PAREHONG nagkatitigan nang matagal at magkasabay ding naghintay ng reaksyon sa isa't isa sina Zia at Jeric.Si Zia upang buksan nito ang saradong bahay at payagan siyang pumasok sa loob.At si Jeric naman ay upang bawiin nito ang sinabi at bumalik na lamang sila sa mansion."Ano?" kalaunan ay tanong ni Zia.Napakurap si Jeric. "Ahm... ano po kasi--"Biglang tumunog ang cellphone ni Zia. "Hello, mahal?" sagot naman agad."Kasama mo na ba si Chris?" ani Louie."Hm... oo," pagsisinungaling ni Zia. Bago kasi siya payagan na umalis mag-isa ay nag-alok muna si Louie na ito na lamang ang bahalang umasikaso sa pinaggagagawa ni Chris.Ngunit agad niyang pinigilan ang asawa at baka ikasama pa ng loob ng kapatid ang panghihimasok nila sa buhay nito. Hindi baleng sa kanya na lamang magtampo huwag lang kay Louie at baka mauwi pa sa pag-aaway. Mahirap na at pareho pa naman mainit ang dugo sa isa't isa. Baka maungkat pa ang mga nakaraang hindi na dapat pang balikan.At least sa kanya ay hindi magawa
MAKALIPAS ang apat na araw ay nagpasiya na si Zia na umalis at bumalik sa Metro Manila.Gustuhin niya man magtagal upang hintayin ang pagbabalik ng kapatid mula sa bakasyon 'daw' nito ay iniisip niya naman ang sariling pamilya na naiwan lalo na ang dalawang anak na mimiss na niya nang sobra.Narito siya ngayon sa backseat ng kotse at malapit ng makarating sa airport. Kasama niya si Jeric na siyang nagmamaneho at nag-insist na ihatid siya patungo sa paliparan.Tahimik na nakatanaw si Zia sa labas ng sasakyan, pinagmamasdan ang mga establisyemento na nadadaanan nila."Talaga bang nagbakasyon si Kuya kasama ang asawa nitong si Shiela?" biglang tanong ni Zia.Humigpit ang hawak ni Jeric sa manibela, nang muntikan na niyang maipreno ang kotse sa nakakabigla nitong tanong.Bago pa man makasagot ang assistant ay muling nagsalita si Zia habang ang tingin ay nananatili pa rin sa labas, "Kung pagtatakpan mo'ng muli si Kuya ay mas mabuti pa'ng 'wag ka na lang magsalita."At hindi na nga nagtangk
NANG tuluyang makalayo kay Mia ay tumigil si Zia sa paglalakad. Matapos ay kinuha ang cellphone upang tawagan ang asawa."Hello, napatawag ka, mahal, nasa airport ka na ba?" ani Louie mula sa kabilang linya."Pinasusundan mo na naman ba ako sa mga bodyguard mo?"Natahimik at hindi kaagad nakasagot si Louie. "Gusto ko lang siguraduhin na safe ka sa lahat ng oras at pagkakataon. 'Wag ka sanang magalit."Napabuntong-hininga si Zia. "Ayos lang, pero sana'y sinabi mo na agad para hindi ako clueless.""Okay, sorry, 'di na mauulit. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik mo rito at pag-uusapan natin ang tungkol dito," ani Louie.Si Zia naman ngayon ang saglit na nanahimik dahil hindi maalis sa isip niya si Chris at ang kapatid ni Mia. "Mahal, may nalalaman ka ba tungkol kay Kuya?"Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Louie mula sa kabilang linya. "Matapos mo'ng sabihin ang nangyayari kay Chris ay agad ko siyang pina-imbestigahan. Pero hanggang do'n lang, wala akong ginawang iba a
HABANG papalapit ay ngumiti si Zia. Bumaba naman ng ilang baitang si Shiela kaya nagmadali siyang humakbang upang maalalayan ito."Kamusta ka? Balita ko'y buntis ka ngayon," aniya.Namimilog ang mga mata ni Shiela sa pagkamangha habang kaharap ang kapatid ng asawa. Hindi niya akalaing mabait ito at maganda, parang anghel sa ganda."O-Oo, salamat," aniya nang hindi malaman kung ano ang sasabihin."Pwede ka bang makausap?"Bago makatango si Shiela ay sumabat na si Chris, "Dito lang sa makikita ko, Zia."Nagbago ang ekspresyon ni Zia, biglang tumapang nang lingunin ang kapatid. "Wala kang dapat ipag-alala, Kuya. Gusto ko lang siyang kausapin."Iyon lang talaga ang gagawin ni Zia matapos makita ang itsura ni Shiela. Ang payat nito at halatang kulang sa nutrisyon, tapos ay nagdadalang-tao pa. Kung sasabihin niya ang totoo ay baka mapaano pa ang batang pinagbubuntis nito at ayaw niya iyong mangyari.Inalalayan niya si Shiela na makababa ng hagdan saka sila naupo sa sofa kung saan ay tahimik
TININGNAN ng driver ang address sa punit na papel saka napakamot sa ulo. "Pasensiya na, Miss pero malayo 'to. Dalawang oras ang biyahe.""Ayos lang, Manong. Magbabayad naman ako," ani Zia.Muling napakamot sa likod ng ulo ang taxi driver. "Sige Miss, ihahatid ko kayo ro'n."Matapos ay tahimik na itong nagmaneho. At gaya nga ng sinabi ay inabot sila ng dalawang oras sa biyahe. Bumagal ang takbo ng sasakyan sa isang kalye na ang mga nakatayong bahay ay dikit-dikit at parang pinagtagpi-tagpi."Nandito na tayo, Miss," saad ng driver."Salamat, Manong," ani Zia saka nagbayad ng doble dahil talagang malayo ang kanilang nilakbay."Salamat, pero Miss. Taga-rito ba kayo?" tanong ng driver."Hindi, pero may hinahanap kasi akong tao.""Naku, baka mapa'no ka kung mag-isa ka lang papasok sa kalye na 'yan. Gusto mo bang samahan kita?""Salamat na lang po pero may kasama ako," ani Zia.Tumango lang ang driver at hindi na nagpumilit pang tumulong. Matapos ay bumaba na sa taxi si Zia. Hinintay lang ni
MATAPOS makalabas sa eskenita ay kinausap ni Zia ang dalawang kasamang bodyguard. "Pwedeng makisabay sa inyo? Babalik na 'ko sa airport.""Wala pong problema, Ma'am.""Sige po, Ma'am."Magkasabay na tugon ng dalawa. Nang nasa loob na ng sasakyan ay tinawagan ni Zia ang kapatid."Nakauwi ka na ba?" tanong ni Chris mula sa kabilang linya."Oo, kararating ko lang," tugon ni Zia.Ang mga kasamang bodyguard ay pasimpleng tumingin sa kanya sa walang kaabog-abog na pagsisinungaling."Kuya, may nakalimutan akong sabihin kay Shiela. Pakibigay ang cellphone at pakausap sa kanya.""Anong gusto mong sabihin at ako na lang ang magsasabi," ani Chris."Gusto ko siyang makausap, Kuya."Isang pagod na buntong-hininga ang pinakawalan ni Chris mula sa kabilang linya. "Sige, sandali at pupuntahan ko lang sa kwarto."Ilang sandali pa ay kausap na ni Zia sa kabilang linya ang hipag, "Hello, Shiela. 'Wag kang papahalata kay Kuya, okay? 'Yung pinakiusap mo sa'kin nagawa ko na. Mabuti ang kalagayan ng kaibiga
BIGLANG naglaho ang lib*g na nararamdaman ni Chris. Pinulot niya sa sahig ang nagkalat na dokumento saka tiningnan si Shiela."Oo, makikipaghiwalay ako sa'yo."Pinakatitigan ni Shiela ang mga mata ng asawa kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa luha. "B-Bakit? Anong nagawa ko'ng mali?""Wala, Shiela. Siyempre, wala pero... naisip ko'ng tigilan na natin 'to. Kaya pirmahan mo na 'tong divorce papers."Nag-uunahang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela. Nang ibigay nito ang dokumento ay tila sinasaks*k ng isang libong karayom ang kanyang puso. Hindi niya akalaing darating ang araw na ito dahil buong akala niya... babalik sa dati ang kanilang relasyon. Maling akala lang pala iyon.Marahas niyang pinunasan ang luha sa pisngi at nanginginig ang kamay na binasa ang nilalaman ng divorce papers.Wala siyang makukuha mula kay Chris kahit pisong duling ngunit hindi naman iyon ay naghatid sa kanya ng takot ng sandaling iyon.Nakasaad sa dokumento na mapupunta ang bata kay Chris at hindi sa kan
TILA gumuho ang mundo ni Shiela sa natuklasan. Nagsimula siyang umakto nang kakaiba at nagsisisigaw sa pasilyo ng mansion sanhi upang magkasabay na lumabas ng study room ang dalawa."Anong nangyayari sa'yo, Shiela?" nagtatakang tanong ni Chris."Narinig kita! Nagsinungaling ka sa'kin!" hiyaw ni Shiela na sapo-sapo ang noo tila parang mababaliw.Nagsimulang mag-hysterical kaya lumapit na si Chris upang pakalmahin ito. "Huminahon ka!""Hindi!" makaputol-litid na sigaw ni Shiela saka sinimulang saktan si Chris. Pinaghahahampas niya ang dibdib nito. "Niloko mo 'ko!"Ininda naman ni Chris ang hampas at suntok hanggang sa dumating ang ilang tauhan upang mapigilan itong nagwawala na."Dalhin niyo siya sa kwarto at tumawag ng Doctor para mapakalma," utos niya na agad sinunod ng mga tauhan.Matapos ay nagkatinginan silang dalawa ni Myrna na bakas ang kaba at pag-aalala. "M-Mukhang narinig niya po tayo, Sir.""Mas mainam na rin siguro. Soon or later ay malalaman niya rin naman.""Pero... nakaka
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha