Hello po sa inyo mga minamahal naming mga mambabasa, Ako po ang inyong bagong manunulat na kumakatok sa inyo na subukan nyo pong basahin ang misteryosong kuwento nila Rafael at Angela, Kuwento po ito ng pag- ibig ng isang babae sa kanyang kasintahan na tumawid na sa kabilang buhay ngunit bumalik ito sa mundo ng mga tao, ito'y nanahan at hanggang sa Panaginip ay ginugulo nito ang isipan at puso ni Rafael, Hindi ito matahimik maging ang kanyang pamilyang binuo ay wawasakin nito. Ang kuwento pong ito ay hindi lang mananakot o magpapatindig balahibo sa inyo kundi ito'y dudurog at kukurot rin sa inyong mga puso na magtuturo ng mga aral sa buhay kaya support nyo po ito, subaybayan nyo po ang kuwentong ito na may pamagat na Every minute ends, maganda po ito at talaga naman na pinaghirapan ko pong gawin para sa inyo , thanks and Godbless po.
Inulit ulit ni Rafael ang pagtawag niya sa babaeng nakasuot ng puting damit hanggang sa unti unti itong lumingon sa kanya.“ Mahal ko ano ginagawa mo diyan?para kang natutulala at nauutal, para kang nakakita ng multo, halika nga dito at tumabi ka sa akin.” Sabi ng babaeng nakaputi na hindi agad nakilala ni Rafael na si Rosalia ito na kanyang asawa dahil sa pag-aakala niya na ito’y si Angela sa kanyang panaginip na nakasuot ng puti.“ Lumapit ka dito, Mahal ko, anong nangyayari sa iyo? may problema ka ba?magkasunod na tanong ni Rosalia kay Rafael. Hindi agad kumibo si Rafael, pinakiramdaman muna niya ang babaeng iyon, Hindi rin siya lumapit ng sobrang lapit kaya si Rosalia na lang ang lumapit sa kanya at dali dali nitong tinanggal ang nakalagay na kulay itim na kurbata at polong kulay asul na suot ni Rafael hanggang kulay puting T-shirts na lang at pants na kulay itim ang natira, tinanggal rin nito ang suot na kulay itim na medyas at sapatos ni Rafael.“ Mahal, ikukuha kita ng damit
Hinanap hanap niya ito, sinilip niya sa mga silid ng kanyang mga anak baka sakaling naroon ito, inisa isa niya ang mga kuwartong iyon hanggang nakita niya ito sa kuwarto ng kanyang bunsong anak na babae, nakahiga ito sa kama, katabi ng bunso niyang anak at yapos yapos nito ang bata, tinawag niya ito.“ Rosalia, Rosalia, Rosalia.” Tatlong beses na tawag ni Rafael kay Rosalia.“ Ah! Mahal, sinilip ko lang ang bunso nating anak kasi noong nakaraang linggo inabot siya ng pag-ihi sa kama, tulog na tulog siya kaya hindi niya namalayan na napaihi na siya, kaya tiningnan ko siya ngayon.” Sabi ni Rosalia.“Ah ganoon ba? Sige babalik na ko sa kuwarto natin tapos sumunod ka na lang.” Sabi naman ni Rafael.“ Ok sige Mahal, susunod na lang ako.” Sabi ni Rosalia na yapos yapos parin ang kanyang anak.Nang bumalik si Rafael sa kuwarto nila ni Rosalia ay nagulat nanaman siya sa kanyang nakita, Bakit tila may nakapuwesto sa kanilang kama, nakatagilid ito habang nakalapat ng tuwid ang katawan nito, ma
Maraming beses na ginugulo si Rafael ng kanyang gunita, pinilit niyang paglabanan ang lahat ng ito sa pag-aakalang makakawala siya sa anino ng kahapon, kahapong nagdaan na ayaw na sana niyang balikan dahil malulungkot lamang siya at magbabalik ang mga alaala nila Angela. Matapos makausap ni Rafael si Perla sa telepono, makalipas lamang ang isang buwan ay nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang dalawin ang puntod ni Angela at kumustahin ang pamilya nito. Mag-uundas noon, Si Rafael at ang kanyang pamilya ay dumating at umuwi sa dating tirahan, sa lugar kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at pag-iibigan ni Angela. Naghanap si Rafael ng apartment ma maaari nilang panuluyan pansamantala, Ilang araw pa ang lumipas, nagtungo si Rafael sa bahay ng dating nobya, binisita niya ang pamilya nito. Maayos naman ang pamilyang iniwan ni Angela, wala naman nagbago, ganun parin naman sila, simple pero masaya, dinatnan sila ni Rafael na nagpupulong pulong at nag- uusap usap, inaala
Dumating na ang araw ng undas kaya nagpunta ang pamilya ni Angela sa puntod nito kasama si Rafael at ang pamilya nito, doo’ y sinariwa nila ang magagandang alaala ni Angela, ang asawa ni Rafael na si Rosalia ay nakipagkuwentuhan rin sa pamilya ni Angela, Nang mga oras na nagkukuwentuhan sila, ipinakita ni Perla ang litrato ng kanyang Ate Angela, binitbit niya ito bago sila umalis ng bahay at magpunta sa puntod, hiniram ni Rosalia ang litratong iyon at pinagmasdan niyang mabuti, Nakita niya ang malaking pagkakahawig nila sa isa’t Isa kaya napaisip siya na baka nga kaya siya pinakasalan ni Rafael dahil ayaw nitong mawala sa isipan at damdamin nito si Angela, napatawa rin siya sa sarili niya dahil sa dinami dami ng babae sa mundo ay siya pa talaga ang nakahawig ng babaeng minahal ni Rafael.Tanggap niya ang lahat, malinaw sa kanya ang mga kuwentong nailarawan ni Rafael tungkol sa dati niyang nobya at mas lalo siyang humanga sa mga sinasabi ng pamilya nito sa mga panahong nabubuhay pa it
“ Rafael, Anong ginagawa mo diyan?.” bulong ni Rosalia sa sarili habang nakatingin sa kanyang asawa.Hindi man lang kumurap ang mga mata ni Rosalia, ang mga sumunod na eksena ay kanyang nasaksihan, Nakita niya na nagbihis na si Rafael at tila may kinakausap ito sa damuhan, pero wala naman itong kasama, napailing si Rosalia at napaisip.“ Ano nangyayari sa iyo Rafael?.” Bulong ni Rosalia sa kanyang sarili.Matapos ang mga sandaling iyon bumalik na si Rafael sa kanilang puwesto kung saan naroon ang pamilya ni Angela.Pinauna ni Rosalia na makalakad at makabalik si Rafael sa kanilang meeting place, sinundan niya ito ng tingin at sumunod na rin siya.Nang bumalik si Rafael kasama ang pamilya ni Angela, pinagmasdan parin ni Rosalia ang kilos ni Rafael pero bakit tila walang nangyari? Bakit tila normal ito at walang kakaiba sa ikinikilos nito?Nagsalu-salo ang dalawang pamilya sa pagkain, iba ibang klase ng luto ng pagkain ang kanilang mga dala, may mga inorder rin silang cake, pizza, donut
Sa paglalakad ni Rosalia natanaw niya ang kanyang anak na nakatayo sa tabi ng isang malaking puno na tila may kinakausap ito.“ Anak!, anak ko! , ano ginagawa mo diyan, Halika na, bumalik ka na sa bahay natin.”tawag at yakag ni Rosalia sa bunso niyang anak.Narinig siya ng bata, lumingon ito sa kanya at ikinaway ang kanang kamay niya.“ Mama, mamaya na po ako babalik sa bahay kasi po may kinakausap pa po ako, isasama po niya ako sa maganda at masayang lugar, marami daw pong mga bata roon na maaari ko pong makalaro.” Sabi naman ng bunsong anak ni Rosalia.“ Anak! Anak ko huwag kang sasama sa kanya kung sino man siya, Hindi mo siya kilala, Halika na, hinahanap ka na ng Daddy at mga kapatid mo, please anak, bumalik ka na dito.” Paki- usap ni Rosalia sa kanyang anak.Nang mga sandaling iyon mabilis ang mga pangyayari, kitang kita ni Rosalia kung paano dinala ng hangin pataas ang anak niya patungo sa matataas na building, Hanggang nakita niyang tila mahuhulog ang bata sa harapan ng mga b
Bagong taon na, Bagong buhay para sa pamilya ni Rafael, masayang idinaos ng pamilya niya ang Bagong taon, nakabalik na sila sa ibang bansa, sama- sama nilang sinalubong ang araw na iyon na may ngiti sa kanilang mga labi at puno ng pag-asa, nanalangin sila bago sila nagsalu-salo, mapayapa pero masaya ang mga sandaling iyon.Maya maya pa”y nagyaya na ang kanilang bunsong anak na matutulog na siya, pinayagan ni Rosalia na pumunta na sa kuwarto ang bunso niyang anak at nagsunuran na rin ang mga iba pa niyang anak para magpunta sa kani-kanilang kuwarto para makapagpahinga, si Rafael at si Rosalia ay naiwang gising pa, nag-usap silang dalawa tungkol sa kani-kanilang pangarap para sa kanilang mga anak at kung ano ang dapat nilang gawin pa, Plano, para sa bagong taon na kanilang haharapin, mga bagay na dapat ayusin.“ Rafael, gusto ko maging normal ang buhay natin, gusto Kong maging maayos ang taong ito, ano man ang problema gusto ko magkasama parin natin itong harapin, alam ko kaya natin ito
Sa bagong simula, sa bagong taon ay ang bagong Buhay na gustong maranasan at makamit ni Rosalia, pero ang lahat ng iyon ay hindi niya mapanghahawakan dahil minumulto sila ng mga alaala at katotohanang nariyan lang si Angela, nagmamasid, nagbabantay sa kanila ni Rafael, nanggugulo at gustong makuha ang inaakala niyang kanya at sirain Ang pamilyang binuo nila Rafael at Rosalia.Dumaan ang isang buwan hanggang dumating ang araw ng mga puso, idinaos nila Rafael at Rosalia sa simpleng paraan at masaya ang okasyong ito kasama ng kanilang mga anak pero ang okasyong iyon ay na nakakapanindig balahibo dahil si Angela ay lubusan ng nagpakita Kay Rafael at sa pamilya nito.Sa isang Resort malapit sa lugar nila ay tahimik na nakamasid si Angela sa pamilya ni Rafael, pinagmamasdan niya ang mga anak nito pinaglaruan niya at nilito ang mga anak nito sapamamagitan ng pagkawala ng mga gamit ng mga ito.“ Dad, Nakita mo ba Yun Cellphone ko? Andito lang kanina Yun, iniwan ko sa table.” Sabi ng anak