AKI
"Tama na, ayoko na!"Agad akong nagmulat ng mata ko saka umupo galing sa pagkakahiga. Hingal na hingal at pawis na pawis. Nanginginig ang mga tuhod ko ganun din ang mga kamay ko."Aki?" Nag mamadaling lumapit sa akin ang pinsan ko, "Anong nangyari?" Tanong niya matapos maupo sa harap ko. Pinunasan niya pa ang noo ko gamit ang mga palad niya dahil sa pawis. "Anong nangyari? Bakit pawis na pawis ka?"Imbes na sumagot ay tumayo ako at kumuha ng tubig. Ininom ko iyon pero natigilan din nang makita ang nag-aalalang mukha ni Alex."Wala. Naalimpungatan lang ako." Sabi ko na lang sa kanya para hindi siya mag-alala."Napanaginipan mo na naman ba ulit?" Sumunod pa siya sa akin.Mas pinili ko na lang hindi sumagot sa kanya dahil kung gagawin ko pa iyon ay baka tuluyan na akong maiyak sa harapan niya. Ayaw kong makita niya akong umiyak na naman dahil sa paulit-ulit na rason kaya magtatago na lang ako para hindi niya ako makitang ganito.Tahimik lang akong naglalakad sa hallway nang makasalubong ko ang Secretary ni General Orlando at sinabi na pinapatawag kami ni Alex sa opisina niya."Ngayon na ba?" Naiirita kong tanong."Yes, Ma'am. Importante daw po.""Sige, sige! Susunod ako. Gagamit muna ako ng CR. Paunahin mo na si Alex doon." Sabi ko sa kanya at nilagpasan na siya.Nang marating ko ang CR ay agad kong tiningnan kung may ibang tao ba roon bago ito nilock. Bago pa man ako makaharap sa salamin ay bumagsak na ang mga luha ko. Mula sa repleksyon ko sa salamin ay kitang kita kung gaano ako kahina pag dating sa ganitong sitwasyon. . . Sobrang hina ko talaga.Yumuko ako at bumuntong hininga. Pinipigilan ko na hindi na tumulo ang luha ko kaya para hindi maging halata mamaya ay naghilamos ako. Tumayo ako ng tuwid at pinilit na ngumiti, "You can do it, Aki! Kaya mo yan." Pangungumbinse ko sa sarili ko.Matapos ang ilang minuto na tinagal ko sa CR ay napagdesisyonan ko na pumunta na sa opisina ni General Orlando. Pag pasok ko doon ay si Alex ang unang bumungad sa akin at naka-upo na. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin at tumitig sa mismong mata ko. "Saan ka galing?" Tanong niya agad."Sa CR." Simpleng sagot ko at umupo na.Sumunod siya sa akin at umupo na sa upuan na nasa harap ko. "Umiyak ka?" Usisa niya."Staff sergeant Ruiz and Staff sergeant Medina. . ." Ani pamilyar na boses na iyon.Pareho kaming tumayo ng tuwid at sumaludo dahil si General Orlando pala iyon. "Salute, Sir!" Sabay naming sabi ni Alex.Mabuti at tama lang ang dating niya hindi ko na kailangan magpaliwanag ka Alex.Sumenyas siya sa amin na ibaba na ang kamay at umupo na kaya agad namin iyong ginawa."Bakit niyo po kami pinatawag?" Tanong ko.Kinuha niya ang isang folder at iniabot 'yon sa akin. "Bukas na bukas mag report kayo kay Captain Vendalle ng Delta force. Ipahatid ko na lang kayo kay Arciaga para hindi na kayo mahirapan sa pagpunta sa headquarters nila." He said.Nagkatinginan kami ni Alex bago kami nag balik ng tingin sa kanya. "Permission to speak, General?" Biglang sabi ni Alex."Go ahead,""Bakit po kami mag rereport sa Delta team? Ang akala po namin sa Alpha team po kami mapupunta?" Tanong niya."Captain Vendalle requested for more soldiers because of the order issued by the big boss. Kulang sila sa sundalo kaya humingi sila ng tulong sa akin." Ngumiti siya amin, "Huwag kayong mag-alala pag dating niyo doon, may magandang balitang ibibigay sa inyo si Captain." Aniya.Napakunot ako ng noo at muli kaming nagkatinginan ni Alex na pareho lang din na naguguluhan. Noong nakaraan lang kasi may order na rin sa amin na sa Alpha Team kami mag rereport pero ngayon naman na punta kami sa Delta team. We don't even know who Captain Vendalle is. . . Ngayon ko lang narinig ang apelyidong 'yon."Aki, Alex. . ." Tumayo si General kaya maging kami ay napatayo rin ng tuwid. Nakalagay sa likod ang mga kamay habang ang paningin ay diretso lang. "PFC Arciaga will accompany you to the headquarters of Delta force. You need to be there before 17 hours. You still have enough time to get ready, understood?" Maowtoridad niyang sabi.Agad kaming pumuwesto sa pag saludo. "Sir, yes sir!" Sabay naming sabi ni Alex."You may now leave. . ." Aniya tsaka siya sumaludo pabalik.Nagbaba kami ng kamay bago tumalikod at umalis sa opisina niya. Dumeretso kami sa barracks para ihanda ang mga gamit namin na dadalhin. Mayroon pa kaming labing isang oras para iayos ang lahat ng dadalhin namin."Ang daya naman!" Nagmamaktol na sabi ni Alex. "Ang buong akala ko talaga sa Alpha team na tayo eh. . . Balita ko pa naman maraming pogi don!" Napa-irap pa siya."Huwag ka na mag reklamo! Lalandi ka na naman eh! Ayusin mo na lang yang mga gamit mo para naman maka-uwi pa tayo sa bahay dahil gusto ko munang ipahinga ang natitirang oras natin." Seryosong sabi ko.Umarte siyang nagulat at nalungkot dahil sa sinabi ko. "Natitirang oras? Mamamatay na ba tayo Aki?" Humawak pa siya sa puso niya. "Di pa ako ready mamatay pinsan!" Over-reacting niyang sabi.Sa inis ay hinagis ko sa kanya ang military cap ko. "Alam mo isa kang malaking gago!" Nababadtrip na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.Ilang minuto pa siyang nag pa gulong gulong sa kama bago nag asikaso ng mga gamit niya. Kung hindi ko pa siya pinilit ng pinilit na gawin ang kailangan niyang gawin hindi talaga siya kikilos!"Bilisan mo naman kasing gumalaw, Alex!" Naiinis na sigaw ko."Yes ma'am!" Sumaludo pa siya sa akin. Napairap nalang akong hinubad ang military jacket ko tsaka iyon isinilid sa military bag ko."Kilala mo ba si Captain Vendalle?" Tanong ko.Tumango siya, "Yes, Why?""Wala lang." Sagot ko.Ilang oras din akong nag hintay sa kabagalan niya bago kami tuluyang naka-uwi dito sa inuupahan naming apartment. Sa kanya lang talaga mauubos ang natitira naming oras! Imbes na makapagpahinga pa ako hindi ko na nagawa dahil nag request pa siya mag paluto ng sinigang na hipon. . . Makapal talaga ang mukha niya."Matagal pa ba yan, Aki?" Pang limang beses niya na iyong itinanong sa akin."Malapit na po Ma'am." Sarkastiko kong sabi."Mabuti naman." Mayabang niyang sabi tsaka tumawa ng malakas. "Pakibilisan pa ng konti ah, gutom na gutom na kasi ang reyna mo." Aniya habang naglilinis ng kanyang baril.Hindi na lang ako umimik pa. Kinuha ko na lang din ang baril ko at sinimulan ang pag kalaskalasin para malinisan dahil gagamitin ko rin 'yon bukas. Pinatay ko muna yung kalan pagkatapos kong ilagay ang mga gulay bago ako tumabi kay Alex."Nasabi ko na pala kay mama na sa iba tayo na destino. . . Ikaw ba? Nakapag paalam ka na ba kila tita Ali?" Tanong niya.Napabuntong hininga ako. "Hindi naman na kailangan. . ." Walang gana kong sabi.Lumingon siya sa akin. "Kahit kay Akiro ka na lang mag paalam.""'Wag na hayaan mo na." Tumayo ako dala-dala ang baril ko at pinatong ko muna 'yon sa center table namin bago nag handa ng mga plato. "Mag sandok ka na ng ulam at kanin." Utos ko."Alam mo ako na lang mag sasabi kila tita about sa pag assign sa atin sa Delta Team." Aniya.Napakunot ako ng noo, "'Wag na! Mag-aaksaya ka lang ng oras mo.""Hoy! Anak ka pa rin ni tita. Kahit naman siguro ganun yun may pake pa rin naman siguro yun sa'yo." Humarap pa siya sa akin. "Try mo lang.." Pagpupumilit niya.Napapikit akong bumuntong hininga at pinipigilan ko na hindi mainis sa pangungulit niya. "Umalis ka na sa harap ko bago ko maisipan paputukin 'yang bunbunan mo gamit ang baril na nililinis mo kanina." Hanggat sa maaari sinabi ko iyon sa mahinahon na paraan.Agad siyang umalis sa harap ko at nagpanggap na lang na busy sa pag sandok ng ulam at kanin habang ako naman ang nag handa ng plato na gagamitin namin."Alam mo yung bago nating Captain bata pa. . ." Kwento niya."Ah talaga?" Humigop ako ng sabaw, "Gaano ka bata? Mga 8 years old ba?" Seryosong tanong ko."Kung joke yan pwes hindi nakakatawa!" Naiinis niyang sabi."Ah talaga?" Kunyari pa akong nagulat.Hindi na lang niya ako pinansin. Pagkatapos naming kumain siya na ang hugas ng plato namin dahil ako ang nagluto kanina. Ako naman dumeretso na sa kwarto para ihanda ang iba ko pang uniform na dadalhin sa barracks bukas. Mabuti nalang may isa pa akong military bag na paglalagyan ng mga gamit ko.Ipinasabay ko na rin kay Alex ipa-plantsa ang uniform na gagamitin ko bukas para hindi na ako mahirapan pa. Alas-siete ng umaga dapat nasa Headquarters na kami. Ganito ang buhay ng isang sundalo."Night na Aki! Inaantok na talaga ako. Gisingin mo ako pag nauna kang magising ah!" Inaantok na sabi niya, humikab pa sa harap ko."Oo."Double deck ang higaan namin. Siya ang sa taas at ako ang sa baba. Pinagmamasdan ko palang siyang umakyat sa higaan niya parang ako yung napapagod sa galaw niya! Tamad na tamad! Nang tuluyan na siyang maka-akyat ay nilagay niya muna sa ilalim ng unan ang baril niya bago nahiga.Pinatay ko muna ang ilaw bago ako humiga sa kama ko katabi ang baril na nilinis ko pa kanina. Hindi rin naman ako agad nakatulog dahil sa kung ano-ano ang naiisip ko. Ganito kasi ako tuwing matutulog na ang daming isipin ang pumapasok sa akin.Gabi-gabi akong nahihirapan matulog dahil sa mga panaginip na paulit-ulit na bumabalik sa akin. Minsan inaabot na ng umaga bago pa ako makatulog pero dahil maaga din ako gumigising halos hindi na rin ako nakakatulog ng maayos.Kinabukasan nagising ako sa malakas na alarm ni Alex. Ang aga-aga na badtrip agad ako dahil sarili niyang alarm di siya nagigising! Padabog akong tumayo para kuhain ang cellphone niya na nasa tabi niya lang din! Pinatay ko ang alarm niya bago siya malakas na hinampas ng unan sa katawan.Sa gulat niya ay dali-dali niyang kinuha ang baril niya sa ilalim ng unan at itinutok 'yon sa akin. "Gago!" Nagugulat niyang sabi.Kunot-noo kong tinabig ang kamay niya. "Sa susunod na matutukan mo ako ng baril siguraduhin mong ipuputok mo agad." Hinagis ko ang cellphone niya sa gilid niya. "Bumangon ka na bawal tayo ma-late.""Why naman kasi ganun manggising?" Nakamot niya ang ulo niya habang pababa ng higaan. "Hindi ko narinig ang alarm ko. . .""Bobo ka kasi.""Kaya nga eh." Sagot niya rin.Napa-iling na lang akong nag timpla ng kape namin. "May bukas na kayang bakery sa ganitong oras?" Tanong ko kay Alex."Meron na siguro. Teka titignan ko." Kumuha muna siya ng tuwalya bago lumabas.Dahil wala pa naman si Alex na-una na akong maligo sa kanya dahil pag siya ang inantay ko paniguradong ma la-late kami pareho. Pagkatapos kung maligo nag suot ako ng military T-shirt at short bago ang military pants ko saka ko tinock-in ang t-shirt doon. Nag-suot na din ako ng sinturon at combat habang si Alex naman ang sumunod na naligo sa akin.Kumuha na muna ako ng binili niyang tinapay bago nag blower ng buhok para itali. Sinuot ko na rin ang relo ko at isa-isang inilabas ang mga military bag sa sala. Dinamay ko na rin ilabas ang mga gamit ni Alex dahil ayaw ko ng mabagal.Maya maya pa lumabas na rin ng C.R si Alex suot ang uniform niya. Nagpupunas pa siya ng buhok habang may tangay-tangay na tinapay sa bibig. "Aki pasilip nga kung nandiyan na si Arciaga sa labas, papasukin mo na muna." Utos niya bago pumasok sa kwarto.Paglabas ko naman ay sakto lang din ang dating ni Arciaga dala ang sasakyan na gagamitin namin papuntang Headquarters. Agad siyang sumaludo nang makita ako. "Good morning Ma'am!" Bati niya.Tumango ako sa kanya, "Pumasok ka muna sa loob dahil nag-aayos pa si Alex." Aniko bago tumingin sa relo. Mabuti at may dalawang oras pa kaming natitira. "Nag kape ka na ba?""Yes, Ma'am.""Alam mo ilagay na muna pala natin 'tong mga gamit sa sasakyan." Tinuro ko pa ang apat na military bag na nasa sofa"Sige po, Ma'am.." Akma na sana niyang kukuhain ang mga gamit nang lumabas si Alex sa kwarto. "Ma'am Alex. . ." Umayos siya ng tayo."Hi, good morning!" Masayang bati niya kay Arciaga. "Wait lang ah, matatapos na rin naman ako.""Okay lang po. Maaga pa naman po." Sagot ni Arciaga. Kinuha niya mga bag tsaka isinukbit 'yon lahat sa katawan niya.Dahil wala na rin naman akong gagawin kinuha ko na lang ang military jacket at cap ko para suotin. Pagkatapos nun ay inubos ko na muna ang kape ko tsaka lumabas na."Nasa 'yo na ba yung susi, Aki?" Sigaw ni Alex."Oo!" Sigaw ko rin."Sige wait lang patayin ko lang mga ilaw. . ."Paglabas ko ng gate may liwanag na at may mga tao na dumadaan doon. Napatingin pa sa akin yung iba naming kapitbahay pag labas ko."Okay na ako!" Sigaw ni Alex habang patakbo na lumapit sa akin. Mukang nagulat pa siya nang makita niya na may mga tao na sa labas tapos naka tingin pa sa amin. "Hala! Ako lang 'to!" Aniya bigla kaya nagugulat na napatingin ako sa kanya."Gago a****a. . ." Mahinang sabi ko."Duty na ulit?" Tanong nung kapitbahay naming may tindahan."Opo!" Sagot naman ni Alex.Tumango lang ako ng ngitian ako ng kausap ni Alex. Nauna na rin akong umupo sa passenger side dahil ayaw ko naman na rin makipag-usap sa kanila. Kung hindi ko pa pinindot ang busina ng sasakyan hindi pa papasok si Alex dito sa loob! Chismosa!"Sarap makipag chikahan sa kanila." Aniya habang umuupo sa likod namin.Napairap nalang ako saka sumenyas kay Arciaga na umalis na. Tumingin ulit ako sa relo ko. . . 5:58 na? Ang bilis naman!Kung minamalas ka nga naman, hindi pala sapat ang isang oras sa byahe para marating namin yung headquarters. Late lang naman kami ng 45 minutes dahil sa traffic na nadaanan namin malapit dito sa area. Ang aga-aga traffic agad!"Hala lagot tayo nito!" Natatakot na sabi ni Alex bago humarap kay Arciaga, "Masungit ba si Captain?"Napatingin ako sa kanila habang kinukuha ang isang military bag."Hindi ko po alam Ma'am. . ." Sagot ni Arciaga."Hala! Baka punishment agad ang makukuha natin dito."Pag pasok namin sa loob bumungad na agad sa amin ang ilang sundalo na nag tr-training at yung iba naman nag-exercise. Karamihan sa kanila mga lalaki at mukang nabibilang lang sa kamay ang babae sa team na 'to.Pare-pareho kaming natigil sa pag lalakad nang may isang grupo ng mga sundalo ang palapit sa amin. A man in the center caught my attention. He's tall with a muscular body. Tama lang iyon sa tangkad niya. His eyes, eyebrows, lips and nose are perfect even his jaw! Lakas maka main character."Salute, Sir!" Sabay na sabi ni Alex at Arciaga habang nakasaludo.Kumunot ang noo niya sa dalawa kaya napakunot din ako ng noo. Ganoon nalang ang kaba ko ng tumingin siya sa akin ng masama. Tumaas ang kilay niya tsaka ako tinignan mula ulo hanggang paa.Isa lang ang sigurado ko. . . Hindi kami mag kakasundo ng lalaking to!"Ruiz sumaludo ka." Bulong ni Alex sa akin.Napatingin ako bigla sa kamay ko. "Salute, Sir!" Aniko agad tsaka sumaludo. Nakalimutan kong sumaludo sa sobrang gwapo niya!Hindi nawala ang tingin niya sa akin. Humakbang siya palapit na halos maamoy ko na ang pabango niya. Ang dalawa niyang kamay ay nasa likod at ang tayo niya ay napakatindig. Maganda ang katawan niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit bagay sa kanya ang uniform niya."I am Captain King Adrian Vendalle. . . I will be your senior here in this camp." He said in full of authority.Soon....AKI"In my office, now." He said before walking away. Pareho kaming nag baba ng kamay matapos niya kaming talikuran. Sumunod sa kanya ang mga kasama niyang sundalo maliban sa isa. Lumapit 'yon sa amin kaya napa-ayos ulit kami ng tayo at sumaludo sa kanya na agad din naman siyang sumaludo pa balik."I'm first lieutenant Salazar," inilahad niya ang kamay niya. Unang tumanggap nun si Alex kasunod ako. "Staff Sergeant Medina po." Pakilala naman ni Alex. "Staff Sergeant Ruiz." Pakilala ko rin. "Private first class Arciaga naman po, Sir." Pagpapa-kilala rin ni Gerald. "Welcome to our team!" Nakangiting aniya. "Ihahatid ko nalang sa barracks ninyo ang mga gamit niyo pero as of now, sumunod na muna kayo kay Captain sa office niya. Late kasi kayo, first day niyo panaman." "Ah Ma'am, Sir, mawalang galang lang po. . . Kailangan ko na rin po kasi bumalik kay General Orlando para mag report. Mauuna na po ako." Tumindig siya at sumaludo. "Sige, salamat at mag-ingat ka." Aniko. "Bye!" Pahabo
AKI"Attention!" Lahat kami umayos ng formation matapos marinig si Captain. Palapit siya sa gawi namin kasama ang maraming sundalo na bagong recruit. Kompleto kami dito sa field kasama halos lahat ng sundalo na pinamumunuan niya. Pumuwesto ako sa harap kung saan katabi ko si Alex. Pumunta sa harap si Captain habang si Lieutenant Salazar naman ay tumayo sa tabi ko. Wala sa sarili akong napalingon kay Alex na ngayon ay nakatingin na pala sa akin. "Palit us pwesto." Nakangiting bulong niya.Pinagkunutan ko siya ng noo bago nag-iwas ng tingin. Agad naman nakuha ni Captain ang atensyon ko ng mag simula siyang mag salita. Una niyang kinausap ang mga sundalong kararating lang at sa dami niyang sinabi ni isa wala talaga akong naintindihan. "Akesha come here!" Biglang tawag niya sa akin. Ramdam ko ang pag tingin sa aking ng karamihan dahil sa paraan ng pag tawag niya. Kahapon niya pa ako tinatawag ng Akesha. Akesha siya ng Akesha pwede naman kasing Ruiz. "Double time!" Nayayamot na aniy
AKI"It's a goddamn death threat, Ruiz!" Galit na galit si Lieutenant General habang sinasabi sa akin iyon. Hindi pa nga ako nakaka-upo nasigawan niya na ako. "Sorry, Sir." Nakayukong sabi ko."We're working on it na, Sir. I already told my soldiers what to do. . . I already talked to her na rin naman po." Singit ni Captain. Is he trying to cover me up? "She's not thinking, Vendalle! She even just threw it away. She ignored it!" He's so mad at me. Nanatili akong nakayuko dahil hindi ko alam kung makakatingin pa ba ako ng diretso sa kanila dahil sa kapabayaan ko. Pero hindi naman ibig sabihin wala akong ginawa wala na akong pake sa nangyayari. "Hindi mo ba iniisip na hindi lang ikaw ang pwedeng mapahamak kung ituloy man ni Hunter ang pag hunting sayo? Lahat ng sundalo na narito pwedeng madamay kung ipagpapatuloy mo 'yang ugali mo!" Tumayo si Sir Hernandez tsaka humawak sa mag kabilang baywang, "Tell me your reason. . ." "Sir. . . Actually, iniisip ko lang po na baka may nantr-tr
AKI"Akala ko ba bibigyan mo ako ng leave?" Nagtatakang tanong ko sa kanya."Nag bago na isip ko." Sagot niya at umupo sa sofa. "Magpahinga kana dahil marami pa tayong trabaho bukas." Napakunot ang noo ko, "You know what? I realized na hindi pa ako okay kaya tinatanggap ko na ang offer mo na leave para sa akin. Bukas na bukas pirmado ko na agad yung letter." Sumama ang tingin niya sa akin. "Sa nakikita ko okay ka naman at malakas na. Hindi ka naman nabalian ng buto o nabaril kaya anong dahilan para mag leave ka?" Masungit na aniya. "Ang gulo mo po." Napanguso ako."Matulog ka na lang." Utos niya "Kagigising ko lang kaya!" Angal ko agad. "Tsaka hindi ka na ba babalik sa HQ?" Usisa ko."Ell knows what to do even without me." Muli siyang tumayo at kumuha ng tubig. "Besides, i can't leave you here dahil pakalat-kalat lang si Hunter." Aniya at uminom ng tubig."You can go, Captain. . . Masyado na akong nakaka-abala sa'yo." Mahinang sabi ko. "No." Mabilis niyang sabi. Inayos niya ang
AKI"Tawagin mo si Captain dali!""Ma'am--" Pinigilan niya ako nang magtangka akong tumakbo para sundan yung lalaki. "Hindi ka po pwede umalis mag-isa." Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko.Kumapa ako sa gilid ko para kuhain ang baril ko pero wala iyon doon dahil hindi ko pa pala suot ang holster ko. Malakas kong tinabig ang kamay niya at kinuha ang baril na nakalagay sa holster niya. "Tawagin mo si Captain and that's an order!" Seryosong sabi ko bago tumakbo. "Tabi! Tumabi kayo bilis!" Malakas na sigaw ko sa mga nurse, doctor at ilang mga pasyente na nasa labas ng kanilang mga kwarto. "Shit!" Mura ko nang makitang pumasok ito sa fire exit. "Ma'am ano pong nangyayari?" Lumapit sa akin yung dalawang guwardiya ng ospital. "May armadong lalaki ang nakapasok dito kaya hinahabol ko but for now, clear the whole area!" Aniko at tumakbo na para habulin muli ang lalaki. Nang tuluyan kong marating ang fire exit ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. We are on the third floor kaya hindi ko
AKI"I told you to stay at the hospital until she's finally recover you didn't follow me!" Sigaw ni Captain kay Alex.It's 7 o'clock in the morning but we are here in the office together with Alex and Sir Salazar. Captain King scolded us for what we've done yesterday. . . It's too early to be reprimanded for Pete's sake! I'm not in my mood to argue with this person. "And you Ell? I already told you not to agree with any decision she makes!" Nagagalit naman na sabi niya kay Sir Salazar. "I get her point, King. It's safer for her if she stays here atleast wala pang madadamay na ibang tao kung maulit man yung nangyari sa inyo doon." Kalmadong ani Sir Salazar. Tf he stay calm in this situation? Porket bestfriend hindi na takot? Nevermind."If you're planning to punish us just give it all to me. It's all my fault. 'Wag mo na silang idamay pa dito. Dismiss them and let them do their job at ako na lang ang parusahan mo." Suhestiyon ko. They both look at me after saying those words. Alex
AKI "Natapos rin." Pagod na pagod kong inayos ang mga folder na katatapos ko lang basahin. Halos inabot ako ng gabi dahil sa ibang impormasyon na hindi nagtutugma sa ibang scene. Parang hindi magiging madali ang paghuli namin kay Hunter. Napa hilot ako sa sintido ko ng makaramdam ng hilo. Simula kaninang tanghali pala hindi ako kumain. I checked my phone, and it's 6:36 pm na at ang naalala ko isang bread lang ang kinain ko kaninang umaga. I massage the back of my neck before standing up. Naka-hawak pa ko sa batok ko habang naglalakad palapit kay Captain na hanggang ngayon ay natutulog pa rin. Unlike earlier, he is not pale anymore. Mukang nakatulong talaga sa kanya ang mag pahinga muna at wag mag trabaho dahil hindi na siya mukang may sakit. He's sleeping like a baby. Ang gwapo kahit anong anggulo. "Baka matunaw ako niyan, Akesha." He suddenly opened his eyes and directly met mine. Sa gulat ko naman ay napaatras ako at napahawak pa sa dibdib ko. "What are you, an ice cream para
AKIIsang malakas na sampal sa kaliwa kong pisngi ang bumungad sa akin nang tuluyan akong makapasok sa kwarto kung saan naka confine si Akiro. Napahawak ako sa pisngi ko at dahan-dahan na nilingon ang gumawa nun. "Ma. . ." Halos manginig ang boses ko. She was standing in front of me and ready to slap me for another one. "Ang kapal ng mukha mo para mag pakita dito!" She slapped me again on the other side of my face. "Tita Ali!" Lumapit na sa amin si Alex. "Tita please. . ." Nagmamaka-awang aniya kay Mama. Hinawakan niya ang mga kamay ni mama at nilayo ito ng kaonti sa akin. Dinala niya si mama sa kabilang side kung saan naroon sila Sir Salazar at General Orlando. Sa likod ko naman si Captain at Lieutenant General Hernandez na alam kong nagulat na din sa nangyayari. Captain was holding me from the back. Panay ang pigil nila kay mama dahil nagtangka na naman itong lumapit sa akin. I was just crying so hard dahil iyon lang naman ang magagawa ko, and nothing hurts more seeing Akiro ly
AKI "Captain manganganak na ako!" Malakas na sigaw ko mula dito sa kwarto nang naramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. Hawak-hawak ko ang tiyan ko habang dahan-dahan na nag lakad papunta sa kama para maupo. "Tang-ina ang sakit!" Napapikit ako at napahawak ng mahigpit sa kama nang maramdaman ang paghilab sa tiyan ko. "Love!" Tawag ko ulit. Mayamaya ay narinig ko ang pag bukas ng pinto mula sa office at mabilis na yapak mula roon. "Love, I'm here! Why are you shouting my na— what the heck?!" Natigilan siyang bigla.Nakasuot pa siya ng pantulog sa pang-ibaba at white longsleeve at coat sa pang itaas. May hawak pa siyang mga papeles sa kamay niya na agad niyang nabitawan nang makita akong mangiyak-ngiyak na sa sakit. Umupo siya sa harap ko at hinaplos-haplos ang tiyan at pisngi ko. "Love, anong nangyari?! Saan masakit? Anong gagawin ko? Okay ka lang ba? Pupunta na ba tayo ng hospital? A-Ano? S-Saan masakit? Dito ba?" "Pumutok na yung panubigan ko. Kunin mo yung mga gamit ni ba
KING "Pre, Ruiz is back!" Cedrick shouted from outside my office. My heart was beating so fast as I heard him. I put down the files I was reading and stared at the door. After 4 years, she's back. I stood up and walked towards the door and opened it. I saw Cedrick sitting on the chair waiting for me so I sat beside him. "Alex told me." Cedrick says. "Kailan pa daw?" I asked."Kanina lang daw. Hinatid niya sa Kampo nila General Orlando. Back to duty na daw ulit.""Bakit doon? Bakit hindi sa akin?" I frowned."I don't know." Nilingon niya ako. "Gusto mo puntahan natin?" I smirked, "Pupuntahan ko talaga siya kahit di mo ako yayain." "Tsk. Mahal na mahal?" Napangiwi pa siya. "Why are you like that, Ell? You already have a girlfriend but you are always acting so bitter." I rolled my eyes on him."Eh ikaw, bakit ka ganyan? Why are you still inlove with her even though she left you?" "She has her reason, Ell. I understand her." Agad na nangunot ang noo niya sa akin. "Edi puntahan
AKI"Bakit kailangan pati ikaw iwan ako?" Agad na tumulo ang mga luha ko nang sabihin ang mga salitang iyon. Naging malabo na ang tingin ko sa lapida dahil sa mga luha ko na walang tigil sa pag tulo. Naka-upo ako ngayon dito sa lupang may damo habang umiiyak. "Ang daya mo." Tuluyan na akong napahagulgol sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Paano mo ako nagawang iwan ng ganun-ganun lang?! Bakit? Bakit ka ganyan?! Bakit hindi man lang tayo nakapag-usap ng maayos bago mo ako iniwan bigla?" "Bakit ba lagi niyo na lang akong iniiwan?" After a years, ito ang unang beses kong pumunta sa sementeryo kung saan nakalibing ang mga mahal ko sa buhay. Simula nung nawala sila sa buhay ko kahit kailan hindi ko sinubukang puntahan sila dito. Ayoko. Hindi ko kaya. Hindi kaya ng konsensya ko na makita ang mga pangalan nila na nakasulat sa lapida. "N-Naging masamang anak ba talaga ako? Masamang tao ba ako? Bakit sa tuwing may gagawin akong desisyon may napapahamak na iba? Siguro Kuya Akhill
AKI "Captain Garcia will accompany you to Masbate." General Orlando said. Napakunot agad ako ng noo. "Bakit po ako pupunta doon? Bakit siya kasama?" tinuro ko pa si Ethan. "Masbate is in a critical situation. Nag patawag sila ng reinforcement dito para makatulong sa kanila. Hindi na maganda ang lagay ng mga tropa na naroon dahil mas lumalakas ang pwersa ng mga terorista. . . Pamilyar ka naman siguro sa Black Qatil?" Tumango ako. "Yes, Sir.""Sila ang nasa likod sa lahat ng nangyayari sa masbate ngayon." "Sila yung grupo ni Hunter, hindi po ba?" "Yes, nag kainteres sila sa lugar dahil naka-away ng isa sa nasa politiko ang leader ng Black Qatil. Naka lockdown na ang ilan sa mga lugar doon dahil desidido talaga ang grupo ng Black Qatil makuha ang buong lugar para makaganti kay Governor Silang. " "Si Captain po? Ano po ang lagay niya doon?" Nag-aalala kong tanong. Bumuntong hininga siya bago nag salita. "He is one of the hostages of Black Qatil group." "A-Ano?!" Agad na dumaloy s
AKI "Akhin, Keisha, I'm home!" I shouted as I entered the door. Nauna na akong pumasok dito sa loob kasi nagpa-park pa ng kotse si Captain. May hawak-hawak pa akong supot ng jollibee. Bumili kasi kami kanina on the way dahil isa ito sa mga favorite nilang dalawa."Mommy!" It's Keisha, she is running towards me. "Mommy!" She immediately hugged me on my legs. Umupo ako at nilapag ang jollibee sa gilid ko, "Hi baby! How are you?" Hinawi ko ng kaonti ang bangs niya na tumatakip sa mata niya. "I'm good!" She said and giggled. "I miss you, Mommy!" Niyakap niya ulit ako at hinalikan sa labi. "I miss you too, Anak. Where's your Kuya and Tito Daddy?" Nilibot ko ang tingin ko sa sala at kusina pero hindi ko sila nakita doon. "Upstairs, Mommy." She said, "We have pasalubong! Yehey!" Napatalon pa siya sa sobrang saya. "Akhin! Kuya!" Pagtawag ko nang hindi pa rin sila bumababa. "Mommy!" Sigaw ni Akhin mula sa pinaka dulo ng hagdan sa taas. "Yehey!" Halos liparin na niya ang hagdan sa sobra
AKIR-18"Anong pangalan nila?" He asked. Nandito pa rin kami sa sala at naka-upo sa sofa. Mag kalayo kaming dalawa pero mag kaharap lang. Kanina pa ako umiiyak habang siya tahimik lang na nakatingin sa akin. "Akhin and Keisha." Halos hindi ko na iyon mabanggit ng maayos dahil sa sobrang pag-iyak ko. "Anong ginagamit nilang surname?" "Yung sayo." "Paano nangyari 'yon?""Pinapirmahan sayo ni kuya Akiro yung birth certificate nila nung lasing ka daw." Pagku-kwento ko habang wala pa ring tigil sa pag-iyak. "What? Kaya niya ako nilasing para mapirmahan ko yun?" "Oo." "Wow. . ." Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. "All this time he knew? Pero sa tuwing hinahanap kita sa kanya ang lagi niyang sinasabi hindi niya alam." "Nakiusap kasi ako na 'wag sabihi—""That's bullshit! Anak ko din naman sila, Akesha!" Tumaas ang boses niya. Mas lalo akong napayuko at umiyak. Wala na nagsalita sa amin dalawa. Bukod sa tunog mula sa ulan, puro pag-iyak ko ang naririnig namin pareho. Nara
AKIDahan-dahan akong nagmulat ng mata nang nakaramdam ako ng pangangalay sa kaliwang braso ko. Napainda pa ako habang mabagal kong ginagalaw ang nangangalay kong braso. "Shit naman." Mahinang aniko habang mahinang hinihilot ang braso ko. Nakasimangot akong nagmulat ng mata. Napabalikwas ako ng bangon nang makita ko kung nasaan ako ngayon. Hala! Nakatulog pala ako dito sa sofa ng opisina ni Captain habang umiiyak kanina."Teka anong oras na ba?" Nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras. "Shit! Shit! Shit!" Napamura na lang ako ng makitang ala una na ng madaling araw. Nag mamadali kong hinanap ang number ni kuya Akiro para itanong kung kamusta na yung kambal pero natigilan ako bigla nang makitang hindi pala ako nag-iisa dito sa opisina."Captain!" Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita ko siyang naka-upo sa swivel chair niya at nakakunot noo na nakatingin sa akin. "Bakit hindi ka man lang nagsasalita diyan?!" Pinagkunutan ko din siya noo. "Wal
AKI A/N: This chapter is the continuation of the prologue (Reporting for Duty) "Akala ko ba mahal niya pa ako? Bakit kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala?" Umiiyak na tanong ko kay Alex. Andito kami ngayon sa harap ng kwarto ko. Kakaalis lang ni Captain ngayon at naiwan ako ditong umiiyak. Hawak-hawak ko pa ang singsing na binalik niya sa akin kanina lang. "Hindi na niya ako mahal. . ." Panay ang pag-iyak ko kay Alex. Hinagod niya ang likod ko para patahanin. "Sabi ko naman sayo kahapon diba? Mahihirapan kang suyuin yun kasi nga galit 'yon sayo. After 4 years ito ang unang beses niyong nag kita. Intindihin mo na lang muna si Captain, Aki." "Bakit kailangan niya ibalik 'tong singsing sa akin? Para ano? Para konsensyahin ako? Para mas lalo akong maguilty sa pag-iwan ko sa kanya?" "Hindi naman siguro. . . Baka gusto niya lang ibalik sayo kasi diba sa'yo naman talaga—""Ang sabihin mo gusto niya lang talagang mag dusa ako sa ginawa ko sa kanya! Gusto niya ipaalala sa
AKI "Akhin, Keisha! Bumaba na kayo at kailangan niyo na kumain!" I shouted from our dinning area. Kanina pa ako tawag nang tawag sa kanila pero hindi pa rin sila lumalapit sa akin. Ang kukulit talaga ng mga batang 'to! Unti-unti ko na talagang nakikita ang ugali ko sa kanila. "Mommy we are coming!" It's my baby girl, Keisha. "Mommy, Sasha hit me!" It's my baby boy, Akhin. He called her sister Sasha, mas sanay siya sa tawag na iyon. Napahilot ako sa sintido ko bago kinuha ang hinanda kong almusal sa kanila. Narinig ko ang mga takbo nila palapit dito sa dining area. Pareho ko silang nilingon nang pareho silang yumakap sa binti ko. Umupo ako at hinarap silang pareho, "Sasha, why did you do that to your kuya?" Mahinahon kong tanong."I didn't do it intentionally, Mommy. I almost tripped kaya humawak ako sa arm niya. . . Sorry, Kuya Akhin." Aniya at lumapit siya sa kuya niya para yakapin ito. "I'm sorry." She cutely said. "You're forgiven, Sister!" Mabilis niyang sabi at yumakap din