Rice
Buong araw ay nag-asikaso lang ako ng mga costumer. Hindi naman ako napagod ng sobra dahil meron naman akong katulong na mga empleyado.
Ala-singco na. Nag-text si ate kaninang mga alas-tres sabi niya ay baka daw mga ala-singco na sila makapunta dito pero wala parin sila.
Nagtipa ako ng mensahe kay ate.
Ako:
Ate, nasaan na kayo? May mga research paper pa akong gagawin. Gusto ko na umuwi.
Pagka-send ko no'n ay may tumambad na katawan sa harapan ko.
Iniangat ko ang aking ulo para makita kung sino 'yon. Namuo na naman ang inis ko nang malaman kung sino ‘yon
"Wala pa ba sila?" Tanong niya.
Nagkibit-balikat ako at tinalikuran siya. Inayos ko 'yong mga gamit ko, baka papunta narin sila dito.
Nag-aayos ako ng biglang higitin ni Jay ang braso ko, kaya napaharap ako sakanya. Kunot-noo ko siyang tinitigan.
"Ano ba?!" Angil ko sakanya.
"Tinatanong kita kaya wag mo akong tatalikuran!" Sigaw niya sakin. Ang late-reaction naman ng isang 'to. Inirapan ko siya sa inis ko.
"Obvious ba na nandito na sila? Kung andito na sila sana wala na ako dito! ‘Tsaka nagkibit-balikat naman ako a!" Sigaw kong pabalik.
Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay lumabas na ako ng shop kahit wala pa sila ate. Hindi ko na kayang makita ang pagmumukha ng kupal na 'yon.
Dumiretso ako sa Mang Inasal para kumain. Miss ko na rin kumain sa mga fast food, wala kasing malapit na mall or fast food sa school namin kaya tiis-tiis sa mga tinda ng canteen kahit na nakakasawa na.
Pumila na ako, buti nalang kaunti lang ang mga tao ngayon kaya mabilis ang service nila.
Kumakain na ako nang biglang may nagtext sakin.
Ate Shane:
Andito na kami sa shop, bakit wala ka dito at si Jay lang?
Ako:
Nandito lang ako sa Mang Inasal. Ginugutom kasi ako.
Ate Shane:
Sige. ‘Wag masyadong madami ang kaining kanin masama sayo ‘yon.
'Yon lang ang reply niya. Nagpatuloy na ako sa pagkain masarap talaga dito dahil unli rice kaso nga lang bawal sa’kin ang masyadong madami dahil baka bigla na naman tumaas ang sugar ko. Bata palang ako ay sakitin na ako. Kahit na gano'n ay kaya ko namang pigilan ang sarili ko sa mga bawal. Ngayon na nga lang uli ako kakain ng madami.
Tapos na ako sa pangatlo kong kanin pero madami pa rin ‘yong ulam, sayang naman.
Tinaas ko 'yong kaliwang kamay ko. Nakita naman agad ako ni kuyang rice man, nang biglang may pumigil dito na lumapit sakin. Tinignan ko ‘yong pumigil at nakita kong si Jay. Napairap nalang ako sa kainisan ko. Nandito na naman siya!
Lumapit siya sakin at umupo sa kaharap ko.
Tiningnan ko siya nang masama. Tuwang-tuwa pa ata siya dahil sa lawak ng ngiti niya.
"Bakit mo ginawa ‘yon? ‘Di pa ako tapos kumain, oh, andami pang chicken!" Gigil na sabi ko sabay turo sa plato ko.
"Sa pagkakaalam ko bawal ka sa madaming rice dahil sa sakit mo." Mahinahon niyang sabi.
"At kailan ka pa nagkaroon ng pake sa’kin, aber?" Pagtataray ko.
"Wala akong pake sa’yo, pinapunta lang nila ako dito para tingna ka!" Madiin niyang sabi.
"Sana hindi ka nalang pumunta dito para natapos ko ang pagkain ko!" Gigil kong sabi.
Tinaas ko uli ‘yong kaliwa kong kamay para tawagin si kuyang rice man na nakalapit agad sa table namin. Nilagyan agad niya ng kanin ‘yong plato ko. Walang nagawa si Jay dahil masyadong mabilis ang pangyayari.
"Sabing bawal sayo yan eh!" Gigil niyang sabi at kinuha ‘yong plato ko at mga kubyertos na hindi ko nagamit dahil nagkamay ako para mas masarap.
Wala na akong nagawa dahil nakuha na at kinakain niya na! Wow! Ang galing naman ng isang ito sarap sapakin.
"Tss. Bahala ka diyan!" Sabi ko at tumayo para maghugas ng kamay.
Pagtapos kong maghugas ay kinuha ko na ‘yong bag ko sa upuan. Uuwi na ako para makapag-aral na din.
Tinignan ako ni Jay ng masama. Anong problema nito?
"Problema mo?" sarkastiko kong sabi at inirapan sila.
"Where are you going?" Tanong niya.
"Uuwi na, pake mo?" Pagtataray ko at lumabas na ng fast food. Ramdam kong may nakasunod sa’kin, hindi na ako tumingin sa likod ko dahil baka si Jay lang yun.
Patawid na sana ako para makapunta sa pinagparkingan ko nang biglang may humigit sa bag ko na nasa kamay ko lang. Sa sobrang gulat ko hindi ko na nahabol 'yong magnanakaw. Sayang din ‘yong laman no’ng bag ko! Pero at the same time ay medyo panatag din ako… dahil walang nangyaring masama sa akin.
Bubuksan ko na sana ‘yong pinto ng sasakyan ko nang may humigit sa kamay ko. Pagharap ko sa taong humigit sa kamay ko ay ang sama-sama ng tingin niya sa’kin. Nang tingnan ko ‘yong kamay ko na hawak niya ay mas lalo lang niya itong hinigpitan. Ano na naman bang trip nito?
"What?" tanong ko sa kanya pero hindi pa din nawala ‘yong titig niyang masama. "Ano bang problema mo!? Bitawan mo nga ako!" Sabi ko sabay hatak sa kamay ko.
"Wala akong problema! Ikaw ang problema!" Deretsong sagot niya sakin. Ang sakit naman magsalita ng isang 'to.
"Wow, ha! Ako pala ‘yon problema! Ano bang ginawa ko sa’yo!? Hanep ka din, e! Pakipaliwanag nga!"
Pinapakulo niya lang ‘yong dugo ko. Hindi na masama ‘yong tingin niya sa’kin galit na!
"Ang hirap kasi sa’yo ang kulit-kulit mo! Kanina kumain ka ng madaming kanin, alam mo namang bawal ‘yon sa’yo! Tapos ngayon hindi ka tumitingin sa paligid mo! Nakuhanan ka pa ng bag! Sa susunod nga mag-ingat ka!" Galit na galit niyang sabi.
Pake niya ba sa buhay ko!?
"E, ano naman sa’yo ‘yon? Problema naman ako para sa’yo ‘di ba!? Bakit hindi ka nalang lumayo? Taena, dahil ako gustong-gusto kong lumayo sayo! Alam mo ba ‘yon?!" Singhal ko sa kanya kung galit siya galit din ako.
Sa totoo lang para kaming mag-jowa na naga-away dito sa parking.
"Bakit naman ako lalayo sayo?" Nakatingin na siya sa’kin ng seryoso. Topak ata 'to, e. Sa’kin pa tinanong!
"’Di ba, sabi mo kanina ako ang problema? Kahiya naman sa’yo ayaw mo ata ng problema kaya lumayo ka nalang. Mas gugustuhin ko pa ‘yon dahil ayaw ko sa isang katulad mo na babaero!" Singhal ko sakanya.
Hindi niya ako madadala sa mga paganyan-ganyan niya! Alam ko namang trip lang nila akong magbabarkada, malalakas mga topak nila e! Akala ba nila bibigay ako kay Jay? Nahulog ako, oo, pero hindi ako aamin hindi ko sila hahayaang manalo dito. Kung laro ‘to sa kanila sasakyan ko sila kawawa naman.
"Anong sinasabi mong babaero? Nagseselos ka ba?" Lakas talaga ng tama ng isang 'to feelingero!
"Excuse me, bakit naman ako magseselos!? Unang una hindi kita gusto, okay? Bawas bawasan mo ang pagkain ng kream stick! Pati pagseselos nararating ng imahinasyon mo!" I smirked at him para maasar siya at pumasok na ako sa kotse ko.
Binuksan ko yung bintana para asarin ko.
"Bye, I hope to never see you again." kinindatan ko pa siya para lalong maasar. Akala niya siya lanv maalam mang asar pwes ako din.
Bago ko isara ‘yong bintana ay may sinabi pa siya.
"What? Hey, wait—" hindi ko na narinig ‘yong sinasabi niya dahil sinarado ko na ang bintana at pinaandar na ang sasakyan ko.
Habang nagda-drive ako iniisip ko 'yong sinabi niyang ako ‘yong problema.
The hell why me?
Anong problema niya sa akin? Pinapasakit niya lang ang ulo ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. Kung 'yong pagkain ko ng madaming kanin at hindi pagtingin sa paligid ang pinagpuputok ng butchi niya. E, ano naman? Pake niya ba sa buhay ko!? Akin naman 'to e, hindi naman siya maapektuhan!
Lagi niya akong inaasar kaya bago sa’kin ang expression ng mukha niyang galit. Ang hirap niya talagang basahin, sa tingin niya pa lang kanina na galit na galit.
At isa pa ang babaw ng dahilan kung ‘yong pagkain ko at hindi pagtingin sa paligid ang dahilan ng ikakagalit niya. Para talaga kaming mag-jowa na naga-away kanina sa parking. Grrr. Nakakahiya kung nagkataon na madaming tao.
Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Mama at Papa na bihis na bihis. Nang makita agad ako ni Mama ay lumapit agad siya sa akin.
"Andyan ka na pala… Kumain ka na sa kusina may vegies do’n, good for your health," sabi niya. Nagbeso naman ako sa kanya.
"Yeah, Ma, saan kayo pupunta? Pagabi na," tanong ko imposible namang magma-mall lang sila dahil naka turtle neck pa sila at nakaboots.
"Hindi ko nga pala na-kwento sayo kanina, 'nak. Pupunta kami ng Mama mo sa Japan para magbakasyon. Alam mo na kailangan ng break sa business," sabi ni papa.
"Kaya mo naman dito mag-isa ‘di ba? Mga two weeks lang naman kaming mawawala. Babalik din kami agad," sabi pa ni Mama.
What? Two weeks lang? Hanep din sila, a! Iiwan nila ako dito mag-isa.
Hindi kasi dito umuuwi si ate dahil may condo na siya simula pa lang nang mag-college siya. ‘Yong mga kasambahay naman namin dito ay hindi stay in dahil sabi nga ni mama kailangan din daw namin matuto sa mga gawaing bahay. Which is totoo pero hindi pa din ako marunong magluto.
Kaya ko naman sigurong mag-isa ‘pag gabi two weeks lang naman, e.
"Hmm... ayos lang po sa’kin," sabi ko. Nag-kiss na ako sa kanilang dalawa para maka-akyat sa kwarto. "Akyat na po ako, inggat po kayo." I waved my hand to the both of them at tinungo na ang hagdan.
Unknown numberPagdating ko sa kwarto ay pumunta na ako sa closet ko para makapagpalit na ng pantulog. Kailangan ko ng matulog ng maaga. Bukas na lang ng madaling araw ko itutuloy ‘yong research paper. Pagod na pagod talaga ako, kahit umupo at konting assist lang kanina ang ginawa ko sa shop.Nag ha
His girlfriendHindi na nakadating si Tin Tin, nag-text siya sa’kin na may pupuntahan daw siya bigla. Bigla na lang lagi ang lakad niya, walang sche-schedule! Kung ano maisipan niya ‘yon na.Patapos pa lang ako kumain nang mapatingin ako sa dumaan na grupo ng mga babae sa harap ko na masama an
BestfriendNatapos ko na gawin ang research paper na dapat kong gawin. Bumaba ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina para kumain. Kaso wala akong nakitang pagkain sa lamesa. Nakauwi na din si Manang.May nakasulat na note sa ref.“Angela, nasa ref ang bago kong ginawang sal
EmbraceHindi ko na din siya pinansin at binalingan na lang ang mga empleyado na bumabati sakin. May lumapit sa'kin na empleyado para anyayahan ako papasok. May hawak na clip board si Jay kanina, siguro ay nagche-check ng mga items.Pumasok na ako ng shop at inilapag ang bag ko sa isang upuan sa counter.
PictureMalapit na kami sa kotse niya.Tumigil ako sa paglalakad at tinanggal ang pagkaka-akbay niya sakin. Tinaasan niya lang ako ng kilay."Bakit ganoon reaksyon nila? Bakit parang okay lang sa kanila?" Tanong ko at tinuro ko pa ‘yong gawi nila Ate kanina.
SecretlyNagising na lang ako ng may gumalaw sa kama. Agad ko namang nakita si Jay na nakangiti sa’kin at nakaupo sa dulo ng kama.Ang gwapo niyang tignan ngayon. With his messy hair and muscle tees."Good morning!" bati niya sakin."Morning!" bati ko at nag
CourtingNandito na kami sa bahay, nakaupo sa sala si Jay at ako naman ay kinukuha siya ng maiinom.Naabutan kong kinakalkal ni Jay ang mga photo album namin sa may maliit naming cabinet. Tumakbo ako at agad at nilapag ang basong may lamang tubig sa coffee table."Hoy, ano 'yan, ha!?"
Uranophile
EpilogueNakaupo ako sa sofa ng biglang kumalabog ang pinto at agad na pumasok si Kuya na galit na galit. Lumapit siya sa'kin at agad akong sinuntok.Napayuko ako sa sakit."Gago ka ba? Bakit mo ginanon si Angela? Nawawala ka na ba sa sarili mo? Umayos ka nga! 'Wag
Final ChapterPababa na ang eroplanong sinasakyan namin. Inip na inip na ako. Gusto ko na uling malanghap ang hangin ng Maynila. Apat na taon na din ang nakakalipas nang huli akong umuwi dito.Hindi na alintana ang sakit na natamasa ko nang huli akong umuwi dito. Dahil ang taong nanakit sa akin noon ay kasama ko na. Nagbibigay na muli ng saya sa'kin.
HomeNaiwan akong mag isa dito sa kwarto dahil hinatid ni Jay si Jace sa kwarto nila Ate. Nakahiga na ako at nakapikit na din ang mga mata. Hinihintay ko nalang na dapuan ako ng antok.Inaantok na ako kanina nawala lang dahil sa nangyari kanina. Hindi ko inaakala na mangyayari 'yon. Akala ko sa pisnge lang bakit napunta sa labi?
EndearmentKanina pa kantyaw ng kanya si Kuya Jaycee at ate sa'ming dalawa ni Jay. Iniirapan ko nalang silang dalawa at si Jay naman ay tuwang tuwa naman.Pagkatpos ng pag uusap naman kanina ay agad niya akong hinabol at inakbayan na ako kaya hindi matigil ang dalawa sa pagkantyaw.Lumayo kami sakani
AnswerHe's still complaining about the discount. Naiinis na ako hindi pa din siya tumitigil at nagsumbong pa talaga kila Ate. I thought they won't bother because they already knew hoe ungenerous am I, But I'm wrong.We're waiting for the shuttle to arrive na maghahatid sa'min sa The Hermitage Museum. Malayo ako sakanila. Inis ako sakanila hindi nila ako tigilan. Kampi-kampi silang tatlo at pinagtutulungan nila ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Jay sa ate ko at ayos na silang da
DiscountNakasimangot lang ako habang kumakain kami ng hapunan. Hindi ko sila pinapansin kahit na may pa ilan ilan silang tinatanong sa'kin.Sabi ko na nga ba at masama ang mangyayari sa trip na 'to! Dapat talaga hindi na ako sumama. Una palang malakas na kutob ko pero sumama pa din ako. Hays.Binili
TalkNanuot sa aking katawan ang malamig na hangin habang ako ay naglalakad para makahanap ng makakainan dito. Kadarating ko lang dito sa St. Petersburg, nakapag-check in na din ako sa hotel kuny saan kami naka-book.Nahirapan ako makahanap ng kakainan dahil masyadong tago ang mga shop. Hindi gaanong napapansin dahil ang mga sign board nila ay
LoveApat na taon na din simula nang huli akong umuwi sa Pilipinas at wala na akong balak umuwi doon. Ayoko ng maalala ang sakit na naramdaman ko dahil sa nangyari do'n.Pilit kong sinasabi sa utak ko na kalimutan na ang nangyari pero patuloy pa din sa pagsuway ang aking puso. Hinding-hindi makakalimutan ng puso ko ang sakit na naramdaman ko noon. Iyon na ata ang pinakamasakit na naranasan ko.
DisappoinedApat na buwan na din simula ng magkita kaming muli ni Tin Tin. Kahit na 'yon na ang huling sayaw niya kasama ang grupo niya masaya naman silang umuwi dahil sila ang nag champion. Para kaming baliw ni Ate na nagche-cheer doon pero wala kaming pake kung may nakatingin ba sa'min. Sa sobrang saya ni Tin Tin nanlibre siya ng hapunan sa isang kilala restaurant dito.Gusto niya pa sanag mag stay dito kaso baka daw pagalitan siya lalo ng daddy niya