NAGSIMULA nang lumamig ang simoy ng hangin ngayon dahil papalapit na ang buwan ng disyembre. Kaya mas binilisan ko pa ang pagbuhos ng tubig sa aking buong katawan para hindi ko na masyadong maramdaman ang pagtaas ng aking mga balahibo. Ayoko ring maabutan ng ibang tao na naliligo sa balon. Hindi na kasi ako sanay na maligo ng lantad sa labas. Kung hindi lang sana nasira ang aming banyo ay hindi ako mag-aaksaya ng oras na maligo rito.
Pagkatapos kong maligo ay nagmamadali akong magpunas at magtapi ng tuwalya sa katawan. Palinga-linga pa ako sa buong paligid kung wala bang ibang mga dumaraan at nagmamadaling pumunta sa pinakaunang puno ng saging na aking nakikita. Nagkubli ako rito upang magtanggal ng basang damit. Nagdala na rin ako ng mga tuyong damit na ipampalit.
Maingat at mabilisan ang ginawa kong pagbibihis ng may maulinigan ako na mga kaluskos.
Nagmumula ang ingay sa kabilang puno ng saging. Malapit lamang din sa puno ng saging na aking pinagkukublihan ngayon. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Ito ang pinakaayaw ko talaga, sa tuwing naliligo ako sa balon. Pero ang aking ikinapagtataka ay kung bakit sobrang aga naman. Dahil sa aking pagkakatanda ay wala pang napapagawing tao ng ganitong mga oras. Pasado alas singko pa lang kasi ng madaling araw. Kaya pilit na iwinaksi ng aking isipan ang kutob na nararamdaman. Nagmamadaling isinuot ko kaagad ang dala kong jogging pants. At mabilisang binalot ang buhok ko ng tuwalyang dala.
Handa na sana ako sa pag-alis ng muli ko na namang narinig ang kakaibang ingay. Animo, kinakapos ito ng hininga. Pinakinggan kong mabuti ang ingay na aking narinig, nagbakasakali na baka mali ako ng hinala. Ngunit, napagtanto ko rin na hindi isang hayop ang nagtatago sa kabilang puno kundi isang tao. Kaya, imbes na matakot ay umusbong ang galit sa aking dibdib. Pinakaayaw ko pa naman sa lahat ang binabastos ako. Hindi ako napapalagay kapag hindi ko ito natuturuan ng leksyon ang mapangahas na taong iyon.
Naghagilap ako ng magiging sandata ko kung sakaling manlaban ito. At hindi naman ako nabigo. May nakita akong nabaling sanga ng saging at agad ko itong pinulot. Medyo matigas pa ito at isang hampas ko lang sa bagay na ito ay tiyak magkakapasa talaga.
Dahan-dahan akong umikot, sa kabilang bahagi, nagtago at nagpalipat lipat sa mga puno ng saging. Hanggang sa nakita ko na ang bastos na nilalang na nambuso sa akin.
Kalmadong nakasandal ito sa puno ng saging habang nakapikit at paimpit na umuungol. Hindi ko masyadong naaninag ang pagmumukha nito dahil madilim pa lang. Kaya, maingat ko itong nilapitan. Makakatikim talaga ang bastos na nilalang na ito sa akin ng mega palo dahil sa kapangahasang ginagawa niya. Subalit bigla akong natigilan ng akmang
ihahampas ko na sana sa kanya ang sanga ng saging. . .Nagulat na lang ako kasi bigla nalang itong nangisay , kaya nakaramdam ako ng takot. Sa halip na hahampasin ko na sana ito, ay nabitawan ko ang bitbit na sanga ng saging at nagmamadali akong lumapit dito at malakas na niyugyog ang magkabilaang balikat nito. Paimpit itong sumigaw na animo sinasapian ito ng sampung demonyo.
Tarantang
taranta ako sa aking nasaksihan, ngunit, makalipas ang ilang minuto sa ganoongtagpo ay bigla na lang itong tumigil, at parang walang nangyaring kakaiba. Kalmado at nakangisi pa itong humarap sa akin.Hindi pa ako naka-move- on sa nangyari at nagulat pa ako nang mapagtanto ko na ang pangahas na lalaking nambuso sa akin ay walang iba kundi ang nobyo ni ninang--si Roger!
Hindi agad ako nakaimik. Maraming salita ang gustong lumabas sa aking bibig kanina na gusto ko pa sanang sabihin pero ngayong nalaman ko na kung sino ito ay parang natameme ako. Nalunok ko pa ata ang aking dila.
"Sorry, hindi ko napigilan. "
Hinging paumanhin nito na akala mo ordinaryo lang sa kanya ang kabalastugang ginagawa niya saakin ngayon.
"Ang totoo, sinundan talaga kita rito para mabantayan. . . Kaso, hindi ko kasi alam na maliligo ka pala kaya nawalan na ako ng choice kundi ang panuorin ka. "
Pangangatwiran pa nito, na hindi ko man lang nakikitaan ng pagsisisi pero hindi ko na masyadong maintindihan ang iba pa nitong sinasabi dahil mabilis ko na itong tinalikuran.
Hinabol pa ako nito, " wait! "
Ngunit hindi ko na ito muling nilingon pa. Hindi ko kasi alam ang aking nararamdaman ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa nobyo ni ninang. At para makaiwas, ay mas binilisan ko pa ang aking paglalakad.
Huli ko na ngang mapansin na naiwan ko pala ang sabonera na kanina ko pa bitbit, pati na ang pinagbihisan kong mga basang damit kanina. Gusto ko pa sana itong balikan, ngunit nagdalawang isip na ako. Isa pa at malapit na ako sa aming bahay. Kaya napagdesisyonan ko na lang na mamaya ko nalang ito kukunin dahil ayokong makasalubong ang pagmumukha ng nobyo ni ninang.
'Ang tanga-tanga mo Binang! Bakit hindi mo siya pinalo? Bakit mo pinalampas ang isang iyon? Dapat
binugbog mo siya eh! Pero bakit wala ka man lang ginawa?!' kastigo ko pa sa aking sarili habang naglalakad. Naiinis ako sa aking sarili ngayon. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.Kaya hindi ko kaagad napansin ang nakausling ugat ng isang puno sa aking daraanan. Huli ko nang makita ito. Natapilok na ako at wala sa sarili napaupo sa lupa habang mariing napapikit ang mga mata.
SOBRANG sakit ng aking paa. Nakakapanghina sa pakiramdam ang pagkirot nito. Nasalo ko na ata ang kamalapasan ngayong araw. Akala ko pa nga ay naputulan na ako ng ugat sa paa dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Kaya dahan-dahan akong nagdilat ng mga mata para suriin ang paa ko kung may galos ba ito, pero, napatigil ako. Nagtataka ako kung bakit naging iba ang suot ko ngayon. Tandang tanda ko pa na nakatsinelas ako, bakit nakasuot na ako ng sandalyas ngayon.
Nakapagtataka naman, kanina lang ay nasa bukid ako pero ngayon ay nasa loob na ako ng isang sasakyan. Namamaligno ata ako.
"Are you okay, Sab?" Napaupo ako ng matuwid nang marinig ang isang pamilyar na boses.
Tumingala ako at saktong pag-angat ko ng mukha ay napagawi ang tingin ko sa salamin at nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Roger sa akin.
Napaigtad na naman ako ng hawakan nito ang aking braso. Ang init na nagmumula sa kanyang mga palad ay nagdudulot sa akin ng kakaibang sensasyon.
"Please, sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo ngayon."
Mababakas sa tono ng pananalita nito ang labis na pag-aalala.
Naalala ko na. Ngayon pala ang araw na lumuwas ako ng maynila para mamasukan kina ninang. At kasalukuyan akong nakasakay sa sasakyan ni Roger ngayon.
Bumuntunghininga muna ako bago ko siya sinagot, "oo, ayos lang ako. Naalimpungatan siguro ako dahil nagkapulikat ang binti ko. "
Pero tila hindi ito kumbinsido sa sinabi ko. Hinahaplos nito ang braso ko habang nagsasalita, "are you sure?"
Ito na naman ang pakiramdam na hirap na hirap akong labanan. Ang init na nagmumula sa mga palad niya at ang paraan ng paghaplos niya sa aking braso ay parang nagniningas na apoy. Mahirap labanan, kaya hangga't kaya ko pang kontrolin ang aking sarili ay mabilis kong hinawi ang kanyang kamay sa aking braso.
"Ayos lang po ako." Mariin kong sagot sa kan'ya. Imbes na magalit ito dahil sa ginawa kung paghawi sa kamay nito ay hindi man lang ito pumalag at isang simpleng pagtango lang ang tanging naitugon nito.
Itinuon ko ulit ang aking atensyon sa labas at ngayon ko lang napagtanto na naka-park ang sasakyan niya sa isang bakanteng lote.
Bigla akong nakaramdam ng kaunting kaba. Sobrang dilim kasi ng paligid. Tanging ang liwanag lamang ng ilaw ng sasakyan ni Roger ang nagsilbing liwanag dito ngayon.
Kaya naglakas loob akong magtanong,
"Malayo pa ba tayo?"
"Actually, no! Nasa unahan lang ang subdivision na tinitirhan namin. Itinigil ko nalang muna ang sasakyan kanina dahil I'm worried about you. " Bumuntunghininga muna ito bago inistart ulit ang engine.
"H'wag kang mag-alala, ayos lang talaga ako." Mahinang tugon ko sa kanya.
"Okay." Maiksing sagot nito at seryosong nakatuon na ang pansin sa daan.
Wala pang 20 minutes ay nakarating na kami sa isang malapad na gate. Pansin ko na kahit nandito na kami ay madilim pa rin. Mangilan ngilan lang ang mga bahay na may ilaw.
"Goodevening, Sir. Kayo po pala 'yan, " saludo ng gwardya kay Roger.
Nakabukas na ang bintana sa banda ni Roger at kinakausap nito ang gwardyang bantay.
"May sumabog po kasing linya kaya nagbrown out. Tapos, ayaw pang gumana 'yong ibang koneksyon kaya iilan lang sa mga bahay ang nagkailaw. " Mahabang pagpapaliwanag ng gwardya.
Pagkatapos nilang mag-usap ay pinaandar na ulit ni Roger ang sasakyan. Saglit lang ang itinakbo nito at huminto kaagad ito sa isang bahay. Hindi ko gaanong kita ang pinakaharapan nito ngunit nasisiguro kung malaki at malawak ito.
Pumasok kami sa isang automatic na bakod. Nagkukusang bumukas ito ng dumating kami. Isang bakod na hanggang leeg ko lamang ang taas.
Nagbusina si Roger at mabilis na nagbukas ang malaking pintuan ng bahay. May lumabas na dalawang babae na nakasuot ng pantulog na damit.
"Goodevening, Sir!" Magalang at sabay na bati ng dalawang unipormadong babae.
Tango lang ang itinugon ni Roger sa kanila. Sumenyas ito na kunin ang dala kong bag sa compartment ng sasakyan at tumalima naman kaagad ang kasambahay. Humarap ito sa kanya pagkatapos makuha ang dala kong bag.
"Ate Melleza, pakihanda po kami ng makakain. Analie, pakiakyat ang bag niya sa silid ni Reema."
Ma-owtoridad na utos ni Roger sa dalawa.
"Pakisabi na rin sa ma'am ninyo na bumaba na para sabay-sabay na kaming kumain. "
"Sir, umalis po si ma'am ngayon. " Pag-aatubiling wika n'ong may bitbit ng aking bag.
"Saan siya nagpunta? Sinong kasama ni Reema sa taas?" Seryosong tanong ni Roger.
"Dinala po niya si baby Reema. Dumalo sila sa isang children's party sa kabilang subdivision. Kasama niya po si ate Rochelle at ang dalawa po ninyong mga pamangkin. "
Halata sa boses ng kasambahay ang pag-alinlangang sumagot.
"Sige, i-akyat mo na 'yan."
Mabilis namang tumalima ang kasambahay.
Kinontak niya si ninang at pagkatapos nilang mag-usap ay nakita ko pa ang makahulugang pagngiti ni Roger ng humarap ito sa akin.
"Kumain muna tayo bago magpahinga."
" Hindi po ba uuwi si ninang ngayon, kuya?" May pag- alinlangan kong tawag ng kuya sa kanya. Nasanay kasi ako na Roger lang ang tawag ko sa kanya pero baka magtaka ang mga kasama nila dito sa bahay.
"Hindi," nagtayuan ang balahibo ko sa batok ng bigla itong bumulong sa akin. Hindi naman madilim ang bahay nila pero hindi rin gan'on kaliwanag. Kaya hindi ko napaghandaan ang ginawa niya. Sobrang lapit kasi ng bibig nito sa aking tainga at ang init ng hininga niya ay sapat na para mangaliskag ang mga balahibo ko sa aking buong katawan. Hindi ko maiwasang mapapikit, pilit na nilalabanan ang sensasyong ginagawa nito sa akin.
Namasukan ako para sa pamilya ko. Ito ang paulit-ulit na pinapasok ko sa aking isipan. Kaya, huminga muna ako ng malalim at mabilis na lumayo sa pagkadikit kay Roger. Isang nakakalukong tawa ang pinakawalan nito bago nagsimulang kumain.
PAGKATAPOS NAMIN KUMAIN ay iginiya ako ni Roger paakyat sa ikalawang palapag.Ang desinyo ng hagdanan nila ay pinagsama ng matibay na kahoy na panghakbang at may panel ng transparent na salamin sa bawat gilid nito. Nakakalikha ito ng isang nakakaaya sa pagitan ng makabago at natural na elemento. Sa mga magasin na kasama sa mga pinapadala ni ninang ko lang nakikita at nababasa ang mga ganitong klase ng desinyo. Ngayon, nakikita ko na ito sa personal.Bumungad kaagad sa akin ang isang maliit na sala. Hindi ko masyadong mabigyan ng deskripsyon ito dahil medyo madilim na sa bahaging ito.Humakbang lamang si Roger sa pinakamalapit na pintuan. Binuksan nito iyon, pumasok ng isang hakbang at pinindot ang
KINABUKASAN... Mahinang katok mula sa pintuan ng aking silid ang nagpagising sa akin. Sinipat ko ang orasan na nakapatong sa kabinet na nasa tabi ng aking higaan. Napabalikwas kaagad ako ng bangon ng makita ko na ang oras, pasado alas diyes na pala ng umaga. 'Patay!' Ngayon lang ako nagising ng matagal. Baka dumating na sila ninang. Nagmamadali kung tinungo ang pinto, wala na akong pakealam kung magulo ang aking buhok at pinagbuksan ang kanina pa kumakatok nito. Bumungad agad sa akin ang medyo nababagot na hitsura ni Analie. "Kagigising mo lang ba?" "Sorry," nahihiyang tumango ako rito. Iritado pa rin ang expression ng pagmumukha nito. "Sumabay ka na sa aming mag-almusal ni ate Melleza. " "Susunod na ako, magpapalit lang ako ng damit." Maiksing tugon ko rito na tanging pagtango lamang ang naging tugon nito. 'Ang suplada naman nito.' Paalis na sana ito ng bigla itong tumigil at lumingon, " ito raw muna ang susuotin mo, pansamantala." Sabay abot nito sa isang paper bag na dala
TAHIMIK LAMANG AKONG NAKATAYO habang hinihintay ang mga bagong dating na pumasok. "Goodmorning, ma'am Rochelle. Goodmorning, Roxanne. Goodmorning, Jude.." Sabay-sabay na bati nina ate Melleza at Analie sa mga bagong dating. Naunang pumasok ang isang maganda at sopistikadang babae. Maiksi ang kulay blonde nitong buhok. Sa hinuha ko ito na siguro ang ate ni Roger. May akay-akay itong isang batang babae na aking tingin ay nasa edad na pito o walong taon na gulang. Nasa likuran naman nito ang isang balingkinitan na morenang babae na may karga na batang lalaki. Nang magawi ang tingin nito kina ate Melleza at Analie ay ngumiti ito nang pagkatamis-tamis. "Goodmorning , yaya Mel. Goodmorning, An." Masiglang bati nito bago ito nakangiting tumingin sa akin. "Hi, dear. Kumusta ka pala?" Nahihiyang tinangoan ko ito at binati rin ito ng, " magandang umaga rin po. Mabuti naman po." "Good. Yaya Mel pakibigyan nga po ng breakfast si Tine. " Malumanay na pakiusap nito kay ate Melleza. Kinuha
SUMAPIT NA LANG ang gabi pero hindi pa rin lumabas ng kaniyang silid si ninang. Nakaalis na rin sina ma'am Rochelle, Tine at ang dalawang anak nito, wala pa ring ninang ang bumaba. Maghapon din na wala sa bahay si Roger. Hindi ako na-inform na ganito pala ang kalakaran sa pamamahay na ito. Iba sa ini-expect kung mangyari. Ang akala ko ay kakausapin ako ni ninang katulad ng ginagawa niya sa tuwing bumibisita siya sa amin. Pero hindi nangyari iyon. Baka pagod lang siguro si ninang kaya gan'on. Inaliw ko na lang muna ang unang araw ko sa trabaho sa batang aking inaalagaan. May kalikutan ang batang si Reema. Pero hindi naman ito mahirap para sa akin dahil sanay na akong magbantay ng bata. Iniisip ko nalang na sarili kong kapatid ang aking inaalagaan. Pagsapit ng alas syete ng gabi ay nagtawag na si ate Melleza upang kumain na kami ng hapunan. Muli kong nilingon ang silid ni ninang. Nanatili itong nakasara. Hindi ba siya ang dapat na maunang kumain, o kahit tawagin man lang ito ng m
PAGKAGISING KO ay kaagad akong nag-ayos ng aking higaan. Namataan ko rin ang limang paper bag na nakalagay mismo sa may bandang paanan ng aking higaan. Ito na siguro ang sinasabi ni Roger sa akin kagabi bago ito lumabas. Kaagad kung chineck isa-isa ang laman ng mga paper bag. Tatlo sa mga paper bags ay naglalaman ng mga personal na gamit ko sa pang araw -araw. Nilakipan niya rin ito ng isang pares ng sapatos, dalawang t-shirt at isang pantalon. Ang laman naman ng dalawang natitira na paper bags ay mga damit ng aking alaga at laruan. Pagkatapos kung suriin ang laman ng mga paper bags ay maingat ko na itong sinalansan sa lagayan. Natuwa akong makita na may bago akong mga gamit. At baka madagdagan pa sa mga sumusunod na mga araw. Muli kung nilingon ang aking alaga. Mahimbing pa rin itong natutulog. Kabilin-bilinan pa naman sa akin ni Analie kahapon na hangga't hindi pa gumigising ang aking alaga ay hindi ako allowed na lumabas ng silid. Kaya habang naghihintay na magising ito ay n
"WELCOME to Kusina ni Crising!" Masiglang bati ng isang magandang babae na nakatayo sa may pintuang kahoy. Ang bubungan ng labas ng restaurant ay gawa sa nipa. Malikhain ang pagkaukit ng pangalang ng restaurant sa isang banig. Ang haligi naman ay gawa sa traditional na kawayan, o tinatawag na 'amakan o sawali.' Nakalambitin naman sa itaas ang dalawang malaking lampara. "Do you have any reservation, sir?" Magalang na tanong ng magandang babae sa asawa ni ma'am Rochelle habang dahan dahang binuksan ang kawayan na pintuan. "Yes, Rochelle Bernardino. 11 adults and 3 kids." Narinig kong sagot ni ma'am Rochelle. Hindi ko na masyadong naintindihan ang iba pa nilang pinag-usapan dahil abala na ang aking mga mata sa pagmamasid sa aming dinadaanan. Bumungad sa akin ang daanan na puno ng peebles at isang masining na paarkong mga kawayan na may mga dahon pa sa bandang itaas. Sa dulong bahagi naman nito nakatayo ang isang puno na may apat na nakalambitin na bamboo lights. "This w
MAGTAKIPSILIM na nang makarating kami. 'Sa wakas! Makapag-unat na rin.' Medyo namamanhid na rin kasi ang aking mga hita. Akala ko pa naman ay alas dos talaga kami makarating rito pero mukhang mali ata ng estimate ng oras si ate Melleza. "Daddy, I want to pee," aniya ng aking alaga kay Roger. Eksakto lang talaga na magbubukas si Roger sa pintuan ng kaniyang sasakyan. Mabuti nalang talaga at sinigurado ko na umihi muna kami d'on sa restaurant bago umalis. Kaagad na binuhat ni Roger ang aking alaga upang samahan sana ito papunta sa comfort room. Nagmamadali naman akong lumabas ng sasakyan upang tumulong sana kay ate Melleza. Ngunit pagkatapak ng aking paa sa semento ay bigla nalang na bumigay ang aking mga binti. "Aray ko po!" Napadaing ako sa pagkabigla. Napaupo ako ng wala sa oras sa semento. Napahiyaw pa ako lalo ng inalalayan ako ni kuya Oming na makatayo pero hindi ko man lang magawa na maigalaw ang aking mga paa. "Yaya Mel, pasuyo naman kay Reema," nabiglang wi
KANINA ko pa gustong lapitan ang ma'am Sol na may-ari ng resort na kasalukuyan na tinutuluyan namin ngayon. Ngunit, nagdalawang- isip rin ako na baka kahawig niya lamang si tiya Leda. Si tiya Leda ay ang matalik na kaibigan ni tiya Judith, katulad ng pagkakaibigan nila ate Sandy at ninang Marites. Natapos nalang kaming kumain ay hindi ko pa rin maiaalis ang tingin dito. "Yaya Sab, are you okay now? Can you able to carry me in the pool? I really wanted to swim but ate Mel is still busy," nagmamakaawa pa nitong pakiusap sa akin," please...""Sure baby. No problem. "Hinawakan ko ang maliit nitong kamay at inakay papalapit sa swimming pool na nakap'westo lamang sa harapan ng malawak na garden. Nakita ko na masayang naglalaro ang mga batang sina Bea at Roxanne. Parehong nakasakay ang mga ito sa salbabidang may mga cartoon characters pa na hugis. Nakaalalay kay Bea ang nanay nitong si ate Angie at sa tabi naman ni Roxanne si Maia. Sa kabilang bahagi naman ng pool nakalutang ang sa
CANCEL ANG KLASE ko sa last subject. Pero bigla akong napaisip na masyado pang maaga para umuwi.. Kaya napagdesisyonan ko na lamang na magpalipas muna ng oras sa mall na malapit lamang sa aming university, tutal hindi naman ako naka-schedule na magbantay sa botique ngayon. Dumiretso kaagad ako papunta sa tindahan ng mga nagtitinda ng murang libro at mga magazines. Magmula kasi nang nakapagtrabaho na ako sa botique ay hindi talaga ako pumapalya sa pagbili ng libro o magasin na matipuhan. Hindi rin pinabayaan ni Roger ang aking pamilya sa probinsiya. Bale, siya na ang nagpatuloy sa pagpadala ng pera. Kahit na umayaw ako noong una sa nais niyang mangyari pero kalaunan ay napapayag din niya ako. Wala rin naman akong ibang pagpipilian kundi ang pumayag. Kaya ang natatanggap kong sahod mula sa pinagtrabahoan ko ay tinatabi ko na lamang, o 'di kaya ay pinambili ko ng mga ipapasalubong ko sa aking pag-uwi.Hindi pa ako naabutan ng ilang minuto sa pagtingin tingin ng mag
ILANG ARAW NA ANG LUMIPAS simula nang makauwi ako galing sa ospital. Matapos ang senaryong nangyari sa ospital kina ninang at Roger ay nagbago na ang pakikitungo ni ninang sa akin. Kung dati ay medyo mailap ito sa akin, ngayon ay naging mabait na ito. Hindi ako sigurado kung pakitang tao lamang ba itong pinapakitang kabutihan ni ninang, o talagang tuluyan na ba itong nagbago. Kaya unti-unti ko na rin ibinabalik ang dating pakikitungo ko sa kaniya. Ito na rin mismo ang nagrequest kay Roger na pag-aralin ako na ikinatuwa ko. Mantakin mo iyon hindi ko na kailangan na irequest pa kay Roger ito dahil si ninang na mismo ang nag-asikaso ng mga dokumento ko sa pagbabalik skwela ko. Malaki ang naging pasalamat ko sa kaniya dahil mabibigyan na ng sakatuparan ang aking mga pangarap. Kapalit ng libreng pag-aaral ko sa pamilyang Bernardino ay ang pagbabantay ko sa botique ni ate Rochelle. Habang tinutulungan ko si Analie sa mga gawaing bahay pagkauwi ko galing sa school. Tuwing umaga ay sumas
MAY MGA BULONG akong nauulinigan. Sa aking hinuha, nasa malapit lamang sila. Pinakinggan kong mabuti kung ano ang pinag-uusapan nila, kaso masyadong mabilis at pahina ng pahina ang mga boses. Kaya dahan dahan akong nagmulat ng aking mga mata. Bumungad naman sa aking paningin ang nakasisilaw na liwanag. Kumukurap kurap ako upang sanayin ang aking paningin sa liwanag. Kaagad na inilinga ko ang aking mga mata sa buong paligid. Nasa loob ako ng isang puting silid. Nakaramdam ako ng takot. Baka biglang dumating si Ian at kung ano na naman ang gawin nito sa akin.Kaagad kung hinanap si Roger pero hindi ko ito makita sa silid na aking kinahigaan. Nakarinig ako ng mga yabag na paparating. Nagmamadali akong umakyat sa hospital bed at mabilis na humiga at nagkunwaring nakapikit. Tama nga ako at sa silid ko papunta ang mga yabag na ito. Narinig ko ang malakas na pag-ingit ng bakal na pintuan. Pumasok sa silid ko ang mga yabag. Nang maisara ng kung sinong nagmamay-ari ng mga yabag ang pinto
NAALIMPUNGATAN ako sa malakas na kalabog mula sa labas ng pintuan. "Neng? Ayos ka lang ba dyan?" Malakas na sigaw ni ate Mel. Napadilat ako ng mata. Gusto ko sanang sumigaw kaso nakabusal ang aking bibig. Pinilit kung igalaw ang aking katawan pero hindi ko ito maigalaw. Nakatali sa magkabilaang bahagi ng headboard ang aking mga kamay pati na rin ng aking magkabilaang mga paa. Nakangising tiningala ako ni Ian na kanina ay abala kakahalik sa pribadong parte ng aking katawan. "Kahit ano pa ang gagawin mo. Wala ka nang magagawa kundi ipaubaya sa akin ang sarili mo." Nang-uuyam na halakhak nito na ikinagalit ko. Nandiri pa ako lalo ng dinilaan nito ang aking kaliwang dibdib. Nagpupumiglas ako sa pagkatali nito pero sobrang higpit, pero 'di pa rin ako nawalan ng pag-asa na matanggal ito. 'Roger, nasaan ka na? Umuwi ka na, please! Iligtas mo ako sa hayok sa laman na si Ian!'Napaiyak na lamang ako ng nakarating na si Ian sa bandang puson ko. Pinipilit ko pa rin na makawala sa pagk
NAGPUPUNAS AKO ng mga alikabok sa sala ng biglang sumulpot si Ian sa aking tabi. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa pagkabigla. " Nerbyosa ka pala, Sabrina." ani niya. "Hindi naman po." Matipid kong sagot dito. 'Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung bigla ka na lang sumulpot at magsalita?' Aburido kong pagrereklamo sa aking isipan. "Ready ka na bang gawin ang ipagawa ko sayo ngayon?" Makahulugan itong ngumiti sa akin. 'Magpalinis lang ng silid ang dami pang pasakalye nito.' Naiimbyerna na pagmamaktol ko sa aking isipan. "Ano po ba ang ipapagawa mo sa akin, sir?" Mahinahon na tanong ko pa rito. "Basta. Halika na, at nang maaga natin masimulan ang ipapagawa ko sayo.." Malambing na wika pa nito sa akin. Nangangaliskag ang mga balahibo ko sa katawan sa inakto nito. Hindi naman panget si Ian. Kung tutuusin ay may hitsura ito. Pero dahil sa manyakis ito kaya hindi nakakahalina ang katikasan nito sa aking paningin. Siguro kung ibang babae ay tiyak na mahuhumaling kaagad d
"AYOS KA LANG BA, neng?" Bungad salubong na bulong sa akin ni ate Melleza. Mahahalata sa boses nito ang labis na pag-aalala."A-ayos lang po ako," pilit kung pinapakalma ang aking boses dahil alam kong nakasunod sa akin si Ian. Makahulugan kong tinitigan si ate Mel at nakuha naman nito kaagad ang gusto kong iparating. Pagkapasok namin ay iniba nito ang usapan. Nag-utos si ate Mel ng mga maaari kung maitutulong sa kan'ya. Ang mga pinamili ko sa palengke ngayon ay ang stocks ng kakainin naming tatlo. Kahit papaano ay nawaglit sa isipan ko ang takot na naramdaman ko para kay Ian. Nagsimula nang magluto si ate Melleza, habang sinasalansan ko ang mga pinamili ko sa lagayan."Gusto mo bang sa kwarto ko muna matulog ngayong gabi, neng?" Biglang alok ni ate Melleza sa akin. Napalingon kaagad ako sa aking likuran bago ko tiningnan ang kinaroonan niya. Medyo nahimasmasan ang aking nararamdaman nang mapagtanto ko na hindi na pala sumunod si Ian dito sa kusina. "Sige po, te. Kukuha l
"UUTUSAN SANA KITA na mamalengke ngayon, Sabrina. Kaso, ikaw at si Ian ang magkasama. Kaya, ako na lamang ang aalis. Ikaw na muna ang bahala na magbantay rito, ha? H'wag kang basta-basta magpapasok nang mga hindi mo kakilala rito. Dahil hindi rin talaga safe. " Saad pa ni ate Melleza sa akin.Gusto ko sana na ako ang magstay rito na mag-isa kaso naisip ko rin na baka kung magpaiwan ako rito sa bahay, baka pagnanakaw naman ang ibebentang sa akin ni ninang. Kaya imbes na sang-ayonan ang sinasabi ni ate Melleza sa akin, ay nagpresinta na lamang ako na ang mamalengke."Sigurado ka na ba sa desisyon mo, neng?" medyo may pag-alinlangan pa na tingin sa akin ni ate Melleza."Opo. Ayos lang po ako. Mas mabuti po na ikaw ang magstay rito kasi mahirap na rin po na ako ang maiwanan dito. " aniya ko pa rito.Nababahala pa rin ang hitsura ni ate Melleza sa naging desisyon ko pero napapayag ko pa rin ito sa huli.Binigay kaagad ni ate Melleza sa akin ang listahan ng mga bibilhin. Tinawag nito si Ia
"BAKIT HINDI NINYO KAAGAD sinabi sa akin na may sakit pala si Roger?"Nakapameywang na tanong ni ninang sa amin. Kasalukuyan na tiningnan ng private doctor nila ito sa silid nito. "Kanina pa po kasi namin gustong ipaliwanag sayo 'yong totoong dahilan kung bakit hindi kaagad nasabi sa inyo ni Sabrina ang totoo." Malamig na sagot ni Malou kay ninang. Bagay lang talaga na si Malou ang napili ni Roger na maging kapalit ko. Mukhang hindi kasi ito basta basta na lang na maaapi. "Okay, I apologize for what I did. " Tagos sa ilong na paghingi pa nito nang paumanhin sa amin. Halata namang napipilitan lamang ito na humingi ng despensa. Pero malaki ang pasalamat ko kay Malou at denepensahan pa rin ako nito kahit na alam nitong puro kasinungalingan lamang ang sinasabi nito kay ninang. "By the way, Sabrina. Since nandito na ang magiging kapalit mo kay Reema ay pansamantala ka munang magstay sa room ni mang Oming dahil you can't stay in the guest room dahil nand'yan ang pinsan kong si Ian. "
MGA BANDANG ALA UNA na kami bumiyahe. Kinailangan pa kasi namin na hintayin matapos kumain ni Roger dahil alas onse na ito nagising. Mabuti na lamang talaga na tinulungan ako ng magkapatid na magligpit ng mga gamit namin. Kaya natapos kaagad. Habang nasa byahe ay walang ibang ginawa si Roger kundi ang matulog. Hinayaan na lang namin ni Malou ito. Nagkuwentuhan din kami ni Malou. Kailangan ko siya kausapin dahil baka bigla na lamang itong antukin sa byahe. Pare-pareho pa naman kaming puyat. Nagbukas ako nang paksa. Nakiusap ako sa kaniya na h'wag sabihin kay ninang na magkasama kami ni Roger ng ilang araw. Basta kapag tinanong siya nito, sasabihin lamang niya na sinundo nila ako sa terminal ng bus. Hindi naman ito nagtanong pa kung bakit, kaagad itong sumang-ayon sa pinakiusap ko rito. Tinanong ko rin ito tungkol sa sunog. Medyo may pag-alinlangan pa itong ngumiti sa akin bago nagsalita."Inggit ang dahilan sa sunog noon. At ang iginigiit ng nahuling salarin na si kuya Ben ang may