Home / All / Ending Scene / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: Margaretzzzz
last update Last Updated: 2020-09-04 21:26:09

Unknown number

Pagdating ko sa kwarto ay pumunta na ako sa closet ko para makapagpalit na ng pantulog. Kailangan ko ng matulog ng maaga. Bukas na lang ng madaling araw ko itutuloy ‘yong research paper. Pagod na pagod talaga ako, kahit umupo at konting assist lang kanina ang ginawa ko sa shop.

Nag half bath muna ako para fresh ang sa pakiramdam. Pagtapos ko ay dumiretso na ako sa kama nang mag-vibrate ang cellphone ko na nasa ibabaw lang nito.

Unknown number:

Are you home?

Kinabahan ako bigla sa nag text. Kilala ko ba 'to? Baka wrong send lang? Sana nga wrong send lang. Dahil kung hindi ay wala naman akong maalala na pinagbigyan ng number ko. Pamilya ko lang ang nakakaalam at iilang kaibigan at lahat sila ay naka-save sa phonebook ko.

Hindi ko na lang pinansin at nilagay na sa side table ko ‘yong phone. Pero hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay bigla na naman itong nag-vibrate. Tinignan ko ‘yon, may text na naman galing sa unknown number.

Unknown number:

Sorry, did I scare you? This is Jay, I'm just asking because I'm worried about what happened to you earlier.

Si Jay lang pala. Teka, pa’no napunta sa kanya ‘yong phone number ko? Is he stalking me? Never mine. I registered his number.

Ako:

Yeah, I'm home. Don't worry about me.

Ang weird lang namin kanina magka-away kami ngayon nagte-text na.

Ako:

But wait, where did you get my number?

Bago pa magkalimutan tinanong ko na, baka mamaya stalker ko na pala siya. Hmm, 'di naman ako assuming medyo lang.

Nag-vibrate uli ‘yon phone ko.

Jay:

I got it from your Ate. She gave it to me.

What? Sa Ate ko pa talaga galing.

Ako:

What? Pati ba naman si Ate nauto mo!?

Wow naman sa kanya! Ang bilis mag-reply! Wala pang isang minuto nakapag-reply na siya.

Jay:

What nauto? She asked me to follow you in that fast food because you might eat too much rice! She gave me your number so I can find you easily!

Gigil na siguro 'to ngayon dahil may pa exclamation point na siya. Anong connect pa din no’ng phone number ko? ‘Di ko gets.

Ako:

Anong connect no’n? P’wede mo naman akong hindi sundan para wala ka ng problema.

Naalala ko ‘yong sinabi niya kanina na ako ‘yong problema. Wtf am doing to him? Hindi ko naman siya pinapansin katulad ng pagu-usap namin ngayon kesa dati. Problema pa pala ako sa kanya sa lagay na ‘yon? Sa konting oras na ‘yon…

Jay:

Wait, you misunderstood that part.

I misunderstood, huh? Hmm, let’s see.

Ako:

I misunderstand? Then, explain it to me now.

Jay:

No, not here I want to explain to you personally.

Personally pa kung ‘pwede namang dito. Nauurat lang ako ‘pag nakikita ko siya. Naalala ko lang  ang mga kalandian niya!

Ako:

Personally? Do you remember what I said earlier? I said, I hope not to see you again, right?

Ang tagal niya bago makapag-reply.

Jay:

You always replied with that question mark. Btw, thank you for reminding me that.

Nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib dahil sa reply niya. Lalo akong nalungkot.

Jay:

It's already late you, better sleep now. Don't worry your wish will be granted.

Lalong bumigat ‘yong nararamdaman ko sa huli niyang text. Hindi na ako nag-reply dahil hindi ko na din alam kung anong sasabihin ko.

Napatitig nalang ako sa ceiling at inisip ang mga ginawa ko kay Jay ngayong araw. Napagtanto kong ang harsh ko nga sa kanya.

"Angela!"

Nagising ako sa tawag ni Manang Lolit sa labas ng pintuan ng kwarto ko. Napatingin ako sa orasan at napabalikwas nang makitang 7:16 na ng umaga. Male-late ako! May klase pa ako ng 8:00 am sa business math! At lalong hindi ko dapat palagpasin ‘yon dahil major subject!

"Manang, late na ako!" sigaw ko at dumiretso na sa banyo.

"Bilisan mo maligo at kumain ka na," sabi pa niya.

Hindi ako nagising sa alarm ko. Madaling araw na ata ako nakatulog kagabi dahil sa pagi-isip ko. Hindi talaga ako makatulog kagabi kaya puyat ako ngayon at male-late pa.

Binilisan ko na lang maligo dahil gahol na ako sa oras.

Paglabas ko ng banyo ay nagbihis na agad ako. Agad kong kinuha ‘yong bag at iPad ko. Nando’n kasi ang mahahalagang sketch na kailangang ipasa mamaya.

Pagbaba ko ng kwarto ay may nakahanda ng pagkain. Pero hindi ko ‘yon pinansin, ininom ko lang ‘yong gatas at kumuha ng tinapay. ‘Yon nalang kakainin ko dahil sobrang late na ako. Nagpaalam na ako kay Manang na aalis na ako.

"Hay nakong bata ka! Hindi ka pa kumakain!" Pangaral sa’kin ni manang.

"Manang, late na ako! Babye na!" Sabi ko at pumasok na sa sasakyan ko. May sinasabi pa si Manang pero hindi ko na madinig dahil nasa loob na ako ng kotse.

Natawa nalang ako. Simula ng dalaga pa si mama ay si Manang na ang nag-alaga sa kanya at ngayon ay kami namang dalawa ni Ate. Parang nanay na rin ang turing namin sa kanya nina mama.

7:45 na at nasa kalsada pa din ako. Medyo may kalayuan kasi 'yong school at traffic pa dahil sa stop light.

7:58. Papasok na ako sa loob ng school at magpa-park pa ako kaya siguradong late na ako. ‘Pagka-park ko ay tinakbo ko na ‘yong building kung nasaan ang room ko, buti nalang at nag-flats ako ngayon. Wala ng masyadong estudyante sa corridor dahil nga naguumpisa na ang mga klase.

Tumapat na ako sa elevator kaya lang ang tagal pa nito bago magbukas. Pagbukas ng nito ay laking gulat ko nang makita si Jay. Napatingin ako sa kanya, gano’n din siya sa akin. Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti ngunit hindi niya ako pinansin. Kumunot lang ang noo niya.

Pagdating sa 4th floor nauna siyang lumabas ng elevator, sumunod naman ako. Magka-klase nga pala kami sa halos lahat ng major subject.

Pagdating namin sa room ay nagsisimula na ang klase. Hindi man lang bumati si Jay! How rude he is!

"Good morning, Ma'am. Sorry, we're late." Ako na lang ang bumati. Hindi man lang nahiya si Jay! Late na nga ‘di pa marunong magbigay ng respeto!

"Good morning. Take your seat."

Umupo na ako sa upuan ko. Si Tin-tin naman ay ngiting ngiti sa akin. Pag-upo ko ay kinalabit na agad niya ako.

"Bakit magkasabay kayo ni Papi?"

Hindi ko siya pinansin dahil ‘pag pinansin ko siya ay lalo lang siyang magi-ingay, baka mahuli pa kami.

Dalawang oras nga pala kami dito. Kaya pagkalipas ng isang oras ay may isang oras pa! Gutom na ako, buti na lang at may baon akong biscuit. Lagi akong may dala sa bag in case na gutumin ako. Dahan-dahan ko iyong binuksan para walang makarinig. Habang nagdi-discuss ‘yong prof at hindi pa nakatingin sa gawi namin ay sumusubo na ako.

Kinulbit ako ni Tin Tin kaya ako napatingin sakanya.

"Huy! Ano yan!?" Pabulong niyang sabi, sinenyasan ko na lang siya na ‘wag maingay.

Nang maubos ko na ‘yong biscuit ay saka ko lang naalala na wala nga pala akong dalang tubig dahil sa kamamadali ko kanina. Kinulbit ko si Tin Tin para magtanong.

"May tubig ka diyan?" bulong ko.

"Wala, ako pa makaro’n? Tingnan mo nga ‘yong bag ko." Sabay turo sa maliit niyang bag na kahit iPad ay hindi magkakasya.

"Bakit kasi ang liit liit ng bag mo!?" napalakas ang sabi ko no’n.

"Ehem! Can you please quiet?!" Angil ng nasa likod ko… walang iba kung ‘di si Jay! Inirapan ko na lang siya.

Tumingin ako sa relo ko malapit na mag time. Tinaas ko 'yong kamay ko para mapukaw ang atensyon ng prof namin.

Tinaasan ako ng kilay ng prof namin.

"Comfort room lang po," paalam ko, tumango naman ang siya.

Kinuha ko 'yong wallet ko at cellphone, hindi naman kasi talaga ako mag c-cr bibili ako ng tubig. Hihintayin ko na din mag-time para makakain na ako. Gutom na gutom talaga ako kanina, isang tinapay lang ba naman ang kainin.

Pagdating ko sa canteen ay bumili na agad akong tubig. Sakto’ng pagkatapos kong uminom ay tapos na ang klase. Bumili na din ako ng pagkain ko. Nag-pasta ako para mabigat-bigat sa tiyan.

Nang makahanap na ako ng mauupuan ay nakita ko si Jay na papunta din sa canteen. Napatingin siya sa gawi ko, malamig na tingin lang ang iginawad niya.

Hindi ko na lang iyon pinansin, tinext ko si Tin Tin para samahan akong kumain dito. Para hindi naman ako loner kahit papaano.

Related chapters

  • Ending Scene   Chapter 5

    His girlfriendHindi na nakadating si Tin Tin, nag-text siya sa’kin na may pupuntahan daw siya bigla. Bigla na lang lagi ang lakad niya, walang sche-schedule! Kung ano maisipan niya ‘yon na.Patapos pa lang ako kumain nang mapatingin ako sa dumaan na grupo ng mga babae sa harap ko na masama an

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 6

    BestfriendNatapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.May nakasulat na note sa ref.“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang sal

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 7

    EmbraceHindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter.

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 8

    PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 9

    SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 10

    CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 11

    Uranophile

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 12

    DateMaaga akong nagising dahil medyo maaga din ako nakatulog kagabi. Kailangan medyo agahan ngayon

    Last Updated : 2020-09-04

Latest chapter

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

DMCA.com Protection Status