Home / Romance / EXQUISITE DESIRE / CHAPTER 3-DEFENDING THE INNOCENT

Share

CHAPTER 3-DEFENDING THE INNOCENT

MALIYAH POV

               Naging abala kami ng sumunod na araw dahil papalapit na ang third quarter exam. Andito kami sa bahay nina Terry, sabado ngayon kaya, napag pasiyahan namin dito tumambay hindi pwede sa bahay nina Alexander dahil may bisita daw ang Papa nito na taga Munisipyo. Sa amin naman hindi pwede dahil may bata at ayoko pag buntunan ng inis ni Ate Maze.

               “Hoy alam nyo na ba ang chika ngayon?”

It was Alexander, daig pa nito ang reporter ng telebisyon at lalaking  Marites ng bayan. Ewan ko ba dito lahat ata ng tsismis at latest. Pati kong sino ang ikakasal, sino ang buntis at kung sino ang may birthday sa aming barangay ay alam, kong sino ang naka despalko ng pera o kong sino ang may utang sa 5/6 alam din.

               “Ano na naman yan Alexander.?”

It was Terry on her irritating voice. Alam kong minsan naiinis narin ito kay Alexander sa mga chikka nito para sa crush ni Terry na si Jerome. Dahil puro nalang bad news ang tsismis nito.

               “Yung bagong Prof, bali-balita daw na may nililigawang estudyante sa kabilang eskwelahan.”

Doon umangat ang tingin, parang my pumiga sa puso ko. Bigla akong nalungkot at nawalang ganang mag review. Hindi ko naman dapat maramdaman, wala naman dapat akong pakialam pero parang may kirot sa puso ko? Bakit hindi ko mapigilan ang sarili kong mayamot bigla. Ayoko ng marinig ang chikka ni Alexander tiyak nasasaktan lang ako kahit wala akong karapatan.  Aral muna Landi later remember?. Madalas kong paalalahanan ang sarili ko. Disappointing my parents are the last thing I should do. Hindi ito ang tamang panahon para mag drama. Keber ko kong meron itong nililigawan?

               Hinila ko si Terry patayo, nagtaka man ang mukha nito kasabay ng pagkunot  noong nakatingin sa akin ngunit walang reklamo ito, sumunod lang siya sa akin. Dinig na dinig ang pag alburuto ni Alexander. Okay na sana eh, hindi na masira ang araw ko, dahil sa tabil at kadaldalan ni Alexander heto ako ngayon naiinis ng hindi ko alam ang dahilan.

               Sumunod sa amin si Alexander at nag papadyak pa ito. Ngunit hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang kami ni Terry palabas sa bahay nila at papuntang paradahan ng tricycle.

               “Teka nga muna sandali”

 Irit na sigaw ni Alexander sa amin dahil hindi namin siya hinintay. Napatigil kami  ni Terry, nilingon namin siyang sambakol ang mukha niya.

               “Ano bang kaartehan nyong dalawa ha?”

Pagmamaktol nito sa amin at nakabusangot  ang mukha, samantalang si Terry naka ngisi lang.

               “Manhid mo kasi Alex.”

Wala sa loob na sagot ni Terry,  tinalikuran namin ito at dumeretso na kami sa paradahan.

               “What did I do this time?”

Pagtataray nito at mulaga pa ang mata nito dahil sa kalituhan sa inasal ko. Tinaasan ko siya ng kilay saka niya lang narealize na naiinis ako sa balita niya. Hindi naman ito kasalanan ni Alexander pero what can I do. Eh sa badtrip ako.

               “Mag merienda nalang tayo.”

Walang ganang sabi ko sa kanila. Tahimik kaming sumakay ng tricycle at nag pahatid kami sa plaza. Pagdating namin sa plaza gumaan ang pakiramdam ko kahit papano, dahil nakikita ko ang mga batang masayang naghahabulan at nagtatawanan. Yung iba nag lalaro ng luksong tinik, tumba preso,  Chinese garter, at luksong baka. Napangiti ako, ganito din kami nina Terry, at Alexander dati. Sumusugod kami dito sa plaza para mag laro. May mga bench, at malalaking puno ng mangga ang plaza. Maganda ang kulay berde na carabao grass. Dati nagdadala pa kami ng picnic blanket para lang humiga kami sa damuhan at mag aasaran. Bidang bida lagi si Alexander. Lalo nang high school kami.   Bumili kami ng siomai at palamig. Simpleng meryenda lang kami. Ito ang nakasanayan namin dahil hindi naman ako galing sa may kayang pamilya.

               Umupo kaming tatlo sa bakanteng bench. Masaya naming pinag mamasdan ang mga bata, pamilyang nakaupo sa picnic blanket, at mga couples na nag haharutan. Ito ang isang paboritong lugar na pinupuntahan namin kapag gusto naming gumaan ang pakiramdam naming mag kakaibigan. This place was our witness to our childhood memories. 

               Halos dalawang oras din kaming nagtagal sa plaza bago nag pasyang umuwi. Dumaan kami sa bahay nina Terry dahil andoon pa ang mga gamit namin ni Alexander. Pag baba pa lang namin tanaw ko na agad ang kapatid ni Terry na si Terrence nakaupo ito sa bagko sa ilalim ng mangga at nakatutok ang mata nito sa laptop.

               Hindi na namin ito binati mukhang busy ito. Pagkakuha namin ni Alexander ng gamit namin at pagkalabas namin ng pintuan naka abang na agad si  Terrence doon at naka sandal sa hamba at naka cross ang braso sa niya sa dibdib niya.

               “Hi Maliyah, hatid na kita sa inyo”.

He warmly offered me to bring me home. Magalang ko itong tinanggihan. Ganito palagi ang eksena namin. Hindi ko talaga mapilit ang sarili ko. Wala naman itong sinasabi na may gusto siya sa akin pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman yun. 

“Hwag na Terrence, baka magalit si Mama”.

Prangka kong sagot sa kanya. Which is the truth by the way. Ayaw ni Mama na may umaaligid na lalaki sa akin. Nadala na ito sa nangyari kay Ate Maze, at iyong ang iniiwasan kong mangyari ang mabunton sa akin ang galit niya. I am protecting my relationship with my Mama.

               “It’s okay Maliyah I understand.”

Terrence said softly at binigyan kami ng daan ni Alexander. Pero kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Pilit lang nitong tinago sa mga ngiti na hindi naman abot sa mga mata niya.  Pagka lampas namin kay Terrence agad akong siniko ni Alexander at tinukso ako. Sinamaan ko lang ito ng tingin.

               Pagdating ko sa bahay galit na galit na boses ni Mama ang sumalubong sa akin. Alam kong may nangyari na naman. Kita ko si Papa nakaupo lang ito sa labas ng bahay at tahimik na nag kakape. Nagmano ako kay Papa at dumiretso sa loob at inilipag ko ang mga libro ko sa mesa nasa gilid ng aming pintuan.

               “Mama”?

Malumanay kong tanong. Alam kong galit na galit ito pero ang dahilan hindi ko alam.

               “Yang magaling mong kapatid Maliyah umalis at iniwan ang anak sa kapatid mo. Ano bang malay niyan sa pag aalaga ng bata!Pabigat na nga dito sa bahay kong makaalis akala mo dalaga at walang maiiwan sa bahay!”

Manggagalaiti ang boses ni Mama dinig ko ang padabog nitong mga kilos. Hindi ko mabiro ang Mama alam ko kung saan lang ako pwede magbiro sa kanya and this is not the time.

               “Ako po muna mag aalaga kay Tonton Ma.”

Dinig ko ang pag buntong hininga ni Mama at tinalikuran ko na siya at pumasok sa silid ng Ate Mazelen. Pagpasok ko  pa lang balahaw na iyak agad ni Tonton ang dinig ko. Naawa ako kay Merleah dahil hindi nito alam  ang gagawin. Nag timpla ako ng gatas at kinuha  ito sa kanya at pinadede na si Tonton , maya maya pa, unti unti nang tumigil ito sa pag iyak pero nasinok parin ito. Naubos na rin nito ang gatas niya at pina dighay ko narin ito habang hinahaplos ko ang likod niya.

               Nangalay na ang braso ko kakaikot at kakahele kay Tonton, buti nakatulog na ito. Nilapag ko ito sa crib niya. Pinagmasdan ko mukha nito at napaka cute at napakaamo ng mukha. Why so cute baby Tonton. Sino kaya ang Papa mo Tonton?  Wala naman akong nakuhang sagot. Dinig ko ang tricycle na huminto sa labas ng bahay namin. Agad akong tumayo at lumabas.

               Isang malakas na sampal ang sumalubong kay Ate Mazelen pagka pasok palang nito sa pintuan namin. Nabitawan nito ang mga pinamiling gamit ni Tonton, gatas at Diaper.

               “Saan ka naman nanggaling malanding bata ka ha!”

Halos lumabas na ang ugat sa leeg ni Mama. Naawa ako kay Ate Maze, tahimik lang itong umiiyak sapo ang mukha na sinampal ni Mama. Hindi ito sumagot at hinampas ulit ni Mama si Ate Mace ngunit hinirang ko ang sarili ko. Tinamaan ako ng pinang pukpok ni Mama, umagos ang dugo sa mukha ko.

               “Papa!!!!!”

Dinig kong sigaw ni Ate Maze, kitang kita ko ang paka putla ng mukha ni Papa na puno ng dugo ang mukha ko. Nawalan na ako ng malay at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

               Hindi ko alam kong ilang oras ako nawalan ng malay, pero pag dilat ng mga mata ko,  puting kisame agad ang nakita ko. Tumingin ako sa swerong nasa kamay ko. Alam kong nasa hospital ako. Agad kong nahipo ang benda ko sa ulo ko. Sumikdo ang sakit noon. Ginala ko ang mga mata ko sa paligid ngunit wala akong kasama.

               Maya maya pa bumukas ang pinto, dumako ang mga mata ko doon at malamlam kong naaninag ang lungkot sa mukha ni Papa, at puno ng pagsisisi sa mga mata ni Mama. I know she felt guilty of what happened to me. I shield myself to Ate Maze. Ayaw kong masaktan ito. It broke my heart when my Mama treat her differently but I can't blame her. Hindi ito matanggap ni Mama na maagang naging dalagang ina si Ate Maze.

               “Papa, Mama”.

Mahinang tawag ko sa kanila. Umagos agad ang luha ni Mama, lumapit ito sa akin at hinahawakan ang kamay ko, kinulong niya sa mga kamay niya. Humihikbi ito, nakita ko ang pagsisisi ni Mama.

               “A­­­­­­­­­­—nak  pa­­—patawarin mo ako hindi ko sinasadya na saktan ka, nag dilim ang paningin ni Mama. Hindi ko napigilan ang sarili ko anak.”  

Wala naman akong sama ng loob kay Mama. Pero nalulungkot ako para kay Ate sa kanya na naman sinisisi ni Mama ang nangyari sa akin. Ate was jealous because Mama treat us differently.

               “Hindi ako galit Ma. Pero sana po patawarin mo na si Ate Maze Ma. Ako po ang tutupad sa pangarap niyo para sa kanya. Ako po mag bibigay nang karangalan sa pamilya natin Mama, hindi ko kayo bibiguin patawarin niya nalang po si Ate, Ma at tanggapin si Tonton. ”

Mahina kong sagot sa kanya. Hindi sumagot si Mama sa sinabi ko. Nilipat ko ang mata ko kay Papa, ngumiti ako sa kanya, ipinaalam kong okay lang ako. Hinaplos ni Papa ang ulo ko.

               “Lalabas na ba tayo Ma?”

Tanong ko, ayaw kong tumagal dito dahil gastos lang ito at mas may mahalaga pa kaming pag gagastusan.  Tumango lang si Mama. Lumabas na si Papa para ayusin ang babayaran namin dito sa hospital.

               Nang dumating kami sa bahay,  nadatnan namin si Ate Maze na kalong si Tonton. Agad itong tumayo at umiwas sa akin. I know she felt guilty because of what happen to me. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may sama ng loob si Ate sa akin.

               Kinabukasan maaga akong nagising para pumasok third quarter exam namin ngayon. Hindi naman ako gaanong nakapag aral pero pwede pa naman ako mag review kahit kunti. Mabilis ang kilos ko gusto kong makarating agad sa school at makapag review kahit paano.

               Nagulat si Mama dahil bihis na ako, nagtataka man pero tumahimik na ito inabutan ako ni Mama ng baon, may nakabalot narin pagkain , ito ang unang pagkakataon na pag babaunan ako ni Mama. Niyakap ko sya, at bumulong ako sa kanya.

               “Salamat Mama, I love you”… tuluyan na akong tumalikod nang hindi hinintay ang sagot niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status