Nagpatuloy sa pagsasalita si Rafael... "Hindi na ko nagsusugal, hindi ko na sinasayang ang pera ko at panahon sa walang ka kwenta kwentang mga bagay, hindi na rin ako naghahanap ng marami at iba't ibang mga babae kasi si Angela lang ang kaisa isang babae na minahal ko ng totoo, ng ganito, siya lang ang nagpapaligaya sa akin pero kahit ganoon nirespeto ko si Angela bilang isang babae, marami pa kaming pangarap at magkasama kaming dalawa na dapat tumupad nito pero paano namin matutupad iyon kung iniwan na niya ako?”sabi ni Rafael.
Habang naroroon siya sa dagat isang babaeng nakaputi ang tila natanaw niya mula sa kalayuan, nakangiti ito sa kanya na tila niyayaya siya nito na sumama sa itinuturo nitong liwanag, medyo hawig ni Angela ang babaeng nakaputi, titig na titig si Rafael kahit tila nanlalabo na ang paningin niya.“ Angela, ikaw ba iyan? Hintayin mo ako sasama ko sa iyo… teka lang lalapit na ako, wait for me ok?.” sabi ni Rafael na unti unting lumalapit sa babaeng nakaputi.
Nagpatuloy sa paglalakad si Rafael para marating niya ang kinaroroonan ng babaeng nakaputi pero nang papalapit na siya, bigla na lang naglaho ang babaeng nakaputi, nagtataka si Rafael bakit nawala agad ito ganitong abot kamay na niya ito, hinanap niya ng hinanap ang babaeng iyon sa malawak na dagat pero naglaho itong parang bula.
“ Bakit hindi kita makita? Angela, nasaan kana? Gusto ko sumama sa iyo, sige na lumabas ka naman para sabay tayong pupunta sa liwanag na itinuturo mo.”sabi ni Rafael.
Malalim na ang gabi hanggang sa inabutan na ng sikat ng araw si Rafael hanggang isang tawag sa kanyang telepono mula kay Mang Rudy ang kanyang natanggap at narinig,“ Rafael, nasaan ka na? Pumunta ka na rito sa bahay, naiuwi na namin si Angela.”
Pinakinggan lang ito ni Rafael, hinawakan lang niya ang kanyang telepono at itinapat niya sa kanyang tainga, hindi man lang siya kumibo, hindi man lang siya nagsalita, dahil ang kanyang isipan ay malayo at tila naglalakbay, malayo ang kanyang tanaw, hanggang hindi niya namalayan na nabitawan ng kanyang kanang kamay ang hawak niyang telepono, nagpatuloy siya sa paglalakad at nakita siya ng isa sa mga nakakakilala sa kanya na si Mang Edgar na kapitbahay nila Angela dahil ng mga oras na iyon ay maaga itong nangisda sa dagat.
“ Rafael, anong ginagawa mo rito? nabalitaan ko sa Misis ko na may masamang nangyari kay Angela, nakikiramay ako.” sabi ng malungkot na mukha ni Mang Edgar.
Napansin ni Mang Edgar na tila balisa si Rafael naisip niyang marahil ay nadala lamang ng matinding pangungulila si Rafael kaya nasa dagat ito kaya kinausap niyang muli ito.
“ Rafael, umuwi ka na, baka iniintay kana ni Angela, balita ko naroon na raw ang mga labi nito sa kanilang bahay, magiging masaya siya kung naroon ka sa tabi niya hindi rito sa dagat na sinasayang mo ang oras mo sa pag- iisip at pag- iisa.” sabi ni Mang Edgar.
“ Si Angela, kailangan ko siya makita dito sa dagat, hindi ako aalis dito hanggat hindi ko nahahanap si Angela.” sabi ni Rafael na hinahanap parin si Angela.
“ Naku, Rafael uuwi na nga muna ako para samahan na kitang umuwi kasi wala ka sa sarili mo, baka kung ano pa mangyari sa iyo dito.” Panghihikayat ni Mang Edgar Kay Rafael para umuwi.
Sa kabilang banda, hindi na magkamayaw ang mga taong gustong makita ang mga labi ni Angela sa tahanan nila Mang Rudy at Aling Lilet, kuwentuhan sila ng kuwentuhan tungkol kay Angela.
“ Napakabait at napakasipag ng batang iyan, sayang talaga at pumanaw agad siya.” sabi ni Aling Susan na kapit-bahay nila na ka-edad ni Aling Lilet.
“ May sakit ba si Angela? Parang hindi naman namin nakikita na nanghina at napagod si Angela, napakamasayahin niya at sobrang sipag sa trabaho, Lilet, ano bang ikinamatay ni Angela?.” tanong naman ni Aling Rosa na kapit-bahay rin nila na ka- edad rin ni Aling Lilet.
“ Leukemia Cancer stage 4 ang sanhi ng pagkamatay ni Angela, matagal na niyang iniinda ang pananakit ng kanyang katawan, panlalambot ng mga buto, palagi siyang pagod at nanghihina pagkagaling niya sa trabaho, noon rin naranasan niyang manginig, may lagnat na pala siya noon, pinainom naman namin siya ng gamot sa lagnat matapos nagkulong na siya sa kwarto at natulog na, madalas siyang nahihilo, lagi niyang sinasabi na kaya raw niya at huwag siyang isipin, ang laki ng pagkakamali namin sana hindi na humantong pa sa ganito, Sabi ng Doctor, bumaba na raw ang timbang ni Angela na hindi sinasadya, lumaki na raw ang atay nito, may maliliit at mapupulang pantal daw sa balat si Angela na nakita ng Doctor, na hindi naman namin napapansin noon.” Umiiyak na si Aling Lilet habang nagpapaliwanag.“ Huminahon ka Lilet, alam namin na masaya na si Angela kung nasaan man siya ngayon.” sabi ni Aling Susan.
“ Oo nga Lilet, masaya na siya kasi hindi na siya mapapagod roon, napakaraming nagawang tulong ni Angela sa lugar na ito kahit abala pa siya sa ibang mga ginagawa niya.”sabi naman ni Aling Rosa.
Likas na matulungin si Angela, kapag may mga kapitbahay siya na nakikita niya na walang pambili ng bigas ay binibigyan niya ito ng koonting tulong sapamamagitan ng pag-aabot niya ng koonting halaga, nagpapatawa rin siya at nagpapasaya sa mga batang tiga roon, lalo na kapag may mga nagdaraos ng kaarawan, gamit ang kanyang Costume bilang isang payaso ay libre niyang ginagawa ang pagpapatawa at nagiging masaya naman ang mga bata roon, Hindi kailanman napagod si Angela, hindi siya napapagod na maipakita ang kanyang pagiging masayahin kahit sa kabila man na may nararamdaman na siyang sakit, para sa pamilya na kanyang pinaglilingkuran gagawin niya ang lahat, napakabait niyang anak, mapagmahal sa mga kapatid niya at mapagkakatiwalaan bilang isang kaibigan, kaya napakasuwerte ni Rafael sa kanya kaya natural lang na magbago si Rafael dahil hindi lang basta simpleng ginto ang nakuha niya kundi isang makinang at mamahaling ginto ang katulad ni Angela, isang babaeng hindi naghangad ng anuman sa kanyang buhay kundi lahat ay kabutihan para sa kanyang pamilya at mga taong nakapaligid sa kanya, ganyan siya kung magmahal at ganyan siya kung mag- alaga, bagay na dapat ikarangal talaga ni Rafael.
Inihatid ni Mang Edgar si Rafael sa bahay nila Angela, pagdating nila roon ay lumapit na agad at sinalubong na siya ni Mang Rudy.“ Bakit, hindi ka sumasagot, tumatawag ako sa iyo, Rafael, huminahon ka, ipanatag mo ang sarili mo, wala na tayong magagawa kundi tanggapin na wala na talaga si Angela, kung masakit para sa iyo, mas masakit sa amin dahil nga kami ang mga Magulang ni Angela, kami ang nag-alaga at nagmahal sa kanya, kami ang kasakasama niya sa saya at lungkot, kami ang pinag-alayan niya ng buhay.“ lumuluha na si Mang Rudy habang nagpapaliwanag kay Rafael.Emosyonal ang bawat sandaling iyon... napayakap na lang si Rafael kay Mang Rudy, matapos ay unti unti na siyang lumapit sa mga labi ni Angela, pinagmasdan niya ang kanyang nobya, Isa isa ng nag-unahan na pumasok sa kanyang isipan ang mga ala-ala nilang dalawa.“ Sa una natin pagkikita, muntik na kitang masagasaan noon pero may dahilan pala kaya nabuhay ka pa, nagkatagpo muli tayo at nasundan pa ito ng maraming beses, natatan
Sa kabuuan ng kanilang paglalaban agad na tumigil at sumuko si Daniel dahil nakita niya na nanlilisik na ang mga mata ni Rafael, namumula ang mukha nito sa galit. ayaw nitong magpatalo.“ Tama na Rafael, itigil na natin ito, wala rin mangyayari kung sasabihan pa kita, sarado na ang isip mo, wala na kong magagawa kundi pabayaan ka sa imahinasyon mo na iyan, sige na uuwi na ako, babalik na lang ako kapag luminaw na ang isipan mo at kapag nagawa mo ng kalimutan si Angela.’ Wika ni Daniel na agad kumaripas ng takbo palayo kay Rafael.“ Hindi ko kailanman kakalimutan si Angela, hindi kailanman nawawala sa isipan ko si Angela, mamahalin ko siya habang nabubuhay ako.” Mahinang sabi ni Rafael sa kanyang sarili habang habol niya ng tingin si Daniel.Walang araw na hindi naiisip ni Rafael si Angela, ayaw niyang mag- move on sa nakaraan, palagi niyang sinasabi na buhay na buhay si Angela sa puso niya kaya naman hindi siya tinatantanan ng mga alaala ni Angela sa mga panaginip niya maging sa mga
“ Ako rin Janet, namimiss ko na siya, namimiss na siya ng lahat, lalo na si Kuya Rafael, Alam kong miss na miss na siya nito, kahit minuto hindi niya nalimutan si Ate Angela, kumusta na kaya siya ngayon?.” tanong naman ni Perla.“ Sabi ng Ate Angela nyo hindi raw siya magbo-boyfriend pero biglang dumating sa buhay niya si Rafael, kami na nga ni Tatay Rudy nyo ang nagsabi sa kanya na subukan naman niyang magkaroon ng boyfriend kaya yun sinagot niya si kuya Rafael nyo, hanggang naging magkasintahan na sila.” sabi ni Aling Lilet.“ Sayang nga Nay! Naunahan ako ni Ate Angela kay kuya Rafael, akala ko kasi sa akin siya may gusto noong mga panahong dumadalaw siya sa bahay natin, akala ko kasi kaibigan lang siya ni Ate.” biro naman ni Janet.“ Ano ka ba naman Janet? bata ka pa, tumigil ka nga sa kabaliwan mo, baka mamaya multuhin ka diyan ni Ate Angela.” Pananakot ni Perla kay Janet.“ Ano ka ba Ate Perla, nagbibiro lang naman ako… saka love ako ni Ate Angela kaya hindi niya ko mumultuhin.”
Pagod na pagod si Rafael sa maghapong trabaho niya sa opisina, medyo inaantok na siya, siya lang kasi ang namamahala ng sarili niyang Kompanya kaya lahat ay ginagawa niya ng malinis at maayos mula sa maliliit hanggang sa pinakamalalaking detalye ng kanyang negosyo, itinuloy kasi niya sa ibang bansa ang malaking negosyong pagawaan ng alak na negosyong iniwan ng mga namayapa niyang mga Magulang, may mga kamag-anak siya na sumusuporta rin sa negosyo niya kaya lang ang mga ito ay tumutulong lamang kapag kailangang kailangan niya at kapag hindi na niya kaya, kaya nga hanggat maaari ayaw niyang abalahin ang mga ito dahil ang mga ito ay may pinagkakaabalahan rin naman na ibang mga bagay. Ang kanyang kabiyak naman na si Rosalia ay mas piniling magtrabaho sa Hospital bilang Nurse dahil mahal niya ang kanyang propesyon nakiusap siya kay Rafael na hayaan na lamang siya pero nakaalalay lamang siya sa mga desisyon at plano na gustong gawin ni Rafael sa Kompanya nito, ang mga anak naman nila ay wal
Inulit ulit ni Rafael ang pagtawag niya sa babaeng nakasuot ng puting damit hanggang sa unti unti itong lumingon sa kanya.“ Mahal ko ano ginagawa mo diyan?para kang natutulala at nauutal, para kang nakakita ng multo, halika nga dito at tumabi ka sa akin.” Sabi ng babaeng nakaputi na hindi agad nakilala ni Rafael na si Rosalia ito na kanyang asawa dahil sa pag-aakala niya na ito’y si Angela sa kanyang panaginip na nakasuot ng puti.“ Lumapit ka dito, Mahal ko, anong nangyayari sa iyo? may problema ka ba?magkasunod na tanong ni Rosalia kay Rafael. Hindi agad kumibo si Rafael, pinakiramdaman muna niya ang babaeng iyon, Hindi rin siya lumapit ng sobrang lapit kaya si Rosalia na lang ang lumapit sa kanya at dali dali nitong tinanggal ang nakalagay na kulay itim na kurbata at polong kulay asul na suot ni Rafael hanggang kulay puting T-shirts na lang at pants na kulay itim ang natira, tinanggal rin nito ang suot na kulay itim na medyas at sapatos ni Rafael.“ Mahal, ikukuha kita ng damit
Hinanap hanap niya ito, sinilip niya sa mga silid ng kanyang mga anak baka sakaling naroon ito, inisa isa niya ang mga kuwartong iyon hanggang nakita niya ito sa kuwarto ng kanyang bunsong anak na babae, nakahiga ito sa kama, katabi ng bunso niyang anak at yapos yapos nito ang bata, tinawag niya ito.“ Rosalia, Rosalia, Rosalia.” Tatlong beses na tawag ni Rafael kay Rosalia.“ Ah! Mahal, sinilip ko lang ang bunso nating anak kasi noong nakaraang linggo inabot siya ng pag-ihi sa kama, tulog na tulog siya kaya hindi niya namalayan na napaihi na siya, kaya tiningnan ko siya ngayon.” Sabi ni Rosalia.“Ah ganoon ba? Sige babalik na ko sa kuwarto natin tapos sumunod ka na lang.” Sabi naman ni Rafael.“ Ok sige Mahal, susunod na lang ako.” Sabi ni Rosalia na yapos yapos parin ang kanyang anak.Nang bumalik si Rafael sa kuwarto nila ni Rosalia ay nagulat nanaman siya sa kanyang nakita, Bakit tila may nakapuwesto sa kanilang kama, nakatagilid ito habang nakalapat ng tuwid ang katawan nito, ma
Maraming beses na ginugulo si Rafael ng kanyang gunita, pinilit niyang paglabanan ang lahat ng ito sa pag-aakalang makakawala siya sa anino ng kahapon, kahapong nagdaan na ayaw na sana niyang balikan dahil malulungkot lamang siya at magbabalik ang mga alaala nila Angela. Matapos makausap ni Rafael si Perla sa telepono, makalipas lamang ang isang buwan ay nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas upang dalawin ang puntod ni Angela at kumustahin ang pamilya nito. Mag-uundas noon, Si Rafael at ang kanyang pamilya ay dumating at umuwi sa dating tirahan, sa lugar kung saan nagsimula ang kanilang pagkakaibigan at pag-iibigan ni Angela. Naghanap si Rafael ng apartment ma maaari nilang panuluyan pansamantala, Ilang araw pa ang lumipas, nagtungo si Rafael sa bahay ng dating nobya, binisita niya ang pamilya nito. Maayos naman ang pamilyang iniwan ni Angela, wala naman nagbago, ganun parin naman sila, simple pero masaya, dinatnan sila ni Rafael na nagpupulong pulong at nag- uusap usap, inaala
Dumating na ang araw ng undas kaya nagpunta ang pamilya ni Angela sa puntod nito kasama si Rafael at ang pamilya nito, doo’ y sinariwa nila ang magagandang alaala ni Angela, ang asawa ni Rafael na si Rosalia ay nakipagkuwentuhan rin sa pamilya ni Angela, Nang mga oras na nagkukuwentuhan sila, ipinakita ni Perla ang litrato ng kanyang Ate Angela, binitbit niya ito bago sila umalis ng bahay at magpunta sa puntod, hiniram ni Rosalia ang litratong iyon at pinagmasdan niyang mabuti, Nakita niya ang malaking pagkakahawig nila sa isa’t Isa kaya napaisip siya na baka nga kaya siya pinakasalan ni Rafael dahil ayaw nitong mawala sa isipan at damdamin nito si Angela, napatawa rin siya sa sarili niya dahil sa dinami dami ng babae sa mundo ay siya pa talaga ang nakahawig ng babaeng minahal ni Rafael.Tanggap niya ang lahat, malinaw sa kanya ang mga kuwentong nailarawan ni Rafael tungkol sa dati niyang nobya at mas lalo siyang humanga sa mga sinasabi ng pamilya nito sa mga panahong nabubuhay pa it
" Bakit hindi kayo naniniwala? Kitang kita koang mga luha sa mga mata ni Ate Angela." Sabi ni Perla sa mga taong naroroon.Ang mga tsismosang kapitbahay nila Perla ay nagtawanan at nag-usap usap." Paano naman luluha ang Isang Patay? Ito'y Wala na ngang buhay." Sabi ng isang babaeng kapitbahay, " Totoo po nakita ko po na lumuha si Ate Angela, maniwala naman po kayo sa akin. " Sabi ni Perla." Hindi kami naniniwala Kasi wala naman talagang Patay na lumuluha " Sabi ng isa pang kapitbahay.Muling pinagmasdan ni Perla ang Ate Angela niya, lumuluha talaga ito kaya tinawag muli niya ang mga taong naroon para sabihing totoo ang kanyang sinasabi.Nang makita ng multong si Angela na tila pinagtatawanan ng mga kapitbahay si PerlaNaging malikot ang emahinasyon niya pinaglaruan niya ang mga tsismosang kapitbahay, bigla na lang namatay ang mga Ilaw at sobrang lamig ng kanilang mga pakiramdam, nagtataasan ang kanilang mga balahibo at pakiramdam nila may nakamasid sa kanila at Tama nga Sila dah
Marami silang magagandang alaala ni Angela , ang pamamasyal nila ni Angela sa dagat ang pinakamasaya nilang karanasan at kahit kailan hindi na malilimutan ni Rafael ang mga eksenang minsa'y inangkin niya ng buong buo ang pagkababae ni Angela bago pa man nangyari ang pagkamatay nito.Pinagsaluhan nila minsan ang malulutong na mga halik, ang bawat hagod ng mga katawang hubad na sabik na sabik sa isa't isa, pag-ibig na ipinangako nila Hanggang sa dulo ng walang hanggan o kamatayan man.Pero sino ba ang nakalimot sa mga pangakong iyon? Sino ba ang nang-iwan at iniwan? " Ikaw! Ikaw Rafael! Ikaw ang nang-iwan sa akin dahil bumuo ka ng bagong pamilya, Hindi mo ko sinamahan sa Kabilang buhay, makasarili ka, hinayaan mo ako na magdusa at lumuhang mag-iss, mas pinili mo Sila kaysa sa akin, Sinungaling ka!." Malungkot na mukha ni Angela habang nakatanaw sa kawalan.Hanggang muli na naman niyang ipinikit ang kanyang mga mata at sa muli niyang pagmulat nakita parin niya ang nakahimlay na babae n
" Rafael, Wala na si Angela, tanggapin mo na na iniwan na niya tayo, Hindi na natin siya makakasama." Sabi ni Aling Lilet." Hindi Yan totoo! Inay !inay! Buhay pa ako, narito ako sa tabi mo." Sabi ng kaluluwang si Angela.Sinubukan ni Angela na yakapin si Aling Lilet pero bigo siya dahil tumagoas ang mga kamay niya." Bakit? Bakit? Ano ba itong nangyayari? Gusto kong yakapin si Inay pero hindi ko magawa, bakit bumabalik ako sa nakaraan? Bakit hindi ko maintindihan ang lahat ng ito? Bakit? Bakit?." Sabi ng kaluluwang si Angela." Wala na tayong magagawa Rafael , Tama si Lilet Wala na si Angela , Wala na Ang anak namin ni Lilet , Wala na siya." Umiiyak na si Mang Rudy." Hindi yan totoo Itay! Narito ako Hindi ko kayo iniwan Hanggang Ngayon narito ako nakabantay sa inyo." Sabi muli ng kaluluwang si Angela.Saglit na ipinikit ni Angela ang kanyang mga mata at sa pagmulat niya nakita niyang nakasuot ng damit na kulay itim ang pamilya niya, umiiyak ang mga ito habang maraming tao ang n
Hindi siya masama, Hindi rin niya ninanais na manakit, gusto lang niya na may maniwala at tumulong sa kanya pero bakit ang mga batang hindi naman siya lubos na kilala ay ayaw maniwala at makinig sa kanya , paano niya ipapaliwanag na pagod na siya at ayaw na niya ng ganoong kalagayan, pagod na siyang makiusap sa mga tao na pansini siya dahil alam niya isa lamang siyang kaluluwang ligaw.Umalis siya sa lugar kung saan niya tinipon ang mga bata, hinayaan niyang makalaya ang mga ito, ang mga bata ay nakabalik ng maayos sa mga Magulang nila na parang walang nangyari, naging masaya si Angela habang pinagmamasdan niya ang mga batang iyon pero hindi naman siya nakikita ng mga Ito" Nagawa ko, nagawa Kong pakawalan ang mga bata , naging masaya ang puso ko at kayang kaya ko pala na maging masaya sa pamamagitan ng pagpapalaya, Hindi ko pala kailangan magalit." Sabi ni Angela.Sinimulan ni Angela na magmasid masid sa paligid, malapit sa Hospital ay natanaw niya ang iba't ibang klase ng pasyent
Kinabukasan, nagdesisyon ang mag-asawa na pumunta sa sementeryo para dalawin ang kanilang anak na si Angela, isinama nila sila Perla, Janet at iba pa nilang mga anak, habang naroon sila, binalikan nilang muli ang mga ala- ala ni Angela, nabanggit rin nila Perla at Janet na nagpakita sa kanila si Angela hindi lang sa panaginip maging sa totoong buhay, naghawak hawak ng kamay ang pamilya ni Angela at mataimtim na nanalangin pero matapos ang mga sandaling iyon naging usap usapan at balibalita sa lugar nila ang pagpaparamdam ni Angela sa mga kapitbahay nito, madalas raw nilang nakikita ang puting babae na nakatayo malapit sa isang puno tuwing sila ay inaabot ng pag-uwi sa kalaliman ng gabi at naniniwala sila na si Angela yun.Hindi na napaisip si Perla dahil batid niyang si Angela nga iyon dahil humihingi ito ng tulong na makalaya sa di magandang lugar na kinasadlakan nito.Maging ang mga bata ay nilalapitan nito at mga ilang araw lang ay nawala na ang mga batang pinagkakakitaan nito.“
Mahal na mahal ni Angela ang kanyang pamilya, dito siya talaga hunuhugot ng lakas para lumaban sa buhay, pinakamahalaga para sa kanya ang kanyang mga Magulang na sila Mang Rudy at Aling Lilet.Sila Mang Rudy at Aling Lilet hanggang sa kanilang pagtanda ay bakas parin ang kasipagan sa pagtatrabaho, kahit marami ng nagbago sa buhay nila at medyo nakakaluwag luwag na sila, ayaw parin nilang Tumigil sa pag-aasikaso ng kanilang negosyo, ang pagtitinda nila ng mga gulayan at karne sa palengke ngayon ay may mas malaki na silang puwesto at marami na rin ang kanilang mga itinitinda, katulong nila ang iba pa nilang mga anak.Sa kabila ng kanilang kaabalahan ay madalas na sumasagi sa kanilang isipan si Angela…“ Naaalala ko ang anak natin Rudy, si Angela, suguro kung nabubuhay pa siya kasakasama natin siya sa malagi at maayos na nating negosyo, ang gulayan at karnehan, sayang nga lamang at maaga siyang nawala sa atin.” Sabi ni Aling Lilet sa kanyang asawang si Mang Rudy habang nakatanaw sa nag
EME 23Matapos ang mga pangyayaring iyon ay umuwi na si Perla.Ilan minuto palang ang nakakalipas ng magparamdam at magpakita din si Angela sa kapatid niyang si Janet, Si Janet na mas bata ng isang taon kay Perla.Habang nagpapahinga si Janet sa kanyang kama, bigla na lang siyang gininaw, Hindi pa man niya nabubuksan ang Aircon ay may kakaiba talagang hangin na pumasok at bumabalot sa buo niyang kuwarto, kaya isinara niya ang nakabukas na bintana na malapit sa kanyang kama, kung titingnan ay maalinsangan naman sa labas ng mga oras na iyon.Binalot ni Janet ng kumot ang buo niyang katawan pero parang may kakaibang elemento na hindi maipaliwanag ang naramdaman ni Janet, Hindi siya mapakali kaya nagtakip na lang siya ng kumot, sa pagtatakip niya ng kumot ay bigla niyang naalala ang ginawa ng kanyang Ate Angela na pananakot sa kanya noong ito’y nabubuhay pa, ito’y nagtaklob ng kumot at nagpanggap ito bilang isang multo saka siya lolokohin para takutin.Habang naaalala niya ang pagbibiro
Nagdesisyon ang mag-asawa na bumalik na nga sa ibang bansa at dito ay magsisimula sila muli ng bagong buhay at pag-asa Kasama ng kanilang mga anak. Sa kabilang banda hindii parin malimutan ni Perla ang kanyang ate Angela kahit siya ay nasa trabaho naiisip parin niya ito." Bakit kaya hindi ako mapakali? Madalas ko parin naiisip si Ate Angela, Ngayon ko lang nararamdaman ang sakripisyong ginawa ni ate sa amin, ang ginawa niyang pagtatrabaho para sa amin ng mga kapatid ko at nila Nanay at Tatay ." Sabi ni Perla sa kanyang sarili.Habang balisa si Perla at malalim ang kaniyang iniisip ay biglang lumakas ang hangin at ang bakanteng upuan na sa kanyang harapan ay biglang gumalaw at ang mga bintana ay nagbukas sarado pati ang pinto, takot na takot si Perla at kaya pinakiramdaman niya ang mga pangyayari." Ate Angela ikaw bayan? wag mo akong takutin! kung gusto mo kong takutin magpakita ka, miss na miss na kita ,Narito ka ba?."Tanong ni Perla na kinakabahan parin.Maya maya pa'y may narinig
" Wala Kang kasing sama Angela, nanahimik ka na, Hindi ka nararapat sa mundo namin, sa mundo ng mga buhay, ng mga totoong tao, dahil sa ginagawa mo patay ka na pero angg kaluluwa mo ay sinusunog na sa impiyerno, lubayan mo na kami, umalis ka na sa buhay namin, lubayan mo na kami ni Rafael." Nagagalit ng si Rosalia." Paulit ulit kong sinasabi sa iyo na hindi ko kayo lulubayan, guguluhin ko ang buhay nyo Hanggang sa tuluyan ko kayong mapasuko sa mga kamay ko, Hindi naman kayo ang kailangan ko, si Rafael lang ang kailangan ko, pero dahil ioinagpalit kayo sa akin ni Rafael, mas pinili niya kayo kaya dapat kayong magdusa, Hindi nyo ba alam kung gaano kahirap at kasakit yun para sa akin, mananahimik lang ako kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nakasama ko na si Rafael sa kabilang buhay doon lang ako magiging masaya at mananahimik." Umiiyak na si Angela habang nagpapaliwanag." Bakit ayaw mong bigyan ng katahimikan ang buhay mo para maging masaya ka na Angela, Hindi ka magiging m