Share

EVERY MINUTE ENDS
EVERY MINUTE ENDS
Author: CelDSIndemne

KABANATA 1

Isang Gabi mula sa kahabaan ng kalsada, hindi na alam ni Rafael kung saang lugar na ang kanyang tinatahak habang nakasakay siya sa minamaneho niyang kotseng kulay asul, ito ang oras at unang pagkakataon na makikita niya si Angela.

Gabing gabi na ng Sabadong iyon, makikitang naglalakad pa sa daan si Angela na humahangos at nagmamadali sa pag-uwi dahil bumili siya ng mga gamot para sa Nanay niyang inatake ng Asthma, hindi niya namalayan na mabilis na humaharurot ang kotseng kulay asul at papalapit na sa kanyang daraanan hanggang napansin siya ni Rafael kahit ito'y nakainom pa ng alak, malinaw parin ang kanyang mga mata ng gabing iyon at bumaba siya sa kotse niya para harapin si Angela.

“ Hey, are you going to kill yourself?.” Tanong ng galit na galit na si Rafael kay Angela. 

“ Hindi po ako magpapakamatay, sorry po talaga.” Sabi naman ng gulat na gulat na si Angela.

 “ Next time look where you’re going, I guess you're still planning to pay me if something happens to you .” pahabol na sabi ni Rafael habang bumabalik sa kanyang kotse.

Hindi lang iyon ang una’t huli nilang pagkikita, nasundan pa ito ng mga ilan pang beses.

 Linggo ng araw na iyon, Sa palengke muling napatigil ang kotseng minamaneho ni Rafael ng makita niya ang babaeng tila pinagkakaguluhan dahil sa ito'y nagpapakitang gilas sa mga customer, kumakanta ito, sumasayaw at nagpapatawa habang ang mga customer ay giliw na giliw sa kanya. 

“ Mga suki, bumili na po kayo ng mga gulay at prutas, kapag inyong natikman ay lalo po kayong guguwapo, gaganda at higit sa lahat kikinis ang inyong mga balat, bukod po sa fresh na fresh ang mga ito eh... abot kaya pa po ang presyo, kaya huwag na po kayong magpahuli, kapipitas lang po ang mga ito sa aming munting bakuran kaya bili na...”sabi ng masayahin na si Angela. 

“ Oh well, I remember this woman, she was the one I almost ran over while she was crossing on the road, She turned out to be a market vendor selling vegetables and fruits.” Mahinang sabi ni Rafael sa kanyang sarili.

Nang mga sumunod na araw, Biyernes ng araw na iyon, nakita naman ni Rafael si Angela sa Birthday party ng anak ng kaibigan niya, Isa naman itong Clown, nakilala niya ang mukha ni Angela ng matapos ang party ay tinanggal na nito ang make-up bilang isang clown at inalis na ang kanyang costume, nagpalit na siya ng damit at nagpaalam na sa kaibigan ni Rafael, hinabol ng tingin ni Rafael si Angela habang ito'y papalabas na ng pintuan.

Makalipas ang ilan pang mga araw, Lunes ng araw na iyon, muling nakita ni Rafael si Angela sa isang Restaurant naman, serbidora ito sa restaurant na iyon, umorder at naupo na  si Rafael… habang naghihintay siya ng inorder niyang pagkain ay pinagmamasdan niya sa di kalayuang puwesto si Angela.

” Isn’t this woman tired? Why everywhere I go I always see this woman.” Mahinang sabi ni Rafael sa sarili niya. 

Naging palaisipan Kay Rafael ang mga pagkakataon na nakikita niya si Angela, naging interesado siya kay Angela at madalas siyang pumupunta sa restaurant na iyon, sinubaybayan ni Rafael ang bawat kilos ng dalaga hanggang isang araw pauwi na si Angela galing sa restaurant na iyon ay may isang holdaper na humarang sa daraanan nito at sapilitan na kinukuha ang bag niya, dahil sa nakita lahat ni Rafael ang mga nangyayaring iyon tinulungan niya si Angela, agad niyang sinuntok ang holdaper na iyon, ang mga sandaling iyon ang naging simula ng kanilang pagkakilala bilang magkaibigan. 

“ Maraming salamat nga pala sa iyo.” sabi ng nakangiting si Angela.

” Ok lang yun, Ako nga pala si Rafael, ikaw, ano nga pala ang pangalan mo Miss?.” sabi ng nakangiting si Rafael.

 “ Ako naman si Angela, pero tawagin mo na lang akong Angel.” Sabi ng nakangiti parin na si Angela. 

“Alam mo Angela ang ganda ng pangalan mo para ka talagang isang anghel bagay na bagay sa iyo ang pangalan mo, Angela hindi ka ba napapagod sa dami ng ginagawa mo? Noon kasing mga lumipas na mga araw madalas kitang makita at hindi ko alam kung naaalala mo na nagkita na tayo sa  birthday ng anak ng kaibigan ko, nakita rin kita na nagtitinda ng mga gulay at prutas sa palengke at ikaw rin yung babaeng muntik ko ng masagasaan, naglalakad ka noon sa kalsada, nagmamadali ka at hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo kaya muntik na talaga kitang masagasaan ng mga oras na iyon, dahil diyan pwede ba tayong maging magkaibigan?.” mahabang sinabi ni Rafael. 

“ Ang haba naman ng mga sinabi mo eh… makikipagkaibigan ka lang pala… hehehe… Oo naman, pwedeng pwede tayong maging magkaibigan, lalo na ngayon na alam kong kayang kaya mo akong ipagtanggol sa holdaper na iyon, Correct ka nga pala diyan, totoo ang dami kong ginagawa, Alam mo Wow na wow ka talaga! ang dami mo kasing alam tungkol sa buhay ko ah! Bakit ang dami mong alam? bukod sa nakikita mo ko madalas eh… baka naman ang totoo sinusundan mo talaga ko noh?...hehehe…” biro ni Angela. 

“ Hindi naman, siguro nagkakataon lang…hehehe...” natatawang sabi rin ni Rafael na napakamot sa kanyang ulo.” 

“ Alam mo Rafael, nakakapagod ba kung para naman sa pamilya  mo ang ginagawa mong sakripisyo? kaya walang dahilan para mapagod, Hindi ako napapagod dahil ang lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila at mahal na mahal ko sila.”paliwanag naman ni Angela, 

Kinabukasan, hindi mapakali si Rafael, hindi na maalis sa kanyang isipan si Angela simula ng makausap na niya ito ng harapan, bagamat sinubaybayan niya ang dalaga dahil nga sa naging interesado siya rito ay nasabi niya na ibang ibang ang gabing iyon sa mga araw na nagdaan na nakikita niya si Angela, parang may tumusok sa kanyang puso na nagpaalala sa kanyang marangyang buhay at naikumpara niya ang buhay niya sa buhay ng dalaga. Si Angela ay nagsisikap na makaahon sa hirap samantalang siya ay sagana at may maayos na buhay pero hindi niya pinahalagahan ang mga bagay na mayroon siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status