AKI
"Tawagin mo si Captain dali!""Ma'am--" Pinigilan niya ako nang magtangka akong tumakbo para sundan yung lalaki. "Hindi ka po pwede umalis mag-isa." Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.Kumapa ako sa gilid ko para kuhain ang baril ko pero wala iyon doon dahil hindi ko pa pala suot ang holster ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya at kinuha ang baril na nakalagay sa holster niya. "Tawagin mo si Captain and that's an order!" Seryosong sabi ko bago tumakbo. "Tabi! Tumabi kayo bilis!" Malakas na sigaw ko sa mga nurse, doctor at ilang mga pasyente na nasa labas ng kanilang mga kwarto. "Shit!" Mura ko nang makitang pumasok ito sa fire exit. "Ma'am ano pong nangyayari?" Lumapit sa akin yung dalawang guwardiya ng ospital. "May armadong lalaki ang nakapasok dito kaya hinahabol ko but for now, clear the whole area!" Aniko at tumakbo na para habulin muli ang lalaki.Nang tuluyan kong marating ang fire exit ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. We are on the third floor kaya hindi ko alam kung saan siya pumunta! "Putang-ina nasaan ka?!" Galit na galit na sigaw ko. May narinig akong tumawa galing sa taas kaya dali-dali akong tumingin doon at tumutok ng baril. Ganun na lang ang galit na naramdaman ko nang makita ko siyang nakasandal sa railings ng hagdan habang nakakalokong nakangiti sa akin. Nakalagay pa ang isa niyang kamay sa loob ng bulsa ng jacket niya habang ang isa naman ay may hawak-hawak na baril. "Ruiz chill ka lang!" Nakangiti niyang sabi. "Masyado ka namang highblood." Nayayamot akong tumingin sa kanya. "Ano bang kailangan mo?" Nanliit ang mata niya na tila ba'y nag-iisip ng isasagot sa akin. Umayos siya ng tayo at gamit ang kamay na nakalagay sa bulsa ng jacket niya kanina ay inalis niya ang hoodie niya. Ngumiti muna siya sa akin bago tumakbo pa-akyat ng hagdan kaya dali-dali din akong sumunod hanggang sa marating ko ang rooftop. "Sobrang aga mo naman ata mam-bwiset?" Taas kilay kong tanong sa kanya dahil halos papasikat pa lang ang araw. "Now tell me, what do you want?" Tanong ko habang nakatutok sa isa't-isa ang mga baril na hawak namin. "Buhay mo!" Mabilis niyang sagot. "Buhay mo lang naman ang kailangan ko, Ruiz." Aniya at tumawa pa ng malakas. "Ibibigay mo ba yun sa akin ha?!" "Kunin mo na ngayon gusto mo?" Humakbang ako papalapit sa kanya pero natigilan din ng bigla siyang naghagis ng patalim sa gawi ko. "Tarantado!" "Akala ko ba magaling ka, Ruiz? Akala ko pa naman sapat na lahat ng training na ginawa mo sa military para mapatay mo ng ganun-ganun lang ang kapatid ko."Napa-kunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. "Kapatid?" Nagtatakang tanong ko."Ang bilis mo naman atang nakalimutan si Alonzo, Ruiz? Okay lang. . . Dahil sa tuwing magkikita tayo ipapa-alala ko sayo kung paano mo pinatay ang kapatid ko." Humakbang siya pa-atras nang humakbang ako palapit sa kanya. "Huwag kang lumapit sa akin!" Galit na galit na aniya sabay kalabit ng gatilyo ng baril na nakatutok sa itaas. Natawa ako ng malakas. "Alam mo para hindi na tayo mag kita ulit patayin mo na ako ngayon para 'di na masayang oras mo kakasunod sa akin na parang aso." Tumawa din siya ng malakas, "Hindi ikaw ang mag di-desisyon kung kailan ko kukuhain ang buhay mo, Ruiz. Hindi sapat na patayin kita ngayon para mapag-bayaran mo ang ginagawa mo sa kapatid ko. . . Hindi pa 'yon ngayon kaya chill ka lang." Aniya."Ganun?" Nadidismayang aniko, "Edi kung ganun ako na lang ang papatay sayo!" Mabilis kung pinatamaan ng bala ang baril niya dahilan para mabitawan niya ito. Pinaputukan ko din ng isang beses ang kaliwang paa niya dahilan naman para mahirapan ito sa paglalakad. Narinig ko pa ang malutong niyang mura habang humahanap ng daan para makatakas sa akin. "Gago mauuna kang mamatay sa akin!" Sigaw niya bago binato ang isang teargas sa mismong harap ko.Agad akong nag-takip ng ilong para hindi makalanghap ng kahit na anong gas mula roon pero hindi iyon sapat para protektahan ang sarili ko. Dali-dali akong umatras nang mas lumala ang paglalabas nun ng gas."Hanggang sa muli, Ruiz!" Nakangiting aniya habang ang kanyang baril ay nakatutok mismo sa akin. Ngunit huli na para ilagan ang paparating na bala dahil tumama na ito sa kanang braso ko. "Akesha!" Boses iyon mula sa likod. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin palabas dito sa rooftop habang akay-akay ang nanghihina kong katawan. It's so hard to breathe! Umu-ubo pa ako at hindi na halos maimulat ang mata dahil sa sobrang dami ng gas na nalanghap ko. Naramdaman ko din na may humila sa baril na hawak ko bago ako binuhat. "Call a doctor!" Rinig kong sabi niya bago patakbo na bumaba sa hagdan. My mind is still conscious but my body is weak. Panay ang ubo ko at halos hindi na makahinga ng maayos. I can't even feel my right arm and I can't open my eyes. All I can hear is the heartbeat of this man. "I'm so sorry. . ." He whispered after putting me in the hospital bed.I lost my consciousness when we were finally in the emergency room. All I can remember is the heartbeat of him. . . The heartbeat of Captain. It's fast and loud. "Please don't hurt him!" Nagmamaka-awang sabi ko sa mga lalaki. "Please!" I saw him suffering from the pain of being kicked and punched. I was tightly held by a man in both arms so I couldn't even run to call for help. All I can do is cry and shout multiple times. He looked at me while he's holding his head full of blood. "Don't hurt her. . ." kahit nahihirapan na ay nagawa niya pa iyong sabihin. "Please don't hurt my--" "Aki!" Habol-habol ko ang hininga ko nang mag mulat ako ng mata. Tumambad sa harap ko si Alex na hawak ang magkabilang balikat ko."Alex?" napakunot ako ng noo."Binabangungot ka ba?" Nag-aalala na tanong niya pero hindi ako sumagot. "Yun ba ulit? Na naman?! Akala ko ba okay ka na?" "Akala ko din. . ." Napabuntong hininga ako, "Mas lumala pa 'to dahil kay--" "Sino? Sino ang may dahilan at mas lumala pa 'yang nangyayari sayo? Sabihin mo sa akin kung sino para masapak ko siya ng bongga!" Nagagalit na aniya. Umiling ako at umirap. "Wala! Wag mo na itanong." Naiinis na sabi ko tsaka sinubukang tumayo pero pinigilan agad ako ni Alex. "Isa!" Saway ko ng hawakan niya ang braso ko. "Nakikita mo ba 'to?" Madiin niyang dinutdot ang braso kong may tama kaya malakas kong hinagis sa kanya ang unan na nasa gilid ko. "Bilin ni Captain 'wag ka daw muna tumayo hangga't hindi pa 'to gumagaling." Aniya sabay sundot ulit sa braso ko. "Masakit?" Nang-aasar na tanong niya."Shut up!" Naiinis na aniko. "Nasaan ba si Captain?" Nilibot ko pa ang paningin ko sa buong kwarto."Umalis siya after niya gamutin." "Gamutin?" Nagtatakang tanong ko."Yup! Nabaril siya kanina nung isa sa nakaengkwentro niyo, and according to initial report tatlo silang naka-pasok dito sa ospital." Aniya."Saan naman pumunta si Captain?" "Pinatawag siya nila Lieutenant General Hernandez at colonel Andres sa kampo para mag report. . . Buti na lang walang nadamay na civilian dito." Inabutan niya ako ng apple. "Oh kumain ka muna. . ." "Ayoko nyan! Gusto ko na bumalik sa kampo." Pinilit kong tumayo kahit na hindi ko pa talaga kaya. "Kung pipigilan mo pa ako makaka-tikim ka na sa akin." Banta ko."Ang tigas ng ulo mo! Sabi na kasing hindi ka pa nga pwede bumalik sa trabaho." Hinila niya ang military jacket ko at hinagis iyon sa sofa. "Utos yun ni Captain.""Wala akong pake sa utos niya. Ang gusto ko bumalik na tayo ng kampo para naman masimulan ko na ulit ang trabaho ko." Muli kong kinuha ang military Jacket ko at dahan-dahan iyong sinuot. "Hindi mo pa nga kaya ang kulit mo!" Pilit niyang hinuhubad ang suot kong Military jacket."Hindi ako lumpo, Alex! Pwede ba 'wag niyo akong itinuturing na para bang hindi ko kayang alagaan ang sarili ko." Nayayamot na aniko sa kanya."You still can't go, Ruiz." Sumulpot na lang bigla si Sir Salazar dito.After an hour of arguments with them, ako lang din naman ang nasunod. We're here now in the car going back to the camp. Ang dami dami pa nilang sinasabi papayag din naman pala. I suggest na don na lang ako sa medic area magpagaling para kung sakali man maulit ang nangyari kaninang umaga wala nang ibang taong madadamay. Besides, I still have work to do. "Kami malalagot nito kay Captain eh!" Alex whispered at me but i didn't respond.After a minute we're finally in the camp. Hindi naman ako lumpo at hindi rin naman grabe ang tama ko pero apat na nurse ang sumalubong sa akin dala ang wheelchair na para daw sa akin. "Maglalakad na lang ako." Sabi ko sa kanila dahil parang mas magkakasakit ako ngayong nakikita ko yung wheelchair. "Please lang ilayo niyo sa akin 'yan." "Teka!" Pigil ni Alex doon sa isang nurse na may hawak nung wheelchair. "Ako na lang uupo diyan." Nakangiting aniya at excited na excited na umupo sa wheelchair. "Nakakapagod ang byahe. . ." Napapagod niyang sabi matapos umupo."Siraulo talaga." Bulong ko habang pinapanood siyang maging tanga.Dumiretso muna kami sa Medic Area para linisin ang sugat ko dahil sabi ng doctor every six hours dapat nililinis ang sugat ko. After naman nun ay sabay kaming kumain ni Alex sa canteen para sa hapunan. Panay ang pangungumusta sa akin ng mga ilang sundalo na naroon sa canteen kaya mabilis ko lang din tinapos ang pagkain ko dahil naririndi ako sa kanilang lahat.Isn't it obvious? Kompleto naman buong katawan ko kaya okay ako."Ma'am aki!" Tawag sa akin mula sa likod.Pareho kaming natigilan ni Alex at lumingon sa tumawag sa akin. Napa-kunot pa muna ang noo ko bago ko mamukaan kung sino iyon. "Ma'am, reporting for duty po!" Masigla niyang sabi habang nakasaludo pa. Nakangiti akong sumenyas na ibaba ang kamay niya, "Vincent, kailan ka pa nakabalik?" He's my assistant squad leader. "Noong isang araw pa po Ma'am." Sagot niya."Siya lang naman ang sumalo sa trabaho mo habang wala ka kaya be good to him." Singit naman ni Alex. "Ang ingay ng bunganga mo, Alex! Nakakarindi." Aniko tsaka pinanlakihan siya ng mata.Bumaling ako kay Vincent, "Habang hindi ko pa nakaka-usap si Captain para makabalik ako sa serbisyo ikaw na lang muna ang bahala sa kanila ah? Goodjob by the way. . ." Tinapik ko pa ang balikat niya. Hinatid pa ako ni Alex sa Medic area para siguraduhin na hindi na ako pupunta sa kung saan-saan. Gusto niya pang siguraduhin na tulog na ako bago siya bumalik sa barracks kaya pina-alis ko na siya bago pa ako mainis sa kanya. Lagpas alas dyes na hindi pa rin ako makatulog kaka-isip sa mga nangyari kaninang umaga. Ganun kalakas ang loob nila na sumugod sa ospital dahil apat lang kaming sundalo na naroon. Kapal talaga nila! Bukod pa don, iniisip ko kung kamusta na si Captain ngayon.Tumayo ako at naglakad sa tabi ng bintana para makalanghap man lang saglit ng hangin. Sumagi naman sa isip ko ang dahilan kung bakit hindi agad naka-sunod sa akin si Captain sa rooftop dahil may nangyari din pala sa kanila sa 3rd floor. Nagawa niya pa akong buhatin habang tumatakbo ng mabilis para maligtas yun pala siya ang may mas malalang sugat sa aming dalawa. Natigilan ako sa pag-iisip ng makita ko mula rito ang kotse ni Captain na pumaparada sa sa parking area. Unang lumabas mula sa driving seat si Milendres kasunod namang lumabas si Captain mula sa passenger seat na nakahawak pa sa kaliwang bahagi ng tiyan niya. Nakita ko siyang inalalayan ni Milendres mula sa parking area hanggang sa makarating sila sa office ni Captain."Nurse pwede ba mahiram iyang panglinis niyo ng sugat?" Tanong ko.Naguguluhan na tumingin sa akin yung nurse, "Bakit po? Nagdudugo po ba sugat mo?" Pilit niya pang sinisilip ang braso ko na pilit ko ding tinatago. "Hindi! Ano. . . Kasi si Alex nag text sa akin na may sugat daw siya kaya sabi ko ako na lang maglilinis ng sugat niya. Kaya ko naman eh." Pagsisinungaling ko."Ganun ba Ma'am? Sige po. . . Ito po." Inabot niya sa akin yung first aid kit nila. "Gusto mo po ba samahan--""Hindi na!" Biglang tumaas ang boses ko. "Sorry." Dali-dali kong kinuha yung bag at lumabas ng Medic cube. Habang papalapit na ako sa opisina ni Captain palakas naman nang palakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi naman ako sasabak sa gyera pero yung kaba ko grabe! Ano ba? Mag offer lang naman ako na linisin ang sugat niya bakit ba ako kinakabahan? It's nothing! My god!Seeing his office door open gave me a mini heart attack that I can't even move my feet to walk! Wtf? Hindi ata magandang desisyon ang pumunta ako dito. Tama! Aalis na lang ako! Ititigil ko na 'tong katangahan na 'to."Masakit po ba, Captain?" Boses iyon ng babae.Lahat ng kaba na nararamdaman ko ay mas lalong nadagdagan nang tuluyan kong makita ang loob ng opisina ni Captain. Mula sa gawi ko ay kitang-kita ko si Captain na nakatalikod habang walang suot na kahit ano sa pang-itaas niya. Si Tanya naman ay nasa harap niya at gumagamot ngayon sa sugat niya. Napa-atras muna ako bago dali-dali na lumakad palayo sa opisina na iyon. Tumigil ako sa harap ng shooting area at naiinis na nilagay sa mesa na naroon ang first aid kit. "Tsk!" Sarkastiko akong tumawa. "Bakit ba naman kasi ako mag-aaksaya ng oras para sa kanya?" Naiinis na sabi ko sa sarili ko at mabilis na naglakad pabalik sa medic area.Soon....AKI"I told you to stay at the hospital until she's finally recover you didn't follow me!" Sigaw ni Captain kay Alex.It's 7 o'clock in the morning but we are here in the office together with Alex and Sir Salazar. Captain King scolded us for what we've done yesterday. . . It's too early to be reprimanded for Pete's sake! I'm not in my mood to argue with this person. "And you Ell? I already told you not to agree with any decision she makes!" Nagagalit naman na sabi niya kay Sir Salazar. "I get her point, King. It's safer for her if she stays here atleast wala pang madadamay na ibang tao kung maulit man yung nangyari sa inyo doon." Kalmadong ani Sir Salazar. Tf he stay calm in this situation? Porket bestfriend hindi na takot? Nevermind."If you're planning to punish us just give it all to me. It's all my fault. 'Wag mo na silang idamay pa dito. Dismiss them and let them do their job at ako na lang ang parusahan mo." Suhestiyon ko. They both look at me after saying those words. Alex
AKI "Natapos rin." Pagod na pagod kong inayos ang mga folder na katatapos ko lang basahin. Halos inabot ako ng gabi dahil sa ibang impormasyon na hindi nagtutugma sa ibang scene. Parang hindi magiging madali ang paghuli namin kay Hunter. Napa hilot ako sa sintido ko ng makaramdam ng hilo. Simula kaninang tanghali pala hindi ako kumain. I checked my phone, and it's 6:36 pm na at ang naalala ko isang bread lang ang kinain ko kaninang umaga. I massage the back of my neck before standing up. Naka-hawak pa ko sa batok ko habang naglalakad palapit kay Captain na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Unlike earlier, he is not pale anymore. Mukang nakatulong talaga sa kanya ang mag pahinga muna at wag mag trabaho dahil hindi na siya mukang may sakit. He's sleeping like a baby. Ang gwapo kahit anong anggulo. "Baka matunaw ako niyan, Akesha." He suddenly opened his eyes and directly met mine. Sa gulat ko naman ay napaatras ako at napahawak pa sa dibdib ko. "What are you, an ice cream para
AKIIsang malakas na sampal sa kaliwa kong pisngi ang bumungad sa akin nang tuluyan akong makapasok sa kwarto kung saan naka confine si Akiro. Napahawak ako sa pisngi ko at dahan-dahan na nilingon ang gumawa nun. "Ma. . ." Halos manginig ang boses ko. She was standing in front of me and ready to slap me for another one. "Ang kapal ng mukha mo para mag pakita dito!" She slapped me again on the other side of my face. "Tita Ali!" Lumapit na sa amin si Alex. "Tita please. . ." Nagmamaka-awang aniya kay Mama. Hinawakan niya ang mga kamay ni mama at nilayo ito ng kaonti sa akin. Dinala niya si mama sa kabilang side kung saan naroon sila Sir Salazar at General Orlando. Sa likod ko naman si Captain at Lieutenant General Hernandez na alam kong nagulat na din sa nangyayari. Captain was holding me from the back. Panay ang pigil nila kay mama dahil nagtangka na naman itong lumapit sa akin. I was just crying so hard dahil iyon lang naman ang magagawa ko, and nothing hurts more seeing Akiro ly
AKI"Akesha. . ." Tumayo ako agad at lumingon sa likod nang marinig ko ang boses na iyon, "Captain!" I happily said and ran towards him."Why aren't you answering my calls?" He asked as i stopped infront of him. I showed him my phone, "Nalowbat po ako bigla." Aniko.Tiningnan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago tumingin sa paligid. I am still in the waiting area here outside the clinic. Dito ko na siya hinantay para madali niya na lang akong makita. He looked at the clinic's name, "Why are you here?" Maingat siyang nagtanong sa akin na para bang magagalit ako pag tinanong niya iyon. I didn't answer him. Nagpanggap na lang ako na hindi siya narinig dahil ayokong sabihin ang dahilan ko. "Okay let's go." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na papunta sa kotse niya. Pinag-buksan niya pa ako ng pinto bago pumunta sa driving seat. "Kumain ka na ba?" Nilingon niya pa ako habang nag-aayos ng seatbelt niya. "Hindi pa." "We'll eat lunch first before going back to the camp. Fix y
AKI"Yung nakita mo kanina wala lang 'yon, Akesha." Hinawakan niya pa ang kamay ko para pigilan ako sa paglalakad. Pabalik na kasi kami pareho sa barracks dahil wala naman nagsasalita sa amin kanina sa field. Pilit akong ngumiti at humarap sa kanya. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa akin kaya napatingin siya sa kamay naming dalawa bago nag-angat ng tingin sa mga mata ko. "You don't need to say that, Captain. Kung gusto mong itago ko 'yon then your secret is fine with me! Don't worry." Nginitian ko muna siya bago muling tumalikod at naglakad."Why are you like that?" Halatang naiinis na aniya. Huminto ulit ako sa paglalakad ngunit nanatiling nakatalikod sa kanya. I heard his footsteps towards me kaya kahit wala namang nakakakaba ay kinakabahan ako! Tsaka lang ako lumingon nang huminto siya sa gilid ko, "Like what?" Napapaos na tanong ko. "Like that!" Tumaas ang boses niya sa akin kaya napa-taas ako ng kilay. Napahilot siya sa kanyang batok at napabuntong hininga na tumingin sa
AKI"Tara na, Aki." Anyaya sa akin ni Alex.Narito kami ngayon sa kanya-kanya naming kwarto para makapag-bihis ng uniform namin. We still have 5 minutes left bago matapos ang 30 minutes na binigay ni Sir Salazar para makapagpalit kami ng uniform. Tumayo ako at tsaka sinuot ang Cap ko. Naka-sunod lang ako kay Alex na nanguna na sa pag-lalakad papunta sa shooting area. When we finally arrived at the shooting area, we saluted first before going to our respective teams. I saw Captain Vendalle looking at me while he's sitting beside his best friend. I stood up on the left side of Vincent and asked him to look if our team is already complete. "Nandito na po silang lahat, Ma'am." Aniya. Tumango lang ako sa kanya at tahimik na tumayo sa gilid. We are all waiting for Captain Vendalle's signal to start the firing but he's still on his chair sitting and talking to his best friend. Napatingin na lang ako sa gilid ko nang marinig ang ilang tunog mula sa baril na kinakalas ni Vincent. Hirap na
AKI"We're here." Mahinang aniya matapos tanggalin ang kanyang seatbelt at bumaba na ng kotse.Umayos muna ako ng upo bago tinanggal ang seatbelt ko. Hindi ko man lang napansin ang oras dahil nakatulala lang ako sa buong byahe. We were both silent at parang may malaking pader sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung naiilang ba kami sa isa't-isa o ako lang talaga ang naiilang sa kanya. "Let me carry your things." inagaw niya sa akin ang hawak kong military bag pero inagaw ko ulit iyon sa kanya. "Kaya ko. . ." Aniko sa kanya at tumalikod na para kunin ang isa ko pang bag. Muli akong humarap sa kanya at napipilitan na ngumiti. "Mauna ka na po. Susunod ako sa'yo." Walang imik siyang naglakad papasok sa lobby ng condo. Binati pa kami ng gwardya na nakabantay roon. Agaw atensyon din ang suot naming dalawa sa mga tao na naroon dahil sa haba ng mga baril na nakasabit sa katawan naming dalawa. Mabuti na lang talaga naka-uniporme kami kaya hindi kami mukang kriminal. He pressed the but
AKI"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Captain nang makita ko siyang inihahanda ang mga baril at iba pang gamit namin. Kalalabas ko lang galing sa CR at nagtutuyo pa ako ng buhok. "May misyon ba tayo ngayon?" Hindi niya ako sinagot. Nanatili lang siyang abala sa pag-aayos ng mga gamit at hindi man lang ako nilingon kahit isang beses. Galit ba siya? "Captain, may gagawin ba tayo?" Tanong ko ulit para makuha ko ang atensyon niya pero hindi pa rin niya ako pinapansin. "Captain?" Tawag ko ulit pero wala pa rin. Pumasok na muna ako sa kwarto para ilapag sa kama ang towel na dala ko. Kinuha ko ang cellphone ko tsaka lumabas ulit. Dumeretso ako sa harap ni Captain pero medyo malayo sa kanya. Hinanap ko ang number ni Sir Hernandez sa phonebook ko tsaka ito tinawagan. Sinadya ko pa iyong ilagay sa loud speaker para marinig niya. "Magandang gabi, Sir Hernandez. . ." Bati ko agad nang sagutin niya iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil agad na nag-angat ng tingin sa akin si Captain na ngayon
AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
KING "Pre, Ruiz is back!" Cedrick shouted from outside my office. My heart was beating so fast as I heard him. I put down the files I was reading and stared at the door. After 4 years, she's back. I stood up and walked towards the door and opened it. I saw Cedrick sitting on the chair waiting for me so I sat beside him. "Alex told me." Cedrick says. "Kailan pa daw?" I asked."Kanina lang daw. Hinatid niya sa Kampo nila General Orlando. Back to duty na daw ulit.""Bakit doon? Bakit hindi sa akin?" I frowned."I don't know." Nilingon niya ako. "Gusto mo puntahan natin?" I smirked, "Pupuntahan ko talaga siya kahit di mo ako yayain." "Tsk. Mahal na mahal?" Napangiwi pa siya. "Why are you like that, Ell? You already have a girlfriend but you are always acting so bitter." I rolled my eyes on him."Eh ikaw, bakit ka ganyan? Why are you still inlove with her even though she left you?" "She has her reason, Ell. I understand her." Agad na nangunot ang noo niya sa akin. "Edi puntahan
AKI"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?" Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak. "Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?" "Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida. "N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill
AKI "Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said. Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan. "Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?" Tumango ako. "Yes, Sir.""Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon." "Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?" "Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. " "Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group." "A-Ano?!" Agad na dumaloy s
AKI "Akhin, Keisha, I'm home!" I shouted as I entered the door. Nauna na akong pumasok dito sa loob kasi nagpa-park pa ng kotse si Captain. May hawak-hawak pa akong supot ng jollibee. Bumili kasi kami kanina on the way dahil isa ito sa mga favorite nilang dalawa."Mommy!" It's Keisha, she is running towards me. "Mommy!" She immediately hugged me on my legs. Umupo ako at nilapag ang jollibee sa gilid ko, "Hi baby! How are you?" Hinawi ko ng kaonti ang bangs niya na tumatakip sa mata niya. "I'm good!" She said and giggled. "I miss you, Mommy!" Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi. "I miss you too, Anak. Where's your Kuya and Tito Daddy?" Nilibot ko ang tingin ko sa sala at kusina pero hindi ko sila nakita doon. "Upstairs, Mommy." She said, "We have pasalubong! Yehey!" Napatalon pa siya sa sobrang saya. "Akhin! Kuya!" Pagtawag ko nang hindi pa rin sila bumababa. "Mommy!" Sigaw ni Akhin mula sa pinaka dulo ng hagdan sa taas. "Yehey!" Halos liparin na niya ang hagdan sa sobra
AKIR-18"Anong pangalan nila?" He asked. Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. "Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Anong ginagamit nilang surname?" "Yung sayo." "Paano nangyari 'yon?""Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. "What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" "Oo." "Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." "Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—""That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. Nara
AKIDahan-dahan akong nagmulat ng mata nang nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang braso ko. Napainda pa ako habang mabagal kong ginagalaw ang nangangalay kong braso. "Shit naman." Mahinang aniko habang mahinang hinihilot ang braso ko. Nakasimangot akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Hala! Nakatulog pala ako dito sa sofa ng opisina ni Captain habang umiiyak kanina."Teka anong oras na ba?" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Shit! Shit! Shit!" Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng madaling araw. Nag mamadali kong hinanap ang number ni kuya Akiro para itanong kung kamusta na yung kambal pero natigilan ako bigla nang makitang hindi pala ako nag-iisa dito sa opisina."Captain!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at nakakunot noo na nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?!" Pinagkunutan ko din siya noo. "Wal
AKI A/N: This chapter is the continuation of the prologue (Reporting for Duty) "Akala ko ba mahal niya pa ako? Bakit kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala?" Umiiyak na tanong ko kay Alex. Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ko. Kakaalis lang ni Captain ngayon at naiwan ako ditong umiiyak. Hawak-hawak ko pa ang singsing na binalik niya sa akin kanina lang. "Hindi na niya ako mahal. . ." Panay ang pag-iyak ko kay Alex. Hinagod niya ang likod ko para patahanin. "Sabi ko naman sayo kahapon diba? Mahihirapan kang suyuin yun kasi nga galit 'yon sayo. After 4 years ito ang unang beses niyong nag kita. Intindihin mo na lang muna si Captain, Aki." "Bakit kailangan niya ibalik 'tong singsing sa akin? Para ano? Para konsensyahin ako? Para mas lalo akong maguilty sa pag-iwan ko sa kanya?" "Hindi naman siguro. . . Baka gusto niya lang ibalik sayo kasi diba sa'yo naman talaga—""Ang sabihin mo gusto niya lang talagang mag dusa ako sa ginawa ko sa kanya! Gusto niya ipaalala sa
AKI "Akhin, Keisha! Bumaba na kayo at kailangan niyo na kumain!" I shouted from our dinning area. Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanila pero hindi pa rin sila lumalapit sa akin. Ang kukulit talaga ng mga batang 'to! Unti-unti ko na talagang nakikita ang ugali ko sa kanila. "Mommy we are coming!" It's my baby girl, Keisha. "Mommy, Sasha hit me!" It's my baby boy, Akhin. He called her sister Sasha, mas sanay siya sa tawag na iyon. Napahilot ako sa sintido ko bago kinuha ang hinanda kong almusal sa kanila. Narinig ko ang mga takbo nila palapit dito sa dining area. Pareho ko silang nilingon nang pareho silang yumakap sa binti ko. Umupo ako at hinarap silang pareho, "Sasha, why did you do that to your kuya?" Mahinahon kong tanong."I didn't do it intentionally, Mommy. I almost tripped kaya humawak ako sa arm niya. . . Sorry, Kuya Akhin." Aniya at lumapit siya sa kuya niya para yakapin ito. "I'm sorry." She cutely said. "You're forgiven, Sister!" Mabilis niyang sabi at yumakap din