Home / Lahat / Ending Scene / Chapter 5

Share

Chapter 5

Author: Margaretzzzz
last update Huling Na-update: 2020-09-04 21:26:33

His girlfriend

Hindi na nakadating si Tin Tin, nag-text siya sa’kin na may pupuntahan daw siya bigla. Bigla na lang lagi ang lakad niya, walang sche-schedule! Kung ano maisipan niya ‘yon na.

Patapos pa lang ako kumain nang mapatingin ako sa dumaan na grupo ng mga babae sa harap ko na masama ang tingin sa’kin. Napakunot ako ng noo nang makilalang sila 'yong dalawang babae sa CR. Ngayon hindi na sila dalawa, lima na sila.

Tumigil sila sa harap ko.

Ininom ko na ‘yong tubig at inayos ang gamit ko. Napansin ko na hindi pa din sila umaalis sa harap ko at hindi pa din nawawala ang mga titig nilang napakasama.

Patayo na ako ng biglang hawakan nang madiin ang balikat ko ng isang babae kaya naman napaupo uli ako.

"Uhm, excuse me? What’s your problem?" Mahinahon lang ang pagatatanong ko. Baka ‘pag tinarayan ko siya ay lalong magka-away.

"Oh my, God! Why so hinhin magsalita!?" Halakhak nang isa pa sa likod. Napatingin ako do’n. Mahinhin na ba ‘yon? Mahinahon ‘yon, uy! Umiinit na ang dugo ko dahil sa nangyayari. Ngayon pa lang ako makakaranas nang gantong engkwentro sa buong buhay ko.

"Why so conyo?" Gustong gusto ko ng ibato ang mga salitang 'yan sa kanya. Hindi ko na nga lang ginawa para makaiwas sa gulo.

"Excuse me uli, ha? Sino ba kayo? Bakit kayo nandito sa harapan ko?" I said in a sarcastic way, nahalata naman nila agad 'to dahil kitang kita sa kanilang mga mukha.

"HA! HA! HA! I knew it, Cess! She doesn't know us because she is just a commoner here!" The girl behind the girl in front of me said. Yumuko ako at napairap. They don't really know me, I kept myself in a low profile. That is what I want in my life, to be in a low profile.

"Yeah, right." Siya ‘yong tinawag na Cess kanina… Ibig sabihin siya ‘yong kalandian ni Jay? Ang pangit naman ng pangalan kasing pangit ng nagmamay-ari!

Ang kakapal ng mga make up nila! Akala mo may pupuntahang party!

"So, ikaw pala ‘yong kasama ni Jay kahapon sa mall? Kaya hindi nakasipot sa date namin ang boyfriend ko," sabi no'ng Cess. Mag boyfriend-girlfriend na pala sila e.

Na-issue pa nga!

"Bakit may pruweba ka ba na ako ‘yong kasama niya?" Nanghahamon ang ginawad kong tingin sa kanya. Kahit na nakaupo lang ako ay kaya kong makipaglaban ng tingin.

"We're not here if we don't have!" Inis niyang sabi at sinenyasan ang isa niyang alipores na lumapit sa’kin. Inilahad niya sa’kin ang cellphone niya. Nakalagay na ito sa IG account ni Jay. Nagulat ako sa nakita ko hindi ko akalain na may ganto pala siyang post!

May isa siyang post siya na kumakain ako sa Mang Inasal kahapon, nasa labas siya nang kunin niya ang litratong iyon. Mas ikanagulat ko pa lalo ‘yong caption na nagsasabing; "Yeah, I found you." Simple lang pero ang lakas ng dating sakin. What does he mean?

"Sorry, I didn't know about that." Pinal kong sabi at tumayo na pero this time tinulak na niya talaga ako, kaya dumulas ang inuupuan kong monoblock at nahulog ako sa sahig.

Nagkagulo ang mga tao sa loob ng canteen, madaming nakiusisa. Lalong kumulo ang dugo ko sa galit at inis.

"Ano bang problema niyo sakin, ha?" Galit na tanong ko sa kanila nginisian ako ni Cess nang nakakaloko.

"Alam mo? Ang landi mo kasi, e! May girlfriend na ‘yong tao lalandiin mo pa?!" Galit na niyang sabi.

Humawak ako sa paanan ng lamesa para makatayo. Agad namang may humawak sa dalawang kamay ko para tulungan ako. Tumingin ako, si Caious lang pala kabarkada ni Jay.

"What's happening here?" Tanong ni Caious na hindi ko naman pinansin. Hinarap ko si Cess na kanina pa nangi-irita.

"Hindi ko nga alam na may girlfriend si Jay at hindi ko akalain na ikaw pala! Pa’no kaya nagustuhan ni Jay ang isang katulad mo na parang araw-araw ay may pupuntahang party!?" singhal ko sa kanya.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagkairita niya.

"You bitch!"

Sinubukan niyang lumapit para siguro saktan ako pero agad na pumagitna si Caious kaya hindi natuloy ang binabalak niyang gawin.

"Umalis ka diyan, Cai!" Umamba na naman na lalapit sakin si Cess. Hinawakan na ni Cai ang magkabilang kamay niya.

"What's happening to you, Cess?" Pagalit na tanong ni Caious. Pinanlakhan nama ito ng mata Cess. Galit na galit na nga talaga siya. ‘Yong mga kaibigan niya, nakatingin lang sa kanya. Kaibigan pa ba 'to? Hinahayaan ang kaibigan na mang-away o makipag-away. Kung sila lang ang magiging kaibigan ko malaki na silang ekis sakin.

"Caious, nilalandi niya yung boyfriend ko!" Sigaw na naman niya.

"Cess, hindi ganyan si Angela. Alam mo naman siguro kung anong ugali ng boyfriend mo," sabi ni Caious.

"No! She's flirting with my boyfriend!" Apila pa niya. Kanya na nga ang boyfriend niya walang aagaw.

Kailangan ko na talagang magpaliwanang. Walang patutunguhan 'to kung patuloy lang ang sigawan namin dito. Nakakapukaw na din kami ng atensyon. At ayoko no’n. Baka makarating kila Ate at kila mama na nakikipag-away ako, takot ko na lang sa kanila.

Asan na nga ba ang boyfriend ng babaeng 'to? Hindi ba siya dadating para awatin ang girlfriend niya? May pakpak ang balita, imposibleng hindi makarating ito sa kanya. Madaming nakakakilala sa kanya kaya napaka-imposible kung hindi niya man lang mabalitaan.

Tinignan ko si Cess at ang mga kaibigan niya ng mataman. Ayoko makipag-away dahil hindi ako pinalaking ganto ng mga magulang ko.

Gusto ko siyang kausapin pero kulang na ang oras ko dahil kaunting minuto na lang ay magsisimula na ang susunod kong klase. Kung magpapatuloy pa 'to ay baka malate na naman ako.

"Cess," tawag ko sa kanya ng walang paga-alinlangan. Parang nagulat naman siya ng tawagin ko siya sa pangalan niya. Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung ano ang buo niyang pangalan.

"Listen, lady, I want to explain what happened to us yesterday. But for now, I need to attend my class since it's about to start. I know that you know me. And the thing is, I don't know you, okay? Just message me on one of my social media accounts if you want to talk about it. It can be there or in personal. I’m willing with whatever you want." Marahan kong sabi sa kanya. Hindi ko na hinintay sagot niya, inayos ko na ang mga gamit ko. Malapit na talaga akong ma-late.

Hinarap ko si Caious. "I'll go now. Thanks, Caious.”

Hindi ko na tinignan si Cess at ang mga kaibigan niya pero may narinig akong bulong-bulongan na paniguradong galing sa mga kaibigan niya.

"Weak naman"

"Ano takot?"

"Takot sa’yo, Cess. 'Di ka kaya…"

Isa 'yan sa mga narinig ko. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa pagtahak ng daan palabas ng canteen. Nahawi ang mga nagkukumpulang mga tao na nakikiusisa sa nangyayari sa pagitan naming dalawa ni Cess.

Halos takbuhin ko na ‘yong room ko para hindi ako ma-late. Late na nga kaninang first subject pati ba naman ngayong last subject late pa din? Dalawang subject na nga lang ang klase ko ngayon baka maging late pa ako parehas!

Ang unproductive ng araw ko ngayon… Hindi ko na nga natapos ‘yong research paper na dapat ay bukas ipapasa na. Paniguradong magpupuyat ako mamaya para dito.

Pagdating ko sa floor ng room ko ay binagalan ko na ‘yong lakad ko dahil sa sakit ng paa ko na dulot ng kakalakad takbo na ginawa ko. Pagtapat ko sa pinto namin ay laking pasasalamat ko na wala pa ang prof nmin. Bago ako maupo ay nakita ko si Jay na nakaubob sa lamesa niya. Andito lang pala siya papetiks-petiks ‘yong girlfriend niya nakikipag-away nang hindi niya alam.

Umupo ako nang hindi ko siya tinitignan. Wala pa si Tin-Tin baka hindi na 'yon papasok. May pinagkaka-abalahan nga siguro ang isang 'yon.

Dumating na ‘yong prof namin at naka-ub-ob pa din si Jay sa upuan niya. Napansin siguro siya ni prof kasi namaptingin ito sa gawi namin.

Kinulbit ko si Jay baka ‘pag hindi pa siya tumunghay ay pagalitan na siya. Ngunit hindi pa din siya kumikibo.

"Jay," mahina kong sabi at niyugyog ang braso niya para siguradong gising siya.

Tumunghay na siya at inayos ang buhok niyang nagulo dahil sa pagtulog. Tinapunan niya lang ako ng isang malamig na tingin, 'di ko na 'yon pinansin at nakinig na sa discussion.

Natapos na ang klase ko ay masyado pang maaga. Naisipan kong tumambay sa café na malapit lang dito sa school. Nag-order lang ako ng mocha na less sugar. Ayoko pang umuwi sa bahay dahil wala naman akong kasama.

Tinawagan ko Tin Tin pero pinapatay niya ang mga tawag ko. Nababaliw na naman siguro 'tong isang 'to. May sikreto na naman siyang hindi sinasabi sakin. Pero kahit kaibigan niya ako, hindi ko siya pipilitin na sabihin sa’kin ang mga sekreto niya. Kailangan pa din naman ng privacy kahit parang magkapatid na ang turing mo sakanya.

Nagpasaya na akong umuwi. Habang nagdadrive ako ay biglang tumawag sakin si Tin Tin. Buti nalang at nakasuot na ang airpods ko.

"Hoy, gaga! Asan ka na!?" Bulyaw ko agad sa kanya nang masagot ko ang tawag niya.

"Ange! Nakita ko si Vhone! May kasamang babae!" Halata sa boses niya na naiiyak na siya.

Si Vhone lang naman ang ex niyang babaero.

"Akala ko ba wala na kayong komyunikasyon niyang ex mo?!"

"Nakita ko siya kanina sa school kaya sinundan ko!" pagmamaktol niya.

"Pano nangyari ‘yon, e taga-UST ‘yang ex mo"

"Iyon nga din ang gusto kong malaman kaya sinundan ko siya!" Nagulat ako sa sinabi niya. Kakaiba talaga 'tong kaibigan ko. Siya na ang nakipaghiwalay siya pa ata ngayon ang maghahabol.

"Ano? Nababaliw ka na ba?"

"Minsan lang naman e!”

"Oh, siya. Sige na nagda-drive ako. Bukas nalang tayo mag-usap may sasabihin din ako sayo."

"Sige! Bye, ingat sa pagda-drive!"

Pinatay ko na ang tawag niya at nagpatuloy na.

Kaugnay na kabanata

  • Ending Scene   Chapter 6

    BestfriendNatapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.May nakasulat na note sa ref.“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang sal

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 7

    EmbraceHindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter.

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 8

    PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 9

    SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 10

    CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 11

    Uranophile

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 12

    DateMaaga akong nagising dahil medyo maaga din ako nakatulog kagabi. Kailangan medyo agahan ngayon

    Huling Na-update : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 13

    PassionMag iisang b

    Huling Na-update : 2020-09-04

Pinakabagong kabanata

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status