Book 2: Christopher Cruz and Shiela Torres story.
Blurb Namuhay ng mag-isa si Shiela matapos mawala ang magulang at malayo sa nag-iisang kapatid. Nang makilala niya si Christopher Cruz o kilala bilang Chris, na isang bagong saltang negosyante sa bayan ng Cebu ay agad nahulog ang kanyang loob. Nagpakasal sila ngunit... bigla itong nagbago at naging malupit. Ang lalakeng inibig dahil sa maginoo at marespeto nitong pagtrato sa kanya ay biglang naging masama matapos ang kasal. Labis siyang nagdusa sa piling nito sa hindi malamang dahilan. Anong gagawin niya sa oras na matuklasang ginamit lang pala siya ni Chris, pinaibig at inuto para lang makapaghiganti sa kasalanang nagawa ng kanyang kapatid?ISANG mahaba at satisfying na ungol ang pinakawalan ni Chris matapos mailabas ang gigil, frustrations at katas sa babaeng kaniig.Bago pa man niya hugutin ang sandata ay tuluyan itong nawalan ng malay dahil sa marahas niyang pamamaraan sa pakikipagtalik. Ngunit sa halip na makonsensya ay walang-awa niya lamang itong tiningnan na basang-basa ang mukha dahil sa pinaghalong pawis at luha.Bumangon siya sa kama at iniwang nakatiwangwang ang babaeng hubo't hubad, ni hindi niya man lamang ito nagawang kumutan. Matapos ay kumuha ng sigarilyo at lighter nang may kumatok sa pinto."Ano 'yun?" aniya na hindi na pinagpatuloy ang paninigarilyo. Pinulot na lamang niya ang boxer saka sinuot upang harapin ang taong nasa labas ng kwarto."Pasensya na sa istorbo, Sir, pero ayaw niya talagang magsalita," saad ng assistant na si Jeric."Pinahirapan niyo ba?"Tumango si Jeric bilang tugon."Baka naman nagiging malambot kayo ro'n sa tao? Hindi niyo yata pinapahirapan, e?" ani Chris."Hindi po, Sir. Gaya n
MARAHANG nagmulat ng mata si Shiela. Nang bumungad sa kanya ang galit na galit na pagmumukha ni Chris. "'Wag!" hiyaw niya sa takot saka sinalag ang dalawang braso.Ilang sandali pa ay minulat niya ang mga mata saka lang napagtanto na wala naman talaga sa kanyang harapan ang asawa. Isang aparisyon ang kanyang nakita dahil sa trauma'ng naranasan mula kay Chris.Parang isang bangungot na paulit-ulit niyang nakikita ang nanlilisik nitong mga mata habang siya ay inaangkin. Na kahit anong pagmamakaawang gawin ay para itong bingi sa kanyang mga daing.Pumikit siyang muli at sunod-sunod na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa tuwing naaalala kung paano'ng ang lalakeng minamahal ay ganoon na lamang ang galit sa kanya na animo ay isa siyang hayop.Makailang beses niyang inisip kung ano ang kanyang naging mali? Kung paparusahan man siya, bakit ganito kalupit?Hindi ganito ang pinangarap niyang buhay nang pakasalan si Chris. Ang lalakeng nakilala at pinaibig siya nang husto. Ang lalakeng nagpa
SA ARAW na iyon ay maagang nag-inspeksyon si Chris kasama ang assistant at ilang tauhan bago magtungo sa sariling opisina.Magdadalawang taon pa lamang siya sa Cebu ay marami-rami na siyang naipatayong negosyo na kasosyo ang ilang kilalang angkan sa lugar.Kasalukuyan silang nasa kotse at patungo sa susunod na distinasyon nang bahagyang bumagal ang daloy ng trapiko."Ilan na lang ba ang pupuntahan natin?" tanong ni Chris."Tatlo na lamang po, Sir," tugon ni Jeric.Habang naghihintay na umusad ang sasakyan ay tumunog ang cellphone ni Jeric. Sinagot naman agad ng assistant at saglit na nakipag-usap sa caller.Matapos ang tawag ay nilingon si Chris na nasa backseat. "Sir, tumawag po ang isa nating tauhan na naiwan sa apartment para magbantay. Naro'n na ang Doctor para sa regular check-up kaso... biglang nagwala si Ma'am Shiela sa puntong nasasaktan na niya ang sarili," pahayag ni Jeric.Pumikit at napahilot sa magkabilang sintido si Chris gamit ang isang kamay. Bukod sa mga negosyo, ay i
BUMABIYAHE na ang kotse patungo sa airport nang biglang magbago ang isip ni Chris."Jeric, ikaw na lang ang sumundo sa kapatid ko sa airport at babalik ako sa apartment," aniya.Lumingon si Jeric mula sa passenger seat. "Bakit po, Sir?"Napahawak at bahagyang nilaro ni Chris ang sariling labi habang nag-iisip. "Dahil paniguradong hahanapin niya sa'kin si Shiela sa oras na magkita kami. Pagsundo niyo sa kanya ay dumiretso kayo sa mansion, 'wag niyong ipapaalam na nasa apartment ako. Sabihin mo rin na nagbakasyon kami.""Kung magtatanong po siya kung saan lugar kayo nagbakasyon, sasabihin ko po ba?"Naningkit ang mga mata ni Chris, muling napaisip. "Hindi, dahil siguradong susunod siya kung nasa'n ako. Makulit ang kapatid kong 'yun. Kapag nagtanong ay sabihin mo'ng hindi ako nagsabi ng lokasyon.""Masusunod po, Sir."Matapos ay inutusan ni Chris ang driver na ibaba na lamang siya sa tabi."Ihahatid na lamang namin kayo pabalik, Sir," saad ng driver."Hindi na kailangan," tanggi ni Chris
PAREHONG nagkatitigan nang matagal at magkasabay ding naghintay ng reaksyon sa isa't isa sina Zia at Jeric.Si Zia upang buksan nito ang saradong bahay at payagan siyang pumasok sa loob.At si Jeric naman ay upang bawiin nito ang sinabi at bumalik na lamang sila sa mansion."Ano?" kalaunan ay tanong ni Zia.Napakurap si Jeric. "Ahm... ano po kasi--"Biglang tumunog ang cellphone ni Zia. "Hello, mahal?" sagot naman agad."Kasama mo na ba si Chris?" ani Louie."Hm... oo," pagsisinungaling ni Zia. Bago kasi siya payagan na umalis mag-isa ay nag-alok muna si Louie na ito na lamang ang bahalang umasikaso sa pinaggagagawa ni Chris.Ngunit agad niyang pinigilan ang asawa at baka ikasama pa ng loob ng kapatid ang panghihimasok nila sa buhay nito. Hindi baleng sa kanya na lamang magtampo huwag lang kay Louie at baka mauwi pa sa pag-aaway. Mahirap na at pareho pa naman mainit ang dugo sa isa't isa. Baka maungkat pa ang mga nakaraang hindi na dapat pang balikan.At least sa kanya ay hindi magawa
MAKALIPAS ang apat na araw ay nagpasiya na si Zia na umalis at bumalik sa Metro Manila.Gustuhin niya man magtagal upang hintayin ang pagbabalik ng kapatid mula sa bakasyon 'daw' nito ay iniisip niya naman ang sariling pamilya na naiwan lalo na ang dalawang anak na mimiss na niya nang sobra.Narito siya ngayon sa backseat ng kotse at malapit ng makarating sa airport. Kasama niya si Jeric na siyang nagmamaneho at nag-insist na ihatid siya patungo sa paliparan.Tahimik na nakatanaw si Zia sa labas ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga establisyemento na nadadaanan nila."Talaga bang nagbakasyon si Kuya kasama ang asawa nitong si Shiela?" biglang tanong ni Zia.Humigpit ang hawak ni Jeric sa manibela, nang muntikan na niyang maipreno ang kotse sa nakakabigla nitong tanong.Bago pa man makasagot ang assistant ay muling nagsalita si Zia habang ang tingin ay nananatili pa rin sa labas, "Kung pagtatakpan mo'ng muli si Kuya ay mas mabuti pa'ng 'wag ka na lang magsalita."At hindi na nga nagtangk
NANG tuluyang makalayo kay Mia ay tumigil si Zia sa paglalakad. Matapos ay kinuha ang cellphone upang tawagan ang asawa."Hello, napatawag ka, mahal, nasa airport ka na ba?" ani Louie mula sa kabilang linya."Pinasusundan mo na naman ba ako sa mga bodyguard mo?"Natahimik at hindi kaagad nakasagot si Louie. "Gusto ko lang siguraduhin na safe ka sa lahat ng oras at pagkakataon. 'Wag ka sanang magalit."Napabuntong-hininga si Zia. "Ayos lang, pero sana'y sinabi mo na agad para hindi ako clueless.""Okay, sorry, 'di na mauulit. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo rito at pag-uusapan natin ang tungkol dito," ani Louie.Si Zia naman ngayon ang saglit na nanahimik dahil hindi maalis sa isip niya si Chris at ang kapatid ni Mia. "Mahal, may nalalaman ka ba tungkol kay Kuya?"Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Louie mula sa kabilang linya. "Matapos mo'ng sabihin ang nangyayari kay Chris ay agad ko siyang pina-imbestigahan. Pero hanggang do'n lang, wala akong ginawang iba a
HABANG papalapit ay ngumiti si Zia. Bumaba naman ng ilang baitang si Shiela kaya nagmadali siyang humakbang upang maalalayan ito."Kamusta ka? Balita ko'y buntis ka ngayon," aniya.Namimilog ang mga mata ni Shiela sa pagkamangha habang kaharap ang kapatid ng asawa. Hindi niya akalaing mabait ito at maganda, parang anghel sa ganda."O-Oo, salamat," aniya nang hindi malaman kung ano ang sasabihin."Pwede ka bang makausap?"Bago makatango si Shiela ay sumabat na si Chris, "Dito lang sa makikita ko, Zia."Nagbago ang ekspresyon ni Zia, biglang tumapang nang lingunin ang kapatid. "Wala kang dapat ipag-alala, Kuya. Gusto ko lang siyang kausapin."Iyon lang talaga ang gagawin ni Zia matapos makita ang itsura ni Shiela. Ang payat nito at halatang kulang sa nutrisyon, tapos ay nagdadalang-tao pa. Kung sasabihin niya ang totoo ay baka mapaano pa ang batang pinagbubuntis nito at ayaw niya iyong mangyari.Inalalayan niya si Shiela na makababa ng hagdan saka sila naupo sa sofa kung saan ay tahimik