Share

KABANATA 3

“Nay, may sakit po ba si Angela? Kayapala nakita kong may mga pasa siya sa binti at hita, ayokong may mangyaring masama sa kanya, Nay Lilet, ayokong mawala si Angela, ayoko…” sabi ng hindi mapakali na si Rafael habang kausap si Aling Lilet.

“ Huminahon ka anak, Rafael, hindi mawawala si Angela, magtiwala ka sa Diyos.” sabi naman ni Aling Lilet.

“ Paano kung iwanan rin niya ako gaya ni Mommy at Daddy, Paano na ko Nay Lilet, Paano na yun mga pangarap naming dalawa.” Hindi mapakaling si Rafael.

“ Rafael, anak maupo ka muna sa isang tabi, magpahinga ka muna kami muna mag-aasikaso kay Angela, sa anak namin.” Sabi ni Mang Rudy na tinapik sa balikat si Rafael.

Naupo naman si Rafael ngunit ang isipan niya ay puno ng kaba at ng pag- aalala, wala siya sa kanyang sarili, iniisip niya ng husto si Angela.

Samantala habang nagpapahinga si Rafael sa isang tabi ay bigla na lamang siyang nakatulog.

Nang mga oras na iyon ay abalang abala na sina Mang Rudy at Aling Lilet sa pagbili ng mga gamot na inihatol ng Doctor kay Angela, habang ang ibang mga kapatid ni Angela ay umuwi na muna sa kanilang bahay at naiwan doon ay si Perla na isang taon lamang ang agwat ng edad ni Angela rito, binantayan niya ang kanyang Ate Angela.

Maya maya ay nagising na si Rafael, nakita niya si Perla na nagbabantay kay Angela. 

“ Bakit hindi nyo man lang pinagamot si Angela? Bakit kailangan pang humantong sa ganito?.” Bungad na tanong ni Rafael kay Perla.

“ Kuya Rafael, hindi naman nagsasabi si Ate Angela na may nararamdaman siyang sakit, ang alam lang namin minsan matagal siya sa kuwarto, nagkukulong siya doon kapag sumusumpong yun nararamdaman niyang sakit, sinasara niya ang pinto, parang itinatago niya yun sakit niya, tinatanong namin siya kung ayos lang ba siya, sabi naman niya, huwag daw siyang intindihin, itutulog lang daw niya ito at magiging ok na siya.” Paliwanag ni Perla.

“ Pero, mali parin kayo sana man lang napilit nyo siya na magpagamot, Paano na ngayon? Hindi natin alam kung anong mangyayari sa kanya, hindi ko kakayanin, alam mo naman na mahal na mahal ko si Angela.” nag-aalalang si Rafael.

“ Kung mahal mo siya Kuya, mas mahal namin siya kasi kami yun kasa-kasama niya sa loob ng mahabang panahon at maraming taon, mas hindi namin kaya kung mawawala siya sa amin, hindi rin namin kaya Kuya Rafael.” sabi ng lumuluhang si Perla.

Nang mga sandaling iyon, tumahimik ang paligid ng magkausap sina Perla at Rafael, tanging mga luha ang umaagos sa kanilang mga mata habang pinagmamasdan ang nakahigang si Angela na wala parin malay ng mga sandaling iyon.

Umuwi saglit si Rafael at iniwan muna si Perla sa Hospital na iyon, kukuha lamang siya ng mga ilang damit pamalit matapos ay babalik na muli siya sa Hospital para bantayan si Angela.

Sa bahay pag-uwi niya ay sinalubong agad siya ng lungkot at bumungad sa kanya ang mga larawang naglalakihan, nakadisplay ang mga ito malapit sa pintuan, larawan ito ng kanyang Mommy Carmela at Daddy Ceazar, larawan na kung saan bagong kasal ang mga Ito, Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga alaala noong ang mga ito'y nabubuhay pa.

Masakit naman talaga para kay Rafael ang pagkawala ng kanyang mga Magulang at mas sasakit pa kung pati si Angela ay kukunin rin sa kanya, Bakit kailangang mawala ang mga taong nagmamahal sa kanya? Bakit kailangang iwan siya ng mga ito sa mga sitwasyon nagiging masaya na siya at ayos na siya, Hindi pa ba sapat na nagagawa na niyang magbago para sa sarili niya at para sa mga taong mahal niya.

Maaari bang magrequest sa langit na huwag naman sana… huwag naman sanang mawala ang taong nagpapaligaya sa kanya, pero hindi maaari dahil nakatakda na ang dapat mangyari.

Pagbalik ni Rafael sa Hospital, mula sa di kalayuan ng naglalakad pa lang siya papasok sa kuwarto ay narinig na niya ang malakas na sigaw at iyak ni Aling Lilet, nagmadali si Rafael sa paglakad, patakbo siyang pumasok ng kuwarto kung saan naroon ang mag- anak ni Angela, nakita niya ang paghihinagpis ng mga ito.

“ Si Angela kuya hindi na gumagalaw.” bungad na wika ni Perla kay Rafael na nakahawak ang kamay nito sa kamay ng kanyang Ate Angela.

Lumapit si Rafael sa nakahigang si Angela, hinawakan niya ng unti unti ang kamay nito, tumitig siya sa kanyang kasintahan, hinawakan niya ang dalawang pisngi nito at nagsalita siya.

" Gumising ka Angela, narito ako hindi kita iiwanan, Mahal na mahal kita, ikaw ang buhay ko." umiiyak si Rafael na niyakap si Angela pero ito ay wala ng buhay,

Nagsimula ng sumigaw si Rafael,  naging emosyonal siya, lakad dito, lakad doon maya maya ay hinawakan niyang muli si Angela.

" Gumising ka Angela, bakit naman ganoon? umuwi lang ako sa bahay para kumuha ng damit para bantayan kita at ayokong umalis sa tabi mo, bakit naman hindi mo na ko nahintay, We are getting married and we still have many dreams in life, I love you so much Angela." madamdamin na sabi ni Rafael.

Katabi ni Rafael ang pamilya ni Angela at lahat sila’y nagdaramdam sa biglaang pagkamatay ni Angela, Tinapik ni Aling Lilet sa balikat si Rafael at kinausap niya ito.

" Rafael, wala na tayong magagawa, tanggapin na natin na wala na siya, nawala na ang anak ko, pagpahingahin na natin siya...huhuhu..." umiiyak na si Aling Lilet.

Tulala sa isang tabi si Rafael matapos ang tagpong iyon, hindi siya mapakali, nagsimula ng ayusin ng pamilya ni Angela ang mga labi nito.

Ang araw na iyon ang pangalawang pinakamasakit na pangyayari sa buhay ni Rafael, hindi niya matanggap na wala na si Angela.

Nagpunta si Rafael sa tabing dagat at doo'y nagsisigaw siya, isinigaw niya ang lahat ng sama ng loob niya, lahat ng bato na makita ng kanyang mga mata at mahawakan ng kanyang mga kamay ay ibinabato niya sa dagat, ang puso niya na dati ng puno ng galit ay lalong nagsiklab sinisi niya ang DIYOS.

“ Bakit? Bakit ganyan ka? hindi mo ba talaga gusto na maging masaya ko? nagbago na ko, hindi na ko umiinom ng alak, hindi na ko naninigarilyo kasi yun ang gusto ni Angela na gawin ko, ang tigilan ko na lahat ng bisyo ko, yan ang gusto ni Angela na dapat kong gawin." Paulit ulit na sabi ni Rafael.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status