Cassie's POV
Nasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad."Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko.Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon."Si Shiela ba talaga, Cassandra?""Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin."Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin."'Pa.""May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat ko sa kaniya. Nasasaktang tiningnan ko siya. "Hindi po ninyo ako pinalaki para maging ganiyan kaya paano n'yo naisip na magiging other woman ako?" may hinanakit na tanong ko."Dahil alam ko kung gaano mo kamahal ang tarantadong iyon!" umiigting ang pangang sabi nito. "Sana'y hindi mo ako biguin, Cassandra.""I will, Papa. Hindi ko po kayo bibiguin, hindi ko rin kayo bibigyan ng kahihiyan," sagot ko naman."Salamat naman kung gano'n. Alam kong mabait kang bata, Cassandra." Lumapit pa siya sa akin at ginulo ang buhok ko. "Alam kong nasasaktan ka sa nangyari pero hindi mo deserve ang lalaking kagaya ni Jason. Kung tapat siya sa iyo hindi ka niya sasaktan nang ganito, Anak," sabi pa niya.Pigil-pigil ang mga luhang yumakap ako sa kaniya. "Thanks, 'Pa," garalgal na sabi ko habang nakakulong sa mga bisig ni Papa.Pinakawalan niya ako at hinaplos ang buhok ko. "Malalagpasan mo rin ang lahat ng ito. Tandaan mo na hindi mo dapat pinanghihinayangan ang taong ikaw mismo ang sinayang. Know your worth, Anak.""Salamat po, Papa. Tatandaan ko po iyan," sabi ko. Muli akong yumakap sa kaniya at saka nagpaalam na. Pumayag naman siya dahil tiwala siya sa akin.Paglabas pa lang ng bahay ay kaagad na akong nag-abang ng taxi. Hindi naman nagtagal ay lulan na ako ng taxi papunta sa condo unit ni Shiela. Habang nasa daan ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip.Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago mapait na ngumiti. Isang desisyon ang nabuo sa isip ko. Kaya naman pagdating sa condo ni Shiela ay plantsado na ang plano ko.Sinalubong ako ng kaibigan ko at sandali akong iniwan sa sala niya. Sumandal ako sa sandalan ng sofa, saka pumikit."Kumusta ka naman ngayon?" kapagkuwa'y tanong ni Shiela sa akin. May dala siyang isang basong tubig nang balikan ako. Iniabot niya sa akin iyon na kaagad ko namang tinanggap.Malungkot akong umiling sa kaibigan ko. "Ang sakit pa rin," sabi ko. Hindi ko napagilan ang pagpiyok ng boses ko."Cassie." Awang-awa siyang lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Kayanin mo kasi iyon ang dapat kasi may asawa na si Jason ngayon.""Alam ko, pero ang sakit eh. Mahal na mahal ko si Jason, sa kaniya umikot iyong buhay ko. Ni sa panaginip ko hindi ko naisip na magagawa niya sa akin 'to. May plano na kami eh. Nakaplano na ang lahat para sa amin, kaya ang sakit na ganito lang ang nagyari sa aming dalawa," umiiyak na sabi ko.Ang bigat-bigat ng pakiramdam ko sa tuwing maaalala na ang layo na nang nilakbay ng relasyon namin tapos sa wala rin naman pala mapupunta."Ang sakit-sakit eh," hikbing sabi ko pa."Sshh, alam ko. Alam kong masakit iyan pero kailangan mong tanggapin na hindi na kayo puwede. Baka nagyari 'to kasi may mas magandang plano sa'yo si Lord. Magtiwala ka sa Kaniya. Alam Niya kung ano ang mas makabubuti sa'yo," pag-aalo niya sa akin. Inakbayan niya ako at hinimas-himas ang likod ko."At isa pa, kung talagang mahal ka ni Jason hindi niya magagawa sa'yo 'to. Kahit may babaeng bumukaka sa harapan niya kung faithful siya sa'yo hindi pa rin siya makakabuntis ng iba. Kasi naniniwala akong walang mabubuong baby kung hindi rin siya nasarapan, Cassie."Lalong naglaglagan ang mga luha ko sa sinabing iyon ng kaibigan ko."Alam kong masakit pero iyon ang totoo. Ginusto rin ni Jason iyon dahil hindi naman sila mapupunta sa ganoong eksena kung hindi siya nagpadala sa tukso, hindi ba?" sabi pa niya.Hindi naman ako umimik. Umiyak lang ako nang umiyak para ilabas ang bigat na nararamdaman ko ngayon. Masakit ang mga sinasabi ni Shiela pero tama naman siya."Sige lang, iiyak mo lang iyan para mabawasan naman iyang nasa dibdib mo. Basta kapag nakapag-usap na kayo ni Jason, tama na, ha? Magmo-move on ka na, Cassie. Walang madali pero alam kong kakayanin mo iyan dahil iyon ang dapat at kailangan mong gawin."Kahit parang pinupunit sa sakit ang puso ko ay nakuha ko pa ring tumango. Tama siya iyon ang dapat kong gawin ang mag-move on na. Kung paano ko sisimulang gawin ay hindi ko pa alam. Basta ang gusto ko makapag-usap muna kami ni Jason.Kung anu-ano pa ang naging payo ni Shiela sa akin. Natigil lang kami sa pag-uusap nang may mag-doorbell. Nagkatinginan kami ni Shiela."Ikaw na ang magbukas, si Jason na iyan," anito.Kahit nanghihina na ako sa kakaiyak ay pinilit ko pa ring makatayo para labasin si Jason. Inalalayan naman niya ako habang naglalakad palapit sa pintuan. Akma kong bubuksan ang pinto nang pigilan niya ako. Pinihit ako nito paharap sa kaniya at matamang tiningnan."Ano..""Huwag kang magpapadala sa nararamdaman mo, okay? Kaya ako pumayag na pumunta siya rito ay para magkaroon kayo ng pagkakataong makapaghiwalay nang maayos at hindi sa kung ano pa man. Inuulit ko may asawa na siya at magkakaanak na."Mapait ko naman siyang ngitian, saka bumuntong-hininga. Hinawakan ko ang mga kamay nitong nakahawak sa magkabilang braso ko."Alam ko, at huwag kang mag-alala dahil matino pa naman ang isip ko para gumawa ng isang bagay na alam kong masama at kasalanan. Pumayag akong makipagkita sa kaniya dahil gusto kong tapusin nang maayos ang kung anong mayro'n kami noon. Masakit na sa ganitong pagkakataon kami muling maghaharap pero wala na akong magagawa. Gusto ko lang na tuluyang isara ang kabanatang ito ng buhay ko, iyon lang," malungkot na sabi ko.Pinunasan naman nito ang mga luhang namalisbis sa mga mata ko. "Masaya akong marinig iyan mula sa iyo, Cassie. Go, kausapin mo na siya para matapos na ang dapat tapusin," udyok pa nito.Siya na rin ang nagbukas ng pinto at iginaya ako palabas.Sandali akong hindi nakakibo nang bumungad sa akin ang haggard na mukha ni Jason. Para itong hindi man lang nanuklay sa sobrang gulo ng buhok. Ang suot niyang Polo shirt ay wala sa ayos, gusot-gusot din iyon. Napatitig ako sa kaniyang mukha, mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong may bahid ng dugo ang gilid ng mga labi niya."Cassie.." garalgal na tawag niya sa akin. "I'm sorry. I'm really sorry.."Nang makita kong tumulo ang mga luha nito ay doon na bumigay ang puso ko. Kusang tumakas ang mga luha sa mga mata ko habang nakatitig sa kaniya. Mababakas din ang sakit at pagsisisi sa mga mata niya habang nakikipagtitigan sa akin."Anong nagyari sa'yo?" Iyon ang mga katagang namutawi sa bibig ko."I'm sorry. I didn't mean to hurt you but I've made a mistake."Nakaramdam ako ng awa sa dati kong nobyo. Kitang-kita ko kasi ang pagsisisi sa mukha niya. At kagaya ko nahihirapan din pala siya.Lumapit ako sa kaniya at saka siya niyakap. Gumanti rin siya ng yakap sa akin.Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon nang kumalas ako mula sa pagkakayakap niya.Malungkot ko siyang tiningnan sa mga mata. "Sa loob tayo mag-usap.""Sige," sang-ayon naman nito at sumunod sa akin papasok ng unit ni Shiela."Maupo ka," mahina kong sabi.Nang makita kami ni Shiela ay kaagad na itong tumayo. "Maiwan ko muna kayo, maghahanda lang ako ng maiinom niyo," sabi nito. Tumingin siya sa akin at nag-iiwan ng isang simpleng ngiti. "Usap na kayo, sa kusina muna ako," bulong pa niya sa akin nang dumaan sa tabi ko.Tinanguan ko lang naman siya. Kapagkuwa'y umupo na rin ako sa sofa, katapat ng kinauupuan ni Jason. Napatingin ako sa mukha niya at doon ko nakitang umiiyak pa rin pala siya.Ilang sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Tila walang gustong mauna."Cassie.."Nag-angat ako ng mukha nang tawagin ni Jason ang pangalan ko."J-Jason..""I'm sorry. I really am."Mapait naman akong ngumiti sa kaniya. "Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin 'to, Jason. Nakakawala ng kumpiyansa sa sarili ang ginawa mo sa akin. Pero gano'n talaga siguro, hindi ako sapat para sa'yo kasi kung oo, hindi ka maghahanap ng iba. Kung naging sapat ako hindi ka makakabuntis ng iba. Hindi mo ako lolokohin, hindi mo ako sasaktan nang ganito." Hindi ko na napigilang umiyak sa harap niya.Hindi kasi basta-basta iyong self doubt na nararamdaman ko ngayon eh."I'm sorry kung nakalimot ako sandali, pero totoong mahal kita, Cassie. Hindi ko siya gustong pakasalan, pinilit lang nila ako.""Pinilit? Jason, nabuntis mo siya pero iniisip mo pa rin na pinilit ka lang nila? May anak kang dapat panagutan sa kaniya--""Handa kong panagutan ang bata, wala akong balak takasan ang responsibilidad ko sa anak ko. Pero puwede kong gawin iyon kahit hindi kami kasal ng Nanay niya, pero iyon ang ginawa nila sa akin. Pinilit nila akong pakasalan si Mia kahit alam nilang may iba akong mahal," garalgal na sabi niya."Cassie, ikaw lang ang gusto kong pakasalan at wala ng iba. Pero ginipit nila ako, lalo na ang Tito niya! Paniwalang-paniwala siya na kayang magpakamatay ng pamangkin niya kapag hindi ko pinakasalan. Cassie, alam niyang hindi ko mahal ang pamangkin niya pero ginipit niya ako--""Tama na," awat ko rito."Cassie.."Mapait naman akong ngumiti sa kaniya. "Kung anuman ang isyu mo sa kanila, wala na akong magagawa riyan. Nakipagkita ako sa iyo hindi para makinig sa problema mo sa kanila kun'di para tapusin na nang tuluyan ang ugnayan ko sa iyo," matatag na sabi ko."C-Cassie, akala ko papayag kang maayos--""No. Hindi ako nakipagkita sa'yo para ayusin ang kung ano sa ating dalawa. Gusto kong makipaghiwalay nang maayos sa'yo.""Pero mahal kita, Cassie at alam kong mahal mo rin ako--""At anong gusto mo? Gawin akong kabit mo?" Hindi ko napagilang magtaas ng boses sa kaniya.Marahas naman siyang umiling. "No. Ang gusto ko lang sanang hilingin sa iyo ay hintayin mo akong ayusin ang lahat ng ito. Babalikan kita, Cassie," desperadong sabi nito. "Mahal mo naman ako, hindi ba? Kaunting panahon lang ang hinihingi ko sa iyo, Cassie.""Oo mahal kita, Jason, walang duda ro'n pero hindi ko kayang ibigay ang gusto mo. Kung gusto mong mapatawad kita sa mga ginawa mo sa akin, magpakalalaki ka. Panindigan mo ang anak mo. Panindigan mo ang pamilya mo dahil kahit mahal pa rin kita hindi na ako babalik sa'yo."Kitang-kita ko ang pagbalatay ng sakit sa mga mata nito."C-Cassie.." Tumulo ang mga luha nito. "Mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mahal ko."Malungkot akong umiling sa kaniya. "Hindi na tayo magkakabalikan, Jason. Nasaktan mo na ako at may pamilya ka na. Kahit hindi kayo maging maayos ng asawa mo hindi pa rin ako babalik sa'yo," diretsang sabi ko."Cassie..""Makakaalis ka na, Jason. Hangad ko ang maayos na pamilya para sa'yo. Hindi magiging madali ang lahat ng ito sa akin pero kakayanin ko. Gusto ko ring sabihin sa'yo na babalik na ako sa Taiwan sa susunod na linggo kaya nga nakipagkita na rin ako sa'yo ngayon. Ayusin mo ang buhay mo, ayusin mo ang pamilya mo. Panindigan mo ang lahat ng mga ginawa mo. Simula sa oras na ito, tapos na tayo. Paglabas mo ng unit na ito hindi ka na parte ng buhay ko, magiging nakaraan na lang kita," dire-diretsong sabi ko."Bakit ang dali para sa'yo na bitawan ako, Cassie?" Sumbat niya sa akin dahilan para makaramdam ako ng inis sa kaniya."Madali? Seryoso ka?" Manghang tanong ko sa kaniya. "Hindi 'to madali para sa akin, Jason. Walong taon kitang minahal tapos dahil sa ginawa mong panloloko sa akin masisira tayo nang ganito! Walong taon iyon, paano mo nasasabi na madali lang 'to para sa akin, ha?" mataas ang boses na sabi ko."Because it was so easy for you to let me go.""Wala kang alam, Jason! Walang madali sa mga ginawa mo sa akin. Muntik na akong mapahamak dahil sa sakit na nararamdaman ko nang magpakasal ka sa kaniya. Hindi mo alam kung paano mo ako dinurog sa ginawa mo sa akin tapos ngayon sasabihin mong ang dali kitang binitawan?!" gigil na sabi ko."Cassie, I'm sorry--""Umalis ka na." Mariin kong sabi."Hindi ko sinasadyang masabi iyon, nadala lang ako ng frustration ko. Mahal na mahal kasi kita..mahal na mahal."Malamig ko siyang tiningnan. Marahas ko ring pinunasan ang mga luha ko. "Umalis ka na.""Cassie, please?" Pakiusap nito.Tumayo ako at binuksan ang pinto ng unit, kapagkuwa'y lumingon kay Jason."Leave."Tumayo ito at lumapit sa akin. "Huwag kang umalis, Cassie..""We're done. Babalik na ako sa Taiwan at wala na akong planong bumalik dito. Doon ko na planong ituloy ang buhay ko, Jason. At sana gano'n ka rin, piliin mong maging maayos ang buhay mo with or without me," matatag na sabi ko kahit gustong-gusto ko ng bumigay ng mga sandaling iyon."Cassandra.." sambit niya sa buo kong pangalan. At senyales iyon na gusto na rin niya akong pakawalan. Muling naglaglagan ang mga luha niya. "Mahal na mahal kita.. I'm sorry kung sinira ko ang mga plano natin. Ang sakit lang na dahil sa isang pagkakamali ko nasira ang lahat. Aayusin ko ang buhay ko pero iyong pagsasama namin ni Mia, malabo na iyon. Again, I'm sorry.."Nang yakapin niya ako ay hinayaan ko siya. Hinayaan ko rin ang sarili kong yakapin siya sa huling pagkakataon.Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi
Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari
Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim
Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi
Cassie's POVLUMIPAS ANG MGA araw, tulad ng sabi ni Ate Katelyn ay sumunod lang ako sa agos ng plano nila pero ang totoo ay pinagpaplanuhan kong makuha ang passport ko kay Papa para makaalis na ako ng Pilipinas. Ingat na ingat akong gawin iyon para hindi niya ako mahuli na sumasakay lang ako sa plano nila. Makailang ulit na akong muntik maabutan ni Papa na pinagtatangkaang kunin ang passport ko sa kuwarto nila ni Mama, mabuti na lamang at mabilis akong makaisip ng dahilan. Sa makailang ulit na iyon ay palagi rin akong nabibigo.Okay na sana ang lahat kung hindi lang panira si Jason. Habang nag-aayos kasi ako para sa lakad namin ni Shiela ngayon ay biglang dumating si Jason. Mukhang nakainom na naman ito kaya wala akong choice kun'di ang labasin ito para 'wag mag-iskandalo sa harap ng gate namin. "Baby! Papasukin mo 'ko, please?" Rinig kong sigaw ni Jason. Gigil na binuksan ko ang gate na kinakalampag ni Jason. "Anong ginagawa mo rito?""Baby, mabuti lumabas ka." Lumarawan ang pag-a
Cassie's POVNAGISING ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin at may mainit na hanging tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at tama ngang may mga matang nakamasid sa akin dahil ang guwapong mukha ni Tristan ang namulatan ko. "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko dahil halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit ng mukha sa akin.Hindi naman ito umimik, nakatitig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya't malakas kong tinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang palad ko. Ngunit daig ko pa ang tumulak sa bakal dahil hindi man lang ito natinag. Sa halip mas idinikit pa nito ang mukha sa akin.Awtomatikong naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib nito. "L-Lumaya ka sa akin." Kulang sa diin na utos ko rito. "Paano kung ayo'ko, hmm?" "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Tristan." "Lalong hindi ako, Cassandra." Nakakapangilabot ang mga titig nito. Para iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Bahagya akong n
CHAPTER 13Cassie's POVWALA akong sinayang na sandali, nang makahanap ako ng tiyempo ay kaagad kong nilapitan si Lalaine na busy sa kusina. "Ma'am Cassandra--""Cassie na lang," nakangiting sansala ko rito.Nahihiya s'yang tumango. "Sige Cassie, kung 'yan ang gusto mo." "Salamat," pasalamat ko habang panay ang lingon dahil baka umeksena na naman si Marchelly. Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Lalaine.." "Cassie, may kailangan ka ba?" "Kailangan ko ang tulong mo para makaalis dito." "Ano?!" "Sshh, huwag kang maingay, please?" Pabulong na wika ko sabay kabig dito papunta sa tagong bahagi ng kusina. Waring takang-taka naman s'ya sa inaakto ko. "Tulungan mo 'ko, please?" "Tulungan saan? Teka nga muna, akala ko ba asawa ka ni Sir Seth eh bakit aalis ka?" Litong-lito ang anyo nito. "Lalaine, please kailangan ko ang tulong mo. Ang totoo n'yan hindi totoong mag-fiance kami ng amo mo kaya kailangan mo akong tulungang makatakas. I was kidnapped by your boss, Lalaine--""Ano?! Kidnap?
TRISTAN'S POVHUMAHANGOS na pumasok ako sa loob ng aking bahay habang buhat-buhat pa rin si Cassie, na kanina pa ungol nang ungol sa aking mga bisig. "Lalaine, pakikuha mo 'ko ng malinis na bihisan ni Cassie, please?" Utos ko kay Lalaine na hanggang ngayon ay kasunod ko pa rin."Oho, Sir." Mabilis naman itong tumalima. Idiniretso ko sa aking kuwarto si Cassie. Puno ng ingat na dinala ko s'ya sa banyo. "Hmm.." Ungol nito at lalong nanguyapit sa leeg ko. "Cassie, you need to take a shower." Mabagal s'yang umiling. "M-Maginaw.." "Bibilisan lang natin, ha? Nabasa ka ng ulan eh." Sa nanginginig na mga kamay, nagaw kong simulang hubarin ang suot nitong damit. Bahagya akong tumagilid para hindi ako magkasala. Naka-bra na lang kasi si Cassie at medyo pinagpala ito sa bagay na 'yon. Ibababa ko na sana ang pantalon na suot nito nang magbago ang isip ko. Sa halip itinapat ko na lamang s'ya sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower. Mabilis kong nilagyan ng shampoo ang buhok nito at
TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila
FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon
CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk
CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero
CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K
TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa
TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s
TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s
TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul