Share

Kabanata 12 : Part 1

TUTOK na tutok si Allison sa binatang napakahimbing ang tulog sa kanyang tabi. Pasado alas-sais ang nasipat niya sa orasan na nasa bed side table. Alas-otso ng umaga gaganapin ang closing parade at mamayang alas-siete naman ng gabi ang cotillion dance.

Napaismid siya bago hinagod-hagod ang bahagyang nagulong buhok ng binata. “I love you, Jeykie. But I think this is our goodbye...”

Dinampot niya ang mga damit at tinungo ang kusina matapos makapagbihis. Napagpasiyahan niya munang ipagluto ito ng egg sandwich para naman may makain ito bago ito tuluyan ng iwan sa unit.

Pinipigilan na hindi mapaluhang nilagay ni Allison ang pagkain at lemon juice na inihanda sa bed side table bago ito inismiran. Hinalikan niya ito sa pisngi bago tuluyan ng pinalis ang mga luha na sandaling tumulo.

Dinampot na ni Allison ang backpack at dahan-dahan ng sinarado ang pinto ng binata.

Walang ganang binuksan ni Allison ang kanyang unit at nakita doon ang lalaking balisang nakabanaag sa terrace. Nang marinig nito
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status