Embrace
Hindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.
Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter. Umupo ako sa upuan, tumabi sa’kin si Neri, isa sa mga pinagkakatiwalaan din ni Ate sa shop.
"Alam mo, Mam, kanina pa si sir dito," sabi niya na nakapangalumbaba at nakatingin kay Jay. Kumunot naman ang noo ko. Hindi ko naman tinatanong.
"Oh? Absent 'yan kanina e," sabi ko, biglang tumingin sakin si Neri. Nagulat naman ako sa bigla niyang pagtingin sakin
"Nako, naman si Sir. Dapat pumasok na siya, kaya naman namin dito. Hinintay niya na lang sana mag-uwian saka siya dumiretso dito." Neri said.
Neri is right, sana pumasok na lang siya kanina. P’wede naman siyang pumunta dito pagtapos ng klase namin. Katulad ng ginawa ko. Madami pa naman kaming diniscuss kanina. Papahiramin ko na lang siya ng notes ko. Malapit ng matapos ang semister kaya kailangan ng mag-aral ng ayos.
"Papahiramin ko na lang ng notes mamaya," sabi ko. Napadako ang tingin ko kay Jay na nakatingin din sa’kin. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ako kumportable.
"Buti pa nga, ma’am. Nga pala, kumain na po ba kayo?" Pag-iiba naman niya sa topic.
"Hindi pa," simple kong sagot. Buti pinaalala niya, hindi pa nga pala ako nakakain dahil dumiretso agad ako dito.
Kinuha ko ang wallet at phone na nasa bag ko.
"Kakain muna ako saglit babalik din agad ako," sabi ko at tumayo na sa upuan.
Bago ako makaalis sa cashier area ay narinig ko ang bulong ni Neri na parang may ipinapahiwatig.
"Ehem, si Sir, Ma’am, hindi pa kumakain. Baka naman..." bulong bulong niya.
"Ano kamo, Neri?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Ah, Ma'am, wala. Sige na po. Kumain na po kayo." Ngingiti-ngiti siyang sumagot.
Nginitian ko nalang din siya at umalis na ng shop. Nandoon pa din si Jay at hawak ng kaliwang kamay niya ang clip board, sa kanang kamay naman ang kanyang phone. Sa bandang likod niya ako dumaan kaya siguro hindi niya ako napansin.
Pano kaya kung bilhan ko na din siya ng pagkain? Hindi naman siguro magiging issue 'yon diba? Napangiti ako sa idea na bibilhan ko siya ng pagkain kaso hindi ko alam kung anong gusto niya. Baka ‘pag bumili ako hindi niya kainin. Hindi naman siguro siya gano’n.
Napangiti ako sa idea na bibilhan ko siya ng pagkain. Sana magustuhan niya ang bibilhin ko.
Nakakita ako ng Greenwich, doon nalang siguro ako bibili ng pagkain namin. Dalawang Lasagna with Chicken ang inorder ko, nagpa-add din ako ng isang rice para kay Jay. Iwas muna ako sa kanin.
Nakabili na ako. Napadaan naman ako sa isang shop ng lemonade. Favorite ko kasi ang lemon. Bumili din ako no'n.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang naglalakad, magugustuhan kaya niya yung binili ko? Sana naman oo.
Nang makarating na ako sa shop ay nakatingin siya sa’kin, nginitian ko siya pero hindi siya ngumiti pabalik. Napatingin siya sa mga dala ko.
"Tara, kain. Binilhan din kita!" Nakangiti kong sabi. Tinaas ko ang binili ko para makita niya. Nanatili siyang nakatingin sakin at malakas na nagbuntong hininga.
"Ilagay mo na lang sa table ng employees’ room." Malamig niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako at sinunod ang gusto niya.
Pumasok na ako sa employees’ room at nilapag ang pagkain sa lamesa. Umupo na ako at inilabas ko ang pagkain sa paper bag. Inintay ko siya ng mga ilang minuto kung papasok ba siya pero hindi niya ginawa. Inis akong nagsimulang kumain.
Natapos na akong kumain pero wala pa din siya. Maluha-luha na ako ng inaayos ko ang pinagkainan ko. Tinapon ko ‘yon sa basurahan at ‘yong pagkain na para kay Jay ay pinasok ko uli sa paper bag at itinabi sa lamesa.
Dapat pala hindi ko nalang siya binilhan dahil parang masasayang lang ang pagkain na binili ko.
Lumabas na ako at umupo na uli sa cashier area. Hindi na ako nagmasid sa paligid ng shop dahil alam kong makikita ko lang siya.
Wala naman masyadong bumibili dahil weekdays hindi katulad noong isang araw.
Naglaro nalang ako sa cellphone para maabala ang sarili ko. May paminsang-minsang nabili kaya natitigil ako sa paglalaro.
Nang mainip na ako ay nagtingin-tingin ako ng mga damit. Kailangan ko na talaga siguro bumili ng bago para makapag-declutter na ako ng mga lumang damit.
Hindi pa ako bumili, uutuin ko muna si Ate para naman libre.
Nakita ko si Neri na nag-aayos ng mga damit na nagulo ng mga customer. Naiisip ko ‘yong pagkain na binili ko para kay Jay.
"Neri!" Tawag ko sabay lapit sakanya.
"Bakit po, Ma’am?" Tanong naman niya.
"Kainin mo na ‘yong binili kong pagkain baka mapanis," I told her.
"Ngayon na po, Ma’am?"
"Oo, ngayon na," sabi ko at sumunod naman siya.
Ipapakain ko nalang sa kanya kesa naman masira ‘yon. Mag-tatatlong oras na din simula ng bilhin ko 'yon. Mukhang wala namang balak si Jay na kainin 'yon.
Mag-aalas tres na at mag-aayos na ako. Pumasok ako sa employees’ room para ayusin ang buhok ko dahil meron ditong salamin. Tapos ng kumain si Neri ng makapasok ako. Ang bilis naman niyang kumain.
"Thank you, Ma’am, sa pagkain!" Nakangiti niyang sabi. Nginitian ko din siya at tinanguan. Lumabas na si Neri kaya naiwan akong mag-ssa. Masakit pa rin sa side ko na nag-effort ako bumili ng pagkain para sa kanya pero wala siyang balak kainin ‘yon.
Kung hanapin man niya ‘yong pagkain bahala na siya sa buhay niya. Binilhan ko na nga siya pero pinaghintay niya.
Lumabas na ako ng employees’ room at kinuha na ang bag ko na sa upuan lang. Nakatingin sa’kin si Jay pero dahil sa sobrang inis ko sa kanya ay inirapan ko siya at tuluyan ng umalis ng shop. Babalik naman ako mamaya kasi hihintayin ko pang magsarado, kasi baka hindi na dumaan si Ate dito.
Nakarating ako sa milk tea house na sinasabi ni Cess. Walang pang-four pm ay nandito na ako. Wala pa siya kaya umorder ako ng aking sariling milk tea. Bawal sakin ang milktea kaya ‘yong maliit na size lang ang binili ko.
Nakita ko na si Princess Cayetano na papasok ng milk tea house. Bago siya umupo sa upuan na katapat ko ay nginitian niya ako. I didn't expect that. Napabuntong hininga ako para makapagpaliwanag na. Ayoko ng patagalin ito.
"Princess—" bago pa ako makapagsalita ay nagsalita na siya.
"Are you close with Jay?" Tanong niya. Nangunot naman ang noo ko sa tanong niya.
"Not really, he hates me and I hate him too." I said without hesitation.
"Uh-huh. I don't think Jay hates you. He always mentioned you when we talk. And I hated you for that." She said. Damn it! I didn't get her point!
"Princess, I didn't get your point. Jay hates me he was just tripping me. I don't care if he is tripping me because he's a playboy. If you are afraid that I will take away Jay from you. No. I wouldn’t to it. I admit that I like Jay. If you want me to stay away from him I will—" she cut again my lines.
"Don't do that!" She exclaimed, I'm shock to her reaction.
"What do you mean?" I ask the fact that I'm curious! Kahapon galit lang sakin 'to dahil magkasama kami ni Jay noong isang araw. Hindi ko siya maintindihan sa inaakto niya.
"Last night, I realize that Jay wasn't for me. We're just a fling but I fell for him. Last time he cleared to me that we're just a fling at pumayag ako na ganon lang kami. Kahit masakit tinanggap ko. Every time we fuck, he always says your name," she said while teary eyed. Napatakip naman ako ng bibig dahil sa huling sinabi niya.
"And I broke up with him last night," she said and her tears fell on her cheeks. Gulat ako sa sinabi niya.
"Because, I think he will be happy with you. He's in love with you lahat ng ginagawa niya sayo hindi iyon trip." Inabutan ko siya ng tissue dahil wala pa ding tigil sa pag-agos ng mga luha niya.
"I'm sorry," I said out of nowhere.
"Don't be sorry. Please, just make him happy. I'm okay with that." She smiled to me while wiping her tears. Umiling ako sa sinabi niya.
"Lately, ang cold na niya sa’kin. Hindi ko alam kung bakit. Kahit kanina magkasama kami sa shop ni Ate, hindi niya ako pinapansin."
"Jay said that you want him to stay away from you and he promise you that. I think he is just fulfilling his promise. Knowing Jay magiging marupok siya. Kaya mo ‘yan, Angela," she said. Tumango ako.
"You know, what, Princess? You're so brave. You let go of the person that you love for his happiness. Don't worry, I will make Jay happy. I hope you'll find another man that who can love you to the fullest." I gave her a smile.
"Sorry for what I did yesterday."
"It's okay," I said.
"Can you be my friend?" She asked.
Sino ba naman ako para tumanggi? Pumayag akong maging kaibigan niya, wala naman sigurong mawawala ‘pag nakipagkaibigan ako.
Nagtagal pa ang pag uusap namin ng mga ilang minuto. Nagpakilala kami sa isa't isa ng maayos. At nasabi niya din na pinsan nga niya si Caious. OA lang talaga daw si Caious kaya ganoon 'yon kahapon.
Nauna na siyang umalis ng milk tea shop, nagpaiwan ako para magkapagisip-isip. Nag-iisip ako kung paano ko ia-approach uli si Jay, lalo na ngayon na ang cold niya sakin.
Nasabi ko lang naman sa kanya ‘yong "I hope to never see you again" kasi ang landi niya. Lahat na lang ng babae nilandi niya.
Sa pagiisip ko ay may tumatawag sa phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, si Jay pala. Napabuntong hininga muna ako bago ko sinagot ang tawag.
"Where are you?" Sa himig pa lang ng boses niya alam mo ng galit siya.
"Why?" 'Yon lang ang nasagot ko dahil sa kaba.
"Anong why? Umalis ka ng hindi nagpapalam!" Galit na nga talaga siya.
"Pabalik na ako diyan," sabi ko.
"You better go back here." Sabi niya at pinatay na ang tawag. Kinuha ko na ‘yong bag ko at lumabas na ng milk tea house. Malapit lang naman dito ‘yong mall kung nasaan ang shop ni Ate.
Wala pang sampung minuto ay nakarating na ako sa mall pag-park ko ay nakita ko si Jay na naka-cross arm at madilim ang tingin sakin. Kinabahan ako sa tingin niya.
Lumapit na ako sa kanya dahil baka kapag binagalan ko pa ay maglabas na ng usok ang ilong nito dahil sa galit na ekspresyon na pinapakita niya.
"San ka galing?" Malayo palang ay ‘yan na agad ang bungad niya sa’kin.
"Bakit galit ka na naman?" Imbis na sagutin ‘yung tanong niya ay ako ang nagtanong sa kanya.
"Bakit nga kasi hindi ka nagpaalam na aalis ka?" Tanong niya pa rin. Hindi ata kami matatapos sa kakatanong sa isa’t isa.
"Galit ka naman sa’kin. Pano ako magpapaalam, hindi mo naman ako pinapansin. Kanina nga niyaya kitang kumain, hindi mo ko sinabayan." Dahilan ko. Tunay naman, e. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Konti na lang ay tutulo na ang luha ko. Naalala ko ‘yong ginawa ko kanina, bumili ng pagkain para sa kanya pero hindi naman niya kinain.
Lumapit siya sa’kin at nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.
"I'm sorry, I'm not mad at you. I'm just fulfilling my promise to you, na hindi na ako magpapakita… pero malabong mangyari 'yon. Kaya hindi na lang kita pinapansin," sabi niya at lalong hinigpitan ang yakap sa’kin. Umagos na ang luha ko, lumayo ako sa kanya para punasan ang ‘yon. Ayokong mabasa ang damit niya dahil sa luha ko.
"I'm sorry din if I push you away even if it’s against my will," sabi ko at tuloy tuloy na ang pag-agos ng mga luha ko. Hinawi niya ang kamay ko na nagpupunas ng luha ko at siya na mismo ang nagpunas ng mga iyon.
Niyakap niya uli ako at para bang walang pake kung mabasa ng mga luha ko ang damit niya.
"I knew it, you don't like it too!" sabi niya.
Nanatili kami ni Jay na nakatayo at magkayakap sa parking lot. Wala naman masyadong tao kaya walang nakakakita samin.
I feel comfortable in his embrace.
"Hoy, bawal 'yan!" umalis ako sa pagkakayakap sakanya para tignan kung sino iyon.
Si Kuya Jaycee kasama si Ate. Tinignan ko si Jay at nakangiti lang siya sa dalawa.
"Ate Shane, kain lang kami sa labas ako na ang mag-uuwi sa kanya mamaya." Paalam ni Jay.
"Sige. Basta wala kang gagawin na ikakagalit namin, ha?" Sabi ate.
"Yes, Ate," ngiting-ngiti naman niyang sagot.
"Hoy, bro, umayos ka, ha!" banta pa sa kanya ng kuya niya.
"Yes na po, kuya." Ngiting may pang-aasar sa kuya niya.
Tinalikuran na kami nila Ate kaya inakbayan niya ako at hinila papunta sa gawi ng kotse niya.
PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.
SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag
CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"
Uranophile
DateMaaga akong nagising dahil medyo maaga din ako nakatulog kagabi. Kailangan medyo agahan ngayon
PassionMag iisang b
Pamper daySa isang restuarant kami nagpunta sa medyo mahal hindi naman kasi ako ang magbabayad. Aba ma
PlanI already changed my c
EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani
AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili
TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay
LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.
DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya