MALIYAH POV
Hindi ko pwedeng maramdaman ito. First time sa buhay ko ang kumakabog ang dibdib ko nang walang dahilan at first time buhay ko na halos tumigil ang mundo. Parang may tornado effect ito Bigla akong nahilo. Nangako ako kay Mama mag tatapos ako at tutuparin ko yun. Wala lang ito. Madali lang naman ang gawin ko, hindi mag cross ang landas namin kung sino man yun. Ngunit hindi ko na makalimutan ang amoy niya, ang mga mata. Oh God please save me I am bewitched with this man.
Agad kong nilampasan kung sino man ang lalaking iyon, hindi ako nag sorry at hindi ako lumingon , ayoko , hindi pwede, Aral muna today Landi Later kapag tapos na ako. Motto ko na kailangan kong panindigan kahit gaano kahirap. Ayaw kong biguin si Mama kapag nang yari yun hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
Ramdam ko ang pag habol sakin nina Alexander at Terry. Nang makarating ako sa tapat ng pintuan namin tumigil ako sandali dahil hingal na hingal ako. Parang hinabol ako nang mga turo sa bilis ng lakad takbong ginawa ko. Nailagayn ko ang kamay ko sa tapat ng dibdib ko.
“Hoy mahaderang palaka, anong nangyari sayo at bigla nalang kumaripas na akala mo may humahabol sayo.”
Pag bubunganga ni Alexander sa akin. Ayoko ko silang bigyan ng idea kong ano man ang naramdaman ko kanina. Wala lang yun. Kailangan kong balewalain. “Kaya mo ba” usal ng utak ko. Kakayanin ko walang kasiguraduhang sagot ko.
Wa—wala.
Kanda utal ako pag tangi. Alam ko na mangyayari, kapag inamin ko na kinabahan ako hindi ito titigil para itong imbestigador paikot ikot ang tanong hanggang sa umamin ako. Bakit ba kasi kinabahan ako, nabunggo lang naman ako.
“Kong wala aba bakit tumakbo.”
Sabi na hindi talaga titigil. Daig pa si Mama maka-usisa ang baklang ito. Nungka kong aamin sa kanya. Never, over my smart brain.
“A—ayaw ko lang ma—late tayo”
Wala sa loob na sagot ko sa kanya para tumigil na, kita naman kasi sa hitsura ko kanina. Kaya nagtataka ang mga ito ni Terry.
“Anong ma— ,
Tinakpan ko nang bibig niya dahil naririndi na ako sa kakatanong niya sumulyap ako kay Terry ngumisi lang ito sa akin. Pinandilatan ko ito ng mata.
“Ikaw Alexander tatamaan kana sa akin”.
Pagalit kong sermon sa kanya. Kelan pa ako naging pikon? Ayaw ko man aminin pero kailangan kong mag matigas. I know exactly what Alexander will do kapag malaman niya na may crush na ako. What the heck ?Where is that coming from anong CRUSH. Bawal!!!
Pinilig ko ang ulo ko at tuluyan pumasok na sa room namin. May iilan na ang estudyante at naghihintay na lang kami ng prof namin. Ilang sandali pa dumating ang ang aming Professor. Sa buong oras ng klase ilang beses akong hindi nakasagot. Madalas tulala lang din ako. Hala what the hell happened to me?
Siniko ako ni Alexander, naka kunot ang noo nito sa akin. Kinurot din ako sa tagiliran ang sakit, sinamaan ko siya nang tingin. Hanggang matapos ang klase namin para akong nakatira ng katol, bangag, lutang ako. Ano ba naman itong nangyayari sa akin ilang buwan nalang mag tatapos na ako ngayon pa talaga ako magiging tanga. Sarap din kutusan ang sarili ko.
Natapos na ang morning subjects namin na wala man lang pumasok ni isa sa utak ko. Dumeretso na kami sa canteen para kumain nang tanghalian. Nagtataka na ang mga kaibigan ko sa nangyari sa buong dalawang subjects namin sa umaga , lutang ako. Major pa din naman namin. Bawi nalang ako day after tomorrow
Nagpapasalamat ako dahil kahit paano, hindi na ako katulad kaninang umaga. At natapos ang araw na ito nang walang aberya, hindi na kami nag kita nang lalaking nagpapakilig ng tibok nang puso ko, at gumulo sa tahimik kong mundo. Hala agad agad?Walang man preno? Ano kaya name ng prof na yun. Ay iba rin todo deny hanap hanap din naman self kumekerengkeng lang? Aral muna Landi later? Remember? kastigo ng utak ko.
“Maliyah daan naman tayo sa turo turo,”
Pag aya sa akin ni Alexander nag titipid ako kaya hindi na ako sasama , gusto ko nang umuwi at ipag pahinga ang utak ko.
“Kayo nalang Alexander gusto ko na kasing umuwi, saka alam mo naman nag titipid ako diba?”
Malumay kong paliwanag sa kanya, gusto ko ng umuwi talaga kasi buong araw parang miserable ako. Pero dahil kilala ako sa babaeng ayaw tumanggi ng grasya malamang sa malamang ay walang mangyayari sa pagtanggi ko.
“Kelan kapa tumanggi kong pag kain ang usapan, Kelan naman kita pinag bayad kapag niyaya kita?”
“Ouch”
Sabi na wala talagang akong kawala dito. Tumingin ako kay Terry para humingi ng saklolo ang gaga ngumisi lang at tumalikod papuntang turo turo.
“Sige na nga”
Napipilitan kong sagot sa kanya, ayaw ko naman talaga kumain, napipilitan lang ako talaga. Pagdating namin sa turo turo kumuha ako nang pinakamalaking baso. Marami akong nilagay na fish ball, kikiam, squidball sa lagayan ko , aba masama tumanggi sa grasya at libre ito besh. Tumaas ang kilay nang dalawa kong kaibigan at pinaikot pa talaga ang mga mata nila sarap dukutin, sila itong nag yaya tapos sila mag rereklamo.
“Paayaw ayaw pa siya kanina”
Panunukso ni Terry sa akin , hindi na ako nakasagot dahil puno ang bibig ko. Nginisihan ko nalang siya.
“Hindi ka naman patay gutom no?”
Pang iinsulto ni Alexander sa akin, umiling lang ako at tinaasan siya ng kilay. Punong puno ang bibig ko nang may tumusok sa baso ko. Pag angat ko ng tingin ko ay ang prof nabangga ko kanina, shit ang bango niya, muntik ko nang naibuga sa kanya ang laman ng bibig ko.
“Hi, pahingi ah, bayad mo kanina, binunggo mo ako at tinakasan ng hindi man lang nag sorry”.
Mahina niyang sabi at titig na titig sa akin, at dahil puno ang bibig nalunok ko ang kinakain ng hindi nginunguya at nabulunan ako.
Inabutan ako ni Terry nang palamig, Biglang binundol ng kaba ang puso ko. Nag kulay kamatis ang mukha ko sigurado. Agad ko itong ininom at umangat nang tingin sa lalaking nasa harap ko ang yabang at ang kapal nang mukhang makitusok sa fishball ko. Pero infairness ang gwapo. Ang kulay ng mga nito ay may pagka bughaw na berde. He’s face shape was oval with well-defined jaw line, a bow-shaped pinkish lips, his over protected pointed nose, flat dark eyebrows. That was a totally perfect package.
“Ang ka— “
Hindi ko natapos ang tatabihin ko nang pinunasan niya ang gilid nang labi ko, at mas lalong nag rambulan ang tibok nang puso ko. Parang kong may anong kuryente ang biglang nanalantay sa balat ko.
“May sauce sa kasi”
simpleng paliwanag nito at kitang kita ko ang paglaki ng mga mata nina Terry at Alexander. Tumalikod na ito at umalis nang walang sabi sabi. Natulala parin ako sa nangyari. Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. Bukod sa hindi ko alam ang sasabihin napahiya pa ako. Dinig kong tumili si Terry at kinurot kurot ang tagiliran ko,
“What the hell just happened?”
Wala sa loob na bulalas ko. Shocked and surprised were visible in our faces. Kahit ako hindi ko maarok sa matino kong pag-isip ang nangyari. Alam ko naman matalino ako pero naging bobo ata ako dahil walang eksplanasyon akong masabi sa nangyari o pinaka madaling sabihin What the Fudge.
Nabayaran na ni Alexander ang kinain ko at ni Terry wala parin akong kakibo-kibo. Hindi maabsorb ng utak ko ang nangyari. Pasakay na kami ng tricycle, wala besh no words can express how I feel ika nga. Tumahimik nalang ako. Para akong computer loading. O let say hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Parang naka rugby ako bangag lang. Akala ko today is a safe day, sabi na nga kanina uuwi na ako eh. Pahamak pa talaga ang pagiging matakaw ko.
Pagdating ko sa tapat nang bahay namin kita ko agad si papa sa tabi ng punong mangga, may hawak itong tasa , alam kong kape yun kasi para kay Papa kape is life. Doon ako dumiretso sa kanya at nag mano. Umupo ako sa tabi niya at napabuntong hininga.
“Kumusta ang anak kong maganda”.
Napingiti ako sa banat ni Papa alam agad niya kong paano ako pangitiin, lalo na ramdam niya ang gumugulo sa isip ko. Hindi agad ako sumagot, tahimik lang ako. Tinitigan ko si Papa kita ko ang pagod sa mukha niya pero wala itong reklamo. Pinaka close ko si Papa, madalas ito ang bangka sa usapan. Kaya inis na inis si Mama palagi.
“Papa, masama po bang mag ka crush ako?”
Mahina kong tanong sa kanya, dahil alam nasa loob lang si Mama. Ayaw kong marinig niya ang tinatanong ko kay Papa. Ngumiti si pa sa akin at tipid ko rin siya nginitian at yumuko ako dahil bigla akong nahiya sa tanong ko.
“Natural sa edad mo anak ang humanga, ngunit may tiwala ako sayo na hindi ka lalampas sa limitasyon mo” May pinangako ka sa Mama mo. Yun muna ang unahin mo.”
Malumanay na paliwanag ni Papa. Alam ko naman ang obligasyon, ilang buwan nalang din ang bubunuin ko matatapos ko ang pag aral ko mabibigay ko, sa mga magulang ko ang pangarap nilang diploma para sa akin. “Tukso layuan mo ako please” Nagpaalam na ako kay Papa na mag bibihis at tutulungan si Mama. Tinapik lang ako sa balikat ni Papa at ngumiti sa akin. Pag pasok ko sa bahay agad kong pinasigla ang boses ko at binati ko si Mama.
“Hello sa aking magandang Mama”, paglalambing ko sa kanya sabay yakap. Agad itong sumimangot.
“Tigilan mo ako Maliyah ha, nililibang mo naman ako”.
Angil ng Mama sa akin as usual. Hindi ko nalang yung pinansin at ngumiti nang pagkatamis tamis kay Mama. I admire all her hard work and sacrifices for us
“Ma naman, sambakol agad ang magandang mong mukha sige ka mas maganda na ako sayo”.
Tumawa ako nang malakas dahil lalong lumukot ang mukha niya. Hinalikan ko si Mama sa pisngi at paakbong umakyat sa kwarto.
“Ma magbibihis lang ako , para tulungan kayo mag handa ng hapunan.”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Pag pasok ko sa kwarto ko agad akong umupo sa gilid ng kama, at bumuntong hininga. Aral now Landi later agad pumasok sa isip. Nagbihis na ako at Bumaba para tulungan si Mama. Pagbaba ko kita ko si Ate Maze na buhat buhat si Tonton anak niya isang taon gulang na ito. Agad akong lumapit at akmang hahawakan si Tonton ngunit tumayo ang ate at inismiras ako. Sinulyapan ko nalang siya habang papalayo siya sa akin. Bumuntong hininga ako. Tumuloy na sa kusina..
MALIYAH POV Naging abala kami ng sumunod na araw dahil papalapit na ang third quarter exam. Andito kami sa bahay nina Terry, sabado ngayon kaya, napag pasiyahan namin dito tumambay hindi pwede sa bahay nina Alexander dahil may bisita daw ang Papa nito na taga Munisipyo. Sa amin naman hindi pwede dahil may bata at ayoko pag buntunan ng inis ni Ate Maze. “Hoy alam nyo na ba ang chika ngayon?”It was Alexander, daig pa nito ang reporter ng telebisyon at lalaking Marites ng bayan. Ewan ko ba dito lahat ata ng tsismis at latest. Pati kong sino ang ikakasal, sino ang buntis at kung sino ang may birthday sa aming barangay ay alam, kong sino ang naka despalko ng pera o kong sino ang may utang sa 5/6 alam din. 
MALIYAH POV: Dinaanan ko si Alexander sa kanila. Alam ko na ang mangyayari mamaya. Maiinis na naman ito sa akin dahil sa tinamo kong sugat dahil hinarang po ang sarili ko para kay Ate Maze. Hindi ko maatim na sasaktan siya ni Mama kaya hindi ako nag dalawang isip na ihain ang sarili ko para hindi siya masaktan. Pag dating ko sa tapat nina Alexander ay tinawag ko na agad siya. “Alexander!”Sa sobrang lakas ng sigaw napapahinto ang mga dumadaan at tinitingnan ako. Pati tricycle napahinto rin. Naka napangunot tuloy ako. Kita ko agad ang paglabas ni Alexander sa pintuan nila at nanlaki ang mga mata nito. Dali dali itong lumapit sa akin at sinipat ang mukha pati ang benda ko sa ulo. “Kilala mo pa ako?Wala kang amnesia ?Ikaw naba
MALIYAH POVI was still processing what just happened, hindi ko nga alam ang buong pangalan niya. Tsaka bakit ba niya tinatanong kong okay lang ano? Yung pakiramdam na hindi ka makatingin sa mata sa taong hinahangaan mo. Yung nagtataka ka bakit hindi siya mawala sa isip mo, yung pakiramdam na gusto mo siyang kausapin pero hindi pwede . The fact still remain, hindi pa muna, uunahin ko muna ang pag aaral at maka pasa muna sa board exam. What happened to Ate Maze is more than enough for me. Pero kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na h’wag muna para naman itong linta kung makadikit sa utak ko. Ang hirap hirap tanggalin. Pinilig ko ang ulo ko just to removed him from my mind.Sabay umupo sina Terry at Alexander. Their eyes were confused.“Anong nangyari sayo?”It was Alexander nakakunot pa ito sa akin habang tinatanong ako. Ano ba itsura ko. Bakit maka react ito ang OA masyado.“Huh?” wala sa loob kon
MALIYAH POV Nakauwi ako sa amin na paulit ulit pa rin sa balintataw ko ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ramdam ko parin ang pagdikit ng mga katawan namin. Ang bango ng hininga niya, ang tigas ng mga braso niya at ng dibdib niya. Parang feeling ko nakapa-safe ko na. Pinilig ko ang ulo ko para maalis ko ang ganung kaisipan. Agad kong natanaw si Papa, sa ilalim ng puno nag kakape ito. Malayo palang, kita ko na ang paglamlam ng mata niya. Pinasigla ko agad ang kilos at pinasaya ang mukha ko. I know Papa he was still guilty about what happen. Hindi rin sila nag kikibuan ni Mama. “ Hi Papa” sinisigurado ko na malapad ang mga ngiti ko. Ayoko na maguilty siya sa nangyari sa akin. “Maliyah kumusta ang sugat
MALIYAH POV Nakatunghay lang ako sa librong na, nasa hita ko at nakayuko lang ako na nakatitig doon pero lumilipad ang ang isip. So his name is Clint Bueanavista. Nakakalula, lang sa sobrang daming letra sa librong binabasa lumabo na yun dahil sa pagtitig ko ng matagal. Pinilig ko ang ulo at ipinikit ko ang mga mata ko at nilagay ko sa dibdib ko ang aking kanang kamay. Mabilis pa rin ang pag rebolusyon ng puso ko. Hindi ko na napansin na malapit na ang oras ng aming exam. Iginala ko ang akin mga mata para hanapin ang sina Terry at Alexander kong nasaan na ang mga ito. Napatingala nalang ako ng wala sa oras ng kung sinong poncio pilato ang humila ng buhok ko mula sa likuran. Agad akong napalingon at ang sumalubong sa akin at ang mata nina Terry at Alexander na puno ng inis. Oh boy
MALIYAH POV Iginiya ako palabas ng bahay nina Alexander, mugto ang mga mata ko kakaiyak. Ate walked out on me just like that. Parang pinipiga ang puso ko. Kapatid ko siya at hindi ko siya susukuan. Tahimik lang silang lahat ako naman hikbi parin ako nang hikbi. Inabutan ako ni Terrence ng panyo but I humbly decline. Meron naman kasi ako. “Maliyah?”Napahinto ako ang nilingon si Alexander. I saw pity in his eyes. Dumako ang mata ko kay Terry, it was the same. Pity and sympathy at the same time. Sa dami ng sinabi ni Ate Maze wala na akong naintindihan. Bumabagabag sa isip at puso ko ang lalim ng pinag huhugutan niyang sakit at hinanakit sa akin at kay Mama. “Uwi na tayo,”Walang ganang wika ko at binuksan a
MALIYAH POV Wala akong sapat na tulog. Pagkagising ko kinaumagahan maaga parin akong bumangon para pumasok sa eskwelahan. Naligo na agad ako, hindi ko na alintana ang ginaw ng tubig sa balat ko. Minadali ko ang bawat kilos, bukod sa malamig ang tubig, ay gusto kong hindi abutan ni Mama sa kusina. Balak ko rin dalawin si ate at magbigay ng pera kahit paano. Meron naman ako naipon kahit konti. Alam kong ayaw niya akong makita. Pero wala akong pakialam.Pagbaba ko sa kusina nag timpla agad ako ng milo at kumuha ng tatlong pandesal na pinalaman ko ng peanut butter.Mabilisan ang kilos ko ngayon doon nalang ako titigil kina Alexander habang hinihintay siya. Nang maubos ko ang agahan ko, bitbit ko ang backpack po hawak ko sa kaliwang kamay ko ang dalawang librong dala ko.Nakita ko si Papa na nag gagayak na papuntang bukid. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ako alintana. Lumapit ako sa
MALIYAH POV:Pagkatapos ng pang hapon namin na subject, sinamahan ako nina Alexander at Terry sa kabilang Barangay kung saan nakatira si Ate, pagsakay namin ng tricycle, umandar na agad ito. Tahimik kaming tatlo, ang ingay lang ng tricycle ang naririnig ko, tumigil ang tricycle sa tapat ng bahay ni aling Doray. Bumaba na kami at lumapit sa gate nilang kawayan.“Aling Doray, tao po?”It was Terry, ilang sandali pa, lumabas na si Aling Doray buhat buhat si Tonton, wala siguro si Ate baka may nahanap na itong trabaho hula ko lang.“O, Terry napadalaw ka iha”Pero ang mga mata nito ay sa akin nakatutok, hindi ko alam kong ano ang tumatakbo sa isip niya pero kita ko na hindi naman ito galit.“Dadalawin ho namin si Ate Maze at Tonton po.” Ako na ang sumagot sa kanya.“Wala dito ang Ate mo, Maliyah, nag hahanap ng trabaho ulit, umalis kaninang alas onse hindi pa bumabalik, wala nang