Isang Gabi mula sa kahabaan ng kalsada, hindi na alam ni Rafael kung saang lugar na ang kanyang tinatahak habang nakasakay siya sa minamaneho niyang kotseng kulay asul, ito ang oras at unang pagkakataon na makikita niya si Angela.Gabing gabi na ng Sabadong iyon, makikitang naglalakad pa sa daan si Angela na humahangos at nagmamadali sa pag-uwi dahil bumili siya ng mga gamot para sa Nanay niyang inatake ng Asthma, hindi niya namalayan na mabilis na humaharurot ang kotseng kulay asul at papalapit na sa kanyang daraanan hanggang napansin siya ni Rafael kahit ito'y nakainom pa ng alak, malinaw parin ang kanyang mga mata ng gabing iyon at bumaba siya sa kotse niya para harapin si Angela.“ Hey, are you going to kill yourself?.” Tanong ng galit na galit na si Rafael kay Angela. “ Hindi po ako magpapakamatay, sorry po talaga.” Sabi naman ng gulat na gulat na si Angela. “ Next time look where you’re going, I guess you're still planning to pay me if something happens to you .” pahabol na sa
Maraming bisyo si Rafael, paninigarilyo, madalas na pag-inom ng alak, pagsusugal at pambababae, party doon, party dito, kasama ng kanyang mga kabarkada, nagpakasaya siya, nilustay niya ng husto ang kayamanang iniwan ng kanyang mga namayapang Magulang, magkasunod na taon namatay ang kanyang Ama't Ina, ang kanyang Ama na si Ceasar Reyes ay namatay dahil sa Heart attack at ang kanyang Ina naman na si Carmela Reyes ay namatay dahil sa Breast Cancer.Ang mga Magulang ni Rafael ay isa sa mga kinikilala bilang magagaling na mga negosyante, may-ari sila ng isang malaking pagawaan ng alak dito sa pilipinas at maging sa ibang bansa, Wala ng mahihiling pa si Rafael sa kanyang mga Magulang, itinuro nila sa binata ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng negosyo, lahat ay ginawa nila para mapabuti ang anak nilang si Rafael, paulit ulit ang mga paalala nila rito at pangangaral, lalo na ang kanyang Ama. “ Son, life is short, so don't waste every minute, dedicate it to something meaningful, stop y
“Nay, may sakit po ba si Angela? Kayapala nakita kong may mga pasa siya sa binti at hita, ayokong may mangyaring masama sa kanya, Nay Lilet, ayokong mawala si Angela, ayoko…” sabi ng hindi mapakali na si Rafael habang kausap si Aling Lilet.“ Huminahon ka anak, Rafael, hindi mawawala si Angela, magtiwala ka sa Diyos.” sabi naman ni Aling Lilet.“ Paano kung iwanan rin niya ako gaya ni Mommy at Daddy, Paano na ko Nay Lilet, Paano na yun mga pangarap naming dalawa.” Hindi mapakaling si Rafael.“ Rafael, anak maupo ka muna sa isang tabi, magpahinga ka muna kami muna mag-aasikaso kay Angela, sa anak namin.” Sabi ni Mang Rudy na tinapik sa balikat si Rafael.Naupo naman si Rafael ngunit ang isipan niya ay puno ng kaba at ng pag- aalala, wala siya sa kanyang sarili, iniisip niya ng husto si Angela.Samantala habang nagpapahinga si Rafael sa isang tabi ay bigla na lamang siyang nakatulog.Nang mga oras na iyon ay abalang abala na sina Mang Rudy at Aling Lilet sa pagbili ng mga gamot na iniha
Nagpatuloy sa pagsasalita si Rafael... "Hindi na ko nagsusugal, hindi ko na sinasayang ang pera ko at panahon sa walang ka kwenta kwentang mga bagay, hindi na rin ako naghahanap ng marami at iba't ibang mga babae kasi si Angela lang ang kaisa isang babae na minahal ko ng totoo, ng ganito, siya lang ang nagpapaligaya sa akin pero kahit ganoon nirespeto ko si Angela bilang isang babae, marami pa kaming pangarap at magkasama kaming dalawa na dapat tumupad nito pero paano namin matutupad iyon kung iniwan na niya ako?”sabi ni Rafael.Habang naroroon siya sa dagat isang babaeng nakaputi ang tila natanaw niya mula sa kalayuan, nakangiti ito sa kanya na tila niyayaya siya nito na sumama sa itinuturo nitong liwanag, medyo hawig ni Angela ang babaeng nakaputi, titig na titig si Rafael kahit tila nanlalabo na ang paningin niya.“ Angela, ikaw ba iyan? Hintayin mo ako sasama ko sa iyo… teka lang lalapit na ako, wait for me ok?.” sabi ni Rafael na unti unting lumalapit sa babaeng nakaputi.Nagpat
Inihatid ni Mang Edgar si Rafael sa bahay nila Angela, pagdating nila roon ay lumapit na agad at sinalubong na siya ni Mang Rudy.“ Bakit, hindi ka sumasagot, tumatawag ako sa iyo, Rafael, huminahon ka, ipanatag mo ang sarili mo, wala na tayong magagawa kundi tanggapin na wala na talaga si Angela, kung masakit para sa iyo, mas masakit sa amin dahil nga kami ang mga Magulang ni Angela, kami ang nag-alaga at nagmahal sa kanya, kami ang kasakasama niya sa saya at lungkot, kami ang pinag-alayan niya ng buhay.“ lumuluha na si Mang Rudy habang nagpapaliwanag kay Rafael.Emosyonal ang bawat sandaling iyon... napayakap na lang si Rafael kay Mang Rudy, matapos ay unti unti na siyang lumapit sa mga labi ni Angela, pinagmasdan niya ang kanyang nobya, Isa isa ng nag-unahan na pumasok sa kanyang isipan ang mga ala-ala nilang dalawa.“ Sa una natin pagkikita, muntik na kitang masagasaan noon pero may dahilan pala kaya nabuhay ka pa, nagkatagpo muli tayo at nasundan pa ito ng maraming beses, natatan
Sa kabuuan ng kanilang paglalaban agad na tumigil at sumuko si Daniel dahil nakita niya na nanlilisik na ang mga mata ni Rafael, namumula ang mukha nito sa galit. ayaw nitong magpatalo.“ Tama na Rafael, itigil na natin ito, wala rin mangyayari kung sasabihan pa kita, sarado na ang isip mo, wala na kong magagawa kundi pabayaan ka sa imahinasyon mo na iyan, sige na uuwi na ako, babalik na lang ako kapag luminaw na ang isipan mo at kapag nagawa mo ng kalimutan si Angela.’ Wika ni Daniel na agad kumaripas ng takbo palayo kay Rafael.“ Hindi ko kailanman kakalimutan si Angela, hindi kailanman nawawala sa isipan ko si Angela, mamahalin ko siya habang nabubuhay ako.” Mahinang sabi ni Rafael sa kanyang sarili habang habol niya ng tingin si Daniel.Walang araw na hindi naiisip ni Rafael si Angela, ayaw niyang mag- move on sa nakaraan, palagi niyang sinasabi na buhay na buhay si Angela sa puso niya kaya naman hindi siya tinatantanan ng mga alaala ni Angela sa mga panaginip niya maging sa mga
“ Ako rin Janet, namimiss ko na siya, namimiss na siya ng lahat, lalo na si Kuya Rafael, Alam kong miss na miss na siya nito, kahit minuto hindi niya nalimutan si Ate Angela, kumusta na kaya siya ngayon?.” tanong naman ni Perla.“ Sabi ng Ate Angela nyo hindi raw siya magbo-boyfriend pero biglang dumating sa buhay niya si Rafael, kami na nga ni Tatay Rudy nyo ang nagsabi sa kanya na subukan naman niyang magkaroon ng boyfriend kaya yun sinagot niya si kuya Rafael nyo, hanggang naging magkasintahan na sila.” sabi ni Aling Lilet.“ Sayang nga Nay! Naunahan ako ni Ate Angela kay kuya Rafael, akala ko kasi sa akin siya may gusto noong mga panahong dumadalaw siya sa bahay natin, akala ko kasi kaibigan lang siya ni Ate.” biro naman ni Janet.“ Ano ka ba naman Janet? bata ka pa, tumigil ka nga sa kabaliwan mo, baka mamaya multuhin ka diyan ni Ate Angela.” Pananakot ni Perla kay Janet.“ Ano ka ba Ate Perla, nagbibiro lang naman ako… saka love ako ni Ate Angela kaya hindi niya ko mumultuhin.”
Pagod na pagod si Rafael sa maghapong trabaho niya sa opisina, medyo inaantok na siya, siya lang kasi ang namamahala ng sarili niyang Kompanya kaya lahat ay ginagawa niya ng malinis at maayos mula sa maliliit hanggang sa pinakamalalaking detalye ng kanyang negosyo, itinuloy kasi niya sa ibang bansa ang malaking negosyong pagawaan ng alak na negosyong iniwan ng mga namayapa niyang mga Magulang, may mga kamag-anak siya na sumusuporta rin sa negosyo niya kaya lang ang mga ito ay tumutulong lamang kapag kailangang kailangan niya at kapag hindi na niya kaya, kaya nga hanggat maaari ayaw niyang abalahin ang mga ito dahil ang mga ito ay may pinagkakaabalahan rin naman na ibang mga bagay. Ang kanyang kabiyak naman na si Rosalia ay mas piniling magtrabaho sa Hospital bilang Nurse dahil mahal niya ang kanyang propesyon nakiusap siya kay Rafael na hayaan na lamang siya pero nakaalalay lamang siya sa mga desisyon at plano na gustong gawin ni Rafael sa Kompanya nito, ang mga anak naman nila ay wal