mo, pansamantala." Sabay abot nito sa isang paper bag na dala
TAHIMIK LAMANG AKONG NAKATAYO habang hinihintay ang mga bagong dating na pumasok. "Goodmorning, ma'am Rochelle. Goodmorning, Roxanne. Goodmorning, Jude.." Sabay-sabay na bati nina ate Melleza at Analie sa mga bagong dating. Naunang pumasok ang isang maganda at sopistikadang babae. Maiksi ang kulay blonde nitong buhok. Sa hinuha ko ito na siguro ang ate ni Roger. May akay-akay itong isang batang babae na aking tingin ay nasa edad na pito o walong taon na gulang. Nasa likuran naman nito ang isang balingkinitan na morenang babae na may karga na batang lalaki. Nang magawi ang tingin nito kina ate Melleza at Analie ay ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. "Goodmorning , yaya Mel. Goodmorning, An." Masiglang bati nito bago ito nakangiting tumingin sa akin. "Hi, dear. Kumusta ka pala?" Nahihiyang tinangoan ko ito at binati rin ito ng, " magandang umaga rin po. Mabuti naman po." "Good. Yaya Mel pakibigyan nga po ng breakfast si Tine. " Malumanay na pakiusap nito kay ate Melleza. Kinuha
SUMAPIT NA LANG ang gabi pero hindi pa rin lumabas ng kaniyang silid si ninang. Nakaalis na rin sina ma'am Rochelle, Tine at ang dalawang anak nito, wala pa ring ninang ang bumaba. Maghapon din na wala sa bahay si Roger. Hindi ako na-inform na ganito pala ang kalakaran sa pamamahay na ito. Iba sa ini-expect kung mangyari. Ang akala ko ay kakausapin ako ni ninang katulad ng ginagawa niya sa tuwing bumibisita siya sa amin. Pero hindi nangyari iyon. Baka pagod lang siguro si ninang kaya gan'on. Inaliw ko na lang muna ang unang araw ko sa trabaho sa batang aking inaalagaan. May kalikutan ang batang si Reema. Pero hindi naman ito mahirap para sa akin dahil sanay na akong magbantay ng bata. Iniisip ko nalang na sarili kong kapatid ang aking inaalagaan. Pagsapit ng alas syete ng gabi ay nagtawag na si ate Melleza upang kumain na kami ng hapunan. Muli kong nilingon ang silid ni ninang. Nanatili itong nakasara. Hindi ba siya ang dapat na maunang kumain, o kahit tawagin man lang ito ng m
PAGKAGISING KO ay kaagad akong nag-ayos ng aking higaan. Namataan ko rin ang limang paper bag na nakalagay mismo sa may bandang paanan ng aking higaan. Ito na siguro ang sinasabi ni Roger sa akin kagabi bago ito lumabas. Kaagad kung chineck isa-isa ang laman ng mga paper bag. Tatlo sa mga paper bags ay naglalaman ng mga personal na gamit ko sa pang araw -araw. Nilakipan niya rin ito ng isang pares ng sapatos, dalawang t-shirt at isang pantalon. Ang laman naman ng dalawang natitira na paper bags ay mga damit ng aking alaga at laruan. Pagkatapos kung suriin ang laman ng mga paper bags ay maingat ko na itong sinalansan sa lagayan. Natuwa akong makita na may bago akong mga gamit. At baka madagdagan pa sa mga sumusunod na mga araw. Muli kung nilingon ang aking alaga. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ni Analie kahapon na hangga't hindi pa gumigising ang aking alaga ay hindi ako allowed na lumabas ng silid. Kaya habang naghihintay na magising ito ay n
CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si Ia
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may