Chapter 1
Cassie's PovNAKAPIKIT pa na kinapa ko ang tumutunog kong cellphone. Kahit hindi ko tingnan ang screen niyon ay alam ko na kung sino ang tumatawag dahil naka-personalize ang ringing tone na iyon para kay Jason, ang aking nobyo. He was my first boyfriend, first love, and best friend and had been my boyfriend since high school."Hmm..?" namamaos na sagot ko nang sagutin ko ang tawag nito. Nakapikit pa ring kinuha ko ang unan sa paanan ko at saka niyakap."Cassie..."Bigla akong napamulat nang marinig ko ang tila namamalat nitong boses. Tila nawala ang antok na nararamdaman ko, bumangon ako habang hindi inaalis ang cellphone sa aking tainga. Umayos ako ng upo at saka sumandal sa headboard ng kama."Hello, babe?" sabi ko."Cassie..." Hindi maipagkakaila na umiiyak ang aking nobyo, kakaiba kasi ang boses nito.Sumulyap ako sa side table ko para tingnan ang orasan at nakita kong alas dos pa lang ng madaling araw. Bigla akong kinabahan dahil bakit tatawag sa akin nang ganitong oras si Jason. Ngayon lamang kasi nangyari ito."Babe, what happened? Are you crying?" tanong ko kahit sigurado akong umiiyak ito. "Babe, anong problema?" ulit ko."I... I'm sorry.. I'm sorry, Cassie!" garalgal na sabi nito sa kabilang linya.Napaayos ako ng upo dahil sa pagdaan ng kilabot sa buo kong katawan. Hinaplos ko ang aking braso habang pigil-pigil ang paghinga. May pakiramdam akong hindi ko kayang marinig ang mga susunod nitong sasabihin sa akin."Babe, anong nangyari? Bakit ka umiiyak, lasing ka ba? May nakaaway ka ba? May napanaginipan ka bang masama?" sunod-sunod kong tanong ngunit tanging hikbi lang ang narinig ko mula rito."Jason, bakit?""Babe, mahal kita. Alam mong mahal kita, hindi ba?""Yes, of course I know that and I love you more, babe. Please, tell me what is going on.""I'm sorry! I'm sorry!""Jason, bakit ka nagso-sorry sa akin? Please, ano bang nangyayari diyan? It's past two o'clock in the morning!""I'm sorry! I'm so sorry!""Jason, puwede ba?! Bakit ka ba sorry nang sorry?" naiinis na ako dahil abot-abot na ang kabog ng dibdib ko. "Alam kong lasing ka kaya puwede ba matulog ka na lang muna. Bukas--, mamaya na lang tayo mag-usap--""No! Please don't hang up, Cassie..." Sumisinghot na sabi nito. "I'm sorry, Cassie.. I'm sorry.." anito at saka humagulhol ng iyak."Bakit nga?!" Hindi ko na napigilan ang sumigaw. "Puro ka na lang sorry! Sorry, sorry! Paano ko maiintindihan kung puro sorry ang sasabihin mo?!""Cassie...m-may n-nabuntis ako.. I'm sorry! I'm sorry!"Hindi agad ako nakapag-react. Nakatitig lang ako sa kisame ng apartment ko. Pakiramdam ko biglang nanlaki ang ulo ko nang sa wakas ay maproseso sa utak ko ang sinabi nito.Napailing-iling ako habang tumatawa, humalakhak na parang baliw. "Jason, is it a prank? Y-Yeah, prank mo lang 'to sa akin, hindi ba?" tanong ko habang nanginginig ang boses."C-Cassie...""Babe, prank lang 'to, hindi ba? Sabihin mo nang it's a prank, please..""I'm sorry--, hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang magkaingay sa kinaroroonan nito. "Please give me my phone! I'm talking to my girlfriend, Mia!" Rinig kong sigaw nito sa kabilang linya."No! You are not allowed to talk her, Jason!" Narinig kong sabi ng isang boses babae. May narinig pa akong kalabog kaya't lalo akong kinabahan.Ang daming tanong sa utak ko. Bakit may babaeng kasama si Jason? Bakit hindi siya puwedeng makipag-usap sa akin? Piping usal ko sa aking sarili."Mia! Give me my phone!" sigaw ni Jason."No!" sigaw ng babae. "Like what I've said, you are not allowed to talk to her, Jason!""And who the hell are you to tell me who I'm supposed to talk to?""Who am I ? Well, I'm your future wife and the mother of your unborn child!""I'm not going to marry you!""You have to or else I'm going to kill myself--""I don't f-ucking care, Mia! I won't marry--" Malakas na lagapak ang narinig ko na tila naging dahilan ng pananahimik ni Jason.Hindi ko na rin narinig ang sumunod na sinabi ni Jason nang malakas na tunog ang narinig ko mula sa kabilang linya at nawala ang connection ko sa cellphone nito.Ilang sandali pa akong nakatulala lamang hanggang sa namalayan ko na lamang na umiiyak na pala ako. Hinayaan kong maglandas ang mga luha ko sa aking pisngi. Masakit. Walang kasing sakit na dito matatapos ang walong taong relasyon namin ni Jason.Anong nangyari? Bakit nagawa sa akin ito ni Jason? Napatanong na lamang ako sa sarili ko habang walang patid sa pagluha.Dumapa ako sa kama at saka sumubsob sa unan. Doon ay hinayaan kong mabasa ang unan dahil sa mga luha ko. Ang mahina kong pag-iyak ay nauwi sa malakas na hagulhol nang bumalik sa isip ko ang sinabi ni Jason. Na nakabuntis ito ng iba._____Hindi na ako nakatulog, wala akong ginawa hanggang sa mag-umaga kun'di ang umiyak nang umiyak lang. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ko kayang isipin na tapos na ang walong taon na relasyon namin ni Jason. Sa kaniya umikot ang buhay ko kaya paano ako magsisimula ngayong may iba na siya.May trabaho ako ng araw na iyon pero wala akong ganang magtrabaho. Hindi ko magawang kumilos maski ang bumangon man lang.Titig na titig ako sa cellphone ko dahil nagbabakasakali akong muling tatawag si Jason para sabihing prank lang ang lahat ng iyon. Ngunit magtatanghali na bigo pa rin akong makausap ito. Nang hindi na ako nakatiis ako na mismo ang tumawag dito dahil kailangan naming mag-usap.Nakailang dial na ako sa kaniya pero hindi ko na ma-contact ang numero nito. Nang makaramdam ng ihiin ay nagmamadali akong bumangon at pumasok sa banyo. Hindi pa man ako tapos umihi nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Nagmamadali akong nagtaas ng short at patakbong bumalik sa kama ko.Nanlumo ako nang makitang hindi pala si Jason ang caller kun'di ang kaibigan kong si Shiela. Nasa Pilipinas ito at nagtatrabaho bilang isang computer programmer habang ako naman ay narito sa Taiwan at nagtatrabaho bilang isang Agricultural Specialist."Shie.." bungad ko nang sagutin ang tawag nito."Cassie, kumusta ka na--""H-Hindi ako okay, Shie...I'm not okay, pakiramdam ko mababaliw ako rito.." Matapos kong sabihin iyon ay muling naglandas ang mga luha ko.Kinuha ko ang kumot at iyon ang ginawa kong pamunas sa mukha ko."Cassie...""Ang sakit. Ang sakit-sakit, hindi ko alam kung saan ako nagkulang. Gusto kong maintindihan kung bakit niya ako niloko, Shie. Hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula pagkatapos nito. Shie, sabihin mo sa akin kung paano ko siya makakalimutan---mahal na mahal ko siya eh. Sa kaniya umikot ang buhay ko, ang walong taon ng buhay ko. Tell me how..because I really don't know how!" humahagulhol na sabi ko sa kaibigan ko sa paos na tinig. "I love him so much. Mahal ko si Jason, Shie!""Cassie..." Bakas ang awa sa boses nito. "Kailangan mong lakasan ang loob mo.""Hindi ko kaya, pakiramdam ko iniwan niya akong may tali sa leeg na unti-unting sumasakal sa akin. Shie, gusto ko siyang makita at makausap! Ayaw kong mauwi sa wala ang lahat.""Pero may pananagutan na siya sa iba, Cassie.""Paano ako? Gano'n na lang iyon?" hikbing sabi ko.Narinig ko ang pagpakawala nito ng buntong-hininga. "Kung sa tingin mo hindi mo kayang mag-isa, umuwi ka muna rito. Kung ang makausap siya ang makapagpapagaan ng loob mo, kausapin mo siya. Pero gusto kong palagi mong iisipin na may pananagutan na siya sa iba."Sinikap kong kalmahin ang sarili ko. Pero tila lalo lang sumakit ang lalamunan at dibdib ko. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko na naman napigilan ang paghagulhol ko. Narinig ko pa ang mga payo ni Shiela sa kabilang linya ngunit wala akong maintindihan. Tanging hikbi na lamang ang nagawa ko habang nakikinig dito.Masakit. Sobrang sakit. Eight long years of relationship, matatapos dahil nakabuntis ng iba?Chapter 2Cassie's PovSA LOOB ng tatlong araw simula nang malaman ko ang pagtataksil si Jason, nawala ako sa focus. Nawalan ako ng gana sa lahat kaya't isang desisyon ang ginawa ko. Nagpaalam ako sa Boss ko kanina na uuwi muna ng Pilipinas dahil hindi ako matatahimik na ganito ang nangyari sa amin ni Jason. Mahal ko siya at mas'yadong malalim iyon para hayaan ko siyang mawala nang gano'n-gano'n na lang.Habang nag-iimpake ay hindi ko alam kung anong klaseng pakiramdam ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil uuwi ako ng Pilipinas pero hindi, napakabigat ng dibdib ko. Ni walang katiting na saya at tuwa sa puso ko ngayon. Muling naglandas ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob. Habang nag-iimpake ay panay ang iyak ko. Hindi na maubos-ubos ang luha ko mula pa noong gabing tumawag si Jason.Nang dumating ang alas onse ng umaga ay umalis na ako sa apartment kung saan ako nakatira. Bitbit ang mga maleta ay sumakay ako ng taxi papunta sa airport. Isang oras lang ang ginugol ko at nakar
Chapter 3Cassie's PovTATLONG araw mula nang makabalik ako ng Pilipinas, tatlong araw ko na ring sinusubukan na makausap si Jason para linawin ang nangyari sa amin pero walang nangyari. Paulit-ulit akong nabibigo dahil hinaharang ako ng babaeng nabuntis nito. At ngayon nga, pakiramdam ko palubog nang palubog ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa nobyo kong si Jason habang ikinakasal sa ibang babae. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig sa palitan nila ng vow sa isa't-isa.Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang ikinakasal sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin siya nangako na ako ang pakakasalan niya pero bakit sa iba siya ikinakasal ngayon."Ako dapat iyan, Jason. Ako dapat ang pinapangakuan mo ng mga iyan at hindi ang babaeng iyan," sabi ko sa mahinang boses. Parang pinupunit ang puso ko habang nanunuod sa kanila. "And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."Ang mga salitang iyon ng Pari ang tila lalong nagpab
Tristan Seth POVHABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito. Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo. Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko. Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa p
Tristan Seth POVMATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo. Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi. Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta? Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano? Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-i
Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k
Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul