“Sa totoo lang, ayaw ni Hansel ang trabaho ko. Gusto niya sana akong maging tanyag na Architect.”“Graphic designing was an awesome job, Alli, why would he do that to you?” magiliw nitong turan, ikinulong ang kanyang mukha sa mga kamay nito. “I mean, for me, Graphic Designers are the coolest person on earth next to Astronauts, of course.”“Well... not for my ex. Hansel was very... controlling. He’s an authoritarian type of guy. Four years akong naging sunod-sunuran sa mga gusto niya. Pero isa lamang ang hindi ko sinunod, ang pagiging manguguhit ng isang libro. After we broke up, I admit umiyak ako. Nasaktan. I feel like my whole world shattered. But then after that, doon ko na naintindihan ang mga advice nila Janina.”“Alam kong kaunti lang ang naging kaibigan mo,” Mabining hinagod ng binata ang kanyang pisngi at marahang inagat ang kanyang baba. “Pero binigay naman sa ‘yo ni Lord ang napakatapat at totoo. Treasure them, Alli. Because there gold.”“Yes, they are. And I will.” Napatang
DAHAN-DAHANG binuksan ni Allison ang zipper ng tent at patumyad-tumyad na lumabas nang sandaling hindi pa nakabalik si Janina sa pinuntahan. Nasa loob ng tent ang kambal nitong si Juanico na abala ngayon sa paglalaro ng ML kaya naman kinuha niya na iyong tiyempo para tumakas sa dalawa.Isang oras na lamang at matatapos na ang camping nila sa Camp Jallis at hindi niya alam ang rason kung bakit kailangan niya ito puntahan. Hindi niya rin mawari ang sarili kung bakit ganoon na lang niya ba itong na-miss para takasan ang malalapit na kaibigan. Damn, Jacob really got her under his skin.Ngiting tagumpay na naikuyom ni Allison ang kamay nang magtagumpay sa planong paglabas sa tent ng kambal.Thank you, Lord! Sa wakas at mapupuntahan ko na si Jacob...“Allison...” pasitang sambit ni Janina na ikinabigla niya ng bahagya.Agad na napamewang si Allison at nagkunwaring may hinahanap sa lupa. “Asan na ba ‘yong earings ko? Alam ko nahulog ‘yon banda dito, eh. Nako! Unisilver pa naman ‘yon.” pasari
TULALANG napatitig si Allison sa kisame at inalala ang pangyayari. She was left dumbfounded after the offer. Hindi niya alam kung anong isasagot sa sandaling iyon. Parang bang nagtagisan bigla ang kanyang puso at isip dahilan para magsalabid ang kanyang dila at hindi makasagot sa tanong ng dating kasintahan. She like Jacob, yes. Pero nang marinig niya ang mga katagang pinakakaasam ng apat na taon ay para siyang pinapipili ng tadahana kung ano ang gusto niya, sa masayang piling ba ni Jacob o sa pinakakapangarap na maikasal kay Hansel.Naiinis na napabuga siya ng hangin at tinungo ang balkonahe para magpahangin at para na rin makapag-isip. Hindi pa rin tumitila ang ulan na biglaan na lamang pumatak kanina. Kalgitnaan ng pagbaanag sa madilim na mga ulap ay napalinga-linga si Allison nang marinig ang pagtugtog na gitara."Beauty queen of only eighteen she, had some trouble with herself, He was always there to help her, she, Always belonged to someone else,"Napalingon siya sa kaliwa't kun
NAPAPITLAG si Allison nang maramdaman ang pagtapik ng kung sino sa kanyang balikat. Kinakabahang nilingon niya ito at pilit na napangiti ng matamis nang makita si Jacob sa likuran niya.“May problema ba, Alli? May nagawa ba akong mali?” nagsusumamo nitong wika.“Huh?” naguguluhan niyang turan. “Ano ba’ng pinagsasabi mo?”“Dalawang oras mo na akong hindi pinapansin... For pete’s sake, Alli! Ano na naman ba ang ginawa ko na ikinagalit mo?”“Wala... wala, Jeykie, wala...” Sinapo niya ang nakabusangot nitong mukha at marahang hinagod ang pisngi upang pakalmahin ito. “Wala kang ginawang masama, okay? It’s... me.”“What do you mean it’s you? Does that mean you don’t like me anymore? Is that it? Kaya mo ba ako iniiwasan?” nanghahamon nitong usisa. “Answer me! Wala na ba talaga akong pag-asa dahil sa Hansel na ‘yon? Bakit... siya na ba ang papakasalan mo?”“Pakasal agad?” pahapyaw niyang biro. “Alam mo ang napaka-overthinker mo!”“Ganito ako sa taong mah—”“Alam ko... alam ko, Jeykie... I’m s
Biglang lumamlam ang tingin niya dito at nilapitan ito na tila ba pigil-pigil ang luha. “It must have been hard for you. Studying and eating alone.”Yumuko ito at pilit na ngumiti sa kanya. “Masasabi ko ngang gano’n, pero okay lang naman. Nasanay na naman ako. I mean look at me now, because of that I became a trial attorney.”“And I’m beyond proud for that.”“Kung gusto mo ng kumain, mag pa deliver na lang tayo.”“No... ipagluluto na lang kita.” mabining hinagod niya ang buhok nito.Lumalim ang gatla sa noo nito bagaman nakita niya rin ang pagkislap ng matinding kagusutuhan sa mga mata nito. “Ipagluluto mo ako?”Natatawang napatango-tango siya sa reaksyon nito. “Oo. Bakit naman hindi? Anong gusto mo? Adobo? Sinigang o Tinola?”“Tinola, please...” diretsahang sagot nito.“Okay then,” Pinalagutok niya ang kamay na tinutungo ang kusina. “Tinola would be our dinner for tonight.”Sakto sa pangdalawa tao lang ang niluto niya. Kaunting bawang at sibuyas, luya at sayote ang nilagay niyang rek
TUTOK na tutok si Allison sa binatang napakahimbing ang tulog sa kanyang tabi. Pasado alas-sais ang nasipat niya sa orasan na nasa bed side table. Alas-otso ng umaga gaganapin ang closing parade at mamayang alas-siete naman ng gabi ang cotillion dance.Napaismid siya bago hinagod-hagod ang bahagyang nagulong buhok ng binata. “I love you, Jeykie. But I think this is our goodbye...”Dinampot niya ang mga damit at tinungo ang kusina matapos makapagbihis. Napagpasiyahan niya munang ipagluto ito ng egg sandwich para naman may makain ito bago ito tuluyan ng iwan sa unit.Pinipigilan na hindi mapaluhang nilagay ni Allison ang pagkain at lemon juice na inihanda sa bed side table bago ito inismiran. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyan ng pinalis ang mga luha na sandaling tumulo.Dinampot na ni Allison ang backpack at dahan-dahan ng sinarado ang pinto ng binata.Walang ganang binuksan ni Allison ang kanyang unit at nakita doon ang lalaking balisang nakabanaag sa terrace. Nang marinig nito
Napakurap-kurap siya ng sunod upang mapogilan ang pangingilid ng kanyang luha bago pa huminga ng malalim. Pinigilan niyang tumulo ang luha na nagsimula nang nangilid sa kanyang mga mata.“Face me, Alli. Answer me. Wala na ba talaga akong chance?”Napapikit siya nang marinig ang pagbakas ng kalungkutan sa tinig nito. Tuluyan ng tumulo ang mga luha niyang pinakapipigilan. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Halikan ng masuyo sa labi para maalis ang paninibugho nito. Ngunit masyado na ata siyang desperado kapag ginawa niya pa iyon.“Pampalipas oras mo lang ba talaga ako? Panakip butas?” Sumigok ito at nagsimula ng lumalim ang paghinga. “Sagutin mo ‘ko, Allison. Huwag mo namang gawin sa ‘kin to.”Hinawi niya ang luha at kaswal na humarap dito. “You already know the answer of that, Jacob.”“Alam ko ba talaga? Kasi ako... mahal kita, eh. At akala ko mahal mo rin ako.”Sandali siyang natigilan sa sinabi nito at napapikit na lamang sa pagbiyak na kanyang puso. Pinigilan niya ang mga luhang
NATIGILAN si Allison sa pagtigil ng tugtog sa bulwagan. Lahat ng tao nakatingin sa kanya sa entablado tila hindi makapaniwalang napangaga na lamang sa ginawa niya, kasama na doon ang kambal at si Laurence. Ang mga kalalakihan naman na kaibigan ni Jacob ay nakangisi at nanunudyo lang sa kanyang gawi.Gusto niya mang tumiklop na parang makahiya sa kinatatayuan ay hindi niya muna iyon gagawin kapag hindi pa natatagpuan ang binata. If the whole worlds critique is gonna be the exchange of Jacob’s love then she would gladly do it.Luminga-linga si Allison at patuloy itong hinanap.“I’m sorry for not fighting for your love. But I did now, Jacob. Please...” Nagsimula na siyang sumigok ngunit patuloy pa rin sa paglinga. “Please tell me you’re still here. If you’re hearing this please come to me—”“I don’t mind spendin’ everyday, out on your corner in the pouring rain...”Napatingin siya sa gitna ng bulwagan nang maulinigan ang malamyos nitong boses. Hawak ngayon ni Jacob ang mikropono at nakan