Home / Romance / EXQUISITE DESIRE / CHAPTER 4-PERSISTENT TARGET

Share

CHAPTER 4-PERSISTENT TARGET

MALIYAH POV:

            Dinaanan ko si Alexander sa kanila. Alam ko na ang mangyayari mamaya. Maiinis na naman ito sa akin dahil sa tinamo kong sugat dahil hinarang po ang sarili ko para kay Ate Maze. Hindi ko maatim na sasaktan siya ni Mama kaya hindi ako nag dalawang isip na ihain ang sarili ko para hindi siya masaktan. Pag dating ko sa tapat nina Alexander ay tinawag ko na agad siya.

            “Alexander!”

Sa sobrang lakas ng sigaw napapahinto ang mga dumadaan at tinitingnan ako. Pati tricycle napahinto rin. Naka napangunot tuloy ako. Kita ko agad ang paglabas ni Alexander sa pintuan nila at nanlaki ang mga mata nito. Dali dali itong lumapit sa akin at sinipat ang mukha pati ang benda ko sa ulo.

            “Kilala mo pa ako?Wala kang amnesia ?Ikaw naba ang dakilang hero ng taon. O hindi naman kaya ay ulirang kapatid award”.

Bulalas nito at singbilis ng machine gun ang bibig niya. Akala mo ito ang nasaktan kong maka-react ay daig  ang artista for best actress.

            “Hoy Alexander tigilan mo ako. Hindi naman sinasadya ni Mama,hindi ako nagsisisi na protektahan si ate Maze.”

 Malumanay kong paliwanag sa kanya. Kilalang kilala na niya ako. Pinaikot niya lang ang mga mata niya at naka busangot na. He flipped her imaginary hair at umingos sa akin.

            “Ang sabihin mo, mas gusto mong masaktan no, aba naman Maliyah paano kong napuruhan ka?Ang talino mo hindi mo magagamit.Paano kong pag palo ng Mama nag ka-internal hemorrhage ka aber!?”

Maarte nitong panenermon sa akin. Natahimik ako sa sinabi ni Alexander sa akin. Paano kung napuruhan ako. Paano ang mga pangarap ko?Paano ko matutulungan sina Mama?Paano ko pag aaraling muli si Ate Maze.?

            “Hindi naman yun sa ganun Alexander”.

Mariin kong pag tanggi sa mga sinasabi niya pero nasa likod ng utak ko pa rin ang mga katanungan na, paano kung napuruhan nga ako.  Pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na tama ang ginawa ko kahit, ikapahamak ko pa. Mabuti nalang at hindi naman gaano. Salamat sa Diyos. Nagpasalamat ako nang na X-ray ako walang ano mang namuong dugo sa utak ko. Hinimatay lang siguro sa takot dahil sa dugong umagos sa mukha ko.

            “Ano bang hindi, ayan pinag tatanggol mo pa kasi ang Ate Maze Mama mo. Yang magaling mong Ate Maze nayan, aba Maliyah buhay mo ang nakasalalay ha, kong makaharang ka kasi sa pang pukpok ng Mama mo sayo ano tingin mo sa ulo pader at hindi tinatablan?Hindi bakal yang ulo mo Maliyah pang Cum Laude yan, hindi pang amnesia at internal hemorrhage .Buti yan lang inabot mo”.

Mahabang litanya ni Alexander sa akin. Agang--aga agad nasabon agad ako sa kanya. Alam ko naman na concern siya sa akin dahil kaibigan niya ako pero minsan exaggerated narin ang reaksyon niya. Hinila ko na siya para daanan namin si Terry at maiba ang usapan. Ayoko lang na masama ang tingin nila sa pamilya ko. It was an accident and I never blame my Mama for what she did.

            “Halika na nga dami mong alam”

Alam kong naiinis siya sa akin lagi niya nalang sinasabi ang bait mo kasi kaya yan inaabuso kana. Ano ba magagawa ko eh sa mabait ako. I love Ate Maze, hindi ko siya sinisisi.

            “Hindi mo deserve yan Maliyah” 

Nagbingi-bingihan  nalang ako dahil ayaw ko na siyang patulan pa. May point naman ito pero wala eh si Mama yun, si Ate Mace yun. Hindi ko naman maatim na magkasakitan sila sa napakaliit na bagay. I know how guilty my Mama was, hindi nga ito makatingin ng deretso sa akin. Tikon din ang bibig nito ngayon umaga. Walang malakas na sigaw at mura na sumalubong sa akin.

            “Oo na, kilala mo naman si Mama.”

Wala sa loob kong sabi. Alam kong hindi na mababago ang ugali ni Mama pero sana lawakan niya ang kanyang pang unawa sa nangyari sa kay Ate Maze, yun lang talaga ang pinag dadasal ko,  naintindihan ko naman yun kong saan nanggagaling si Mama bakit ganun ang trato niya kay Ate Maze, ang akin lang sana magkapatawaran na. . Hindi man sinasabi ni Ate pero alam kong  nagsisisi din ito at nanghihinayang. Pero kesa naman ipalaglag niya si Tonton diba. Mas malaking kasalanan sa Diyos yun.

            Nakarating na kami sa tapat ng gate nina Terry at si Alexander na ang tumawag sa kanya. Hindi na kami pumasok dahil iniiwasan ko ang kapatid ni Terry na si Terrence. Obvious naman kasing may paghanga ito sa akin.

            Paglabas ni Terry agad siyang napatakip sa bibig niya. I know isa pa ito over acting din pagdating sa akin. Kapag ito umirit dinig hanggang kabilang bayan.

            “Oh, My Gee! Maliyah, Are you okay!?”

Agad naman kasunod nito sa Terrence, kitang kita ko ang pag-alala sa mukha niya at pag tagis ng bagang na akala mo may kaaway sa hitsura nito.

            “Are you okay, Maliyah”?  

Kasunod agad ito ni Terry at akmang hahawakan ang mukha pero napaatras agad ako. I just nodded, hindi ako makatingin sa kanya. Ayaw ko lang talaga yung kinakaawaan ako.

            “I am fine; it was nothing, just a scratch.”

Pagsisinungaling ko para hindi na humaba ang usapan. Ayaw kong bigyan nang kong anong meaning ang mga kilos niya dahil wala naman akong nararamdaman na kakaiba para sa kanya. Agad pumasok ang isang imahe na nakangiti sa isip ko. A man who wiped the sauce on the corner of my lips.

            “Ano ba nangyari sayo?”

She was making a scene already because of my injury. It was overstated, and I am already ashamed of what happened, and these two are making it more obvious, and their reactions were overplayed.

            “Ihahatid ko na kayo Maliyah”

Terrence gently said, and was hopeful that I would say yes. I am not sure if he was asking for permission or stating that he will drive us to the school. Magalang akong umiling sa kanya. Ayaw kong maakabala. Lantaran din ang pag iwas ko sa kanya.

            “Huwag na Terrence, may tricycle naman, ayokong makaabala pa. Sige mauna na kami.”

Mabilis kong hinila sina Terry at Alexander papalayo. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Terrence. The situation is awkward than already is.

            “Bye Kuya Terrence/Bye Kuya T,”

Magkasabay ang paalam nina Terry at Alexander. Hindi na ako lumingon pa. Dinig ang pag buntong hininga ng dalawa.

            “What.”

I asked them on my irritated voice. Parang napakalaking pag kakamali na ang pagtanggi sa kapatid ni Terry.

            “It was rude, you know.”

It was Terry, of course botong boto ito sa kuya Terrence niya para sa akin. She told me mas masaya daw kong totoong sister in law nya ako. Kinilabutan ako ng sinabi niya yun noon sa akin. Still she’s pushing me to her Kuya Terrence. Pinaikot ko nalang ang mga mata ko at hindi na ako nag komento pa. Ang hirap mag paliwanag sa kanila. Lalo na kay Alexander. I know they love me and concern sila sa akin but sometimes nakakainis din kasi pamilya ko naman ang kinaiinisan nila. Hindi parin maiwasan na may kirot sa puso ko.

            “Maliyah, wala ka bang gusto kay Kuya T?”

It was Alexander, he was hoping na may kakaiba na akong nararamdaman para sa binata pero anong magagawa ko wala talaga. Hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na magustuhan si Terrence just for convenience dahil pabor sa kanya ang mga kaibigan ko. I still believe in love.  O baka lang may iba kang gusto. Kastigo ng utak ko.

            Buti na lang nakarating na kami sa paradahan ng tricycle at hindi ko na sinagot pa sina Terry at Alexander.  Huminto ang tricycle sa tapat ng gate ng school namin. Pag baba ko palang sa tricycle agaw pansin agad ang benda ko sa gilid ng noo ko. Sana pala hindi na ako pumasok kaso may exam kami ngayon.

            Hindi ko na lang pinansin ang mga bulong-bulungan ng mga kapwa ko estudyante na nakaka salubong namin. Meron curious ang mukha, meron parang naawa, meron naman naka taas ang kilay at gustong ipabatid sa akin na buti nga sayo. Napailing nalang ako. At ito ang pinakaayaw ko sa lahat ang dadaan sa hallway kong may bang way lang sana umiwas na ako. Anak ito ng may-ari ng school  si Jerome na crush ni Terry. Bakit kaya hindi nalang ito ang guluhin niya kesa sa abalahin ang nanahimik kong mundo.

            “Maliyah, what happened? Are you okay?”

Hindi ko na ito sinagot at dumeretso na ako ngunit makulit lang talaga ito. Hinawakan niya ang braso ko, agad ko itong kinalas at tumingin sa kanya. Blangko ang ekspresyon ng mukha ko at deretso akong tumingin sa kanya.

            “It was nothing and please stop it, it’s not funny anymore. You're annoying”. Napatulala ito sa pag tataray ko sa kanya. Biglang naging seryoso ang mukha nito at mataman akong tinitigan. I think I master the ignored mode attitude. Siguro kong kurso ito PhD na ako.  So what kong anak ito ng may ari ng school na nagbigay ng scholarship sa akin. Wala akong pakialam kong nakasakit ako ng damdamin.

            Tuloy tuloy lang ang lakad ko papunta sa room namin dahil kailangan ko munang mag review kahit konti dahil hindi ako nakapag aral dahil sa nangyari.

            Natapos ang exam namin na kahit hindi ako masyadong nag aral may nasagot naman ako. Stock knowledge kumbaga.  Naging maayos at smooth sailing lang ang umaga ko. Dumeretso na kami sa canteen. Kinuha na ni Alexander ang  bag ko. siya na daw mag dadala. Natawa ako sweet din pala ang baklitang ito. Ubod tamis ko siyang ngitian pero pinaikot lang niya ang mga mata niya sa akin. I just smirks because he looks so cute doing that.

            Nakapila na si Alexander sa counter. Hindi na ako nag pabili ng pagkain kasi pina baunan ako ni Mama kanina. Simpleng lunch solve na ako. Sinuri ko rin ang bag ko, kong dala ko ang gamot na binigay ng doktor sa akin.

            Habang naghihintay ako nag buklat ako ng libro para sa next subject na exam namin. Nabasa ko na naman ang lesson namin nung sabado kina Terry, pasadahan ko lang ng konti.

            “Are you okay?”

I heard a soft baritone voice, and his scent was breathtaking. I didn’t move nor raise my vision.  I know he was standing in front of me. My heart palpitation rises up. Agad uminit ang mukha. Nanatiling naka tunghay ako. I heard him clear his throat, and slowly I looked at him. His eyes were worried,? But it was just sudden. It was replaced by blankness.

            “Ye— Yes”. I answered him with my stammering voice. I look down on my book and ignore him. “Aral now Landi Later” is a constant reminder that I need to focus. I heard him sigh and stay in front for seconds before he spoke.

            “Aahmmm okay”

            He said coldly and left. Nang alam kong wala na siya saka lang ako nag angat ng tingin at nagpakawala ng buntong hininga. I am holding it for quite some time and what a relief when he left. I saw Terry and Alexander in the cashier already. Buti nalang hindi sila naka tingin sa gawi ko. Inikot ko ang mga mata wala na ang binata..Bigla akong nalungkot.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
kennji26 dc
Wow. Very Nice. I was moved..........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status