Share

Chapter 4

Author: GirlonFire28
last update Last Updated: 2022-10-21 13:48:29

Tristan Seth POV

HABANG mahimbing na natutulog sa kama ko ang babaeng muntik ng mapagsamantalahan kanina ay hindi ko maiwasang mapaisip. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tuwing magsasanga ang mga landas namin ay parati siyang umiiyak na parang wala ng bukas. Lalo akong napaisip nang makita kong habang natutulog ito ay umiiyak pa rin. Gets ko nang malamang niloko ito ng boyfriend dahil na rin sa sinabi nito kaninang huwag siyang iwanan, na bumalik na rito ang lalaking iniiyakan nito.

Naiiling na inayos ko ang kumot na itinakip ko sa katawan nito kanina. Matapos kong ayusin iyon ay tumayo na ako at saka lumipat sa sofa para roon matulog. Humiga na ako at ginawang unan ang isang braso ko habang ang isa naman ay ipinatong ko sa aking noo.

Sana lang tuloy-tuloy na ang paghimbing ng tulog niya. Piping usal ko sa isip ko.

Minsan ko pa itong tiningnan mula sa kinahihigaan ko at kapagkuwa'y pumikit na rin ako para matulog. Madali naman akong nakaramdam ng antok dahil na rin siguro sa pagod ko.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakatulog basta naalimpungatan ako dahil sa malakas na lagabog. Tumingin ako sa kama at gano'n na lang ang pagbalikwas ko nang wala roon ang babae.

"Miss?" Tawag ko rito nang hindi ko makita sa loob ng kuwarto ko. "Miss, nasaan ka?"

Wala akong nakuhang sagot pero malakas na lagapak ang narinig ko. Napatingin ako sa pinanggalingan niyon at halos manlaki ang ulo ko nang makita ko ang babae na umaakyat sa pasimano ng unit ko. May maliit na terrace sa likod ng kurtina at doon siya umaakyat.

"Jesus Christ! Miss, huwag kang sasampa riyan!" Takot na takot ako ng mga sandaling iyon dahil may balak yata itong magpakamatay.

"Shino ka? Anong ginagawa mo rito?" tanong nito at lumingon sa akin.

"Miss, bumaba ka riyan, please. Sa loob tayo mag-usap, please?" Iniabot ko sa kaniya ang kamay ko pero tinabig lang nito iyon.

"Shino ka?" muling tanong nito.

"Miss, abutin mo ang kamay ko, please. Baka mahulog ka riyan," nanginginig na ang mga tuhod ko sa nerbiyos. Muli kong inabot ang kamay ko sa kaniya at saka mabagal na humakbang. "Hawak ka sa kamay ko, Miss, sige na." Pinalambing ko ang boses ko.

Para akong aatakehin sa puso ng mga oras na iyon. Isang maling kilos lang nito ay puwedeng magsala ang paa nito at tuluyang malaglag. Napadasal ako nang taimtim habang lumalapit dito.

"Miss, please?" sabi ko pa.

"Bakit ba? Gusto ko rito, malamig," anito at nag-iwas ng tingin.

"Naiinitan ka ba kaya nariyan ka?" Malumanay kong tanong habang dahan-dahang lumalapit.

"Oo. Init na init na ako at hindi na yata ako makahinga kaya gusto ko rito, malamig. Fresh ba fresh."

"Hindi ka magpapakamatay? Hindi ka tatalon?"

Sa halip na sumagot ay matinis na hagikhik ang isinukli nito sa akin. "Kaya naman pala takot na takot ka, akala mo tatalon ako rito?" anito at muling humagikgik.

"Y-Yeah, so give me your hand, please? Lalakasan ko na lang ang aircon kung naiinitan ka. Huwag ka riyan, delikado para sa iyo." Pinalambing kong lalo ang boses ko.

"Eh kung tumalon na nga lang kaya ako--"

"Miss, no! Please, parang awa mo na huwag mong gagawin iyan!" hintatakutang sabi ko.

"Baka mawala iyong sakit eh. Baka makalimutan ko na ang shakit dito." Humarap naman siya sa akin at tila may awang humaplos sa puso ko nang magsimula na namang pumatak ang mga luha nito. "Sobrang sakit dito, eh," sabi nito habang nasa dibdib ang isang kamay.

"Hey, don't do that, hmm? I'm here, sweetheart," pag-aalo ko.

"Bakit ikaw nag-aalala sa akin, pero iyong fiance ko hindi?" Humikbi ito. Hikbing tila punyal na tumarak sa dibdib ko.

"Kasi wala siyang kuwenta. Huwag ka ng umiyak, ha? Hindi mo dapat iniiyakan ang lalaking ikaw mismo ang sinayang. Tutulungan kitang kalimutan siya, basta bumaba ka na, ha?" pakiusap ko rito.

"Mahal na mahal ko siya eh. Hindi ko siya kayang mawala sa akin," umiiyak na sabi nito.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Kitang-kita sa maganda niyang mukha na basang-basa na ng mga luha.

Sinamantala ko ang pag-iyak nito at saka mabilis na hinawakan ang kamay nito at kapagkuwa'y hinapit amg beywang nito para maibaba mula sa pasimano. Napabuga naman ako ng hangin nang magtagumpay akong maibaba siya.

Nang lumakas ang iyak nito ay walang pagdadalawang-isip na ikinulong ko siya sa mga bisig ko.

"Sshh, stop crying, sweetheart." Natigilan ako nang ma-realize ko ang itinawag ko rito. At lalo akong hindi nakakibo nang gumanti siya ng yakap sa akin at sumiksik sa dibdib ko. Para itong batang umiyak sa dibdib ko. At para maibsan ang sakit na nararamdaman nito ay mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kaniya.

"I'm here. Hindi pa katapusan ng mundo kung iniwan ka niya. May plano si Lord kaya nangyari 'to, maybe you two are not meant to be. I'm sure may dahilan, maybe because He lead you to meet someone else, someone you deserve. Ikaw ang sinayang niya kaya dapat ikaw iyong iniiyakan niya, Miss." Pag-aalo ko sa kaniya.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang huminto na ito sa pag-iyak. Suminghot-singhot na lamang ito habang nakasiksik pa rin sa katawan ko. Maya maya naman ay lumayo siya sa akin. Pero gano'n na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang magtanggal siya ng panty sa mismong harapan ko.

"Jesus Christ! Miss, what are you doing?" Mabilis ko siyang pinigilan. "Miss, please, don't do that!"

Iwinaksi nito ang kamay ko at mataray akong tiningnan. "I feel hot!"

Nagkukumahog naman akong itinodo ang bukas ng aircon. Ang akala ko ay sapat na iyon para lamigin ito pero laking gulat ko nang tanggalin pa rin nito ang panty. Maging ang dress na suot nito ay sinimulang ibaba ang strap.

"Miss!" Natataranta akong lumapit dito at pinigilan ito. "Miss, please, don't!"

"Bakit ba?! Naiinitan nga ako eh, gusto kong maghubad!" Galit na sabi nito at tinabig na naman ang kamay ko.

"Miss, no! You can't do that!"

"Why not? I feel hot!"

"You're crazy! I'm still a man, for Pete's sake!"

"So? Bakit pakikialaman mo ako, gano'n ba?"

"I'm not a saint, Miss," tiim-bagang na sabi ko.

Pinagpawisan ako ng noo nang tuluyan niyang ibaba ang dress na suot. Nalantad sa harap ko ang mala-porselana niyang kutis at ang makurba nitong katawan.

Sunod-sunod akong napakurap at napalunok-laway. Sandali akong nawala sa aking sarili habang titig na titig sa perpekto nitong katawan.

"Did you like it, hmm?" Maharot na tanong nito at nagsimulang humakbang palapit sa akin.

Napaatras naman ako. Lasing siya at alam kong bukas pagsisisihan nito ang mga ginagawa ngayon. Alam kong alam niya ang ginagawa niya pero dahil sa espirito ng alak ay hindi nito makontrol ang sarili.

Ipinilig ko ang ulo at saka mabilis na kinuha ang kumot sa ibabaw ng kama at kapagkuwa'y ibinalabal ko iyon sa kahubdan nito.

"Alisin mo iyan, mainit!"

"No! Huwag mong sagarin ang pagtitimpi ko, Miss. Hindi ako santo, for Pete's sake!" Gigil na sabi ko at dinala ito sa ibabaw ng kama habang nakabalot pa rin sa kumot.

"Alisin mo 'to, mainit, ano ba?"

"Aalisin ko iyan kung magdadamit ka!" Mariin kong sabi sa kaniya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napabuga ng hangin dahil sa nararamdaman ko ngayon.

Hindi ko kayang ikaila ang nabubuhay na pagnasasa sa loob ng katawan ko. Lalaki ako at babae siya. Napakagandang babae.

"Naiinitan ako eh," garalgal na sabi nito. "Gusto kong malamigan."

"Okay, gagawan natin ng paraan. Huwag mong alisin ang kumot, ha," sabi ko at iniwan ito sandali.

Kumuha ako sa kusina ko ng yelo at inilagay ko iyon sa maliit na palanggana. Bumalik ako sa kuwarto na dala-dala iyon, kumuha rin ako ng bimpo. Iyon na lang ang naiisip kong paraan para mawala ang init niya. Ipinatong ko muna un sa lapag sandali at kumuha ako ng isang long sleeve ko na maaari kong isuot sa kaniya. Kapagkuwa'y bumalik ako sa tabi nito para lang makita na tulog na pala ito.

Nasapo ko ang ulo at napailing na pinagmasdan ito. Tila hapong-hapo na umupo ako sa tabi nito at mataman siyang pinagmasdan.

"Ano kayang mararamdaman mo kapag naaalala mo kung anong mga pinaggagawa mo ngayon, ha? Pasalamat ka ako ang nakakuha sa iyo at hindi ang kung sinong manyak dahil kung hindi malamang nagawan ka na ng masama," sabi ko rito.

Sinimulan kong punasan ang mukha nito, maging ang mga braso nito at pati na rin ang leeg. Nang gumalaw ito ay kaagad akong tumalikod dahil nalantad na naman ang mayayaman nitong dibdib. Ramdam ko ang pagwawala ng alaga ko dahil sa nakita ko.

Nagmadali na akong matapos sa pagpupunas sa katawan nito dahil pinagpapawisan na ako nang malala. Matapos kong isuot dito ang long sleeve ko ay mabilis na akong lumayo rito. Pawis na pawis akong pumunta sa kusina para uminom ng malamig at maraming tubig.

"Sh*t! Ano ba 'tong napasukan ko." Palatak ko nang matapos kalmahin ang sarili ko. Hindi na muna ako bumalik sa kuwarto dahil hindi mawala sa isip ko ang nakita ko.

Kumuha rin muna ako ng alak para pakalmahin ang nagwawalang demonyo sa loob ng katawan ko. Nang makaramdam ng antok ay saka pa lang ako bumalik sa kuwarto. Napa-sign of the cross pa ako bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

_________

Cassie's POV

NAGISING ako dahil sa mainit na sikat ng araw na nagmumula sa bintana ng kuwarto ko.

Kuwarto ko? Piping usal ko sa aking sarili habang iginagala ang paningin sa loob ng kuwartong iyon. "Sh*t, kaninong kuwarto 'to? At bakit ako narito?" Hindi kasi pamilyar sa akin ang kuwartong kinaroroonan ko.

Awtomatikong napahawak ako sa ulo ko nang kumirot iyon, tangka akong babangon nang tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa may bandang tiyan ko. Napaawang ang labi ko nang mapagtanto kong kamay pala ang nasa tiyan ko at hindi bagay.

Mabagal ang ginawa kong paglingon, malakas akong napasinghap nang bumungad sa paningin ko ang lalaking hindi ko naman kilala.

"Oh my God!" Impit na bulalas ko nang mapagtanto na wala akong underwear na suot. Maging ang damit na suot ko ay iba na rin. "Oh my God! May nangyari sa amin?!" Pabulong na sabi ko.

Handa na sana akong sampalin ang lalaking himbing na himbing na natutulog sa tabi ko nang bumalik sa isip ko ang mga nangyari. Naalala kong pumunta akong mag-isa sa bar at nagpakalasing para kalimutan si Jason. Para makalimutan ang sakit dahil nasaksihan kong ikinasal na siya sa iba.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko at saka mariing ikinuyom iyon. Biglang ragasa kasi sa isip ko ng mga nangyari.

Gulong-gulo ang isip na dahan-dahan akong bumangon at inalis ang kamay ng estranghero sa tiyan ko. Sabay-sabay na naglaglagan ang mga luha ko nang makita ang mga damit ko na nagkalat sa sahig. Pinilit kong alalahanin ang mga nangyari pero malabo pa rin sa akin ang lahat kung bakit ako napunta sa lugar na ito. Ang huling natatandaan ko ay ang lalaking nagbayad sa ininom ko kagabi, pinainom niya ako nang pinainom pero basta isa lang ang sigurado ako. Ang lalaking nakayakap sa akin kanina ay hindi ang lalaking nagpainom sa akin kagabi. Sigurado ako sa bagay na iyon.

Isa-isa kong pinulot ang mga damit ko at nagmamadaling pumasok sa banyo para magbihis. Hiling ko lang na sana huwag magising ang lalaking nasa kama dahil hindi ko alam kung ano ang mukhang ihaharap ko sa kaniya. Hindi ko alam kung may nangyari sa amin dahil pinakiramdam ko ang sarili ko at hindi naman masakit ang gitnang bahagi ng katawan ko.

Habang inaayos ang sarili ko sa loob ng banyo ay walang tigil ang pagpatak ng mga luha ko. Hindi puwedeng malaman ng mga magulang ko na ganito ang nangyari sa akin. At wala akong ibang puwedeng sisihin sa kinahinatnan ko kun'di ang sarili ko lang din. Ako mismo ang may gawa kung bakit nangyari sa akin ito.

Matapos magpalit ng damit ay kaagad akong naghilamos para ayusin ang mukha kong puno ng luha. Pagkatapos niyon ay mabagal at puno ng ingat akong lumabas ng banyo. Sinilip ko muna ang lalaki, nang matiyak kong tulog pa ito ay kaagad akong lumabas ng kuwartong iyon na hindi gumagawa ng anumang ingay.

Nakahinga lang ako nang maluwag nang sa wakas ay tuluyan na akong makalabas ng kuwartong iyon. Abot-abot ang kabog ng dibdib ko sa takot na baka magising ang lalaki.

Hindi ko alam kung paano siya kakausapin dahil alam kong malaking kagagahan ang mga pinaggagawa ko. Kilala ko ang sarili ko kaya takot na takot akong mag-inom dati pa. Hindi ko lang nakayanan ang sakit na nararamdaman ko kaya nagdesisyon akong maglasing kagabi.

Hindi madaling tanggapin at kalimutan ang walong taong relasyon namin ni Jason. Hindi iyon madali. Muling naglaglagan ang mga luha ko nang ma-realize na wala na akong habol dahil kasal na siya.

Paano ko sisimulang tanggapin ang lahat kung wala man lang kaming closure. Ni hindi man lang siya nakipaghiwalay sa akin bago nagpakasal sa iba. Ni hindi ko man lang naitanong kung paano niya ako nagawang lokohin. Kung paano niya nagawang itapon ang walong taong relasyon namin nang gano'n-gano'n na lamang.

Impit akong napaiyak sa loob ng elevator. Laking pasasalamat ko na rin dahil ako lang mag-isa sa loob. Malaya kong pinakawalan ang masaganang luha ko.

Ang sakit.

Ang sobrang sakit maiwan sa ere ng lalaking minahal ko buong buhay ko. Masakit maiwan ng lalaking ginawa mong sentro ng buhay mo.

Comments (8)
goodnovel comment avatar
Shirley Delos Reye
tawang tawa tlga ako sau Cassie hahahha
goodnovel comment avatar
Jona Dela Cruz-Cotejar
tama n sa pag iyak ..npapabayaan mo n sarili .mo......
goodnovel comment avatar
Cheng Cheng
so ibig sabihin ba di rin alam ni Seth na Si Cassie ang gf ni Jason
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 5

    Tristan Seth POVMATINDING kahungkagan ang naramdaman ko ng umagang iyon dahil nagising akong wala na ang babae sa tabi ko. Ni walang bakas na roon ito nagpalipas ng gabi. Tinangka ko pa siyang hanapin sa loob ng banyo pero wala na talaga. Tanging ang long sleeve na isinuot ko rito kagabi ang naiwan nito sa banyo. Naiiling na lamang ako dahil naninibago ako sa nararamdaman ko. Parang may nakadagan na bato sa dibdib ko sa tuwing maaalala ko ang kalagayan nito kagabi. Nag-aalala ako dahil naiisip ko na paano kung maglasing na naman siya? Paano kung sa lalaking mapagsamantala siya mapunta? Tsk! Bakit ka ba nag-aalala, ha? Let her be dahil iyon naman ang gusto niya. Piping sikmat ng isang bahagi ng isip ko. Oo nga naman. Bakit ba ako mag-aalala eh hindi naman kami magkaano-ano? Nagdesisyon akong maligo na lamang para iwaglit sa isip ko ang babaeng iyon. Pero habang nakatapat sa lumalagaslas na tubig na nagmumula sa shower ay muling sumagi sa isip ang babaeng iyon. Ramdam ko ang pag-i

    Last Updated : 2022-10-21
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 6

    Cassie's POVNasa bahay ako ng parents ko nang tumawag si Jason kanina, ang sabi niya gusto niya akong makausap. At dahil gusto ko rin siyang makausap kaya pumayag ako kaagad. "Saan ka pupunta?" Boses iyon ni Papa mula sa likuran ko. Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Magkikita lang po kami ni Shiela, Papa," paiwas na sagot ko. Alam kong pipigilan niya ako kapag nalaman niyang si Jason ang kakatagpuin ko ngayon. "Si Shiela ba talaga, Cassandra?" "Y-Yes po, 'Pa, si Shiela po." Medyo na-guilty ako dahil hati sa katotohanan at kasinungalingan ang sinabi ko. Totoong kay Shiela ako pupunta pero pupunta roon si Jason para doon kami mag-usap.Hindi puwedeng dito sa bahay namin dahil tiyak na magagalit ang parents ko kapag nakita nila si Jason na tumuntong sa pamamahay namin. "Cassandra, binabalaan kita," seryosong saad ni Papa habang matamang nakatingin sa akin. "'Pa." "May asawa na si Jason kaya umayos ka! Hindi kita pinag-aral para maging other woman ng kahit na sino--""Papa," awat k

    Last Updated : 2022-10-28
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 7

    Cassie's POVNANG makaalis si Jason ay muli akong bumalik sa loob ng condo unit ni Shiela. Nanlalambot ang mga tuhod na umupo ako sa sofa, saka nagpakawala ng isang mabigat na buntong-hininga para kalmahin ang sarili ko. Ang hirap ng ganito, iyong tuluyang pakawalan ang lalaking naging sentro ng buhay ko for 8 long years. Napapagod na dumausdos ako ng upo, saka sumandal sa sandalan ng sofa. Tumikhim ako nang makailang ulit para alisin ang pagbabara ng lalamunan ko. Gusto kong umiyak pero para saan pa, wala na ring saysay kahit lumuha pa ako nang lumuha. Tapos na. Tinapos ko na ang lahat sa amin ni Jason dahil iyon ang pinakatama kong gawin. "Umalis na?" Nag-angat ako ng tingin nang magsalita si Shiela sa tabi ko. Umupo pa siya sa tabi ko, saka pinisil ang kamay ko. "Siguro naman magsisimula ka ng mag-move on niyan kasi nakita mo kung gaano kairesponsable si Jason," sabi nito. "Kasi naniniwala akong walang mabubuo kung hindi rin nagpadala sa init ng katawan iyang ex mo. At saka hindi

    Last Updated : 2022-11-07
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 8

    Cassie's POVMATAPOS akong saktan at pagalitan ni Papa ay nagmamadali na akong pumasok sa kuwarto ko. Sobrang sama ng loob ko, dapat sila ang mas nakakakilala sila sa akin pero napakadali sa kanilang husgahan ako. Walang tigil sa paglaglagan ang mga luha ko habang sapo pa rin ang namamanhid kong pisngi. Ang sama ng loob ko dahil ito ang unang beses na nagawa akong pagbuhatan ng kamay ni Papa. Impit akong napaiyak nang kumirot ang kanang pisngi ko. Hinagilap ko ang kumot ko at iyon ang ginamit kong pamunas ng mga luha ko. Sandali akong natigilan nang marinig kong may kumakatok sa labas ng pinto ng kuwarto ko. "Cassie, si Ate 'to, usap tayo please?" Boses ni Ate Catelyn habang kumakatok.Hindi ako sumagot, lalong hindi ako tumayo para pagbuksan siya ng pinto. "Cassie, please open the door," sabi pa nito. Hindi siya basta makakapasok dahil ini-lock ko iyon. Hindi pa rin ako sumagot, sa halip ay dumapa ako sa kama at doon umiyak nang umiyak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari

    Last Updated : 2022-11-08
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 9

    Cassie's POVMATAPOS ang nangyari sa bahay namin apat na araw na ang nakakalipas ay hindi ako na nakalabas ng bahay. Bantay-sarado ako kay Papa dahil iniisip nitong kapag lumabas ako ng bahay ay makikipagtagpo lang ako kay Jason. Hindi na rin ako nagpumilit lumabas o tumakas dahil napapagod na akong makipagtalo pa kay Papa. Kahit naman anong gawin ko mukhang hindi siya makikinig sa akin dahil sarado na ang isip niya. Mukhang nalason na ng Tristan na iyon ang isip ni Papa. Nalaman ko kasi kay Ate Catelyn na araw-araw pumupunta rito sa bahay ang lalaking iyon para kumbinsihin akong magpakasal sa kaniya pero nagmatigas ako. Ni hindi ako nagtangkang lumabas ng kuwarto sa halip ay ini-lock ko pa iyon para hindi sila makapasok sa kuwarto ko. Masamang-masama ang loob ko sa kanila dahil walang gustong maniwala sa akin. Gusto ko sanang makausap si Shiela pero kinuha rin nila ang cellphone ko para huwag ko raw matawagan si Jason. Puro na lang sila Jason, Jason, Jason! Paano ko siya makakalim

    Last Updated : 2022-11-15
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 10

    Cassie's POVHABANG nakikinig sa pinag-uusapan nila ay panay ang ismid ko kapag si Tristan ang nagsasalita. Buwisit na buwisit ako sa pagmumukha nito kahit gaano pa kaguwapo. Yes, aaminin kong guwapo naman talaga siya pero hindi man lang ako maakit sa angking kaguwapuhan nito, sa halip nag-iinit lang ang ulo ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata. Lalo pang nadagdagan ang inis ko rito nang ilang beses ako nitong kinindatan pero pamatay na irap lang ang isinusukli ko rito. "Ang mata mo, makita ka ni Papa," pabulong na sita sa akin ni Ate nang mahuli akong inirapan si Tristan. "Nakakabuwisit siya, Ate." "Ang guwapo kaya niya," anito na waring kilig na kilig. Hindi ko na lang pinansin si Ate. Ibinalik ko ang atensyon kay Papa na ngayon ay tila bilib na bilib kay Tristan. Bakas ang katuwaan sa mukha nito dahil talagang pinanindigan nitong makasal daw kami sa lalong madaling panahon.At kanina pa ako kating-kati na tumayo para iwanan sila ngunit palagi akong bigo sa tuwing magagawi

    Last Updated : 2023-01-03
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 11

    Cassie's POVLUMIPAS ANG MGA araw, tulad ng sabi ni Ate Katelyn ay sumunod lang ako sa agos ng plano nila pero ang totoo ay pinagpaplanuhan kong makuha ang passport ko kay Papa para makaalis na ako ng Pilipinas. Ingat na ingat akong gawin iyon para hindi niya ako mahuli na sumasakay lang ako sa plano nila. Makailang ulit na akong muntik maabutan ni Papa na pinagtatangkaang kunin ang passport ko sa kuwarto nila ni Mama, mabuti na lamang at mabilis akong makaisip ng dahilan. Sa makailang ulit na iyon ay palagi rin akong nabibigo.Okay na sana ang lahat kung hindi lang panira si Jason. Habang nag-aayos kasi ako para sa lakad namin ni Shiela ngayon ay biglang dumating si Jason. Mukhang nakainom na naman ito kaya wala akong choice kun'di ang labasin ito para 'wag mag-iskandalo sa harap ng gate namin. "Baby! Papasukin mo 'ko, please?" Rinig kong sigaw ni Jason. Gigil na binuksan ko ang gate na kinakalampag ni Jason. "Anong ginagawa mo rito?""Baby, mabuti lumabas ka." Lumarawan ang pag-a

    Last Updated : 2023-01-05
  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 12

    Cassie's POVNAGISING ako sa pakiramdam na parang may mga matang nakamasid sa akin at may mainit na hanging tumatama sa mukha ko. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata, at tama ngang may mga matang nakamasid sa akin dahil ang guwapong mukha ni Tristan ang namulatan ko. "Anong ginagawa mo?!" Nanlalaki ang mga matang tanong ko dahil halos mahalikan na ako nito sa sobrang lapit ng mukha sa akin.Hindi naman ito umimik, nakatitig lang siya sa akin. Nakaramdam ako ng pagkailang kaya't malakas kong tinulak ang dibdib nito gamit ang dalawang palad ko. Ngunit daig ko pa ang tumulak sa bakal dahil hindi man lang ito natinag. Sa halip mas idinikit pa nito ang mukha sa akin.Awtomatikong naitukod ko ang mga kamay ko sa dibdib nito. "L-Lumaya ka sa akin." Kulang sa diin na utos ko rito. "Paano kung ayo'ko, hmm?" "Hindi ako nakikipaglokohan sa 'yo, Tristan." "Lalong hindi ako, Cassandra." Nakakapangilabot ang mga titig nito. Para iyong tumatagos hanggang sa kaluluwa ko. Bahagya akong n

    Last Updated : 2023-01-12

Latest chapter

  • Entrapped To Be His Wife    SPECIAL CHAPTER

    TRISTAN POVMAAGA akong nagising ngayon dahil may ka-meeting ako ng alas otso. Medyo malayo ang meeting place namin kaya kailangan na maaga akong makaalis ngayon. Dapat ay si Zeus ang makikipag-meeting sa kaniya pero may biglaang lakad kaya ako ang pupunta. Hindi na ako nagtagal sa banyo at lumabas na para magbihis. Medyo nagulat ako nang makitang gising na ang asawa ko. "Hey, good morning, Hon." Nakangiting bati ko. "Bakit gising ka na? Ang aga pa, ah." Dagdag ko. Kaagad ko siyang nilapitan at dinaluhan nang tangkaing bumangon pero nahirapan dahil sa malaki niyang tiyan. "Thank you, Hon." Palasamat niya. "You're welcome." Matapos ko siyang halikan sa noo, iniwan ko siya sandali at kumuha ng damit sa closet. Nagpapantalon na ako nang marinig ko ang pagtawag niya. "Yes, Hon?" "Puwede bang 'wag ka nang umalis?" Napalingon ako sa kaniya. "Why?" "Wala lang. Gusto lang kitang makasama ngayon. Puwede ba?" Nagkaroon ng lambong ang mga mata niya. Ngunit hindi ako kumbinsido sa dahila

  • Entrapped To Be His Wife    FINALE

    FINALECASSIE POV"ANG GANDA-GANDA naman ng kapatid ko." Nginitian ko nang ubod-tamis si Ate Catelyn habang nakatingin kaming pareho sa harap ng malaking salamin kung saan ako nakaharap. Katatapos ko lamang ayusan ng make up artist na kinuha ni Tristan para sa akin. And yes, today is my wedding day. Isang buwan mula nang alukin niya ako ng kasal at ngayon nga ay ikakasal na uli kami. Kung noong una'y isang simpleng garden wedding ang ibinigay ni Tristan sa akin, ngayon naman ay isang church wedding. Hindi ko naman 'to hiniling pero kusa niyang ibinigay. Hindi ko pinangarap na paulit-ulit na maikasal, ang pangarap ko lang ay ang maikasal sa lalaking mahal ko at mahal ako. "Ang gandang buntis mo, Cassie. For sure, babae 'tong baby na 'to," ani pa ni Ate at hinaplos ang tiyan ko na ngayon ay limang buwan na pero hindi mas'yadong halata sa suot kong wedding gown. "Kahit anong gender, okay lang, Ate. Basta healthy si baby." "Iyon naman ang mahalaga, mga anak." Sabay kaming napalingon

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 76

    CASSIE POVEKSAKTONG pagbalik namin sa tapat ng kuwarto ni Mia ay siyang bukas ng pinto. Iniluwa niyon si Jason. "Mabuti bumalik na kayo, gusto ka raw makausap ni Mia, Tristan." Ani Jason sa asawa ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang nang ilang sandaling magsukatan ng tingin ang dalawa na tila walang gustong magbawi. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa, napansin ko na para silang nag-uusap nang mata sa mata. Kumapit ako sa braso ni Tristan, nagtagumpay naman akong kunin ang atensyon niya. "Puntahan mo muna si Mia, gusto ka raw kausapin." Nakangiting sabi ko. "Tayong dalawa ang kakausap kay Mia–" "Hon, hindi mo ba narinig, ikaw ang gusto niyang kausapin. Sige na, pumasok ka na sa loob baka gusto niyang mag-Tito talk kayong dalawa." Nasa mukha pa rin niya ang pagtutol pero wala na siyang nagawa nang ako na mismo ang magtulak sa kaniya papasok sa loob. "Hon–""Sa labas lang muna ako." Hindi ko na siya hintayin na makasagot, kaagad ko nang kinabig ang pinto pasara pagk

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 75

    CASSIE POV ALAS NUEBE na nang umaga pero kagigising ko pa lamang. Palala nang palala ang pagiging antukin ko. Nagising na ako kaninang mga alas sais ng umaga para padedehin si Mira pero nakatulog ulit ako at ngayon nga lang ulit nagising. Pakiramdam ko nga, lumulubo na ako sa pagiging antukin ko. Pasalamat na lang din talaga ako dahil sa loob ng tatlong buwang pagbubuntis ko ay hindi ako sobrang nahirapan. Though, nakakaranas din naman ako ng morning sickness pero hindi naman kasinglala ng ibang buntis talaga.Pagdating naman sa pagkain ay wala akong hinahanap na kakaiba kaya hindi talaga nahirapan si Tristan sa paglilihi ko. Basta ang pagkain lang na pinakahinahanap-hanap ko ay banana cue, maski madaling araw banana cue lang ang gusto ko. Alam na ni Tristan na 'yon ang gusto ko kaya palagi siyang bumibili ng maraming saging sa palengke. Boy scout kasi ang asawa kong 'yon kaya palaging handa. Wala pa sana akong balak bumangon dahil pakiramdam ko tamad na tamad akong gumalaw pero

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 74

    CASSIE POVNAPAPANGITI akong mag-isa habang habol ng tanaw ang nanggagalaiting higad na si Emmanuel. Isang matalim na tingin ang iniwan niya sa akin pero nginisihan ko lamang siya. "Pikon na pikon ang gaga." Naisatinig ko bago dinampot ang bag ko para hanapin ang asawa ko. Ngunit hindi ko na pala kailangang gawin 'yon dahil nakita ko na siyang palapit sa akin. May naglalarong ngiti sa guwapong mukha niya nang makalapit sa akin. "Kumusta ang pag-uusap niyo?" Makahulugang tanong niya sabay kuha ng bag sa kamay ko. "Nakapag-usap pa kayo nang masinsinan, hmm?" "Medyo." Natawa ako nang tingnan niya ang palad ko. "Mukhang sulit na sulit ang pag-uusap niyo, ah. Nasaktan ka ba?" Nakangiti akong umiling. "Sure?" "Yup. I'm okay.""So, na-satisfied ka naman ba sa naging pag-uusap niyo?" "Yes, Hon, very satisfied. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas, nagkausap na kaming dalawa." Napapangiting sagot ko. Gigil niyang pinisil ang pisngi ko, saka nagyayang puntahan si Lalaine at Marchelly. K

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 73

    TRISTAN POV"HIJO, baka naman puwede pa nating pag-usapan ito," ani Tito Fred. Narito kami ngayon sa labas ng emergency room kung saan ginagamot si Emmanuel dahil sa mga sugat na tinamo nito mula sa pangbubugbog ng dalawa ni Marchelly at Lalaine."Nakikiusap ako sa 'yo, Hijo, 'wag mo namang gawin ito sa kaibigan mo," aniya pa nang hindi pa rin ako magsalita. "Huwag mong ipakulong ang anak ko. Naiintintidahn ko kung saan ka nanggagaling pero narito ako sa harapan mo ngayon upang makiusap na kung anuman ang nagawa ng anak ko, ako na lang ang parusahan mo. Matanda na ako, hayaan mong ako na lang ang magbayad sa mga ginawa--"Marahas akong umiling. "Hindi ho ako papayag na hindi magbayad si Emmanuel sa mga ginawa niya." Nagtitimping sagot ko. "Alam niyo ba kung paano nalagay sa bingit ng kamatayan ang pamilya ko dahil sa kaniya? Tapos ang sarili ko pang asawa ang idinidiin niyang may gawa niyon sa pamangkin ko. Marami na po akong pinalampas na mga ginawa niya sa asawa ko pero hindi na sa

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 72

    TRISTAN POV"MAG-IINGAT ka, Hon." Pahabol na paalala sa akin ni Cassie nang makababa na sila ng sasakyan ko. Yes, kasama ko silang bumalik sa farm dahil hindi pumayag si Cassie na hindi ako samahan. Kaya pati ang mga byenan ko ay sumama na rin pabalik. "Huwag ilalagay sa kamay ang batas, okay? Ayokong manganak na wala ka sa tabi ko." Napangiti ako at bumaba ng sasakyan. "Hindi mangyayari 'yon. Huwag kang mag-alala dahil kahit gaano nanggagalaiti ang kalooban ko sa kaniya, hindi ako aabot sa gano'n. Gusto ko lang ibalik sa kaniya ang pakiramdam na magmukhang tanga at uto-uto. Gusto kong ipakilala sa mga taong kumakampi sa kaniya kung anong klaseng tao siya. Kung gaano kabulok ang pagkatao niya, Hon, at pagkatapos niyon, batas na ang bahalang umusig sa kaniya. At sisiguraduhin ko na hindi kayang bayaran ng salapi ang batas, na walang magagawa ang kapangyarihan ng pamilya niya." "Good luck then. Sana'y matapos na 'to para si Mia at ang baby niya ang mapagtuunan natin ng pansin. Mas s

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 71

    TRISTAN POV"TANG 'NA naman, oh!" Gigil na gigil na malakas kong sinipa ang pader sa loob ng restroom nang muling mag-vibrate ang cell phone ko at galing uli ang mensahe sa asawa ko. "Shlt! Shlt! Shlt!" I was so damn mad. Sinuntok ko ang pader nang tahimik na basahin ang pangalawang message ni Cassie. Sinong hindi maiinis gayong I hate you ang laman ng unang message niya at ang pangalawa ay "huwag na raw akong magpapakita sa kaniya. "Ano na naman bang ginawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko at muling napasuntok sa pader dala nang labis na inis. Nabintin sa ere ang gagawin kong muling pagsuntok nang mag-vibrate uli ang cell phone ko."Shlt!" Malutong na pagmumura ko uli nang makita ang i-send na video sa akin ni Cassie. "What the fvck?!" Marahas akong napahilamos sa aking mukha nang matapos mapanuod ang video namin ni Emmanuel kanina sa labas ng NICU (Neonatal Intensive Care Unit). Maikli lamang ang video pero 'yon 'yong nakayakap ako mula sa likuran ni Emmanuel at sa kuha ay s

  • Entrapped To Be His Wife    Chapter 70

    TRISTAN POVPABALIK na ako sa kinaroroonan ni Mia nang makatanggap ako ng tawag mula sa isang taong pinagkakatiwalaan ko. Kaagad akong nagtungo sa lugar na walang tao at sinagot ang tawag niya. Literal na nanginig ang buong katawan ko matapos kong marinig ang sinabi ni Rick. Ang private investigator na tumutulong sa akin para palihim na mag-imbestiga sa tunay na nangyari sa pamangkin ko. Ang balak ko'y palipasin muna ang pinagdadaanan ng pamilya ko pero hindi ko inaasahan na si Emmanuel mismo ang mag-i-initiate na magpa-imbestiga. At kagaya ng inaasahan ko si Cassie ang ididiin niyang may sala. Hindi nga ako nagkamali dahil kahapon lang ay kinausap ako ng mga pulis at si Cassie ang lumalabas na suspect sa initial report nila.Yes, totoo ang sinabi ko kay Cassie na lahat ng ibedensya ay siya ang tinuturong suspect. Pero hindi ako tanga para paniwalaan ang bagay na 'yon dahil kilala ko ang asawa ko. At 'yon ang nagtulak sa akin para palihim na mag-imbestiga. Wala akong tiwala sa pul

DMCA.com Protection Status