HABANG papalapit ay ngumiti si Zia. Bumaba naman ng ilang baitang si Shiela kaya nagmadali siyang humakbang upang maalalayan ito."Kamusta ka? Balita ko'y buntis ka ngayon," aniya.Namimilog ang mga mata ni Shiela sa pagkamangha habang kaharap ang kapatid ng asawa. Hindi niya akalaing mabait ito at maganda, parang anghel sa ganda."O-Oo, salamat," aniya nang hindi malaman kung ano ang sasabihin."Pwede ka bang makausap?"Bago makatango si Shiela ay sumabat na si Chris, "Dito lang sa makikita ko, Zia."Nagbago ang ekspresyon ni Zia, biglang tumapang nang lingunin ang kapatid. "Wala kang dapat ipag-alala, Kuya. Gusto ko lang siyang kausapin."Iyon lang talaga ang gagawin ni Zia matapos makita ang itsura ni Shiela. Ang payat nito at halatang kulang sa nutrisyon, tapos ay nagdadalang-tao pa. Kung sasabihin niya ang totoo ay baka mapaano pa ang batang pinagbubuntis nito at ayaw niya iyong mangyari.Inalalayan niya si Shiela na makababa ng hagdan saka sila naupo sa sofa kung saan ay tahimik
TININGNAN ng driver ang address sa punit na papel saka napakamot sa ulo. "Pasensiya na, Miss pero malayo 'to. Dalawang oras ang biyahe.""Ayos lang, Manong. Magbabayad naman ako," ani Zia.Muling napakamot sa likod ng ulo ang taxi driver. "Sige Miss, ihahatid ko kayo ro'n."Matapos ay tahimik na itong nagmaneho. At gaya nga ng sinabi ay inabot sila ng dalawang oras sa biyahe. Bumagal ang takbo ng sasakyan sa isang kalye na ang mga nakatayong bahay ay dikit-dikit at parang pinagtagpi-tagpi."Nandito na tayo, Miss," saad ng driver."Salamat, Manong," ani Zia saka nagbayad ng doble dahil talagang malayo ang kanilang nilakbay."Salamat, pero Miss. Taga-rito ba kayo?" tanong ng driver."Hindi, pero may hinahanap kasi akong tao.""Naku, baka mapa'no ka kung mag-isa ka lang papasok sa kalye na 'yan. Gusto mo bang samahan kita?""Salamat na lang po pero may kasama ako," ani Zia.Tumango lang ang driver at hindi na nagpumilit pang tumulong. Matapos ay bumaba na sa taxi si Zia. Hinintay lang ni
MATAPOS makalabas sa eskenita ay kinausap ni Zia ang dalawang kasamang bodyguard. "Pwedeng makisabay sa inyo? Babalik na 'ko sa airport.""Wala pong problema, Ma'am.""Sige po, Ma'am."Magkasabay na tugon ng dalawa. Nang nasa loob na ng sasakyan ay tinawagan ni Zia ang kapatid."Nakauwi ka na ba?" tanong ni Chris mula sa kabilang linya."Oo, kararating ko lang," tugon ni Zia.Ang mga kasamang bodyguard ay pasimpleng tumingin sa kanya sa walang kaabog-abog na pagsisinungaling."Kuya, may nakalimutan akong sabihin kay Shiela. Pakibigay ang cellphone at pakausap sa kanya.""Anong gusto mong sabihin at ako na lang ang magsasabi," ani Chris."Gusto ko siyang makausap, Kuya."Isang pagod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris mula sa kabilang linya. "Sige, sandali at pupuntahan ko lang sa kwarto."Ilang sandali pa ay kausap na ni Zia sa kabilang linya ang hipag, "Hello, Shiela. 'Wag kang papahalata kay Kuya, okay? 'Yung pinakiusap mo sa'kin nagawa ko na. Mabuti ang kalagayan ng kaibiga
BIGLANG naglaho ang lib*g na nararamdaman ni Chris. Pinulot niya sa sahig ang nagkalat na dokumento saka tiningnan si Shiela."Oo, makikipaghiwalay ako sa'yo."Pinakatitigan ni Shiela ang mga mata ng asawa kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luha. "B-Bakit? Anong nagawa ko'ng mali?""Wala, Shiela. Siyempre, wala pero... naisip ko'ng tigilan na natin 'to. Kaya pirmahan mo na 'tong divorce papers."Nag-uunahang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela. Nang ibigay nito ang dokumento ay tila sinasaks*k ng isang libong karayom ang kanyang puso. Hindi niya akalaing darating ang araw na ito dahil buong akala niya... babalik sa dati ang kanilang relasyon. Maling akala lang pala iyon.Marahas niyang pinunasan ang luha sa pisngi at nanginginig ang kamay na binasa ang nilalaman ng divorce papers.Wala siyang makukuha mula kay Chris kahit pisong duling ngunit hindi naman iyon ay naghatid sa kanya ng takot ng sandaling iyon.Nakasaad sa dokumento na mapupunta ang bata kay Chris at hindi sa kan
TILA gumuho ang mundo ni Shiela sa natuklasan. Nagsimula siyang umakto nang kakaiba at nagsisisigaw sa pasilyo ng mansion sanhi upang magkasabay na lumabas ng study room ang dalawa."Anong nangyayari sa'yo, Shiela?" nagtatakang tanong ni Chris."Narinig kita! Nagsinungaling ka sa'kin!" hiyaw ni Shiela na sapo-sapo ang noo tila parang mababaliw.Nagsimulang mag-hysterical kaya lumapit na si Chris upang pakalmahin ito. "Huminahon ka!""Hindi!" makaputol-litid na sigaw ni Shiela saka sinimulang saktan si Chris. Pinaghahahampas niya ang dibdib nito. "Niloko mo 'ko!"Ininda naman ni Chris ang hampas at suntok hanggang sa dumating ang ilang tauhan upang mapigilan itong nagwawala na."Dalhin niyo siya sa kwarto at tumawag ng Doctor para mapakalma," utos niya na agad sinunod ng mga tauhan.Matapos ay nagkatinginan silang dalawa ni Myrna na bakas ang kaba at pag-aalala. "M-Mukhang narinig niya po tayo, Sir.""Mas mainam na rin siguro. Soon or later ay malalaman niya rin naman.""Pero... nakaka
NASAKTAN si Chris sa mga nasabi ni Zia. Hindi niya akalaing darating ang araw na mamumuhi sa kanya ng ganito ang kapatid na pinakamamahal.Simula bata ay sila lang ang magkasangga ngunit ngayon..."Sige... kung gusto mo talaga siyang makita ay puntahan mo. Nasa likod siya ng mansion pero 'wag mo'ng lalapitan o hahawakan dahil nananakit. Tuluyan na siyang... nabaliw."Napahikbi si Zia at nasasaktan si Chris na makitang nagkakaganoon ang kapatid ng dahil sa ibang tao. Nilapitan niya ito at niyakap. "Tahan na, 'wag ka nang umiyak."Ilang minuto silang ganoon hanggang sa tumigil si Zia at nagpasiyang puntahan si Shiela.Tatlo silang nagtungo roon. Siya, si Zia at si Jeric.Sa labas ng kwarto ng dating asawa ay may nakabantay na dalawang tauhan. Tuloy-tuloy si Zia nang pigilan niya at paalalahanan. "'Wag mo siyang lalapitan, okay?"Binawi lang nito ang braso saka tuluyang pumasok sa loob habang siya ay nanatili sa labas, walang balak magpakita.Sa pagpasok ay natigilan si Zia. Nakita niyan
HINDI lang ang basong hawak ang nabasag maging ang puso ni Shiela nang makitang may ibang kahalikan ang lalakeng minamahal.Sobrang sakit makitang may iba na ito sa loob ng maikling panahon simula ng sila ay maghiwalay.Gusto niyang sumigaw, manumbat ngunit maging ang sariling boses ay hindi niya mahanap. Tuluyan siyang napipi."Shiela..."Nang banggitin ni Chris ang pangalan niya habang may kayakap na babae ay saka lang siya tuluyang nakagalaw at nagmamadaling umalis."S-Sandali lang, Shiela!" habol ni Chris nang mabilis na pigilan ni Irene sa braso."Where are you going? Susundan mo siya't iiwan ako?"Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chris sa dalawang babae, nahihirapan kung sino ang pipiliin. Sa huli ay inalis niya ang kamay ni Irene sa braso. "Hintayin mo 'ko rito't babalik agad ako." Sabay takbo palayo upang sundan si Shiela."Chris!" tawag ni Irene na hindi makapaniwalang ang dati nitong asawa ang pipiliin sa halip na siya. Frustrated at nagpapadyak siya sa inis.Samantalang nakar
NANLILISIK at halatang gustong manakit ni Irene habang naka-amba na ang dalawang kamay kaya napaatras si Shiela.Bago pa man makapanakit ay nagawa na agad niya itong pigilan sa magkabilang braso. "A-Anong ginagawa mo?!""Bitawan mo 'ko!" nakakarinding hiyaw ni Irene saka nagpupumiglas.Ngunit hindi ito binibitawan ni Shiela sa pangambang baka manakit sa oras na pakawalan niya. "Bakit mo ba 'to ginagawa, wala akong kasalanan sa'yo!""Anong wala?! Ang kapal ng mukha mong dumikit pa rin kay Chris kahit hiwalay na kayo. Ang isang babaeng katulad mo ay dapat magising sa katotohanang ako na ngayon ang makakasama niya!"Hindi na kaya pang tagalan ni Shiela ang pagpupumiglas nito kaya ginamitan na niya ng puwersa upang hindi siya masaktan. Sanhi kaya nabuwal sa lupa si Irene at naghihiyaw sa inis."Walanghiya kang babae ka!""Pwede ba, wala akong ginawang masama kaya kung ako sa'yo ay umalis ka na!" ani Shiela saka piniling bumalik sa bahay."Ako na ang mahal ni Chris ngayon kaya 'wag mo'ng t
SA ISANG IGLAP ay tumulo ang luha sa mga mata ni Chantal. Halo-halo ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon pero mas nanaig ang galit at pagkabigo.Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ni Archie. Oo, siya itong nakipaghiwalay pero ni minsan ay hindi niya kinalantari si Edward o ibang lalake. Ginamit niya man ang binata pero hindi siya humantong sa kahit na anong physical touch.Si Archie mismo ang paulit-ulit na nagsasabing walang namamagitan na relasyon kay Heather pero ano itong nakikita niya ngayon?Sa huli, sa halip na sugurin ang dalawa ay umalis na lamang siya at bumalik sa restaurant. "Excuse po, sa'n dito ang restroom niyo?""A-Ayos lang kayo, Ma'am?" tanong ng waitress sabay turo sa direksyon ng restroom. "Doon banda, Ma'am."Tumango lang si Chantal bilang pasasalamat saka nagmamadaling magtungo roon. Hindi siya pwedeng bumalik sa table na ganoon ang kanyang itsura, paniguradong tatanungin siya ng pamilya kung bakit siya umiiyak.Pumasok siya sa isa sa mga cubicle saka i
BAGO pa man makakilos si Chantal ay binuksan na agad ni Archie ang pinto ng kotse at hinila siya palabas. "S-Sandali, nasasaktan ako!" exaggerated niyang sabi kahit hindi naman ganoon kahigpit ang pagkakahawak nito."Lumabas ka riyan, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka sumasagot!" inis na sabi ni Archie.Nang walang ano-ano ay hinawakan ni Edward ang braso nito. "Pare, nasasaktan mo na ang kapatid mo.""Hindi ko siya kapatid!" sumabog na ng tuluyan si Archie saka tinabig ang kamay nitong nakahawak.Hindi naman nagustuhan ni Edward ang inasal nito kaya lumabas siya sa kotse upang harapin ang binata.Naalarma naman si Chantal, kinakabahan na baka magkagulo ang mga ito kaya lumabas na rin siya sa sasakyan at humarang sa pagitan ng dalawa. "Please, 'wag kayong mag-aaway." Saka hinarap si Archie. "Nanuod lang kami ng movie kaya sorry kung hindi ko napansin ang tawag mo."Para naman walang narinig si Archie at nakipagsukatan pa ng masamang tingin kay Edward. "Sugod," paghahamon pa niy
SA HALIP na sagutin ang tanong ay ngumisi lang si Archie at pagkatapos ay isinubsob ang mukha sa balikat ng dalaga.Hindi naman iyon nagustuhan ni Chantal dahil amoy na amoy niya ang alak sa katawan nito. "Ano ba, ang baho mo!" Saka ito tinulak-tulak.Ngunit hindi natinag si Archie at niyakap lang ito nang mahigpit. "Miss na miss na kita.""Lasing ka na!" reklamo ni Chantal saka pilit kumakawala. Nang matagumpay na maialis ang braso nitong nakapulupot sa kanyang bewang ay agad siyang umalis sa kama. "Umalis ka na bago pa may makapansin." Sabay turo sa pinto.Kumurap-kurap si Archie at sa isang iglap ay bigla na lang sumigaw, "Ba't ganyan ka sa'kin?!"Napasinghap at nataranta si Chantal sa ginawa nito. Natatakot siyang baka marinig ito ng kasama nila sa bahay. Kaya dali-dali siyang lumabas ng kwarto matapos kunin ang phone. Tumakbo siya hanggang sa makababa ng hagdan.Kapag lasing si Archie, kailangan niya lang hindi magpakita para hindi siya kulitin. Dahil kapag hindi siya lumayo ay p
SIMULA ng bumalik si Chantal sa Baguio ay lagi na niyang dinadahilan na busy siya sa tuwing pinapauwi kapag may okasyon. Kung hindi naman ay sinasadya niya talagang wala si Archie, nalalaman niya iyon kapag tinatawagan niya si Asher o hindi kaya si Amber.Sa loob ng limang buwan ay hindi siya umuuwi hanggang sa dumating ang Christmas holiday.Hapon ng araw na iyon ng dumating siya sa bahay. Mahigpit na yakap sa bewang ang sinalubong ng kapatid."Mabuti naman at nandito ka na, Ate! Kanina pa kita hinihintay," excited na sabi ni Amber.Hinaplos naman ni Chantal ang buhok nito. "Sina Mama at Papa?""Si Papa, wala pa pero si Mama ay nasa kitchen, nagluluto."May lumapit naman na katulong at nag-alok na ito na lamang ang mag-aakyat ng bagahe sa kwarto.Hinayaan naman ni Chantal at sumunod kasama ang kapatid. "Si Asher, nasa'n?""Nasa room... Si kuya Archie naman ay hindi pa umuuwi like Papa," tugon ni Amber.Medyo natigilan saglit si Chantal ng banggitin nito ang pangalan ni Archie. Hindi
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod