AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
AKI"Dismissed." Nakangiting sabi ko sa mga sundalong eni-ensayo ko. Dumeretso muna ako sa comfort room bago pumunta sa barracks para makapag pahinga lang saglit. Alas kwatro na ng hapon kami natapos mag training kaya napagod ako dahil bagong recruit lang na mga sundalo ang tinuturuan ko. Pagod na pagod kong itiinumba ang sarili ko sa kama at napapikit pa. I felt dizzy! Nakakapagod talaga mag train sa mga baguhan! I heard noises from outside that made me get up. I didn't have a chance to sleep because of noises from different military trucks in the field. Sumilip ako sa maliit na bintana ng kwarto na ito para tingnan kung sino ang mga dumating. I almost had a heart attack when I saw a familiar car. "Oh my god! Is he here?" I covered my mouth in nervousness. I took a deep breath and decided to come out and look outside. I frowned when I saw five military trucks parked on the field. These trucks are from the camp where I came from. What is happening?! Lumapit ako sa isang sundalo n
AKI"Tama na, ayoko na!" Agad akong nagmulat ng mata ko saka umupo galing sa pagkakahiga. Hingal na hingal at pawis na pawis. Nanginginig ang mga tuhod ko ganun din ang mga kamay ko. "Aki?" Nag mamadaling lumapit sa akin ang pinsan ko, "Anong nangyari?" Tanong niya matapos maupo sa harap ko. Pinunasan niya pa ang noo ko gamit ang mga palad niya dahil sa pawis. "Anong nangyari? Bakit pawis na pawis ka?" Imbes na sumagot ay tumayo ako at kumuha ng tubig. Ininom ko iyon pero natigilan din nang makita ang nag-aalalang mukha ni Alex. "Wala. Naalimpungatan lang ako." Sabi ko na lang sa kanya para hindi siya mag-alala."Napanaginipan mo na naman ba ulit?" Sumunod pa siya sa akin. Mas pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya dahil kung gagawin ko pa iyon ay baka tuluyan na akong maiyak sa harapan niya. Ayaw kong makita niya akong umiyak na naman dahil sa paulit-ulit na rason kaya magtatago na lang ako para hindi niya ako makitang ganito.Tahimik lang akong naglalakad sa hallway nang maka
AKI"In my office, now." He said before walking away. Pareho kaming nag baba ng kamay matapos niya kaming talikuran. Sumunod sa kanya ang mga kasama niyang sundalo maliban sa isa. Lumapit 'yon sa amin kaya napa-ayos ulit kami ng tayo at sumaludo sa kanya na agad din naman siyang sumaludo pa balik."I'm first lieutenant Salazar," inilahad niya ang kamay niya. Unang tumanggap nun si Alex kasunod ako. "Staff Sergeant Medina po." Pakilala naman ni Alex. "Staff Sergeant Ruiz." Pakilala ko rin. "Private first class Arciaga naman po, Sir." Pagpapa-kilala rin ni Gerald. "Welcome to our team!" Nakangiting aniya. "Ihahatid ko nalang sa barracks ninyo ang mga gamit niyo pero as of now, sumunod na muna kayo kay Captain sa office niya. Late kasi kayo, first day niyo panaman." "Ah Ma'am, Sir, mawalang galang lang po. . . Kailangan ko na rin po kasi bumalik kay General Orlando para mag report. Mauuna na po ako." Tumindig siya at sumaludo. "Sige, salamat at mag-ingat ka." Aniko. "Bye!" Pahabo
AKI"Attention!" Lahat kami umayos ng formation matapos marinig si Captain. Palapit siya sa gawi namin kasama ang maraming sundalo na bagong recruit. Kompleto kami dito sa field kasama halos lahat ng sundalo na pinamumunuan niya. Pumuwesto ako sa harap kung saan katabi ko si Alex. Pumunta sa harap si Captain habang si Lieutenant Salazar naman ay tumayo sa tabi ko. Wala sa sarili akong napalingon kay Alex na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Palit us pwesto." Nakangiting bulong niya.Pinagkunutan ko siya ng noo bago nag-iwas ng tingin. Agad naman nakuha ni Captain ang atensyon ko ng mag simula siyang mag salita. Una niyang kinausap ang mga sundalong kararating lang at sa dami niyang sinabi ni isa wala talaga akong naintindihan. "Akesha come here!" Biglang tawag niya sa akin. Ramdam ko ang pag tingin sa aking ng karamihan dahil sa paraan ng pag tawag niya. Kahapon niya pa ako tinatawag ng Akesha. Akesha siya ng Akesha pwede naman kasing Ruiz. "Double time!" Nayayamot na aniy
AKI"It's a goddamn death threat, Ruiz!" Galit na galit si Lieutenant General habang sinasabi sa akin iyon. Hindi pa nga ako nakaka-upo nasigawan niya na ako. "Sorry, Sir." Nakayukong sabi ko."We're working on it na, Sir. I already told my soldiers what to do. . . I already talked to her na rin naman po." Singit ni Captain. Is he trying to cover me up? "She's not thinking, Vendalle! She even just threw it away. She ignored it!" He's so mad at me. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam kung makakatingin pa ba ako ng diretso sa kanila dahil sa kapabayaan ko. Pero hindi naman ibig sabihin wala akong ginawa wala na akong pake sa nangyayari. "Hindi mo ba iniisip na hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak kung ituloy man ni Hunter ang pag hunting sayo? Lahat ng sundalo na narito pwedeng madamay kung ipagpapatuloy mo 'yang ugali mo!" Tumayo si Sir Hernandez tsaka humawak sa mag kabilang baywang, "Tell me your reason. . ." "Sir. . . Actually, iniisip ko lang po na baka may nantr-tr
AKI"Akala ko ba bibigyan mo ako ng leave?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Nag bago na isip ko." Sagot niya at umupo sa sofa. "Magpahinga kana dahil marami pa tayong trabaho bukas." Napakunot ang noo ko, "You know what? I realized na hindi pa ako okay kaya tinatanggap ko na ang offer mo na leave para sa akin. Bukas na bukas pirmado ko na agad yung letter." Sumama ang tingin niya sa akin. "Sa nakikita ko okay ka naman at malakas na. Hindi ka naman nabalian ng buto o nabaril kaya anong dahilan para mag leave ka?" Masungit na aniya. "Ang gulo mo po." Napanguso ako."Matulog ka na lang." Utos niya "Kagigising ko lang kaya!" Angal ko agad. "Tsaka hindi ka na ba babalik sa HQ?" Usisa ko."Ell knows what to do even without me." Muli siyang tumayo at kumuha ng tubig. "Besides, i can't leave you here dahil pakalat-kalat lang si Hunter." Aniya at uminom ng tubig."You can go, Captain. . . Masyado na akong nakaka-abala sa'yo." Mahinang sabi ko. "No." Mabilis niyang sabi. Inayos niya ang
AKI"Tawagin mo si Captain dali!""Ma'am--" Pinigilan niya ako nang magtangka akong tumakbo para sundan yung lalaki. "Hindi ka po pwede umalis mag-isa." Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.Kumapa ako sa gilid ko para kuhain ang baril ko pero wala iyon doon dahil hindi ko pa pala suot ang holster ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya at kinuha ang baril na nakalagay sa holster niya. "Tawagin mo si Captain and that's an order!" Seryosong sabi ko bago tumakbo. "Tabi! Tumabi kayo bilis!" Malakas na sigaw ko sa mga nurse, doctor at ilang mga pasyente na nasa labas ng kanilang mga kwarto. "Shit!" Mura ko nang makitang pumasok ito sa fire exit. "Ma'am ano pong nangyayari?" Lumapit sa akin yung dalawang guwardiya ng ospital. "May armadong lalaki ang nakapasok dito kaya hinahabol ko but for now, clear the whole area!" Aniko at tumakbo na para habulin muli ang lalaki. Nang tuluyan kong marating ang fire exit ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. We are on the third floor kaya hindi ko
AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
KING "Pre, Ruiz is back!" Cedrick shouted from outside my office. My heart was beating so fast as I heard him. I put down the files I was reading and stared at the door. After 4 years, she's back. I stood up and walked towards the door and opened it. I saw Cedrick sitting on the chair waiting for me so I sat beside him. "Alex told me." Cedrick says. "Kailan pa daw?" I asked."Kanina lang daw. Hinatid niya sa Kampo nila General Orlando. Back to duty na daw ulit.""Bakit doon? Bakit hindi sa akin?" I frowned."I don't know." Nilingon niya ako. "Gusto mo puntahan natin?" I smirked, "Pupuntahan ko talaga siya kahit di mo ako yayain." "Tsk. Mahal na mahal?" Napangiwi pa siya. "Why are you like that, Ell? You already have a girlfriend but you are always acting so bitter." I rolled my eyes on him."Eh ikaw, bakit ka ganyan? Why are you still inlove with her even though she left you?" "She has her reason, Ell. I understand her." Agad na nangunot ang noo niya sa akin. "Edi puntahan
AKI"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?" Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak. "Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?" "Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida. "N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill
AKI "Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said. Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan. "Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?" Tumango ako. "Yes, Sir.""Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon." "Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?" "Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. " "Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group." "A-Ano?!" Agad na dumaloy s
AKI "Akhin, Keisha, I'm home!" I shouted as I entered the door. Nauna na akong pumasok dito sa loob kasi nagpa-park pa ng kotse si Captain. May hawak-hawak pa akong supot ng jollibee. Bumili kasi kami kanina on the way dahil isa ito sa mga favorite nilang dalawa."Mommy!" It's Keisha, she is running towards me. "Mommy!" She immediately hugged me on my legs. Umupo ako at nilapag ang jollibee sa gilid ko, "Hi baby! How are you?" Hinawi ko ng kaonti ang bangs niya na tumatakip sa mata niya. "I'm good!" She said and giggled. "I miss you, Mommy!" Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi. "I miss you too, Anak. Where's your Kuya and Tito Daddy?" Nilibot ko ang tingin ko sa sala at kusina pero hindi ko sila nakita doon. "Upstairs, Mommy." She said, "We have pasalubong! Yehey!" Napatalon pa siya sa sobrang saya. "Akhin! Kuya!" Pagtawag ko nang hindi pa rin sila bumababa. "Mommy!" Sigaw ni Akhin mula sa pinaka dulo ng hagdan sa taas. "Yehey!" Halos liparin na niya ang hagdan sa sobra
AKIR-18"Anong pangalan nila?" He asked. Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. "Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Anong ginagamit nilang surname?" "Yung sayo." "Paano nangyari 'yon?""Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. "What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" "Oo." "Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." "Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—""That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. Nara
AKIDahan-dahan akong nagmulat ng mata nang nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang braso ko. Napainda pa ako habang mabagal kong ginagalaw ang nangangalay kong braso. "Shit naman." Mahinang aniko habang mahinang hinihilot ang braso ko. Nakasimangot akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Hala! Nakatulog pala ako dito sa sofa ng opisina ni Captain habang umiiyak kanina."Teka anong oras na ba?" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Shit! Shit! Shit!" Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng madaling araw. Nag mamadali kong hinanap ang number ni kuya Akiro para itanong kung kamusta na yung kambal pero natigilan ako bigla nang makitang hindi pala ako nag-iisa dito sa opisina."Captain!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at nakakunot noo na nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?!" Pinagkunutan ko din siya noo. "Wal
AKI A/N: This chapter is the continuation of the prologue (Reporting for Duty) "Akala ko ba mahal niya pa ako? Bakit kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala?" Umiiyak na tanong ko kay Alex. Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ko. Kakaalis lang ni Captain ngayon at naiwan ako ditong umiiyak. Hawak-hawak ko pa ang singsing na binalik niya sa akin kanina lang. "Hindi na niya ako mahal. . ." Panay ang pag-iyak ko kay Alex. Hinagod niya ang likod ko para patahanin. "Sabi ko naman sayo kahapon diba? Mahihirapan kang suyuin yun kasi nga galit 'yon sayo. After 4 years ito ang unang beses niyong nag kita. Intindihin mo na lang muna si Captain, Aki." "Bakit kailangan niya ibalik 'tong singsing sa akin? Para ano? Para konsensyahin ako? Para mas lalo akong maguilty sa pag-iwan ko sa kanya?" "Hindi naman siguro. . . Baka gusto niya lang ibalik sayo kasi diba sa'yo naman talaga—""Ang sabihin mo gusto niya lang talagang mag dusa ako sa ginawa ko sa kanya! Gusto niya ipaalala sa
AKI "Akhin, Keisha! Bumaba na kayo at kailangan niyo na kumain!" I shouted from our dinning area. Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanila pero hindi pa rin sila lumalapit sa akin. Ang kukulit talaga ng mga batang 'to! Unti-unti ko na talagang nakikita ang ugali ko sa kanila. "Mommy we are coming!" It's my baby girl, Keisha. "Mommy, Sasha hit me!" It's my baby boy, Akhin. He called her sister Sasha, mas sanay siya sa tawag na iyon. Napahilot ako sa sintido ko bago kinuha ang hinanda kong almusal sa kanila. Narinig ko ang mga takbo nila palapit dito sa dining area. Pareho ko silang nilingon nang pareho silang yumakap sa binti ko. Umupo ako at hinarap silang pareho, "Sasha, why did you do that to your kuya?" Mahinahon kong tanong."I didn't do it intentionally, Mommy. I almost tripped kaya humawak ako sa arm niya. . . Sorry, Kuya Akhin." Aniya at lumapit siya sa kuya niya para yakapin ito. "I'm sorry." She cutely said. "You're forgiven, Sister!" Mabilis niyang sabi at yumakap din