Home / All / Ending Scene / Chapter 8

Share

Chapter 8

Author: Margaretzzzz
last update Last Updated: 2020-09-04 21:27:48

Picture

Malapit na kami sa kotse niya.

Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.

"Angela Ceren Martinez, they know that I love you. Even your parents." He said, a smile curved in his lips. Nagulat ako sa sinabi niya.

"How?" Naguguluhan na ako.

"Tss, hindi ka kasi pumupunta pagini-invite ni mommy ang family niyo," sabi niya. Ako pa sinisi. Napatulala ako sa sinabi niya.

"Tara na sa kotse, doon na lang tayo magkwentuhan. Kakawa naman ang mga paa mong maliit, baka pagod na." ‘Yan na naman ang mga pang-aasar niya. Hahampasin ko sana siya kaso nahawakan na niya agad ang mga kamay ko.

Pinagsalikop niya ang kamay namin at iginiya niya ako sa shotgun seat ng kotse niya. Habang sinusuot ko ang seat belt ay siya naman ay umikot para sumakay sa driver seat.

Curious talaga ako kung pano nalaman ng pamilya ko ang nararamdaman niya para sakin. Ibig sabihin matagal na siyang may gusto sakin? Pero ang alam ko trip lang nila 'yon. Inutusan lang siya ng barkada niya. 'Yon ang alam ko.

"Pano nga nangyari 'yon?" Tanong ko uli sakanya. Nasa daan na kami hindi ko alam kung saan ba ako dadalhin ng isang 'to.

"Naka ilang tanong ka na niyan, simula pa kanina bago tayo umalis sa parking," sabi niya.

"Curious lang kasi ako," sabi ko naman.

"Kung ngayon ako magkukwento baka hindi matapos sa haba."

"Kanina pa nga tayo dito sa kalsada. Saan mo ba ako dadalhin ha?" Tanong ko sa kanya. Ang sakit na kasi ng pwet ko kakaupo.

"You'll see," maikli niya na sabi.

"You'll see mo mukha mo." Pabulong kong sabi. Hindi ko alam kung narinig niya ‘yon, tumingin na lang ako sa daan na tinatahak niya at nag-cross arms.

Patuloy kong iniisip kung paano nalaman ng pamilya ko ‘yong nararamdaman sakin ni Jay. Inaamin ko na hindi ako umaattend sa mga family gatherings. Simula kasi ng maging magkasintahan si Ate at Kuya Jaycee ay lagi na lang nagkakaroon ng family gathering, isang beses sa isang taon minsan nga nagiging dalawa pa sa isang taon, mahilig kasi magluto ang mommy nila kuya Jaycee. Isang beses pa lang ako nakakapunta sa kanila 'yon, ata ‘yong first anniversary nila Ate. Hindi na ako sumama sa mga sumunod dahil pagkatapos noon ay tumaas ‘yong sugar ko dahil sa dami ng nakain ko. Ang sarap kasi ng mga pagkain kaya hindi ko mapigilan ang sarili ko. Hindi din naman ako pinigilan nila mama dahil minsan lang naman daw ako kumain ng madami.

Ngayon magfa-five years na in a relationship na sila ate madami-dami na din akong hindi napupuntahan na family gatherings kasama ang pamilya nila.

Rinig ko ang malakas na buntong hininga ng katabi ko. Napatingin ako sa kanya at nakatingin din siya sa’kin, huminto siya dahil sa star toll.

"Lalim ng iniisip mo, a? Sana ako ‘yan." Nakangisi niyang sabi. Napairap naman ako sa kakornihan niya.

"Asa ka! ‘Wag mo nga akong kausapin hanggat hindi ka nagkukwento sa’kin!"

Attitude na kung attitude sumasakit na ang ulo ko kakaisip e.

"Wait 'till there, baby." napatingin ako sa kanya, nakangisi na naman siya.

Nagbayad na siya ng pay toll at umandar na naman kami.

Habang bumabiyahe kami ay kasabay nito ang paglubog ng araw. Ang ganda lang pagmasdan. Nakatutuk sa mukha ko ang sinag na papalubog na araw. Pinatong ko ‘yong phone ko sa taas ng maliit na compartment pero natutumba siya.

Hininto ni Jay ang sasakyan sa may lay bay. Siguro napansin niya ang ginagawa ko.

"What are you doing?" Tanong niya.

"I want to take a picture. Picturan mo naman ako." Nakanguso kong sabi sa kanya sabay abot ng phone. Kinuha naman niya agad 'yon. Umayos ako ng upo nag-pose ako ng nag-pose. Nang makuntento ay kinuha ko na sa kanya ang phone ko.

Siya naman ang kukunan ko ng litrato gamit ang phone ko.

"Wait there," sabi niya at inilabas niya ang phone niya. Nakangiti ako na nakaharap sa kanya at nakatapat din sa kanya ang phone ko.

"Hey, wait! Put down your phone, I'll take a picture of you." I said.

Binaba niya ‘yon at tumingin sa bintana na para bang nahihiya sa camera. Nang makuntento na ay tinignan ko na 'yong mga picture.

Pumili ako ng mga litrato na ieedit ko sa lightroom para mas maganda. Tinignan ko ‘yong kinuha kong litrato ni Jay na hawak niya ang phone niya, sa tingin ko ay kinukuhaan niya din ako. We're so cute there.

I posted it on my IG account. With the caption "u cute?"

Napangiti na lang ako sa ginawa ko. Pati ang iba ko pang picture ay pinost ko na din.

"Malayo pa ba?" Tanong ko dahil inip na ako at gutom na din. Kanina pa kasi kami bumibiyahe at wala pa kami sa pupuntahan namin.

"Malapit na," sabi niya. Buti naman, ngalay na ngalay na ang pwet ko.

Nakita ko sa dinadaanan namin na sa Tagaytay kami pupunta. Hindi na ako nagtaka dahil kanina pa kami bumibiyahe. Ano naman kayang pakana ng isang 'to at naisipan na dito mag-dinner?

Pumasok kami sa isang malaking gate. Sa itaas nito ay may nakalagay na español na salita. Hindi ko agad nabasa iyon dahil nakapasok na kami sa loob.

Sa pagpasok ng aming sasakyan ay may sumalubong agad na lalaki para igiya sa garahe ang sasakyan.

Isang malaking mansyon ang pumukaw sa akin na tila ba hindi bago sa aking paningin ang mansyon. Hindi ko matandaan pero sa pagkakaalam ko nakapunta na ako dito.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Jay. Nakangiti siyang humarap kaya ginantihan ko siya ng matamis na ngiti.

"This is our rest house here in Tagaytay, and also where we first met," he said. I knew it, I already went here.

Dito nag first anniversary sila Ate. Hindi ko lang matandaan dahil lagi akong tulog sa biyahe noon at walang pake sa mga bagay-bagay. I was in ninth grade that time at busy ako sa school at pagod na pagod ako. Sinundo lang ako nila Mama sa school no’n para makasama ako.

"I knew it! Hindi ko na kasi matandaan," nakangiwi kong sabi sa kanya.

"I know, you seem sleepy when you arrived here that time and you eat like there's no tomorrow!" he chuckled. ‘Yan na naman siya.

"Huwag mo ng ipapaalala, please. Ang dami ko ngang nakain no’ng gabing 'yon!"  Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay dahil sa kahihiyan. Gutom na gutom kasi ako no’n.

"It’s okay." He chuckled again at tinanggal niya ang mga kamay kong nakataklob sa mukha ko.

"Let’s go," sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa bulwagan ng bahay.

Ang ganda pa din ng loob, lalong gumanda. Ganto ang tipo kong bahay kahit na disenyong pang sinauna ay nahahaluan pa din kaunting moderno.

"Good evening, Sir Jay at Ma’am Angela."

Nginitian ko lang ang mga bumabati na katulong, hindi na ako nagtaka kung bakit nila ako kilala dahil nga minsan na akong napunta dito. Binati naman sila ni Jay.

"Pahanda na ako ng pagkain," sabi ni Jay sa mga kasambahay.

Dinala ako sa beranda ni Jay. Doon nakahain ang pagkain. May pa-bulaklak sa gitna ng lamesa, may kandila pa na para bang romantic dinner ang dating.

Pinaghila ako ni Jay ng upuan. Umupo naman siya sa tapat ko. Tinignan ko ang labas at sobrang dilim na, hindi na makita kung ano mang tanawin ang meron dito. Sa 'di kalayuan ay may makikitang mumunting ilaw, galing siguro sa ibang gusali o kabahayan.

"Are we near Taal Volcano?" Napatanong ako, dahil nasa Tagaytay na din naman kami.

"Yep, ‘pag maliwanag kita mo dito ang Taal Volcano. Hindi mo lang siya makikita ngayon dahil gabi."

"Oh, really?" Gulat kong sabi.

"Yes, why? Do you want to see it?" Tanong naman niya, napatango ako matagal ko ng gustong makita ang Taal pero wala akong time.

"But how? Uuwi rin naman tayo mamaya," napasimangot naman ako. Dumating na ang mga pagkain namin. Nilagyan ako ng konting-konting kanin ni Jay at madaming gulay.

"We can go home tomorrow morning," sabi niya habang nilalagyan ang plato niya ng pagkain.

"Papayag kaya si Ate?" Knowing Ate papayagan naman ako no’n lalo na kasama ko si Jay.

"We'll call her later. Kumain na muna tayo."

Tahimik lang kaming kumain. Minsan ay nahuhuli ko siyang patingin-tingin sakin.

Naubos ko na ang pagkain sa plato ko pero kumuha pa din ako ng gulay lalo na't chopsuey ang luto, paborito ko pa naman 'to. Tama lang ang luto ng carrots, hindi lutong-luto at hindi din hilaw. ‘Pag lutong luto kasi sobrang lambot ayoko no’n.

Puro gulay ang nakahanda ngayon sa hapag, walang mga seafoods gaya noon. Ang sarap naman ng luto.

"Bakit walang seafoods?" Tanong ko, napahinto naman siya sa pagkain. Pinangunutan niya ako ng noo.

"Really? Hinahanap mo ‘yong bawal sayo?" Pagsusungit niya.

"Sungit," bulong ko at bumaling na uli ako sa kinakain ko.

"Alam na kasing bawal hahanapin pa," bulong niya pero dahil sa baritono niyang boses narinig ko.

"Namimiss ko lang naman kasi. Ang sarap kaya ng luto," I pouted. Tumigil ako sa pagkain at tinignan uli siya na nakatingin din sa’kin.

Napabuntong hininga naman siya.

"Hindi naman totally na bawal sakin 'yon, dapat patikim-tikim lang." dagdag ko pa

"Alright, bukas papaluto ako," sabi niya. Nagdiwang naman agad ako. I'm just craving for those seafoods.

"Just make sure you will not eat a lot of it, okay? It's bad for your health."

Tumango-tango naman ako na parang bata. Abot-tenga ang ngiti hanggang matapos kumain.

Kinuha ko na ang phone ko para tawagan si Ate.

"Oh? Nasaan na kayo?" Siya ang unang nagsalita.

"Ate, nandito kami sa Tagaytay p’wedeng dito na lang kami magpalipas ng gabi?" Tanong ko.

"Ay, nandyan lang pala kayo. Sige, nasan ba si Jay? Kakausapin ng kuya niya." Sabi ni ate. Iniabot ko naman ang phone ko sa katabi kong si Jay.

Hindi na ako nagtaka kung magkasama ang dalawa. Mahirap paghiwalayin ang dalawang ‘yan, laging gustong kasama ang isa't isa.

"Kakausapin ka ng kuya mo," I mouthed to him. Tinanggap naman niya at lumayo siya ng bahagya sakin.

"Yeah. I know, Kuya. Yes, yes. I will. Alright, kuya." Hindi ko rinig ang pinaguusapan nila dahil hindi naman naka-loudspeaker.

Binalik ni Jay sa’kin ang phone. Akala ko patay na ang tawag pero hindi pa pala.

"Hoy, Angela Ceren! Umayos ka diyan, ha? Sa kwarto ko ikaw matulog, may damit din ako do’n. Gamitin mo, bayadan mo nalang pagbalik mo," sabi ni ate, pati ba naman damit pinagdadamot.

"Oh, may kwarto ka dito? Sana all. Pati damit pinapapabayadan mo, ako na nga nagbabantay ng shop mo." Sagot ko naman. Ano ka ngayon babawi ako sayo!

"Inggit ka naman! ‘Wag kang mag-alala magkakaroon ka din diyan!" Pang-aasar ni Ate. Rinig ko ang tawa ni Kuya Jaycee, naka-loudspeaker siguro.

"Tse. Ewan ko sa’yo, Ate!" Pinatay ko na ang tawag, alam kong aasarin lang nila ako.

Wala pang ilang minuto ay naka-receive naman ako ng text kay ate. Aba, hindi pa ata tapos sa pang-aasar.

Ate Shane:

Hoy, luka, magpaalam ka kila Mama.

Shit! Muntik ko ng makalimutan! Tinext ko na lang din si Mama, pumayag naman agad ito. Parang hindi pa nga mag-aalala, ang ikli ba naman ng sagot sa’kin.

"Okay."

‘Yan lang, gano’n na ba talaga nila kilala si Jay at pinapayagan nila ako na makasama ang tukmol na 'to?

Hinatid na niya ako sa kwarto ni Ate. Hindi ko maipagkakaila na ang ganda ng disenyo ng kwarto ni Ate. Gano’n na talaga kagusto ng mga Marquez si Ate, pati kwarto dito sa rest house nila binigyan siya.

"If you need something, my room’s just two rooms away from here." Sabi ni Jay. Nakaupo ako ngayon sa kama at tinatanggal ang sapatos ko.

Tumango naman ako at nginitian siya.

"Hmm, okay," sabi ko. Nginitian naman niya ako pabalik at lumabas na ng kwarto.

Nag half bath muna ako bago matulog. Mababa masyado ang temperatura ngayon dito sa Tagaytay buti na lang may hoodie si Ate dito. Nakatulog naman ako agad dahil sa sarap ng klima. Idagdag pa ang mga magagandang nangyari ngayon araw, hindi man naging perfect at least mas lamang ang positive vibes.

Related chapters

  • Ending Scene   Chapter 9

    SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 10

    CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 11

    Uranophile

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 12

    DateMaaga akong nagising dahil medyo maaga din ako nakatulog kagabi. Kailangan medyo agahan ngayon

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 13

    PassionMag iisang b

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 14

    Pamper daySa isang restuarant kami nagpunta sa medyo mahal hindi naman kasi ako ang magbabayad. Aba ma

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 15

    PlanI already changed my c

    Last Updated : 2020-09-04
  • Ending Scene   Chapter 16

    FaithNakaupo kami sa carpe

    Last Updated : 2020-09-04

Latest chapter

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

DMCA.com Protection Status