Share

Kabanata 12 : Part 2

Napakurap-kurap siya ng sunod upang mapogilan ang pangingilid ng kanyang luha bago pa huminga ng malalim. Pinigilan niyang tumulo ang luha na nagsimula nang nangilid sa kanyang mga mata.

“Face me, Alli. Answer me. Wala na ba talaga akong chance?”

Napapikit siya nang marinig ang pagbakas ng kalungkutan sa tinig nito. Tuluyan ng tumulo ang mga luha niyang pinakapipigilan. Gusto niya itong yakapin ng mahigpit. Halikan ng masuyo sa labi para maalis ang paninibugho nito. Ngunit masyado na ata siyang desperado kapag ginawa niya pa iyon.

“Pampalipas oras mo lang ba talaga ako? Panakip butas?” Sumigok ito at nagsimula ng lumalim ang paghinga. “Sagutin mo ‘ko, Allison. Huwag mo namang gawin sa ‘kin to.”

Hinawi niya ang luha at kaswal na humarap dito. “You already know the answer of that, Jacob.”

“Alam ko ba talaga? Kasi ako... mahal kita, eh. At akala ko mahal mo rin ako.”

Sandali siyang natigilan sa sinabi nito at napapikit na lamang sa pagbiyak na kanyang puso. Pinigilan niya ang mga luhang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status