NANG tuluyang makalayo kay Mia ay tumigil si Zia sa paglalakad. Matapos ay kinuha ang cellphone upang tawagan ang asawa."Hello, napatawag ka, mahal, nasa airport ka na ba?" ani Louie mula sa kabilang linya."Pinasusundan mo na naman ba ako sa mga bodyguard mo?"Natahimik at hindi kaagad nakasagot si Louie. "Gusto ko lang siguraduhin na safe ka sa lahat ng oras at pagkakataon. 'Wag ka sanang magalit."Napabuntong-hininga si Zia. "Ayos lang, pero sana'y sinabi mo na agad para hindi ako clueless.""Okay, sorry, 'di na mauulit. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo rito at pag-uusapan natin ang tungkol dito," ani Louie.Si Zia naman ngayon ang saglit na nanahimik dahil hindi maalis sa isip niya si Chris at ang kapatid ni Mia. "Mahal, may nalalaman ka ba tungkol kay Kuya?"Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Louie mula sa kabilang linya. "Matapos mo'ng sabihin ang nangyayari kay Chris ay agad ko siyang pina-imbestigahan. Pero hanggang do'n lang, wala akong ginawang iba a
HABANG papalapit ay ngumiti si Zia. Bumaba naman ng ilang baitang si Shiela kaya nagmadali siyang humakbang upang maalalayan ito."Kamusta ka? Balita ko'y buntis ka ngayon," aniya.Namimilog ang mga mata ni Shiela sa pagkamangha habang kaharap ang kapatid ng asawa. Hindi niya akalaing mabait ito at maganda, parang anghel sa ganda."O-Oo, salamat," aniya nang hindi malaman kung ano ang sasabihin."Pwede ka bang makausap?"Bago makatango si Shiela ay sumabat na si Chris, "Dito lang sa makikita ko, Zia."Nagbago ang ekspresyon ni Zia, biglang tumapang nang lingunin ang kapatid. "Wala kang dapat ipag-alala, Kuya. Gusto ko lang siyang kausapin."Iyon lang talaga ang gagawin ni Zia matapos makita ang itsura ni Shiela. Ang payat nito at halatang kulang sa nutrisyon, tapos ay nagdadalang-tao pa. Kung sasabihin niya ang totoo ay baka mapaano pa ang batang pinagbubuntis nito at ayaw niya iyong mangyari.Inalalayan niya si Shiela na makababa ng hagdan saka sila naupo sa sofa kung saan ay tahimik
TININGNAN ng driver ang address sa punit na papel saka napakamot sa ulo. "Pasensiya na, Miss pero malayo 'to. Dalawang oras ang biyahe.""Ayos lang, Manong. Magbabayad naman ako," ani Zia.Muling napakamot sa likod ng ulo ang taxi driver. "Sige Miss, ihahatid ko kayo ro'n."Matapos ay tahimik na itong nagmaneho. At gaya nga ng sinabi ay inabot sila ng dalawang oras sa biyahe. Bumagal ang takbo ng sasakyan sa isang kalye na ang mga nakatayong bahay ay dikit-dikit at parang pinagtagpi-tagpi."Nandito na tayo, Miss," saad ng driver."Salamat, Manong," ani Zia saka nagbayad ng doble dahil talagang malayo ang kanilang nilakbay."Salamat, pero Miss. Taga-rito ba kayo?" tanong ng driver."Hindi, pero may hinahanap kasi akong tao.""Naku, baka mapa'no ka kung mag-isa ka lang papasok sa kalye na 'yan. Gusto mo bang samahan kita?""Salamat na lang po pero may kasama ako," ani Zia.Tumango lang ang driver at hindi na nagpumilit pang tumulong. Matapos ay bumaba na sa taxi si Zia. Hinintay lang ni
MATAPOS makalabas sa eskenita ay kinausap ni Zia ang dalawang kasamang bodyguard. "Pwedeng makisabay sa inyo? Babalik na 'ko sa airport.""Wala pong problema, Ma'am.""Sige po, Ma'am."Magkasabay na tugon ng dalawa. Nang nasa loob na ng sasakyan ay tinawagan ni Zia ang kapatid."Nakauwi ka na ba?" tanong ni Chris mula sa kabilang linya."Oo, kararating ko lang," tugon ni Zia.Ang mga kasamang bodyguard ay pasimpleng tumingin sa kanya sa walang kaabog-abog na pagsisinungaling."Kuya, may nakalimutan akong sabihin kay Shiela. Pakibigay ang cellphone at pakausap sa kanya.""Anong gusto mong sabihin at ako na lang ang magsasabi," ani Chris."Gusto ko siyang makausap, Kuya."Isang pagod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris mula sa kabilang linya. "Sige, sandali at pupuntahan ko lang sa kwarto."Ilang sandali pa ay kausap na ni Zia sa kabilang linya ang hipag, "Hello, Shiela. 'Wag kang papahalata kay Kuya, okay? 'Yung pinakiusap mo sa'kin nagawa ko na. Mabuti ang kalagayan ng kaibiga
BIGLANG naglaho ang lib*g na nararamdaman ni Chris. Pinulot niya sa sahig ang nagkalat na dokumento saka tiningnan si Shiela."Oo, makikipaghiwalay ako sa'yo."Pinakatitigan ni Shiela ang mga mata ng asawa kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luha. "B-Bakit? Anong nagawa ko'ng mali?""Wala, Shiela. Siyempre, wala pero... naisip ko'ng tigilan na natin 'to. Kaya pirmahan mo na 'tong divorce papers."Nag-uunahang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela. Nang ibigay nito ang dokumento ay tila sinasaks*k ng isang libong karayom ang kanyang puso. Hindi niya akalaing darating ang araw na ito dahil buong akala niya... babalik sa dati ang kanilang relasyon. Maling akala lang pala iyon.Marahas niyang pinunasan ang luha sa pisngi at nanginginig ang kamay na binasa ang nilalaman ng divorce papers.Wala siyang makukuha mula kay Chris kahit pisong duling ngunit hindi naman iyon ay naghatid sa kanya ng takot ng sandaling iyon.Nakasaad sa dokumento na mapupunta ang bata kay Chris at hindi sa kan
TILA gumuho ang mundo ni Shiela sa natuklasan. Nagsimula siyang umakto nang kakaiba at nagsisisigaw sa pasilyo ng mansion sanhi upang magkasabay na lumabas ng study room ang dalawa."Anong nangyayari sa'yo, Shiela?" nagtatakang tanong ni Chris."Narinig kita! Nagsinungaling ka sa'kin!" hiyaw ni Shiela na sapo-sapo ang noo tila parang mababaliw.Nagsimulang mag-hysterical kaya lumapit na si Chris upang pakalmahin ito. "Huminahon ka!""Hindi!" makaputol-litid na sigaw ni Shiela saka sinimulang saktan si Chris. Pinaghahahampas niya ang dibdib nito. "Niloko mo 'ko!"Ininda naman ni Chris ang hampas at suntok hanggang sa dumating ang ilang tauhan upang mapigilan itong nagwawala na."Dalhin niyo siya sa kwarto at tumawag ng Doctor para mapakalma," utos niya na agad sinunod ng mga tauhan.Matapos ay nagkatinginan silang dalawa ni Myrna na bakas ang kaba at pag-aalala. "M-Mukhang narinig niya po tayo, Sir.""Mas mainam na rin siguro. Soon or later ay malalaman niya rin naman.""Pero... nakaka
NASAKTAN si Chris sa mga nasabi ni Zia. Hindi niya akalaing darating ang araw na mamumuhi sa kanya ng ganito ang kapatid na pinakamamahal.Simula bata ay sila lang ang magkasangga ngunit ngayon..."Sige... kung gusto mo talaga siyang makita ay puntahan mo. Nasa likod siya ng mansion pero 'wag mo'ng lalapitan o hahawakan dahil nananakit. Tuluyan na siyang... nabaliw."Napahikbi si Zia at nasasaktan si Chris na makitang nagkakaganoon ang kapatid ng dahil sa ibang tao. Nilapitan niya ito at niyakap. "Tahan na, 'wag ka nang umiyak."Ilang minuto silang ganoon hanggang sa tumigil si Zia at nagpasiyang puntahan si Shiela.Tatlo silang nagtungo roon. Siya, si Zia at si Jeric.Sa labas ng kwarto ng dating asawa ay may nakabantay na dalawang tauhan. Tuloy-tuloy si Zia nang pigilan niya at paalalahanan. "'Wag mo siyang lalapitan, okay?"Binawi lang nito ang braso saka tuluyang pumasok sa loob habang siya ay nanatili sa labas, walang balak magpakita.Sa pagpasok ay natigilan si Zia. Nakita niyan
HINDI lang ang basong hawak ang nabasag maging ang puso ni Shiela nang makitang may ibang kahalikan ang lalakeng minamahal.Sobrang sakit makitang may iba na ito sa loob ng maikling panahon simula ng sila ay maghiwalay.Gusto niyang sumigaw, manumbat ngunit maging ang sariling boses ay hindi niya mahanap. Tuluyan siyang napipi."Shiela..."Nang banggitin ni Chris ang pangalan niya habang may kayakap na babae ay saka lang siya tuluyang nakagalaw at nagmamadaling umalis."S-Sandali lang, Shiela!" habol ni Chris nang mabilis na pigilan ni Irene sa braso."Where are you going? Susundan mo siya't iiwan ako?"Nagpalipat-lipat ang tingin ni Chris sa dalawang babae, nahihirapan kung sino ang pipiliin. Sa huli ay inalis niya ang kamay ni Irene sa braso. "Hintayin mo 'ko rito't babalik agad ako." Sabay takbo palayo upang sundan si Shiela."Chris!" tawag ni Irene na hindi makapaniwalang ang dati nitong asawa ang pipiliin sa halip na siya. Frustrated at nagpapadyak siya sa inis.Samantalang nakar
HINAYAAN ni Shiela na yakapin siya ni Chris. Ngunit nang may dumaan na motor ay mabilis pa siya sa alas-kuwatro na kumawala."Kailangan ko nang pumasok sa loob para makapagpahinga na," aniya.Humakbang naman si Chris at akma pang susunod nang lingunin niya. "Sorry pero, hindi ko gustong tumanggap ng kahit sinong bisita ngayon. Bumalik ka na lang sa Manila.""Pero, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"Napabuntong-hininga si Shiela. "Matagal ko nang tanggap na darating ang panahon na matutuon sa iba ang atensyon ni Archie. Na balang-araw ay maga-asawa ka ulit at magkakaroon siya ng step-mom."Seryosong nakatitig si Chris, hindi maproseso ng utak ang sinasabi nito. Hindi niya matanggap na susukuan na lamang ni Shiela ang lahat. "Naririnig mo bang sinasabi mo? Gusto mong mag-asawa ako't magkaroon ng ibang Ina si Archie?!""Anong masama ro'n? Basta maaalagaan nang maayos ang anak ko ay walang problema--""Shiela!" biglang taas ng boses ni Chris. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa iba, dahil
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy