Share

KABANATA 2

Maraming bisyo si Rafael, paninigarilyo, madalas na pag-inom ng alak, pagsusugal at pambababae, party doon, party dito, kasama ng kanyang mga kabarkada, nagpakasaya siya, nilustay niya ng husto ang kayamanang iniwan ng kanyang mga namayapang Magulang, magkasunod na taon namatay ang kanyang Ama't Ina, ang kanyang Ama na si Ceasar Reyes ay namatay dahil sa Heart attack at ang  kanyang Ina naman na si Carmela Reyes ay namatay dahil sa Breast Cancer.

Ang mga Magulang ni Rafael ay isa sa mga kinikilala bilang  magagaling na mga negosyante, may-ari sila ng isang malaking pagawaan ng alak dito sa pilipinas at maging sa ibang bansa, Wala ng mahihiling pa si Rafael sa kanyang mga Magulang, itinuro nila sa binata ang tamang pamamaraan ng pagpapatakbo ng negosyo, lahat ay ginawa nila para mapabuti ang anak nilang si Rafael, paulit ulit ang mga paalala nila rito at pangangaral, lalo na ang kanyang Ama. 

“ Son, life is short, so don't waste every minute, dedicate it to something meaningful, stop your vices, focus on business, follow that and you will succeed, everything we do is for you.”Sa pagpanaw ng mga Magulang ni Rafae l, biglang gumuho ang mundo ng binata, magulo ang isipan niya, puno ng lungkot, ang negosyo nila ay nanganganib ng bumagsak, nabalot ng dilim ang kanyang buhay, lalo siyang kumapit sa mga bisyo.

Ang pagtatagpo nila ni Angela ang nagbukas sa maling gawain at kaisipan ng binata para buuin at ayusin ang kanyang buhay, naging magkaibigan sila ng lubusan ni Angela, madalas pumupunta si Rafael sa Restaurant na kung saan nagtatrabaho si Angela, hindi lang siya basta nakamasid gaya ng dati, nakakausap at nakakasama pa niya ang dalaga sa kuwentuhan, tawanan at hingahan niya ito ng sama ng loob kapag gusto na niyang sumuko sa buhay, binago nito ang kanyang buhay, minahal ni Rafael si Angela hindi lang bilang isang kaibigan kundi isang babaeng nagpatibok ng kanyang puso, ang babaeng kanyang ipinaglaban.

Niligawan ni Rafael si Angela hanggang sa maging kasintahan niya ito sa kabila man na ayaw ng mga kaibigan nito kay Angela.

 

“Why did you love Angela, who was so poor and uneducated, there are many more beautiful women, rich and well-known, why did you fall inlove with Angela?.” Sabi ng kaibigan niyang si Rex.

” I love her no matter what others say when I first met Angela, she touched my heart and She was different from the women I had met.”pagtatanggol ni Rafael Kay Angela.

Pangkaraniwan lang ang mukha ni Angela hindi tulad ng iba, morena lang ito at hindi katangusan ang ilong nito, Ang masayahin nitong pagkatao at ang kasipagan nito ang mas lalong nagpabihag sa puso ni Rafael.

Mahirap lang talaga si Angela, nagtitinda lang ng mga gulay at prutas ang kanyang mga Magulang na sina Aling Lilet at Mang Rudy Dela Cruz, May pito siyang mga kapatid at siya ang panganay, Highschool lang ang natapos ni Angela dahil bata pa lamang siya ay kasakasama na siya ng mga Magulang niya sa pagtitinda ng mga gulay at prutas sa palengke, may munti silang puwesto roon kaya sanay na si Angela sa kahirapan ng buhay nila. 

Madalas, ikinukuwento ni Angela Kay Rafael ang pinagdaanan nilang hirap pero mas nangingibabaw ang pagiging positibo ng dalaga pagdating sa usapang pananaw sa buhay, yan ang bagay na pilit niyang ipinapaliwanag kay Rafael... Pinapasaya ni Angela ang bawat araw ni Rafael, lalo na kapag nalulungkot ito.

 “ Mahal ko, malungkot ka na naman, ngumiti ka nga riyan, dapat happy lang tayo ok?.” sabi ng nakangiting si Angela na nakahawak ang mga kamay nito sa mga kamay ni Rafael. 

“ Naalala ko kasi sina Mommy at Daddy, iniwan nila ko sa mga panahong kailangan ko pa sila, Alam naman nila na hindi ko pa kaya na wala sila sa buhay ko.”malungkot na mukha at lumuluhang si Rafael. 

” Alam mo mahal, iniwan ka nila kasi alam nilang kaya mo, Kaya mo ng mag-isa, naniniwala ako na kung nasaan man sila ngayon magiging masaya sila para sa iyo kasi nagawa at nakakaya mo na ngayon na pahalagahan ang mga iniwan nila sa iyo, kaya maging masaya ka na ok? gusto mo, sayawan kita ngayon? kakanta pa nga ako para sa iyo, bawat naisin mo ibibigay ko sa iyo, lahat ng gusto mo ay susundin ko kasi ganoon kita kamahal Rafael...halika nga dito at magsayaw na tayong dalawa dito sa tabing dagat.” Panghihikayat at pamimilit ni Angela na magsayaw.

“ Sige na ikaw na lang Mahal ko ang magsayaw, papanoorin kita, Alam ko naman na magaling ka talaga magsayaw.”sabi naman ni Rafael.

 “ Tuturuan kita, huwag ka mag-alala, Paano ka matututo kung hiindi mo susubukan Mahal” sabi ni Angela na hinihila si Rafael sa tabing dagat at nagsimula ng igalaw ang kanyang katawan para magsayaw pero hindi niya napilit si Rafael na tumayo para magsayaw kaya pinanood na lang siya ng binata sa kanyang  pagsasayaw.

Masaya ang mga sandaling iyon hanggang bigla na lang natumba at nahilo si Angela sa gitna ng kanyang pagsasayaw, agad siyang binuhat ni Rafael, napansin ni Rafael ang maraming pasa nito sa mga hita at binti nito kaya isinugod niya si Angela sa isang malapit na hospital at stage 4 na pala ang sakit ni Angela bagay na hindi ipinagtapat ni Angela na noon pa man ay may nararamdaman na pala itong sakit at ayaw niyang malaman ito ni Rafael at ayaw niya na mag-alala pa ito sa kanya bilang kanyang kasintahan.

Tinawagan ni Rafael ang pamilya ni Angela para malaman nila ang nangyari kay Angela, agad naman pumunta ang mag- asawa na sina Aling Lilet at Mang Rudy kasama ang kanilang mga iba pang anak, sa Hospital na pinagdalhan kay Angela. 

“ Anong nangyari?.” Humahangos na tanong ni Aling Lilet. 

“ Nay, si Angela bigla na lang nahilo at bumagsak habang magkausap kami sa tabing dagat.” Sabi ni Rafael. 

“ Diyos ko anak ko, sabi ko na nga ba ito na yun sakit na iniinda nya noon pa man, Sabi ko sa kanya ipapagamot ko na siya pero ayaw niyang magpagamot.” sabi ni Aling Lilet.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status