Ang pamilya ni Rafael ay nanatili pa ng tatlong araw sa Resort na kanilang pinuntahan, Nangako siya sa mga anak niya na papalitan na lamang niya ang mga nawalang gamit ng mga ito.Sa tatlong araw na iyon, hindi nila inasahan ang mga pangyayaring gumimbal sa kanilang mundo.Sa kalagitnaan ng gabi habang sila ay natutulog malalakas na yabag ng mga paa ang kanilang narinig, isang tinig ng isang babae ang tila galit na galit na nagparamdam sa kanila mula sa sobrang lamig na hangin na kung iisipin ay maalinsangan naman noong araw na iyon.Mahal na mahal ni Rafael ang kanyang binuong pamilya, lahat ibibigay niya para sa mga ito, lahat gagawin niya kahit ang kapalit ay ang buhay niya, huwag lamang mapahamak ang kanyang pamilya.Umarkila sila Rafael ng dalawang kuwarto sa resort na iyon para makapagpahinga sila ng maayos, ang isang malaking kuwarto ay para sa lima niyang anak at ang pangalawang kuwarto ay para sa kanilang mag-asawa para makapag- usap sila.Halos tulog na ang mga anak nila Ra
Sa kanilang pagpunta patungo sa kuwarto ng kanilang mga anak, kitang kita nila ang buong pangyayari, hawak hawak pabaligtad ang kaawa-awang nilang bunsong anak, Ang ulo nito ay nasa paibaba at mga paa nito ay paitaas ang posisyon at sila'y nakalutang sa hangin habang ang iba niyang mga anak ay parang mga istatwang nakahanay na nakatayo sa paligid ng kuwartong kanilang pinupuwestuhan.“ Pakiusap, Bitawan mo ang anak ko, hindi siya ang dapat tumanggap ng kaparusahan mo kundi ako, ako ang may kasalanan.” Sabi ng nagmamakaawang si Rafael.“ Huwag mong idamay ang mga anak namin ni Rafael, kami na lang ang parusahan mo.” Dugtong na sabi ni Rosalia.“ Hahaha… nakakaawa Ang inyong mga itsura, punong puno kayo ng pagmamakaawa, ganyan, ganyan nga gusto kong makita na umiiyak kayo at nagdurusa tulad ng ginagawa nyo sa akin, ngayon matitikman nyo kung gaano ako kalupit, papatayin ko kayong lahat at magsasama sama tayo sa isang lugar na puno ng pagdurusa, panghihinagpis at walang katapusang paghih
Niyakap ng mahigpit ni Rafael si Angela at kinausap niya ito sa paraang alam niya kahit magalit man at masaktan si Angela sa mga salitang maglalarawan para malinawan si Angela." Angela mahal ko, gusto ko sumama sa iyo pero hindi na pwede kasi iba na ang mundo natin dalawa, Ako nabubuhay sa normal, kumikilos ng malaya kasama ng mga buhay, Ikaw. kasi nabubuhay ka sa hindi totoong mundo kasi hindi ka na pwede makisalamuha sa riyalidad, iba na ang mundo mo Angela." Malumanay na paliwanag ni Rafael.Ipinaliwanag ni Rafael kay Angela kung gaano niya ito kamahal." Hindi ko nalilimutan ang mga nagawa at naitulong mo sa buhay ko, ang pagmamahalan natin noon, lahat yun naging totoo at ipinadama ko sa iyo, ipinaglaban kita, naririto ka sa puso ko hanggang mgayon." Diretsong paliwanag ni Rafael kay Angela." Sinungaling ka!." Malakas na boses at biglang pagkalas ng mga yakap ni Angela sa mga bisig ni Rafael.Nang mga oras na iyon hinila pataas ng babaeng nakaputi si Rafael at ito'y nag
" Hindi ka pa ba masaya Angela na nakikita mo kaming naghihirap ni Rafael na pati mga anak ko ay dinamay mo pa." Sabi ni Rosalia na unti unting pumapatak ang mga luha" Masayang masaya ako Rosalia Kasi nakikita ko na nahihirapan kayo ng mahal Kong si Rafael, pahihirapan ko kayo Hanggang sa hindi nyo na makayanan pang mabuhay, Hanggang sa gustuhin nyo ng sumuko, hanggang sukdulan Hindi ko kayo lulubayan Hanggang sa kabilang buhay." Malungkot na mukha pero nakakainis na mga salita na narinig mula Kay Angela." Sumusobra ka na Angela, patahimikin mo na kami, Pakiusap! ." Nakikiusap pero pasigaw na Sabi ni Rosalia." Hindi Ako papayag na maging masaya ka at ng pamilya mo, Hindi ko kayo patatahimikin dahil Ako Hindi mananahimik Hanggat Hindi ko nakukuha su Rafael."Sabi ni Angela." Angela, iba na ang mundo mo Hindi ka namin kagaya na malaya at Buhay, iba ka na Angela, Bakit hindi mo matanggap na Patay ka na, masyado ng maliit ang mundo mo, Ang mga tulad mo Hindi na pwede pang makibahag
" Wala Kang kasing sama Angela, nanahimik ka na, Hindi ka nararapat sa mundo namin, sa mundo ng mga buhay, ng mga totoong tao, dahil sa ginagawa mo patay ka na pero angg kaluluwa mo ay sinusunog na sa impiyerno, lubayan mo na kami, umalis ka na sa buhay namin, lubayan mo na kami ni Rafael." Nagagalit ng si Rosalia." Paulit ulit kong sinasabi sa iyo na hindi ko kayo lulubayan, guguluhin ko ang buhay nyo Hanggang sa tuluyan ko kayong mapasuko sa mga kamay ko, Hindi naman kayo ang kailangan ko, si Rafael lang ang kailangan ko, pero dahil ioinagpalit kayo sa akin ni Rafael, mas pinili niya kayo kaya dapat kayong magdusa, Hindi nyo ba alam kung gaano kahirap at kasakit yun para sa akin, mananahimik lang ako kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nakasama ko na si Rafael sa kabilang buhay doon lang ako magiging masaya at mananahimik." Umiiyak na si Angela habang nagpapaliwanag." Bakit ayaw mong bigyan ng katahimikan ang buhay mo para maging masaya ka na Angela, Hindi ka magiging m
Nagdesisyon ang mag-asawa na bumalik na nga sa ibang bansa at dito ay magsisimula sila muli ng bagong buhay at pag-asa Kasama ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda hindii parin malimutan ni Perla ang kanyang ate Angela kahit siya ay nasa trabaho naiisip parin niya ito." Bakit kaya hindi ako mapakali? Madalas ko parin naiisip si Ate Angela, Ngayon ko lang nararamdaman ang sakripisyong ginawa ni ate sa amin, ang ginawa niyang pagtatrabaho para sa amin ng mga kapatid ko at nila Nanay at Tatay ." Sabi ni Perla sa kanyang sarili.Habang balisa si Perla at malalim ang kaniyang iniisip ay biglang lumakas ang hangin at ang bakanteng upuan na sa kanyang harapan ay biglang gumalaw at ang mga bintana ay nagbukas sarado pati ang pinto, takot na takot si Perla at kaya pinakiramdaman niya ang mga pangyayari." Ate Angela ikaw bayan? wag mo akong takutin! kung gusto mo kong takutin magpakita ka, miss na miss na kita ,Narito ka ba?."Tanong ni Perla na kinakabahan parin.Maya maya pa'y may narinig
EME 23Matapos ang mga pangyayaring iyon ay umuwi na si Perla.Ilan minuto palang ang nakakalipas ng magparamdam at magpakita din si Angela sa kapatid niyang si Janet, Si Janet na mas bata ng isang taon kay Perla.Habang nagpapahinga si Janet sa kanyang kama, bigla na lang siyang gininaw, Hindi pa man niya nabubuksan ang Aircon ay may kakaiba talagang hangin na pumasok at bumabalot sa buo niyang kuwarto, kaya isinara niya ang nakabukas na bintana na malapit sa kanyang kama, kung titingnan ay maalinsangan naman sa labas ng mga oras na iyon.Binalot ni Janet ng kumot ang buo niyang katawan pero parang may kakaibang elemento na hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Janet, Hindi siya mapakali kaya nagtakip na lang siya ng kumot, sa pagtatakip niya ng kumot ay bigla niyang naalala ang ginawa ng kanyang Ate Angela na pananakot sa kanya noong ito’y nabubuhay pa, ito’y nagtaklob ng kumot at nagpanggap ito bilang isang multo saka siya lolokohin para takutin.Habang naaalala niya ang pagbibiro
Mahal na mahal ni Angela ang kanyang pamilya, dito siya talaga hunuhugot ng lakas para lumaban sa buhay, pinakamahalaga para sa kanya ang kanyang mga Magulang na sila Mang Rudy at Aling Lilet.Sila Mang Rudy at Aling Lilet hanggang sa kanilang pagtanda ay bakas parin ang kasipagan sa pagtatrabaho, kahit marami ng nagbago sa buhay nila at medyo nakakaluwag luwag na sila, ayaw parin nilang Tumigil sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo, ang pagtitinda nila ng mga gulayan at karne sa palengke ngayon ay may mas malaki na silang puwesto at marami na rin ang kanilang mga itinitinda, katulong nila ang iba pa nilang mga anak.Sa kabila ng kanilang kaabalahan ay madalas na sumasagi sa kanilang isipan si Angela…“ Naaalala ko ang anak natin Rudy, si Angela, suguro kung nabubuhay pa siya kasakasama natin siya sa malagi at maayos na nating negosyo, ang gulayan at karnehan, sayang nga lamang at maaga siyang nawala sa atin.” Sabi ni Aling Lilet sa kanyang asawang si Mang Rudy habang nakatanaw sa nag