Flashback… Napangiti ako sa sarili ko habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa kubong inuupahan ko at ni Cass. Sigurado akong matutuwa iyon sa mga grocery na dala ko. At sa mga damit na binili ko sa mall. Ini-imagine ko ang maganda niyang ngiti habang inaabot ko ang mga pinamili ko. Hindi naman siya maarte pero gusto kong may brand ang sinusuot niya. Kahit papaano napapasaya ko siya dahil alam kong nalulungkot siya na laging mag-isa sa kubo at hindi ako laging umuuwi sa kanya. Gustuhin ko man na lagi siyang kasama pero hindi maaari. Kaylangan kong unahin ang aking tungkulin at responsibilidad. Naiintindihan naman niya iyon. Alam din niya nanganganganib ang buhay niya kaya hindi na siya nagtatanong. At matiyaga na lang niya akong hinihintay. Nasa dulo ng mga paupahang kubo ang unit namin. Meron ding mga kalapit bahay. Katabi mg inuupahan naming ang bahay ng may-ari. Mag-asawang matanda na nasa Maynila nagtatrabaho ang mga anak. Kaya sila nalang dalawa mag-asawa sa bahay.
Present day... Isang katutak ang pipirmahan ni Cassandra at mga resebong dapat kalkulahin. Ang maayos na nakasalansan sa kanyang office table. Mga Financial Reports na dapat basahin at mga proposals ng mga bagong business sa mga stall na pinarerentahan ng CM Mall na kanyang pag-aari. Two-story mall ito na nakatayo sa isang ektaryang lote. Ito a ng pinakamalaking mall sa Santa Fe. Kompleto ito mula supermarket hanggang sa mga pinakasikat na mga branded na mga gamit. Tulad ng damit and accessories. Designers bag and shoes. Pasimple niyang nilingon ang orasan sa dingding ng kanyang opisina quarter to eleven in the morning. Hindi niya minamadali ang kanyang trabaho. She always maintains her own style in managing dapat maayos ang lahat walang butas sa bawat transaksyon. Very keen in all ways. Tumunog ang telepono. "Yes," sagot ko pagkatapos kong damputin ito. "Ma'am." Si Lyka ang aking secretary. "Meron pong babae sa ASTARTE'S COLLECTION nag-eeskandalo po”.
The party plan "Okey, speak up Alejandro Ybanez-Arevalo. Mahina kong tawag sa buo niyang pangalan. Ayaw kong taasan siya ng boses sa ganito karaming tao. Tinitigan niya ako at bumuntong-hininga. "I'm not with another guy, OK," seryoso niyang sagot."Lagi kang nag-iisip na nanlalaki ako. Alam mo naman kung ano ako di'ba?" He said sa baritonong boses na may halong galit at poot. Minsan kasi over thinker ako. Alam ko naman mahinhin lang talaga ito pero hindi ito bakla. Hahaha kung anu-ano na naman ang iniisip ko sa best friend ko. Kung may nakakakilala sa kanya nang higit pa sa anong makikita mo the way he moves, it is me. His only best of friend. And he’s long time girlfriend. Hahaha. Muli siyang bumuntong-hininga. "Dinala na ni Papa ang anak niya sa labas." Mas lalong sumeryoso at humina ang kanyang boses."Siya ang bagong commanding officer sa military base ng Sta. Fe." Hindi ako nagre-react nakikinig lang ako sa kanya. Alam ko kung gaano kagalit it
Birthday Party (part 1) "Oh, my Ate Cassy, Wow." namimilog na mga mata ni Astarte na nakatingin sa akin. Katabi niya si Abby na abot-teynga ang ngiti. "Ang torpe kasi ni Kuya eh," palatak pa niya habang papalapit sa akin. Maingat akong niyakap para hindi masira ang gown ko. "Maganda ka gwapo siya sayang ang hina kasi eh." "Ikaw talaga." Natatawa kung turan. "Hindi naman torpe ang kuya mo." Namimilog ulit ang kanyang mga mata. May gusto pa sana siyang sabihin. She gave a questionable glare. And a mysterious smile that I can't explain. "You're beautiful, Mommy." Si Abby. She's wearing a twinnie gown like mine—sleeping beauty-inspired gown with modern style on it. And even our shoes are the same. But my dress and shoes have garnet stones because I was born in January my birth month, she's has aquamarine birthstone of August. "You're more beautiful, baby." Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. Yes, she's more beautiful than me and way smarter. "
Birthday Party (part 2) At seventeen I'm already a mother. Salamat sa Diyos at hindi ako iniwan ni Papa lalo na ni Alejandro. To stop the rumors because I’m underage. Alejandro gave his name to Abby and signed her birth certificate as her father. Nilingon ko siya. Mahal niya talaga anak ko. He looks a proud father to her. Kunsabagay, siya naman ang talaga ang naging ama ni Abby. He's disciplinarian and the same time cool Dad. And I'm the strict mother to her. All I want is to protect her. Ayaw kong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Nakikinig naman siya pero mas nakikinig siya kay Alejandro. Nakakaselos minsan pero ok lang. Inalalayan siya ni Papa habang lumalakad papunta sa kinatatayuan namin ni Allie. "Thank you po, Grandpa," ngumiti siya kay Papa. "Mom, can I?" Hininhingi niya ang mic sa akin na agad kong binigay. She confidently smiles at nilibot ang kanyang mga mata sa mga bisita. "Thank you po sa lahat ng dumating. Sa mga kapamilya. Tit
The Party (part 3) "Hon, kumain ka pa ng marami. Mahirap magpatakbo ng isang bayan." Paglalambing ni Astarte kay Marco. Naku, naglalambingan talaga sa harapan namin. "Aray... Ouch..." Mahinang sigaw ni Sonya. Na tumitingin pa sa frog grass sa ilalim ng mesa. "Gosh anak balik ka na sa mga kalaro mo." Tiningnan siya ni Cyril na may pag-alala. "Why Heart what happened?" "Hindi ka ba kinakagat ng mga langgam Heart? Andami kasi." Pinapagpag pa niya ang kanyang mga paa kahit naka-upo. Nakiki-tingin na rin ako sa kanila dahil nasa harap namin sila naka-upo. "Nasaan?" Nakakunot-noo na si Kuya Cyril. "Wala naman." Si Allie. "Sonya, pinagloloko mo ba kami?" I ask minsan kasi loka-loka ito. "Hantik na yata, Heart." Pati sila Papa Cornelio ay nakiki-hanap na rin pati ang ama ni Allie. Pati ang mag-ina ay nagsitayuan na rin. Si Astarte sa takot sa langgam kulang na lang ay kargahin ni Marco. Mas lalong kumunot ang noo ni K
The Proposal Talagang sumayaw ako ng todo. Inilabas ko ang hidden talent ko sa pagsayaw . Napahiyaw ang mga nasa table. Pumalakpak pa sina Astarte at Sonya, samantalang nagtitili si Abby. Lahat ng mata'y nasa akin. Ito'y nasa saliw ng Hips don't Lie ni Shakira. University dancer kaya ako. Hindi inaasahang nagtama ang mga mata namin ni Alejandro. My God... He was grinning at me. Na para bang may malaki akong kasalanan. Talagang galit siya. Hindi ko maintindihan ang ugali n'ya ngayon nagagalit ba siya dahil sumayaw ako? He was pissed off and why I felt guilty? Wala naman akong ginawang masama. I tried to composed myself. Kasalanan na pala ang sumayaw at maging masaya. It's a party duh! I rolled my eyes. I know that grinned smile his upset. It's Alejandro anyway showing his grin smile means he didn't like what I do. Should I care or not? Blackout... Biglang dumilim ang lahat sa gitna ng pagdadalawang-isip ko. Rinig na rinig ko ang tib
Bad dream “Ahh b-bitiwan n’yo ako.” Isang malakas na sigaw ang pumailanlang sa madilim na lugar. “Please po iuwi n’yo na ako hinihintay na ako ng mga magulang ko.” Nagmamaka-awang hikbi ng dalagita. Ngunit nakabibiging mga tawa lamang ang pumailanlang sa buong paligid. Lahat ng mga mata’y nagpipiyesta sa magandang dalagang nasa ikalabing-anim na taong gulang lamang. Kutis porselana ito at mahaba ang buhok. Puno ng luha ang mga mata at halos hubaran na nang tingin ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Hinawakan ng isa ang mukha ng babae na ang mga mata’y puno ng pagnanasa. Pilit na umiwas ang dalaga at muling nanglaban. “Bitiwan n’yo ako. Tulong… Tulong…” Pilit pa ring pumipiglas ang dalaga habang hawak-hawak ng mga lalaking naglalaway sa dalaga. Isang malakas ulit na sigaw. Umalingawngaw ang paghikbi at paglaban sa puso ng dalaga. Ubod lakas na sumigaw at humingi ng tulong sa mga magulang. “Cassandra, gising.” Nag-aalalang boses ng Allie ang aking
Reunion Party Maraming palamuti sa hardin ng Castillo de Aguzar. May nakahilerang mga mesa at upuan. Naka-serve sa isang mahabang mesa ang mga pagkaing Espanyol at Pilipino. Ang nakakatuwa may lechon doon at sadya yatang ito ang best seller dahil sa nangangalahati na ito. Sa katabing mesa naman ang mga wine na mismong gawa sa winery ng hacienda. Pumapailanlang ang isang masayang musika sa paligid. May mga tawanan sa bawat gilid ng hardin. Meron ding mga batang malayang tumatakbo sa paligid. Katabi ko si Sonia habang tinitingnan sa Cairo kung saan ito papunta. Si Abby naman kasama ang mga kaedad niya sa isang mesa at masayang nakikipag-usap sa mga ito. Lahat ng mga taong nasa party ay mga kamag-anak nila Alejandro. Ginagawa ang pagtitipong ito kada taon para magkaroon ng reunion. Para itong celebration ng lahat ng birthdays ng bawat isa, wedding anniversaries at mga mahahalagang araw ng bawat isa sa kanilang pamilya.pwede din itong tawaging Thanksgiving party pasasalamat sa lahat
CASSANDRA POV Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib. Malamig ang hangin sa bukang liwayway pinili ni Alejandro ang isang mataas na bahagi ng lupain upang pagtayuan ng villa. Napapalibutan ng mga halamang dito lang sa Spain makikita. Kitang-kita sa balkonahe ng aming silid ang pagsikat ng araw sa silangan. Nakatitig lang ako sa papasikat na araw. Ito ang bagong simula ng aming relasyon ni Alejandro. Kung noon hindi pa buo ang pagiging partner ko sa kanya sa ilang taong paghihintay ay nangyari din ang minsang pinangarap kong sana totoong ako ang kanyang kabiyak sa puso, sa kanyang katawan at sa isip. Pero ang lahat ng iyon ay sobra-sobra pa niyang tinupad. Ginawa ang lahat maibigay sa amin ng anak ko ang buhay na maalwan at puno ng pagmamahal. Wala na akong hihilingin pa sa aking napangasawa. Pero minsan may bigla-biglang pumapasok sa isip ko. Parang pabugso-bugsong sulyap ng mga alaala ng nakaraan. Wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman ulit ito bumabalik. B
THE SURPRISE GIFTCASSANDRA POV “Dear hahaha nakikiliti ako.” Napapasinghap na lamang ako sa ginagawa ni Alejandro. Paano ba naman at ke-aga-aga nangingiliti. “Wake up we have a flight to catch.” Habang hinahalikan niya ang aking leeg ko. “Okey, tatayo na.” Baka iba ang tatayo nito may flight pala kami. Agad na akong nauna sa bathroom at naligo. Nagbihis na din ako. Sumunod naman si Alejandro sa akin. Wala munang harutan sa ngayon baka malate kami sa fight. Mas nakaka-hassle iyon. Nakahanda na ang mga luggage namin. Naka-abot din kaagad kami sa airport. Sumakay na kami sa eroplano. Alejandro booked a business class seat papuntang Madrid,Spain. Pagkatapos ng apat na oras mahigit maayos na nakalapag ang eroplano sa Madrid airport. Lumabas na kami may tinawagan si Allie sa phone. Pumarada sa harapan namin ang isang black BMW M3 Sedan. May white flower arrangement ito sa unahan. Ngumiti sa amin ang bumaba doon. Kung hindi ako nagkakamali si Ra
ALEJANDRO POV Halos hindi magkamayaw ang mga papeles na pinipirmahan ko nakapatong sa desk. Naghihintay na rin ang mga General Managers sa conference room ng aking Greece hotel. Lahat ng mga General manager ay nandoon para sa monthly report. Nagkataong sa honeymoon namin ni Cassandra ito tumapat. At kahit pa personal kong buhay ang honeymoon, hindi ko pwedeng hindi daluhan ang meeting ng personal kahit pa may assistant ako. Hindi ko maaaring ipagpaliban ang meeting na ito. Kaya kahit ayaw kong iwan muna si Cassandra sa silid ay ginawa ko may mga security naman na nagbabantay sa lugar kaya safe siya. Nang matapos ko nang pirmahan ang mga papeles ay dumiretso na ako sa conference room. Mahigit tatlumpo ang nasa silid. Lahat ng hotels na kabilang sa Ybanez Group sa buong Europe. Hotels and restaurants located mostly sa mga pinakamayayamang bansa ng Europe at halos lahat ng mga dinadayo ng mga turista. Si Ace na ang namuno sa meeting he’s my Europe Assistant. Pinag-usapan na namin an
CASSANDRA POV Dalawang linggo na kaming out of the country. Sinusulit ang European tour na regalo ni Papa Cornelio para sa aming honeymoon. Nasa Paris si Abby at kasama si Astarte. Araw-araw ko silang tinatawagan at gabi-gabi, gumagana na naman ang pagka over thinker ko. Pero kahit ganoon na enjoy ko naman ang Europe. Okey lang ang climate at maganda ang sceneries. Nasa Greece kami ngayon. And Alejandro is booking a ticket papuntang Spain. Doon namin gugugulin ang natitirang two weeks namin. Ito na yata ang pinakamahabang out of the country namin ni Alejandro together. At siguradong marami pa ang susunod nito. Nagkakape kami sa balcony ng hotel room. May kinakausap lang si Alejandro sa phone. Nakabihis siya at paalis. Nasa penthouse suite kami ng hotel exclusively for the CEO and owner. Mahaba ang araw namin kanina nilibot namin ang mga sikat na pasyalan dito. Kaya heto napasabak kami sa lakaran. Medyo sumasakit ang aking mga paa kaya ipinatong ko ito sa kabilan
HUSBAND AND WIFE “I pronounce you Husband and Wife. You may kiss the bride.” Ang sabi ng pari at pumalakpak ang lahat. Hanggang ngayon hilam pa rin ang luha sa aking mga mata. Simpleng I do at exchange rings lang ang nangyari wala ngang speech si Alejandro habang isinusuot niya sa akin ang singsing na tanda ng kanyang pag-ibig sa akin. Wala kaming wedding speech dahil ugali ni Alejandro na hindi nangangako. Siya ang klase ng taonga ayaw mangako at hindi naman tutuparin. “I pronounce you Husband and Wife. You may now kiss the bride.” Sa pangalawang pagkakataon inulit ng pari ang mga katagang iyon. Inaakala siguro ng pari lutang pa rin kaming dalawa. Hudyat upang itaas ni Alejandro ang manipis kong veil. Na nakatakip sa aking mukha. Maluha-luha ang kanyang mga mata na titig na titig sa akin. Ngunit ako kanina pa umiiyak mabuti na lang at water proof ang make-up na ginamit sa akin ni Glamorosa. Naghinang ang aming mga mata na titig na titig sa akin. Para nama
ALEJANDRO AND CASSANDRA"S WEDDING Abegail and Papa will escort me sa altar. Wala kaming kinuhang mga bridesmaid. Why? We wanted na i-minimize ang entourage ng kasal dahil maliit lamang ang chapel na gaganapan. Principal Sponsors pa lang hindi na halos makapasok. Ayaw naman naming mag-cut ng mga ninong at ninang pakiramdam kasi namin ni Alejandro na baka magtampo ang mga ito dahil hindi namin kinuhang ninang at ninong. Lalo pa naging bahagi sila ng buhay namin. After twenty minutes narrating na namin ang munting chapel ng Divine Mercy, isa itong private property na pagmamay-ari ng isa sa mga kumare nila Mama at ninang din namin ni Alejandro sa binyag at ngayon ninang narin namin sa kasal. Dito nabuo ang pagkakaibigan namin ni Alejandro noong bata pa kami kung saan laging nagsisimba kami at naglalaro pagkatapos ng misa. Dahil may playground sa gilid ng chapel. Natatanaw ko na ang malaking gate ng private property na kinapapalooban ng chapel. Banayad lang ang pagmamaneho ni Marco hin
CASSANDRA POV Dumating ang araw na pinakahihintay ko. I was so excited and yet very nervous. Akala ko aatakihin ako dahil sa pag-iisip. Excited ako at kinakabahan habang binibihisan ng GLAMOROSA set of wedding gown. Mismong ang may-ari ang gumawa ng hair and make-up ko. The one and only Glamorosa itself na naglayag mula sa Maynila papunta sa isla ng Sta. Fe. Just to be here. Ako mismo ang pumili ng gown at bumili. Ayaw ko kasing e-shoulder lahat ni Alejandro ang gastos. Mabuti naman at napilit ko siya. At hindi na nagreklamo pa nang sabihin ko sa kanyang I will pay for my wedding gown. At kung sino ang magiging designer. Hindi man biro ang naging presyo nito binigyan naman ako ng malaking discount ng designer at free hair and make-up package. Si Astarte lang ang maid of honor wala na rin kaming kinuhang bridesmaid. Limited entourage ang pinili namin. Si Marco ang best man ni Alejandro. Ang mga flower girls ay ang kambal na apo ni Nanay Elsa. Kasing edad ito ni Cairo na siyang rin
ALEXANDER THOUGHTS of PAST Napangiti ako sa sarili ko habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa kubong inuupahan ko at ni Cass. Sigurado akong matutuwa iyon sa mga grocery na dala ko. At sa mga damit na binili ko sa mall. Ini-imagine ko ang maganda niyang ngiti habang inaabot ko ang mga pinamili ko. Hindi naman siya maarte pero gusto kong may brand ang sinusuot niya. Kahit papaano napapasaya ko siya dahil alam kong nalulungkot siya na laging mag-isa sa kubo at hindi ako laging umuuwi sa kanya. Gustuhin ko man na lagi siyang kasama pero hindi maaari. Kaylangan kong unahin ang aking tungkulin at responsibilidad. Naiintindihan naman niya iyon. Alam din niya nanganganganib ang buhay niya kaya hindi na siya nagtatanong. At matiyaga na lang niya akong hinihintay. Nasa dulo ng mga paupahang kubo ang unit namin. Meron ding mga kalapit bahay. Katabi mg inuupahan naming ang bahay ng may-ari. Mag-asawang matanda na nasa Maynila nagtatrabaho ang mga anak. Kaya sila nalang dalawa mag-