Kinabukasan, nagdesisyon ang mag-asawa na pumunta sa sementeryo para dalawin ang kanilang anak na si Angela, isinama nila sila Perla, Janet at iba pa nilang mga anak, habang naroon sila, binalikan nilang muli ang mga ala- ala ni Angela, nabanggit rin nila Perla at Janet na nagpakita sa kanila si Angela hindi lang sa panaginip maging sa totoong buhay, naghawak hawak ng kamay ang pamilya ni Angela at mataimtim na nanalangin pero matapos ang mga sandaling iyon naging usap usapan at balibalita sa lugar nila ang pagpaparamdam ni Angela sa mga kapitbahay nito, madalas raw nilang nakikita ang puting babae na nakatayo malapit sa isang puno tuwing sila ay inaabot ng pag-uwi sa kalaliman ng gabi at naniniwala sila na si Angela yun.Hindi na napaisip si Perla dahil batid niyang si Angela nga iyon dahil humihingi ito ng tulong na makalaya sa di magandang lugar na kinasadlakan nito.Maging ang mga bata ay nilalapitan nito at mga ilang araw lang ay nawala na ang mga batang pinagkakakitaan nito.“
Hindi siya masama, Hindi rin niya ninanais na manakit, gusto lang niya na may maniwala at tumulong sa kanya pero bakit ang mga batang hindi naman siya lubos na kilala ay ayaw maniwala at makinig sa kanya , paano niya ipapaliwanag na pagod na siya at ayaw na niya ng ganoong kalagayan, pagod na siyang makiusap sa mga tao na pansini siya dahil alam niya isa lamang siyang kaluluwang ligaw.Umalis siya sa lugar kung saan niya tinipon ang mga bata, hinayaan niyang makalaya ang mga ito, ang mga bata ay nakabalik ng maayos sa mga Magulang nila na parang walang nangyari, naging masaya si Angela habang pinagmamasdan niya ang mga batang iyon pero hindi naman siya nakikita ng mga Ito" Nagawa ko, nagawa Kong pakawalan ang mga bata , naging masaya ang puso ko at kayang kaya ko pala na maging masaya sa pamamagitan ng pagpapalaya, Hindi ko pala kailangan magalit." Sabi ni Angela.Sinimulan ni Angela na magmasid masid sa paligid, malapit sa Hospital ay natanaw niya ang iba't ibang klase ng pasyent
" Rafael, Wala na si Angela, tanggapin mo na na iniwan na niya tayo, Hindi na natin siya makakasama." Sabi ni Aling Lilet." Hindi Yan totoo! Inay !inay! Buhay pa ako, narito ako sa tabi mo." Sabi ng kaluluwang si Angela.Sinubukan ni Angela na yakapin si Aling Lilet pero bigo siya dahil tumagoas ang mga kamay niya." Bakit? Bakit? Ano ba itong nangyayari? Gusto kong yakapin si Inay pero hindi ko magawa, bakit bumabalik ako sa nakaraan? Bakit hindi ko maintindihan ang lahat ng ito? Bakit? Bakit?." Sabi ng kaluluwang si Angela." Wala na tayong magagawa Rafael , Tama si Lilet Wala na si Angela , Wala na Ang anak namin ni Lilet , Wala na siya." Umiiyak na si Mang Rudy." Hindi yan totoo Itay! Narito ako Hindi ko kayo iniwan Hanggang Ngayon narito ako nakabantay sa inyo." Sabi muli ng kaluluwang si Angela.Saglit na ipinikit ni Angela ang kanyang mga mata at sa pagmulat niya nakita niyang nakasuot ng damit na kulay itim ang pamilya niya, umiiyak ang mga ito habang maraming tao ang n
Marami silang magagandang alaala ni Angela , ang pamamasyal nila ni Angela sa dagat ang pinakamasaya nilang karanasan at kahit kailan hindi na malilimutan ni Rafael ang mga eksenang minsa'y inangkin niya ng buong buo ang pagkababae ni Angela bago pa man nangyari ang pagkamatay nito.Pinagsaluhan nila minsan ang malulutong na mga halik, ang bawat hagod ng mga katawang hubad na sabik na sabik sa isa't isa, pag-ibig na ipinangako nila Hanggang sa dulo ng walang hanggan o kamatayan man.Pero sino ba ang nakalimot sa mga pangakong iyon? Sino ba ang nang-iwan at iniwan? " Ikaw! Ikaw Rafael! Ikaw ang nang-iwan sa akin dahil bumuo ka ng bagong pamilya, Hindi mo ko sinamahan sa Kabilang buhay, makasarili ka, hinayaan mo ako na magdusa at lumuhang mag-iss, mas pinili mo Sila kaysa sa akin, Sinungaling ka!." Malungkot na mukha ni Angela habang nakatanaw sa kawalan.Hanggang muli na naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sa muli niyang pagmulat nakita parin niya ang nakahimlay na babae n
" Bakit hindi kayo naniniwala? Kitang kita koang mga luha sa mga mata ni Ate Angela." Sabi ni Perla sa mga taong naroroon.Ang mga tsismosang kapitbahay nila Perla ay nagtawanan at nag-usap usap." Paano naman luluha ang Isang Patay? Ito'y Wala na ngang buhay." Sabi ng isang babaeng kapitbahay, " Totoo po nakita ko po na lumuha si Ate Angela, maniwala naman po kayo sa akin. " Sabi ni Perla." Hindi kami naniniwala Kasi wala naman talagang Patay na lumuluha " Sabi ng isa pang kapitbahay.Muling pinagmasdan ni Perla ang Ate Angela niya, lumuluha talaga ito kaya tinawag muli niya ang mga taong naroon para sabihing totoo ang kanyang sinasabi.Nang makita ng multong si Angela na tila pinagtatawanan ng mga kapitbahay si PerlaNaging malikot ang emahinasyon niya pinaglaruan niya ang mga tsismosang kapitbahay, bigla na lang namatay ang mga Ilaw at sobrang lamig ng kanilang mga pakiramdam, nagtataasan ang kanilang mga balahibo at pakiramdam nila may nakamasid sa kanila at Tama nga Sila dah
Isang Gabi mula sa kahabaan ng kalsada, hindi na alam ni Rafael kung saang lugar na ang kanyang tinatahak habang nakasakay siya sa minamaneho niyang kotseng kulay asul, ito ang oras at unang pagkakataon na makikita niya si Angela.Gabing gabi na ng Sabadong iyon, makikitang naglalakad pa sa daan si Angela na humahangos at nagmamadali sa pag-uwi dahil bumili siya ng mga gamot para sa Nanay niyang inatake ng Asthma, hindi niya namalayan na mabilis na humaharurot ang kotseng kulay asul at papalapit na sa kanyang daraanan hanggang napansin siya ni Rafael kahit ito'y nakainom pa ng alak, malinaw parin ang kanyang mga mata ng gabing iyon at bumaba siya sa kotse niya para harapin si Angela.“ Hey, are you going to kill yourself?.” Tanong ng galit na galit na si Rafael kay Angela. “ Hindi po ako magpapakamatay, sorry po talaga.” Sabi naman ng gulat na gulat na si Angela. “ Next time look where you’re going, I guess you're still planning to pay me if something happens to you .” pahabol na sa
Maraming bisyo si Rafael, paninigarilyo, madalas na pag-inom ng alak, pagsusugal at pambababae, party doon, party dito, kasama ng kanyang mga kabarkada, nagpakasaya siya, nilustay niya ng husto ang kayamanang iniwan ng kanyang mga namayapang Magulang, magkasunod na taon namatay ang kanyang Ama't Ina, ang kanyang Ama na si Ceasar Reyes ay namatay dahil sa Heart attack at ang kanyang Ina naman na si Carmela Reyes ay namatay dahil sa Breast Cancer.Ang mga Magulang ni Rafael ay isa sa mga kinikilala bilang magagaling na mga negosyante, may-ari sila ng isang malaking pagawaan ng alak dito sa pilipinas at maging sa ibang bansa, Wala ng mahihiling pa si Rafael sa kanyang mga Magulang, itinuro nila sa binata ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng negosyo, lahat ay ginawa nila para mapabuti ang anak nilang si Rafael, paulit ulit ang mga paalala nila rito at pangangaral, lalo na ang kanyang Ama. “ Son, life is short, so don't waste every minute, dedicate it to something meaningful, stop y
“Nay, may sakit po ba si Angela? Kayapala nakita kong may mga pasa siya sa binti at hita, ayokong may mangyaring masama sa kanya, Nay Lilet, ayokong mawala si Angela, ayoko…” sabi ng hindi mapakali na si Rafael habang kausap si Aling Lilet.“ Huminahon ka anak, Rafael, hindi mawawala si Angela, magtiwala ka sa Diyos.” sabi naman ni Aling Lilet.“ Paano kung iwanan rin niya ako gaya ni Mommy at Daddy, Paano na ko Nay Lilet, Paano na yun mga pangarap naming dalawa.” Hindi mapakaling si Rafael.“ Rafael, anak maupo ka muna sa isang tabi, magpahinga ka muna kami muna mag-aasikaso kay Angela, sa anak namin.” Sabi ni Mang Rudy na tinapik sa balikat si Rafael.Naupo naman si Rafael ngunit ang isipan niya ay puno ng kaba at ng pag- aalala, wala siya sa kanyang sarili, iniisip niya ng husto si Angela.Samantala habang nagpapahinga si Rafael sa isang tabi ay bigla na lamang siyang nakatulog.Nang mga oras na iyon ay abalang abala na sina Mang Rudy at Aling Lilet sa pagbili ng mga gamot na iniha