Share

Chapter 2

MARAHANG nagmulat ng mata si Shiela. Nang bumungad sa kanya ang galit na galit na pagmumukha ni Chris. "'Wag!" hiyaw niya sa takot saka sinalag ang dalawang braso.

Ilang sandali pa ay minulat niya ang mga mata saka lang napagtanto na wala naman talaga sa kanyang harapan ang asawa. Isang aparisyon ang kanyang nakita dahil sa trauma'ng naranasan mula kay Chris.

Parang isang bangungot na paulit-ulit niyang nakikita ang nanlilisik nitong mga mata habang siya ay inaangkin. Na kahit anong pagmamakaawang gawin ay para itong bingi sa kanyang mga daing.

Pumikit siyang muli at sunod-sunod na umagos ang luha sa kanyang mga mata. Sa tuwing naaalala kung paano'ng ang lalakeng minamahal ay ganoon na lamang ang galit sa kanya na animo ay isa siyang hayop.

Makailang beses niyang inisip kung ano ang kanyang naging mali? Kung paparusahan man siya, bakit ganito kalupit?

Hindi ganito ang pinangarap niyang buhay nang pakasalan si Chris. Ang lalakeng nakilala at pinaibig siya nang husto. Ang lalakeng nagpa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status