Share

Chapter 1

Author: Margaretzzzz
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

My loves

"Angela!" Sigaw ng kaibigan kong si Tin Tin na tumatakbo patungo sakin na akala mo ay malayo ako sakanya, nasa kabilang poste lang naman ng corridor.

Lunch time na namin at wala akong balak na kumain. Sanay naman ako na nalilipasan tuwing lunch. Kaya pupunta nalang ako do'n sa tambayan ko para mag-aral. Ayaw ko naman sa room dahil madaming panira.

"Bakit? Tumakbo ka pa talaga pwede namang lumakad nalang ang lapit mo lang sakin.” Pagtataray ko sakanya. Umirap naman siya.

"Duh! Excited lang akong kausapin ka, narining ko 'yong mga sinasabi sayo ni Jay kanina. Grabe! Kinilig ako!" Kinikilig niyang sabi may pahampas pa sa balikat ko. Hinawakan ko 'yong balikat ko dahil sa sakit nang pagkaka-hampas niya!

"Kailangan mang-hampas?" sakrastiko kong sabi.

"Kinikilig ako alam mo ba yun!?" Kinikilig na naman niyang sabi na sinabayan niya uli ng hampas, sa pagkakataong ito hinampas ko rin siya ng mas malakas. Hindi pwedeng siya lang ang hahampas dapat ako din!

"Aray naman! <as malakas ata ‘yong iyo ah!" Reklamo niya.

"Siyempre, nakadalawa ka na kaya dapat ang ganti doble!"

"Oo na nga!" Pagpayag niya. "Balik tayo do’n sa topic natin kanina, ano ‘yon siya ‘yong lumapit sayo?" tanong niya na nagpairap sa akin.

Malamang! Hindi ako lalapit sa lalaking 'yon! Feeling ko kasi ‘pag lumapit ako ay mai-issue ako, mahilig pa naman sa issue ‘yong mga tao ngayon. 'Yong paglapit pa nga lang ni Jay kanina sa’kin paniguradong may issue na. Paano pa kaya ‘pag ako 'yong lumapit? Baka hindi lang issue ang matanggap ko, baka ma-bash pa ako lalo na at ako 'yong president ng klase namin. Siguro paglalapit ako sakanya dahil 'yon sa groupings or what.

"Wala niyaya lang ako mag lunch," simpleng sabi ko. "Siyempre, hindi ako pumayag issue na naman 'yan." Dahilan ko pa dahil paniguradong itatanong niya kung bakit hindi ako pumayag.

"Ano ba yan!? Dapat wala ka ng pakialam sa mga issue na mga ganyan toxic lang yan," pagdadahilan naman niya. Baluktot talaga paniniwala ng isang 'to.

"Sira ka ba? Tao din ako nasasaktan syempre pag na-issue ako hindi na mawawala ‘yon. Nasaktan na ako."

"Opo, opo kayo na po panalo, Madam." Pag-suko niya.

"Palibhasa ‘pag may nai-issue sayo tuwang tuwa ka pa."

"Sadya, kung ‘yon ang ikakasaya nila, gusto nila sabayan ko pa sila sa trip nila!" Pagmamalaki niya. Sira talaga ulo ng isang 'to maling mali e.

"Luka-luka ka talaga bahala ka na diyan," sabi ko. Wala talaga minsang kwenta kausap 'yan.

Nilagpasan ko na siya para makapunta na ako sa tambayan ko. Mahigit isang oras at kalahati ang lunch time namin kaya paniguradong madami akong mababasa na article.

Pagdating ko sa may puno kung saan madalas akong tumambay ay may mga nakatambay na ilang baseball player at naglalaro sa tabi ng field naman ang iba.

Kaya no choice ako na sa room nalang mag-aral, sana naman walang gumulo sakin do’n. Gusto ko pa naman na mapag-isa, pero baka hindi mangyayari ngayong araw. Ugh!

Sa library nalang pala… May library nga pala. Ba't ko ba kasi kinalimutan? Ang init lang kasi sa library. Ang yaman-yaman ng school na 'to ayaw naman magpa-aircon.

Naglakad na ako patungo sa library nang makasalubong ko sila Jay at ang barkada niya. Agad naman akong tumabi sa daan para makaiwas, pero nagkamali ako. Dahil pumunta pa rin sa direksyon ko si Jay at...

"Angela, my loves!" Malambing niyang sabi na alam kong trip na naman nila. Pagkasabi niya noon ay nilagpasan din nila ako.

Nanlamig ako sa narinig ko, ugh! Lagi niyang ginawa 'yon! Trip na trip talaga nila ako.

Dahil sa pangti-trip nila alam ko sa sarili ko na unti-unti na ako nahuhulog sakanya. Umaasa talaga ako na totoo ‘yong mga sinasabi niya. Hindi naman masamang umasa diba? Wag lang susobra para hindi masaktan.

Binilisan ko na ang paglalakad ko para makarating na ako sa library. Pagdating ko ay masyado  ng madami ang mga tao kaya naghanap ako ng pwesto na malayo sa iba.

Nakakita ako ng table at upuan do'n sa may dulo. Uupo na sana ako nang biglang may maglagay ng libro sa lamesa. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Jay. Kakasalubong ko lang dito kanina ah. 'Bat andito na agad? Ambilis naman niya.

"Ako nauna ah!" Reklamo ko sakanya pero nakatingin lang siya at nakangiti sakin. Problema nito? Sinapak ko siya ng magising, lutang ata.

"Aray!" Reklamo niya "Ang sakit ah!"

"Ako’ng nauna dito maghanap ka na nalang ng iba," sabi ko.

"Bakit pa maghahanap ng iba kung andyan ka naman," sabi niya habang may nakakalokong ngiti. Ugh! Dumadali na naman siya.

Related chapters

  • Ending Scene   Chapter 2

    Stare"Ange!" Sigaw sa pangalan ko sa labas ng aking kwarto."Ano?!" Sigaw ko pabalik, alam kong si ate Shane lang ito, ang nakakatanda kong kapatid.Binuksan ko ang pintuan at tumambad sakin ang nakabusangot na mukha nito."Ano ba, ate, inaantok pa ako!" Pagre-reklamo ko sabay

  • Ending Scene   Chapter 3

    RiceBuong araw ay nag-asikaso lang ako ng mga costumer. Hindi naman ako napagod ng sobra dahil meron naman akong katulong na mga empleyado.Ala-singco na. Nag-text si ate kaninang mga alas-tres sabi niya ay baka daw mga ala-singco na sila makapunta dito pero wala parin sila.Nagtipa

  • Ending Scene   Chapter 4

    Unknown numberPagdating ko sa kwarto ay pumunta na ako sa closet ko para makapagpalit na ng pantulog. Kailangan ko ng matulog ng maaga. Bukas na lang ng madaling araw ko itutuloy ‘yong research paper. Pagod na pagod talaga ako, kahit umupo at konting assist lang kanina ang ginawa ko sa shop.Nag ha

  • Ending Scene   Chapter 5

    His girlfriendHindi na nakadating si Tin Tin, nag-text siya sa’kin na may pupuntahan daw siya bigla. Bigla na lang lagi ang lakad niya, walang sche-schedule! Kung ano maisipan niya ‘yon na.Patapos pa lang ako kumain nang mapatingin ako sa dumaan na grupo ng mga babae sa harap ko na masama an

  • Ending Scene   Chapter 6

    BestfriendNatapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.May nakasulat na note sa ref.“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang sal

  • Ending Scene   Chapter 7

    EmbraceHindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter.

  • Ending Scene   Chapter 8

    PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.

  • Ending Scene   Chapter 9

    SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag

Latest chapter

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

DMCA.com Protection Status