Chapter 3
Cassie's PovTATLONG araw mula nang makabalik ako ng Pilipinas, tatlong araw ko na ring sinusubukan na makausap si Jason para linawin ang nangyari sa amin pero walang nangyari. Paulit-ulit akong nabibigo dahil hinaharang ako ng babaeng nabuntis nito.At ngayon nga, pakiramdam ko palubog nang palubog ang mga paa ko sa kinatatayuan ko habang nakatanaw sa nobyo kong si Jason habang ikinakasal sa ibang babae. Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko habang nakikinig sa palitan nila ng vow sa isa't-isa.Ang sakit. Ang sakit-sakit na makitang ikinakasal sa iba ang lalaking mahal na mahal ko. Sa akin siya nangako na ako ang pakakasalan niya pero bakit sa iba siya ikinakasal ngayon."Ako dapat iyan, Jason. Ako dapat ang pinapangakuan mo ng mga iyan at hindi ang babaeng iyan," sabi ko sa mahinang boses. Parang pinupunit ang puso ko habang nanunuod sa kanila."And now, I pronounce you husband and wife. You may now kiss your bride."Ang mga salitang iyon ng Pari ang tila lalong nagpabalong sa mga luha ko. Wala na. Wala na akong pag-asa dahil naikasal na siya sa iba. Ni hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap muna siya bago nagpatali sa iba. Ako ang girlfriend pero sa iba ikinasal. Ito na ba iyong sinasabi nilang ipinagtagpo pero hindi itinadhana? Kasi kung ito na iyon, masakit. Sobrang masakit na sa ganito nauwi ang walong taong relasyon namin ni Jason.Sabay-sabay naglaglagan ang mga luha ko nang halikan ni Jason ang bride nito.Hindi ko na kinaya kaya't masamang-masama ang loob na nilisan ko ang lugar na iyon, dumiretso ako sa isang bar para uminom. Gusto kong magpakalasing ngayon para kahit papaano makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko ito kaya, hindi madaling itapon ang walong taon ng buhay ko.Pagdating pa lang sa bar, umorder na agad ako ng maiinom ko. Habang umiinom sa isang sulok ay wala pa ring tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Ayaw ko ng umiyak pero tila may sariling isip ang mga luha ko na ayaw magpaawat.Nakailang shots na ako, nakakaramdam na rin ako ng pagkahilo pero wala akong pakialam. Ni wala akong pakialam sa paligid kong maingay, magulo, nagkakasiyahan, nagtatawanan, naghihiyawan. Lahat sila ay masayang-masaya habang ako ay durog na durog sa isang sulok.Nang maubos ang iniinom ko ay pagiwang-giwang akong naglakad papunta sa counter para muling humingi ng maiinom ko."Miss, kaya n'yo pa po ba?" concern na tanong ng bartender.Namumungay ang mga matang tiningnan ko ito. "Ano sha tingin mo, ha?" tanong ko."Miss, baka po hindi na kayo makauwi, lasing na lasing na po kayo eh," anang lalaking bartender."Bibigyan mo ako o magwawala ako rito?" pagbabanta ko. Lasing na ako at nagdu- doble na ang paningin ko pero gusto ko pang uminom. Hindi ko pa nakakalimutan ang kakaguhan ni Jason sa akin."Miss, baka--""Bibigyan mo ako o magwawala ako rito?" ulit ko. "Hindi mo ba nakikita na gushto ko pang mag-inom? May pera ako, magbabayad ako sha iyo." Nabubulol ko ng sabi."Miss--""Ashan na ang alak ko?" Naramdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ako nag-abalang lingunin kung sino iyon. "Akin na shabi eh.""Bigyan mo siya," anang baritonong boses sa tabi ko.Nakita ko namang mabilis kumilos ang bartender at binigyan ako ng alak na hinihingi ko."Ayan, ibibigay mo rin pala pinaghintay mo pa ako," ngising sabi ko. Nakailang shots pa ako pagkatapos niyon. Ang lalaking nakaupo sa tabi ko ang nagbibigay niyon.At dahil gusto kong magwalwal ng mga oras na iyon, tinanggap ko lang nang tinanggap iyon. Nang may inabot sa akin ang lalaki ay mabilis ko iyong tinungga."Last na 'to, hindi ko na kaya," sabi ko pa matapos maubos ang laman ng baso.Balak ko na ring umuwi. Ngunit nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng kakaibang pagkahilo. Parang bigla akong inantok na hindi ko kayang paglabanan ang pagpikit ng mga mata ko."Inaantok na yata ako, sh*t!" Napamura pa ako nang muntik na akong masubsob, mabuti na lamang at may maagap na mga kamay ang humila sa beywang ko para hindi ako tuluyang humalik sa sahig."Careful," anang boses. Parang kaboses nito ang lalaking katabi ko kanina."Thanks," sabi ko."Kaya mo bang lumakad?" tanong nito."I do." Iwinaksi ko ang kamay nitong nasa beywang ko pa rin. "Let me go!" napalakas na ang boses ko nang maramdaman kong pinisil nito ang beywang ko."Huwag ka ng pumalag, Miss. Tutulungan kitang makalimutan ang lalaking dahilan ng paglalasing mo," anas nito sa may punong-tainga ko.Nangilabot ako dahil doon. Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na takot."No! Bitawan mo ako!" Pinilit kong makawala sa pagkakahawak nito."You're mine.""No! Walang hiya ka, may balak kang masama sa akin kaya pinainom mo ako nang pinainom, ano? Walang hiya ka!" Tila nawala ang kalasingan ko dahil do'n. Lalo na nang maaninag ko ang malahayok nitong mukha."Walang hiya ka!""Huwag ka ng pumalag, dadalhin kita sa langit, mahal ko..""No! Pumunta kang mag-isa!" Ginamit ko ang buong puwersa ko para makawala rito ngunit gigil na binitnit ako nito na tila sako ng bigas."No!" Nagkakawag ako para makawala rito ngunit mas malakas ito. Idagdag pang unti-unti ng sumasara ang talukap ng mga mata ko.Lord, please, huwag Mo po akong pababayaang mapahamak sa kamay ng lalaking ito. Piping usal ko kasabay nang pagtulo ng mga luha ko.____________Tristan Seth PovMATAPOS ang kasal ng pamangkin kong si Grace, pumunta ako ng bar para uminom. Kanina pa ako rito, matapos ang sandaling speech sa reception ng kasal nila ay umalis din ako. Mahal ko kasi ang pamangkin ko at hindi ko matanggap na nagpakasal ito sa isang lalaking hindi ito mahal. Alam kong napilitan lamang itong pakasalan ang pamangkin ko at iyon ang hindi ko matanggap.Nang makabalik ako galing Taiwan, sa hospital ako dumiretso dahil nalaman kong nagtangkang magpakamatay ang pamangkin ko. Buntis pala ito at ayaw panagutan ng lalaking nakabuntis dito. Natuloy lang silang ikasal kanina dahil tinakot ko ang lalaking iyon na may kalalagyan siya sa oras na takasan ang pamangkin ko.Hindi ko kayang mawala ang nag-iisang pamilya ko. Kaya labag man sa loob ko ay ipinakasal ko silang dalawa.Tiim-bagang na napabuga ako ng hangin upang ikalma ang sarili ko. Sunod-sunod kong nilagok ang laman ng baso ko. Mag-isa lang ako ngayon dahil may sariling problema si Xander at Zeus.Nang medyo napaparami na ang inom ko ay nagdesisyon akong umuwi na sa unit ko. May bahay ako kasama ang pamangkin ko pero hindi ko kayang umuwi do'n dahil alam kong naroon ang lalaking asawa na ngayon ng pamangkin ko.Palabas na sana ako ng Bar na iyon nang may mahagip ang mga mata ko. May isang lalaking pilit binubuhat ang babaeng nagwawala.Napakunot ang noo ko nang makita kong pisilin nito ang beywang ng babae. Sa hinuha ko ay lasing na lasing ang babaeng iyon.Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin, basta natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasunod sa mga ito. Pinagmasdan ko silang mabuti at gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong tila nagpupumiglas ang babae.Hindi ko maintindihan pero pakiramdam ko may mali sa dalawang iyon. Kung magnobyo sila, bakit tila nagnanais makawala iyong babae. Ilang sandali ko pa silang pinagmasdan bago nagdesisyon na umalis na lamang sa lugar na iyon.Pasakay na ako sa kotse ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ng babae."Walang hiya ka pakawalan mo ako!""Huwag ka ng pumalag, dadalhin kita sa langit, mahal ko..""Bitawan mo ako, walang hiya ka!" Muli ko silang pinagmasdan hanggang sa makita kong lumaylay ang ulo ng babae. Mukhang nakatulog na ito sa kalasingan.Nang makita kong mala-demonyong ngumisi ang lalaking may karga sa babae ay hindi na ako nag-isip, patakbo akong lumapit sa mga ito at mabilis na hinila ang babae."Damn! Who the hell are you?!" galit na sigaw nito sa akin."Anong gagawin mo sa babaeng iyan, ha? Gagahasa*n mo?" tanong ko."Huwag kang makialam! This woman is mine!""Mine? In your dreams!" Buong puwersa kong hinila ang babaeng walang malay mula sa mga bisig nito. "Let her go or else I will sue you!""I'm not threatened! She's mine and find yours!" galit na wika nito at nakipaghilahan sa babaeng wala pa ring malay."I said, let her go! Son of the b*tch!"Nagpangbuno kami at hindi ako pumayag na hindi makuha mula sa kamay nito ang babae. Mukhang lasing na lasing ito at tiyak mapapahamak ito sa kamay ng lalaking ito."She's mine! You asshole!" Muling sigaw nito."Dream on!" Kasabay nang sigaw kong iyon ay nagtagumpay akong makuha ang babae sa kamay nito.Dahan-dahan ko muna itong ibinaba sa sahig bago nakipagbuno sa lalaking tila ayaw sumuko. Sinuntok ko ito sa mukha, sapol ang ilong nito. Nang akma itong babawi, muli kong pinadapo ang kamao ko sa mukha nito."Damn you!" galit na sigaw nito habang gumigiwang ang tayo."Leave! You bastard!" ganting sigaw ko at muli itong sinugod.Pinaulanan ko nang sunod-sunod na suntok ang mukha at sikmura nito dahilan para mapaupo ito sa sahig."Enough! Hindi na ako lalaban, sa'yo na ang babaeng iyan." Ngumingiwing sabi nito."Security! Security!" malakas na sabi ko.Patakbo naman itong umalis sa lugar na iyon at nagmamadaling sumakay sa sasakyan nito. Nang mawala ito sa paningin ko ay do'n pa lang ako tila nakahinga nang maluwag. Muli kong binalikan ang babaeng tulog na tulog pa rin.Dahan-dahan kong hinawi ang buhok nitong tumabing sa mukha nito. Gano'n na lang ang kabog ng dibdib ko nang mabistahan ko ang kabuuan ng mukha nito."Ikaw?" mahina kong anas.Hindi ako puwedeng magkamali, siya ang babaeng nakasakay ko sa eroplano. Ang babaeng walang ginawa sa buong biyahe mula Taiwan hanggang Pilipinas kun'di ang umiyak sa tabi ko."Ano bang problema mo at ginaganito mo ang sarili mo, ha?" Nakaramdam ako ng galit at inis dito. "Sobrang laki ba ng problema mo at hinahayaan mong mapahamak ka, ha?" tanong ko pa rito na akala mo naman ay naiintindihan ako.Minsan ko pang pinagmasdan ang maganda nitong mukha bago ibinaba ang dress nitong lumilis na sa may punong-hita nito."Kung hindi kita nakuha sa lalaking iyon, ano ang mangyayari sa'yo, ha?" Minsan pang nagtangis ang mga bagang ko bago ito binuhat at isinakay sa sasakyan ko.Inayos ko ang upo nito at saka ikinabit ang seatbelt. Ini-adjust ko rin ang upuan para makasandal ito. Matapos kong maayos ang puwesto nito, sumakay na rin ako. Nagdesisyon akong iuwi ito sa unit ko.Bahala na, ang mahalaga ligtas na siya.Ilang sandali pa, nasa harap na kami ng building kung saan naroon ang unit ko. Maingat ko itong binuhat, karga ko ito habang papasok sa building na iyon.Tumango pa sa akin ang security guard na naka-duty ng mga oras na iyon. Tinanguan ko rin naman ito at saka sumakay sa elevator. Nang makarating sa tapat ng unit ko ay pahirapan kong mabuksan ang pinto dahil may kabigatan ang babae.Napabuga ako ng hangin nang sa wakas ay mabuksan ko iyon. Isinara ko ang pinto gamit ang kaliwang paa ko. Dahan-dahan kong inihiga sa kama ang babaeng wala pa ring malay. Umupo muna ako sa may paanan nito dahil hiningal ako sa pagkarga rito."Damn!" Hindi ko napigilan ang mapalunok-laway nang aksidenteng malilis ang dress nito. Lumitaw ang mapuputi at makikinis nitong hita.Hindi naman ako Santo para hindi makaramdam ng init habang nakikita ang hita nito. At upang hindi magkasala,nagdesisyon akong tumayo na ngunit bigla itong bumangon.Bigla itong yumakap sa akin na ikinabigla ko at saka sumubsob sa dibdib ko. Natigilan ako nang marinig ko ang mahina nitong hikbi."Miss?" Tangka ko itong ilalayo sa katawan ko ngunit mas humigpit lalo ang yakap nito. Maging ang mahina nitong hikbi ay lumakas na rin."Miss!""I thought you said you love me? Why did you do this to me?" umiiyak na sabi nito."Miss..""Why?! Why did you do this to me?"Hindi naman ako nakakibo. Hinayaan ko itong umiyak sa dibdib ko. Maya maya pa ay kusang tumaas ang kamay ko para yakapin din ito. Hindi ko napaglaban ang kagustuhan kong i-comfort ito.Mas humigpit ang yakap nito sa akin. "I love you. Bumalik ka na sa akin, please?"Parang kinukurot ang puso ko sa bawat hikbi nito. "Take it easy. Magiging maayos din ang lahat," pag-aalo ko rito."Babe..please, come back to me. Huwag mo akong iwan, please?"Paulit-ulit itong nakiusap na balikan ng kung sino mang lalaking iyon. Hanggang sa unti-unting humina ang boses nito. Lumuwag na rin ang pagkakayakap nito sa akin hanggang sa tuluyan na ako nitong nabitawan.Lumaylay ang ulo nito, nakatulog na pala ito dahil sa kakaiyak nito. Dahan-dahan ko itong ibinalik sa pagkakahiga nito. Minsan ko pa itong pinagmasdan."Sobrang sakit ba ng ginawa niya sa'yo?" Nakaramdam ako ng simpatya para rito."Ito ang pangalawang beses na nagtagpo ang mga landas natin ngunit bakit parati kang umiiyak?"Hindi ko maintindihan kung bakit gusto kong pawiin ang sakit na nakalarawan sa magandang mukha nito.Tristan Seth POVHABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito. Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo. Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko. Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa p
Tristan Seth POVMATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo. Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi. Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta? Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano? Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-i
Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k
Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi
Cassie's POVLUMIPAS ANG MGA araw, tulad ng sabi ni Ate Katelyn ay sumunod lang ako sa agos ng plano nila pero ang totoo ay pinagpaplanuhan kong makuha ang passport ko kay Papa para makaalis na ako ng Pilipinas. Ingat na ingat akong gawin iyon para hindi niya ako mahuli na sumasakay lang ako sa plano nila. Makailang ulit na akong muntik maabutan ni Papa na pinagtatangkaang kunin ang passport ko sa kuwarto nila ni Mama, mabuti na lamang at mabilis akong makaisip ng dahilan. Sa makailang ulit na iyon ay palagi rin akong nabibigo.Okay na sana ang lahat kung hindi lang panira si Jason. Habang nag-aayos kasi ako para sa lakad namin ni Shiela ngayon ay biglang dumating si Jason. Mukhang nakainom na naman ito kaya wala akong choice kun'di ang labasin ito para 'wag mag-iskandalo sa harap ng gate namin. "Baby! Papasukin mo 'ko, please?" Rinig kong sigaw ni Jason. Gigil na binuksan ko ang gate na kinakalampag ni Jason. "Anong ginagawa mo rito?""Baby, mabuti lumabas ka." Lumarawan ang pag-a
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul