Home / Lahat / Ending Scene / Chapter 9

Share

Chapter 9

Author: Margaretzzzz
last update Huling Na-update: 2020-09-04 21:30:03

Secretly

Nagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.

Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees.

"Good morning!" bati niya sakin.

"Morning!" bati ko at nag unat ng katawan. Umupo na ako sa kama at inayos ang buhok ko.

"Hindi ka ba nilalamig at naka muscle tees ka lang?" Tanong ko.

"Nope. Sanay na ako, mas madalas ako dito kesa sa Manila," sabi naman niya. Tumayo siya sa pagkakaupo niya at inabot ang kamay ko para hilahin paalis sa kama. Nagpatianod naman ako.

"Let’s go, ready na breakfast." Sabay hawak niya pa din sa kamay ko nang may maalala ako. Bumitaw ako sa hawak niya at tumakbo pababa sa kusina. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko, hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na sa hapag.

Seafoods!

"Hey! Be careful!"

I didn’t mind what he's saying. Umupo na agad ako sa upuan at kumuha ng isang tempura at sinubo ito. Kumuha pa uli ako at nang sa pangatlo ko na ay inagaw na sakin ni Jay ang kinakain ko.

"Konti-konti lang," sabi niya at sinubo ang kinuha niya sa’kin ang tempura. Umupo na din siya sa katabing upuan ko. Sa tabi ko talaga, p’wede namang sa harap ko o sa kabisera.

Puro shrimp ang handa ngayon sa hapag at kaunting mga sea shells at isang crab.

Binuksan ni Jay ang crab gamit ang maliit na pambukas para doon. Nilagyan niya ang plato ko ng konti lang. Nang magtama ang mata namin ay tinignan ko siya ng masama.

"What?" May itinatagong ngiti sa kanyang labi.

Sinamangutan ko siya.

"Bakit ang konti lang?" Tanong ko.

"Mataas ang carbohydrates nito masyado, bawal sa’yo." Paliwanag niya.

Tinuloy ko na lang ang pagkain ko buti na lang at may pineapple juice.

Natapos na kaming kumain. Balak na naming umuwi sa Manila kaya umakyat na kami sa taas para mag-ayos ng sarili.

May pasok kami ngayon kaso hindi na kami abot sa mga klase namin. Kaya parehas kaming absent. Hihingi na lang ako ng notes kay Tin-Tin, masipag naman 'yon pumasok kaya paniguradong hindi 'yon absent.

Sinuot ko 'yong Adidas na black dress ni ate dito. Bagay naman sa CDG Converse na suot ko simula pa kahapon. Hanggang taas lang ng tuhod ko ‘yong dress at fit na fit sa katawan ko. Lalong nakita ang pagiging fair skin ko dahil sa kulay. Buti na lang puro bago ang mga undergarments ni ate dito.

Nag-bun ako ng buhok para lalong bumagay sa suot ko. Nang makuntento na ako sa ayos ko ay kinuha ko na ang Kate Spade na mini bagpack ko na madaming laman dahil sa mga gamit ko kahapon sa school. Lumabas na ako ng kwarto, napatingin ako sa pinto ni Jay na kakabukas lang din.

Amoy ko na agad ang pabango niyang umaalingasaw sa bango. Ang fresh niyang tignan. Hindi ako makapaniwala dahil parehas kaming naka-Adidas ngayon. Nakasuot kasi siya ngayon ng t-shirt ng Adidas na may signature lines sa mga balikat at may logo sa kaliwang dibdib. Naka-short lang siya at sa paa naman ay naka Lacoste slide lang.

Nginitian niya agad ako pagkakita niya sa’kin. Nginitian ko naman siya pabalik.

"Luh, ginaya mo ako, a," pang-aasar na naman niya sakin. Wala atang kasawaan 'to sa pang-aasar sa’kin. Lumapit siya sa’kin at inakbayan ako. Hindi naman mabigat sakto lang.

"Hoy, hindi, a," sabi ko sa kanya.

Pababa na kami ng hagdan, tinanggal ko na ang pagkaka-akbay niya sa’kin dahil baka mahulog kami sa hagdan.

May kinuha siya sa sofa.

Isang bouquet ng sunflower. Humarap siya s’akin ng nakangiti at hawak ng dalawa niyang kamay ang bouquet ng sunflower. Iniabot niya sa’kin ito at tinaggap ko naman.

"Para saan 'to?" Tanong ko sa kanya kasi naninibago ako.

"I'm courting you," he said.

Gulat naman ako sa sinabi niya. May naisip ako, para makapagkwento siya tungkol sa bagay na gusto ko. Lagot ka sa’kin ngayon! Akala mo makakaligtas ka.

"Pinayagan kita?" Mapang-asar na mukha ang pinakita ko sa kanya. Tinaasan niya lang ako kilay.

"Hindi ko kailangan ng pagpayag mo. Basta liligawan kita," sabi niya at hinatak na niya ang isa kong kamay palabas ng bahay.

"Kapal mo din, e, ‘noh? Hindi mo pa nga kinukwento kung pano ka umamin sa pamilya ko!" Sabi ko habang papasok na sa sasakyan niya. Pinagbukasan niya ako ng pinto at kinuha ang bag ko para ilagay sa likod.

"Oh? 'Yon lang pala gusto mo, eh. I will tell you the whole story when we're already in Manila. For now, just sit and relax while we're on our way, okay?" He said. Sinarado na niya ang pinto ko at umikot na para makasakay na sa driver seat.

Napatango na lang ako sa sinabi niya.

Habang pauwi ng Manila ay tahimik lang kaming dalawa. May paminsan-minsan akong tanong sa kanya tungkol sa mga kung anu-anong mga naiisip ko. Katulad ng mga lugar, tinanong ko kung ano ang mas malapit sa bahay nila, kung ang Enchanted Kingdom ba o ang Sky Ranch. Ang sagot niya ay parehas lang kasi wala naman daw masyadong traffic, depende na lang daw kung weekends. Hindi pa kasi ako nakakapunta sa dalawa na 'yan, Disneyland sa Hongkong at Universal sa Japan pa lang ang napupuntahan ko na mga amusement park. Hindi ko pa natatry dito sa Pilipinas.

"Sa rest house ka ba lagi nagbabakasyon?" Tanong ko naman.

"Hmm... Hindi lang bakasyon, minsan ‘pag weekends nando’n ako. If I want to refresh my mind from everything, I would rather go there instead of having a night out with friends. I want to be alone every time I'm upset," he said. Napatango ako sa sinabi niya.

"Upset? What makes you upset?"

"Everything. My friends. My own problems." He calmly said. Even though he is facing the driveway I can see in his eyes na nakakaranas siya ng pagiging gano’n.

Hindi ko akalain na may ganoon pala siyang tinatago. Hindi mo kasi agad makikita sa masayahing mukha niya na may pinagdadaanan siya. Ang perpekto ng pamilya niya, hindi pala sa lahat ng bagay perpekto ang isang tao. May mga klase kasi ng tao na masaya sa labas ng bahay pero pagdating sa pamilya hindi siya makaramdam ng saya, ng pagmamahal. ‘Yong mas nafe-feel mo pa sa mga kaibigan 'yong pagmamahal at saya na dapat naman sa pamilya mo. Ang iba naman ay masaya sa pamilya pero malas sa kaibigan. Gano’n talaga ang buhay, madaya, wala na tayong magagawa diyan.

"Friends? Why?"

"I just realized not all my friends are true. And I realized that I don't need a friend to make me happy and talk about my problems. The fact that I have my family, and I can share my problems and secret with them.”

I nodded. He's smart, he thinks that not everyone is there in your ups and downs. May pagkakaparehas kami ng konti pagdating sa pagkakaroon ng kaibigan. Ayoko ng ‘pag may sasabihin ako na problema, kahit alam mo ng mali ka ipagdudukdukan na mali ka nga talaga. Kahit na alam mo na 'yong mali mo hindi ka pa din tatantanan sa pagpapa-ala-ala. May case din na sabihan mo ng problema na dapat ay sa inyo lang, sinabi naman niya sa iba. Ayoko ng ganoon, gusto ko sa’min lang at hindi na lalabas. Si Tin-Tin lang ang pinakamatagal ko ng kaibigan, proven and tested na. Na-gain na niya ang trust ko.

"You're right," I said

Napatigil kami sa stoplight kaya sumulyap siya sakin.

"What do you mean?" Tanong niya.

"Hindi kasi agad ako nagtitiwala sa mga tao. As of now, pamilya at si Tin-Tin lang ang pinagkakatiwalaan ko pagdating sa mga sekreto at problema," sabi ko naman.

Nag-vibrate ang cellphone ko dahil sa notification sa IG. Agad ko naman 'yong binuksan at si Cess ang nag direct message sakin.

"P’wede din namang ako," sabi niya. Kunot-noo ko naman siyang tinignan dahil hindi ko naintindihan ang sinasabi niya.

"P’wedeng ano?" Kuryoso kong tanong. Hindi ko na naman siya, gets slow na kung slow 'yon talaga ako.

"Pwede mong mapagsabihan ng sekreto at problema mo. It will be safe to me you, have nothing to worry about." He said.

"Yeah, I will. Kapag nagkaproblema ako, hindi kita kakalimutan. I will keep you updated." Hindi pa ako sigurado kung mapapagkatiwalaan ba siya, wala namang masama mag-try ‘di ba? At hindi na din siya iba sa’kin dahil kapatid siya ni kuya Jaycee na parang kuya ko na din.

Kanina pa pala nakabukas ang direct message sa’kin ni Cess at ngayon ko lang nakita.

@itsmeprincessCayetano

He's really for you.

At may screen shot pa ng post ni Jay. Nando’n ako sa picture, kagabi siguro 'to. Nakahiga na ako sa kama at yakap-yakap ko ang unan halatang tulog na tulog na ako dito.

May naka-caption na "Sweet dreams beautiful." He really loves taking pictures.

Kinulbit ko naman si Jay na nagdadrive

"Ano 'to, ha!? Pinasok mo pala ako kagabi!" Alam kong mali ang ginamit kong word, aasarin ko lang naman ang isang 'to.

"What? Pinasok? Anong pinasaok 'yan!? Wala akong ginagawa sayong pinasok na sinasabi mo!" Gulat siya kaya napatingin siya sakin at sakto naman nakaharap na sa kanya ang phone ko at hindi na siya nahirapan. Saglit lang niya 'yon tinignan dahil nga nagda-drive siya.

Kita ko naman ang pag-ngiti niya. Kinikilig ata.

"You really love taking pictures of me, huh?" Pangalawang beses na niya 'to. And the pictures have a good quality kaya naman gandang-ganda ako sa picture na kinukuha niya.

"This is your second time na pinicturan mo aqko ng hindi ko alam at pinost mo pa talaga," sabi ko uli.

"Na-uhh not just second time." He said and glanced at me again. What? "By the way, where did you get that? You didn't even follow me on Instagram."

Nginisian ko naman siya. So, alam pala niyang hindi ko siya follow sa Instagram. Actually, lahat ng social media platform hindi ko siya follow pero follow niya ako. Ayokong ifollow siya kasi nga naiinis ako sa mga pang-aasar niya.

"I have source," pagmamalaki ko sa kanya. "Let me see your gallery, please." I want to see my pictures on his gallery kung madami nga ba talaga.

"No. Tell me first who's your source and I'll let you borrow my phone." Hmm, that’s a good deal.

"It’s Princess Cayetano," kita ko naman na natigilan siya. "Don't worry, I know that she's your fling."

"Wait, she's my ex fling." He explained.

"Yeah, I'm sorry my wrong, So? I can borrow your phone?" Nakangiti kong sabi sa kanya. Kinuha niya ang maliit Fila na body bag sa gilid niya at iniabot sakin.

"Kunin mo diyan my password is 042220." Binuksan ko naman agad at kinuha na ang phone niya. Habang tinatype ko ang password niya ay napagtanto ko na birthday ko pala iyon. Binalingan ko naman siya at ngiting-ngiti ang luko.

"Pati ba naman password related pa din sakin. Oh! Pati wallpaper ako pa din, hindi ka ba nagsasawa na puro ako nalang lagi?" Pagbukas ko ng phone niya mukha ko agad ang tumambad sa’kin

"Nah, I will not."

"Gusto ko na tuloy marinig 'yang kwento mo at crush na crush mo ko matagal na." Binuksan ko na ang gallery niya. Tumambad agad sa’kin ang mga stolen at candid shots ko. Mostly ay sa school ang setting.

He has an iPhone 11 na white kaya maganda ang quality ng camera, madaling mag-focus, para ngang gumamit ng camera talaga.

"Stalker pala kita, eh!" Pang-aasar ko sa kanya. "My long, lost stalker!" asar ko pa. Ang cute niyang asarin kasi namumula na 'yong tenga niya kinikilig na siguro 'to.

"Shut up. I'm not your stalker, I really just love taking pictures of you, secretly." Naramdaman ko namang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

  • Ending Scene   Epilogue

    EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag

  • Ending Scene   Final Chapter

    Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.

  • Ending Scene   Chapter 35

    HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?

  • Ending Scene   Chapter 34

    EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani

  • Ending Scene   Chapter 33

    AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da

  • Ending Scene   Chapter 32

    DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili

  • Ending Scene   Chapter 31

    TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay

  • Ending Scene   Chapter 30

    LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.

  • Ending Scene   Chapter 29

    DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status