NAPAPITLAG si Allison nang maramdaman ang pagtapik ng kung sino sa kanyang balikat. Kinakabahang nilingon niya ito at pilit na napangiti ng matamis nang makita si Jacob sa likuran niya.“May problema ba, Alli? May nagawa ba akong mali?” nagsusumamo nitong wika.“Huh?” naguguluhan niyang turan. “Ano ba’ng pinagsasabi mo?”“Dalawang oras mo na akong hindi pinapansin... For pete’s sake, Alli! Ano na naman ba ang ginawa ko na ikinagalit mo?”“Wala... wala, Jeykie, wala...” Sinapo niya ang nakabusangot nitong mukha at marahang hinagod ang pisngi upang pakalmahin ito. “Wala kang ginawang masama, okay? It’s... me.”“What do you mean it’s you? Does that mean you don’t like me anymore? Is that it? Kaya mo ba ako iniiwasan?” nanghahamon nitong usisa. “Answer me! Wala na ba talaga akong pag-asa dahil sa Hansel na ‘yon? Bakit... siya na ba ang papakasalan mo?”“Pakasal agad?” pahapyaw niyang biro. “Alam mo ang napaka-overthinker mo!”“Ganito ako sa taong mah—”“Alam ko... alam ko, Jeykie... I’m s
Biglang lumamlam ang tingin niya dito at nilapitan ito na tila ba pigil-pigil ang luha. “It must have been hard for you. Studying and eating alone.”Yumuko ito at pilit na ngumiti sa kanya. “Masasabi ko ngang gano’n, pero okay lang naman. Nasanay na naman ako. I mean look at me now, because of that I became a trial attorney.”“And I’m beyond proud for that.”“Kung gusto mo ng kumain, mag pa deliver na lang tayo.”“No... ipagluluto na lang kita.” mabining hinagod niya ang buhok nito.Lumalim ang gatla sa noo nito bagaman nakita niya rin ang pagkislap ng matinding kagusutuhan sa mga mata nito. “Ipagluluto mo ako?”Natatawang napatango-tango siya sa reaksyon nito. “Oo. Bakit naman hindi? Anong gusto mo? Adobo? Sinigang o Tinola?”“Tinola, please...” diretsahang sagot nito.“Okay then,” Pinalagutok niya ang kamay na tinutungo ang kusina. “Tinola would be our dinner for tonight.”Sakto sa pangdalawa tao lang ang niluto niya. Kaunting bawang at sibuyas, luya at sayote ang nilagay niyang rek
TUTOK na tutok si Allison sa binatang napakahimbing ang tulog sa kanyang tabi. Pasado alas-sais ang nasipat niya sa orasan na nasa bed side table. Alas-otso ng umaga gaganapin ang closing parade at mamayang alas-siete naman ng gabi ang cotillion dance.Napaismid siya bago hinagod-hagod ang bahagyang nagulong buhok ng binata. “I love you, Jeykie. But I think this is our goodbye...”Dinampot niya ang mga damit at tinungo ang kusina matapos makapagbihis. Napagpasiyahan niya munang ipagluto ito ng egg sandwich para naman may makain ito bago ito tuluyan ng iwan sa unit.Pinipigilan na hindi mapaluhang nilagay ni Allison ang pagkain at lemon juice na inihanda sa bed side table bago ito inismiran. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyan ng pinalis ang mga luha na sandaling tumulo.Dinampot na ni Allison ang backpack at dahan-dahan ng sinarado ang pinto ng binata.Walang ganang binuksan ni Allison ang kanyang unit at nakita doon ang lalaking balisang nakabanaag sa terrace. Nang marinig nito
Napakurap-kurap siya ng sunod upang mapogilan ang pangingilid ng kanyang luha bago pa huminga ng malalim. Pinigilan niyang tumulo ang luha na nagsimula nang nangilid sa kanyang mga mata.“Face me, Alli. Answer me. Wala na ba talaga akong chance?”Napapikit siya nang marinig ang pagbakas ng kalungkutan sa tinig nito. Tuluyan ng tumulo ang mga luha niyang pinakapipigilan. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Halikan ng masuyo sa labi para maalis ang paninibugho nito. Ngunit masyado na ata siyang desperado kapag ginawa niya pa iyon.“Pampalipas oras mo lang ba talaga ako? Panakip butas?” Sumigok ito at nagsimula ng lumalim ang paghinga. “Sagutin mo ‘ko, Allison. Huwag mo namang gawin sa ‘kin to.”Hinawi niya ang luha at kaswal na humarap dito. “You already know the answer of that, Jacob.”“Alam ko ba talaga? Kasi ako... mahal kita, eh. At akala ko mahal mo rin ako.”Sandali siyang natigilan sa sinabi nito at napapikit na lamang sa pagbiyak na kanyang puso. Pinigilan niya ang mga luhang
NATIGILAN si Allison sa pagtigil ng tugtog sa bulwagan. Lahat ng tao nakatingin sa kanya sa entablado tila hindi makapaniwalang napangaga na lamang sa ginawa niya, kasama na doon ang kambal at si Laurence. Ang mga kalalakihan naman na kaibigan ni Jacob ay nakangisi at nanunudyo lang sa kanyang gawi.Gusto niya mang tumiklop na parang makahiya sa kinatatayuan ay hindi niya muna iyon gagawin kapag hindi pa natatagpuan ang binata. If the whole worlds critique is gonna be the exchange of Jacob’s love then she would gladly do it.Luminga-linga si Allison at patuloy itong hinanap.“I’m sorry for not fighting for your love. But I did now, Jacob. Please...” Nagsimula na siyang sumigok ngunit patuloy pa rin sa paglinga. “Please tell me you’re still here. If you’re hearing this please come to me—”“I don’t mind spendin’ everyday, out on your corner in the pouring rain...”Napatingin siya sa gitna ng bulwagan nang maulinigan ang malamyos nitong boses. Hawak ngayon ni Jacob ang mikropono at nakan
Napabuntong-hininga siya at napaismid nang napabungisngis ito sa kinauupuan. Disappointed. That’s the right term she felt right now. Well, hindi niya rin naman masisi ang sarili na natulugan niya ito kagabi. They reached four rounds last night, non-stop, with one last amazing squirt. Kaya ganoon na lamang siya napagod at deretso na nakatulog.Mas lalong tumulis ang mga nguso ni Allison nang lapitan siya nito matapos isalansa ang mga pinagkainan.“You okay?”“I hate you...” sagot niya dito.“I hate you, too.”“What?!” nagtatampong angil niya dito. “I thought you love me?”Ngumiti ito at pinatayo siya. Hinila siya nito sa balkonahe at sabay silang bumanaag sa Mayon na natatakpan pa rin ng ulap ang tuktok.“I love you, Allison, always remember that,” bulong nito at mas humigpit pa ang yakap sa kanya.“Well, I hate you now...” pabiro niyang tugon dito.“I don’t care. I’ll still love you...”Hinarap niya ito at nginitian ng nakakaloko. “Joke lang, siyempre mahal pa rin kita. At mas mamahal
NAGPANGALUMBABA si Allison sa hapag kainan at binalewala ang mausisang titig ng kambal. Abala ang dalawa sa pagkain ngunit tutok na tutok ang mga mata nito sa kanyang direksyon. Nakakairita pero hinayaan niya na lamang ang dalawa. Nakita niya pa nga ang nag sikuhan ang dalawa kaya napatirik ang mata niya sa sobrang iritasyon.“Alam mo, mems. Walang five-hundred na malaglag diyan sa harap mo.” biro ni Juanico.Tinignan niya lamang ito ng masama at inismiran pagkatapos bilang pagbalewala sa tudyo.Peke itong tumawa at pahapyaw na tumikhim-tikhim. “Sabi ko nga tatahimik na lang ako, eh.”Patuloy na tinusok-tusok niya na lamang ang pagkain at nanahimik. Simula nang iwanan niya si Jacob ng walang paalam sa Bicol ay nawalan siya ng gana sa mga bagay-bagay. Kahit animo pagkain na palaging kinagagalakan niya gawin noon ay panandalian niyang nakalimutan.“No! Hindi puwedeng ganito ka na lang palagi,” biglang turan ni Janina na nagpaangat sa kanyang mga kilay. “Mems, it’s been two months since
Nginitian niya ito at ang kadadating na kapatid. “Kakababa ko lang po. Magpapahangin lang po sana ako, ma.”“No, it’s already late. Go back to your room.” utos ni Allisa na agad naman niyang sinunod. “You need to sleep and take care of your body. You’re losing weight.”Napatango na lamang siya dito. Tahimik na tinahak niya ang kwarto at napatunganga nang maupo sa kama. Hindi siya agad nakatulog sa kakaisip na posibleng rason na diskusyon at mas lalo lamang sumakit ang kanyang ulo. Maraming tumakbong hinala sa utak niya pero isa lang ang alam niyang sigurado. Her step-sister, Allisa, was lying.Kinaumagahan, sabay-sabay silang kumain ng agahan. Pinilit niyang ngumiti sa mga ito kahit na puno na ng pag-agam-agam ang nararamdaman niya sa mga taong kaharap. Naunang tumayo si Allisa at nagpaalam sa kanila. Nagmano ito sa mga magulang at napangiti siya ng halikan siya nito sa pisngi.“That’s it. Smile, Allison.” magiliw nitong pinisil ang kanyang pisngi kaya bahagyang napabungisngis siya di