Share

Kabanata 6 : Part 2 (M)

“Ang dami mong sinabi,” nakangiting wika nito. “Gusto ko lang naman sabihin na nasa kanan ang rage room at hindi sa kaliwa.”

“Oh,” Sandali siyang natameme, napako sa kinatatayuan. “Sa k-kanan ba? Bakit naman hindi mo sinabi agad?”

“Jesus! You react so repulsive. Nakakatakot ka pa lang magalit, ano? Kulang na lang pugutan mo ako ng ulo, eh,” natatawang asiwa nito. “Well... alam ko namang nakakatakot ka naman talagang magalit noon pa pero ganito ka pala ka-cute?”

“Anong cute?! Puta! Ano ako si Peppa Pig?” Inirapan niya ito at bahagya niyang binungo nang malagpasan. “Tara na nga! Ang dami mo pang sinasabi.”

“Wait...” pahabol na tawag nito.

“Ano na naman ba ‘yon?!”

Marahas na hinablot nito ang kanyang pulso at pabigla siyang ipinilya sa pinto. “Bakit ba ang init ng ulo mo, ha? Gusto mo bang mag palamig muna tayo?”

Sinalubong niya ang mga mata nitong puno ng pagnanasa at parang siyang napakatigas na ice cream na natutunaw na ngayon sa titig nito. Minuto lamang ay sobrang init ang ulo niya
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status