Home / All / Ending Scene / Chapter 6

Share

Chapter 6

Author: Margaretzzzz
last update Last Updated: 2020-09-04 21:27:02

Bestfriend

Natapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.

May nakasulat na note sa ref.

“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang salad.” sabi ni Manang sa sulat.

Binuksan ko ang ref at nakita ang salad na sinasabi ni Manang. Salad nga lang pala ang dapat kong kainin ‘pag gabi. I almost forgot that I'm on diet nga pala. Kailangan kong alagaan ang sarili ko. Hindi basta-bastang sakit ang diabetes, kahit na minsan ay sumusuway ako ay bumabawi pa din naman ako sa pagkain ng mga healthy foods.

I remember when I was in high school, tumama ang braso ko sa alambre habang may ginagawa kaming project. Hindi ko napansin na dumudugo na pala ang braso ko. Ang tagal gumaling ng sugat ko, at the same time mataas ang sugar ko no’n. Natagalan pa ang pag galing tapos pagkagaling niya ay nagkaroon naman ng maitim na scar which is nangyayari every time na magkakasugat ako. Buti nalang at natanggal na siya dahil sa mga ginagamit kong sabon.

Kaya ngayon ay todo ingat na ako kasi ang hirap magkasugat. Ang tagal gumaling kahit na umiinom ka ng gamot.

Habang kinakain ko ‘yong salad ay biglang tumawag si mama.

"Hello, Ma." Panimula ko.

"Oh, nasa bahay ka na?" Tanong niya.

"Yes, Ma, kumakain pa lang ako ng salad," saad ko at sumubo uli ng gulay.

"Oh, okay. Ano bang schedule mo bukas? Nagpapatulong ulit ang ate mo sa shop niya," sabi ni Mama. Hay nako, talaga si ate. Buti nalang at tatlong subject lang ako bukas at lahat ay pang-umaga kaya p’wede ako ng tanghali.

"I'm free after lunch, Ma. Sa shop lang ba ako?"

"Yes, yes, anak. May kailangan lang uliy ayusin ang Ate mo sa pabrika natin." Sabi ni Mama.

"Oh, okay, Ma. I'll hang up na, kumakain ako.”

"Sige, enjoy eating!" Nang-aasar na sabi ni Mama. Lagi siyang ganyan ‘pag salad lang ang pagkain ko ‘tas sila mga naka-rice.

"Tse, ma! Pasalubong ko, ha? Alam mo na…"

"Oo na sige na babye na miss you,"

"Babye, Ma. Miss you, too." Paalam ko sabay patay ng tawag.

Si Ate Shane naman ay tinext ko na din.

Ako:

After lunch ako diyan.

Tatlo lang naman ang klase ko bukas, kaya ayos lang sakin. Wala din naman akong gagawin pagkatapos baka ma-bored lang ako dito sa bahay kaya sigurong mabuti pang sa shop na lang ako tumambay at least may makakausap ako na mga empleyado.

Tinapos ko na ang pagkain ko at umakyat na uli sa kwarto ko. Naglinis na ako ng katawan. I enjoy the warm water from the shower, it gives me relief. This is a long day, a lot of things happened. I hope tomorrow will be a better day for me.

I lay on my bed and check my Instagram account. I found a direct message from @itsmeprincessCayetano. So, her full name is Princess.

I opened her message. Cayetano? Cess is related to Caious? Baka pinsan, hindi naman sila magkamukha. Ang layo ng mukha nila sa isa't isa.

@itsmeprincessCayetano: Meet me tomorrow at the milk tea house near our school. 4 pm sharp.

Sharp talaga? Akala mo appointment pupuntahan ko. Mage-explain lang naman ako tungkol sa boyfriend niyang walang ginawa kun’di makipaglandian sa ibang babae. Ako pa tuloy ang nasisi na nakikipaglandian.

@angelamartinez: Yeah, okay. I'll be there tomorrow 4pm sharp!

Masyado atang harsh ang reply ko. I don't care 'di ko babawiin 'yon. Saglit lang naman siguro kami mag-uusap. Kailangan ko na din talagang mag-explain sa kanya dahil ayoko ng issue na tungkol sa mga ganyang bagay. Masyadong mababaw, walang patutunguhan. Kung ang iba ay gustong-gusto nila na magka-issue sila para lang madaming makapansin p’wes ibahin nila ako. Ayoko ng madaming nakakakilala sa’kin. Para kasi sa’kin ‘pag kilalang-kilala ka na, lumalaki ang ulo at ayokong mangyari sa’kin 'yon. Madami akong kilala na gano’n, nanalo lang sa isang contest ay lagi na niyang pinagmamalaki.

Don't change yourself, stay humble. And just be yourself.

'Yan lagi ang sinasabi ko sa sarili ko.

Hindi ko na siya hinintay mag-reply, wala din naman akong pake. Inayos ko na ang higaan ko, kailangan ko ng matulog dahil paniguradong isang nakakapagod na araw na naman bukas.

Hindi rin naman naging mahirap ang pagtulog ko dahil sa dami ng ginawa ko ngayong araw.

Nagising ako dahil sa alarm. Five-thirty pa lang pero kailangan ko ng mag-ayos dahil alas-siyete ang simula ng klase ko.

I blow dried my hair para mas maganda ang bagsak. Pagtapos ko mag-ayos ay bumaba na ako para kumain, nakahanda na rin oats sa mesa. Nakakasawa na ang puro gan’to ang kinakain, kaya mamaya kakain ako ng masarap. Hindi naman malalaman nila mama 'yon kung walang magsusumbong. Wala namang magsusumbong, hindi ako isusumbong ni Tin-Tin, partner-in-crime kami ng isang 'yon e. Hindi naman kami nagkikita ni Ate kaya ayos lang.

Nakalimutan kong mag-measure ng sugar kahapon, hindi na din ngayon dahil kakasubo ko lang ng oats ko. Dapat kasi nagme-measure ng sugar bago kumain.

Tinapos ko na ang pagkain ko, maaga pa naman kaya tumambay muna ako sa sala. Ayoko ng sobrang aga sa room, wala pa masyadong tao kaya nakaka-bored. Wala pa akong makausap, 'di naman ako gaano ka-friendly sa mga tao. Kahit na ilang buwan ko na silang kaklase ay hindi ko pa din sila ganoon kilala kahit pangalan man lang. 'Yong iba kilala ko na dahil sa mga groupings, at least may kakilala, wala nga lang ka-close.

Nang mag six-fifteen na ay umalis na ako ng bahay. Sakto lang pagdating ko sa school ay mga ten minutes na lang ang ipinaghintay ko at dumating na ang prof namin.

Natapos na ang dalawang subject. Naipasa ko na din ang research paper na dapat ipasa. Last subject na namin ngayong araw at ang tagal dumating ng prof.

Kinulbit ako ni Tin Tin kaya napatingin ako sa kanya.

"May nangyari pala sayo kahapon. Bakit hindi ka nagkukwento?" tanong niya. Inirapan ko naman siya.

"Ako lang ba? Ikaw din kaya hindi nagkukwento." Tonong nagtatampo kong sinabi. Akala niya siya lang ang walang sinasabi, pwes ako din meron!

"Ikaw na muna ang magkwento! Dali na, wala rin namang kwenta 'yong sakin," sabi niya. Hay, ang kulit talaga ng isang 'to

"Gan’to kasi no’ng linggo, pinagbantay ako ni Ate sa shop niya. Sabi niya may kasama daw ako, tapos alam mo ba kung sino ‘yong kasama ko?" Pagputol ko kuwento ko.

"Oh, sino?" Hanep wala ata siyang clue kung sino.

"Si Jay lang naman, pero pagdating niya sa shop umalis agad. Tapos no’ng hapon.

dumating siya. Kaya nagpunta ako sa Mang Inasal para kumain, tapos sumunod siya. Hinabol niya ako do’n sa parking ‘tas doon kami nagtalong dalawa…” Tumigil ako sa pagkukuwento dahil napatingin ako sa pintuan. Dumaan ang grupo nila Cess, hindi naman sila dati dito dumadaan, a? Hindi ba talaga nila ako titigilan?

"So, ikaw pala ‘yong nasa post niya sa IG? Whaaaaaa! Kinikilig ako, ghorllllllll!!!" Exaggerated na naman siya kung magsaya.

"Tumigil ka nga diyan! Issue nga nila sakin 'yon e!" Saway ko sa kanya.

"Pano naman naging issue 'yon? Hindi ka naman nila makikilala dahil nakatalikod ka. Sino ba ‘yang mga 'yan?" Lumabas na naman pagiging maldita niya.

Ikukwento ko na lahat sa kanya habang hindi pa ako tinatamad magkwento.

"Kilala mo si Princess Cayetano? Kinompronta nila ako kahapon, sa canteen. Boyfriend niya lang naman si Jay Marquez!" Halata sa mukha ni Tin Tin na hindi siya makapaniwala.

"Totoo?"

"Oo."

Oh, ‘di ba walang masabi 'tong isang 'to siguro kilala niya.

Speaking of Jay, absent siya at walang may alam kung bakit. Ayos na din 'yon, naging panatag ang loob ko kahit isang araw man lang.

"Ano?" Ulit niya ulit. Unli ata 'tong isang 'to paulit- ulit. Hindi talaga siya makapaniwala

"Oo nga ang kulit mo."

"Bagay talaga sila, parehas malandi," sabi niya na parang may galit siya doon sa tao. May hindi talaga siya sinasabi sa’kin.

"Relax ka lang, ghorl. Para ka ng papatay ng tao sa mukha mong 'yan e!" Pang-aasar ko sa kanya. Kasi naman ‘yong mukha niya lukot na lukot.

"Magkwento ka pa nga tungkol sa nangyari sa inyo!"

Baliw din, e. Inis na siya pero gusto niya pang magpakwento.

Nagkwento pa ako sa kanya. Naikwento ko din na magkikita kami mamaya ni Cess doon sa milk tea shop, gusto niya pa nga sumama. Parang ayaw niya talaga sa Cess na 'yon.

Hindi na dumating ang prof namin. Natapos ako sa pagkukwento pero siya hindi man lang nakapagkwento kahit isa. Hinayaan ko nalang din.

Dumiretso na ako sa mall kung nasaan ang clotting shop ni Ate. Mamaya nalang ako kakain o kaya naman ay magpapabili nalang ako sa empleyado ni ate.

Mabagal lang ang paglalakad ko papunta sa shop. Nasa labas pa lang ako ay rinig ko na ang tawa niya. Nakikipagbiruan siguro sa kanya ang isang empleyado. Nagulat ako dahil nandito siya akala ko may sakit siya, kasi kahapon ang tamlay niya kaya siya absent. Pero andito siya sa shop at nagbabantay.

Napatingin sila sa’kin kaya napahinto sila sa pagtawa.

Hindi nagtagal ang tingin saki ni Jay dahil nag-iwas agad siya ng tingin.

Related chapters

  • Ending Scene   Chapter 7

    EmbraceHindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter.

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 8

    PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 9

    SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 10

    CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 11

    Uranophile

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 12

    DateMaaga akong nagising dahil medyo maaga din ako nakatulog kagabi. Kailangan medyo agahan ngayon

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 13

    PassionMag iisang b

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 14

    Pamper daySa isang restuarant kami nagpunta sa medyo mahal hindi naman kasi ako ang magbabayad. Aba ma

    Last Updated : 2020-09-04

Latest chapter

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status